CHAPTER FIVE

587 Words
ZARINA POINT OF VIEW "Anak? Nabalitaan ko na nagtatrabaho ka pala ngayon sa kumpanya?" panimula ni Mama habang sabay-sabay kaming kumakain ng hapunan. "Bakit naman nagtaka ka pa? Sa ganda at talino ng anak natin, gano'n talaga! Haha! Hindi ba, Zarina?" Natutuwang baling ni Papa sa akin sabay kindat. Kahit pa ang plano ko lang naman talaga ay maghiganti. Sobra pa rin ang tuwa nila dahil nakapasok ako sa malaking kumpanya. Napahinto ako sa pagkain nang makita ko ang masasayang mukha ng mga magulang ko. Kung malalaman nila ang tunay na dahilan ng pagpasok ko sa kumpanya at ang mga plano ko, siguradong itatakwil nila ko. Napayuko ako habang nag-iisip. Mahalaga sa akin si Lily at eto na ang pagkakataon ko para makapaghiganti. Kung sabagay, hindi naman nila malalaman. IVAN POINT OF VIEW Ilang oras na kong naghihintay sa labas ng kumpanya. Hinihintay ko ang pagpasok ni Zarina. Mukhang tanga lang, 'di ba? Secretary ko naman siya. May karapatan naman akong tawagan siya na pumasok na agad pero nandito pa rin ako sa labas at matiyagang naghihintay. Ewan ko ba -_- Parang gusto ko siyang makasabay pumasok at makasakay ulit sa elevator. "Hay, mukha akong tanga sa ginagawa ko," naaasar kong bulong sa sarili ko habang tumitingin sa paligid. "Sir? May hinihintay ka po?" Halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko nang kalabitin niya ko mula sa gilid. Speechless tuloy ako at 'di alam ang sasabihin. Hay! Ba't ba ko nagkakaganito dahil lang sa kanya? Playboy naman ako dati at sanay ako sa mga babae pero si Zarina, iba siya. Hindi ko alam kung anong pinagkaiba niya sa mga babaeng nakikita ko pero hindi siya maalis sa isip ko. Kahit na kung manamit siya ay sobrang iksi at maninipis. Parang karesperespeto pa rin siyang tingnan. "Sir?" nagtataka na niyang tanong. 'Di ko siya pinansin at nagtungo na papasok sa kumpanya namin. Alam kong kasunod ko lang siya kaya naman nauna na ko. ZARINA POINT OF VIEW Tss... Ang sungit. Bigla na lang umaalis kinakausap, e. Hay, nako, Lily! Paano mo ba nagustuhan 'yung ganitong lalaki? Gwapo siya. Oo, pero 'yung ugali. Hayyyyyy! Pagpasok namin sa elevator, tinignan-tingnan ko siya. Ayos talaga manamit as always. Malamang siya ang president, Zarina. Edi na tsismis pa 'yan kung mukhang pulubi na pumasok sa kumpanya. Hay, utak kang talaga. Kung baga sa buko, malauhog. Tsk! "Bakit tingin ka ng tingin?" seryosong tanong niya. Nabalik ako sa ulirat at natakot sa mukha niya kaya mabilis akong umiwas ng pagtingin. "Type mo ba ko?" Nagulat ako sa tanong niya. Haharap na sana ako para makasagot nang magulat ako dahil sobrang lapit na niya pala sa akin. Lumakad ako papaatras pero dahil maliit lang ang space ng elevator ay na-corner niya ko. "Ah, sir... Ano—" nanginginig na sabi ko. Zarina! This is your chance! Pero s**t lang, 'di ba? Kasi hindi ko pala kaya. Bakit ganyan siyang makatingin? Nakakatunaw. Nanghihina na tuloy ang mga tuhod ko. Inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magkalapit na ang mga nuo namin. "Zarina..." bulong niya. "Sir?" napapalunok na sagot ko nang matitigan ko 'yung mga labi niya. "I asked you," madiin na sabi niya. "Do you like me?" dugtong niya na nagpakabang lalo sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko at hindi ko alam ang isasagot. Lily, tulungan mo ko. Should I say 'yes?' kasi in the first place, inaakit ko naman talaga siya. Or 'no?' kasi gusto ko nang makaalis sa kinalalagyan ko ngayon. "Zarina?!" Pag-ulit niya sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD