CHAPTER FOUR

673 Words
IVAN POINT OF VIEW Habang nakasakay ako sa elevator ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang bago kong sekretarya. Ano naman kaya ang gagawin ko? I'm attracted to her. Siguradong kapag ilang araw pa kaming nagkasama ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Ilang buwan na rin ang lumipas nang magpigil akong gawin 'yon sa ibang babae dahil sa pagpapakamatay ng ex-girlfriend ko na si Lily. Lahat na lang kasi sila ay ako ang sinisisi. Kung alam lang nila ang dahilan. Ang tunay na dahilan kung bakit siya nagpakamatay. Kung sabagay, siguradong natutuwa ngayon si Lily sa nangyayari sa akin ngayon. Napatingin na lang ako sa itaas para tigilan na ang madramang gumugulo sa isip ko. "3rd floor..." Bakit ang tagal? Nagulat ako nang sumakay siya sa elevator. Nag-init tuloy ang paligid. Lahat ng employees ko dito, lahat sila takot na sumabay sa akin. Of course, I'm the President, kaya ko silang tanggalin agad-agad sa isang pagkakamali lang. Pero siya... Sumakay lang siya nang walang pakialam. Hindi ko maiwasang tingnan siya. Nakasuot siya ngayon ng fitted red dress at kitang-kita ang hubog ng katawan niya tapos napakaputi niya pa. Napapikit ako habang nagpipigil. I want to kiss her . . . right away. "Sir? May problema po ba?" Nakataas ang kilay niya nang tumingin sa akin at pagkatapos ay humarap pa siya. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator at.... at... "Aahhhh!" sigaw niya at gulat na yumakap sa akin nang bigla na lang huminto ang elevator na sinasakyan namin. I feel her — Oh, s**t! Lumayo ako sa kanya at nagpanggap na masungit para medyo lumayo siya sa akin. Tumalikod ako sa kanya at napapikit. Kaya ko pa 'to... Ivan, kaya mo pang magpigil. Kaya pa. "Sorry, sir. Kasi—" "No, it's okay," sagot ko na may kasamang mostra na ayos lang. Mabuti na lang at ilang minuto lang din ay umandar na ang elevator na sinasakyan namin. Paglabas namin, nakahinga ako nang maluwag. ZARINA POINT OF VIEW Plan A, failed. It's time for plan B. I must seduce him to make him fall. Tapos konti-konti kong dudurugin ang puso niya. Hanggang magparang buhangin na sa sobrang pagkadurog. Tinignan ko siya nang masama habang lumalakad na siya palayo sa akin. IVAN POINT OF VIEW "Ang tagal mo naman sa CR? Anong ginawa mo, ah?" nakangising bati sa akin ni Clyde. "Malamang hindi na niya napigilan," natatawang sabat naman ni Christian. "Bakit nandito kayong dalawa?" naniningkit kong tanong sa kanilang dalawa. "Wow, insan! Ang sexy nga niya, 'no?" "At ang ganda pa," natutuwa nilang panimula sabay fist pump. "Pwede ba? Marami pa kong gagawin." Pagputol ko sa kaligayahan nila. "Hindi naman ikaw ang pinunta namin dito," nakangisi nilang sabi. "Eh, sino?" taas kilay kong tanong habang dahan-dahang umuupo. "Sino pa?! Edi 'yung secretary mo. Gusto lang namin malaman kung totoo ba 'yung sinasabi mo." "Tawagin mo siya dali." "Tigilan niyo nga akong dalawa." "Ang sungit nito. Secretary mo naman siya." Sakto naman ang pagkatok ni Zarina sa pinto. "Yes?" gulat na tanong ko sa kanya habang sinusubukang hindi magpahalata. Todo ngisi naman ang dalawa kaya tinignan ko sila nang 'umayos kayo' look. Lumakad palapit sa amin si Zarina at todo cheer naman ang dalawa. Tinataasan baba nila ko ng kilay at ngisi nang ngisi na ikinakakunsumi ko. "Sir, ito po ang mga schedule niyo for this day," paliwanag ni Zarina habang inaabot ang folder sa akin. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa dibdib niya nang yumuko siya sa harapan ko pero mabilis ko ring binawi ang tingin dahil sa dalawang pinsan ko na todo na ang pagngisi. Pagkalabas ni Zarina sa office ko ay agad akong napatayo habang naghihiyawan naman 'yung dalawa at tumawa nang tumawa. "s**t! Nakita niyo na? 'Yun ba ang way ng mga magulang ko para patinuin ako?!" hindi mapakaling tanong ko sa kanilang dalawa. "Mukhang type ka pa nga niya, e," biro naman ni Clyde sa akin. "Oo nga, tapos tingnan mo naman ang suot, ang hot kaya." Nag-aapir na tawanan pa nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD