CHAPTER 5

4940 Words
I didn't say anything about that matter, he was just staring into my eyes the whole time. "Zinniara, I'm not saying that you should answer me right now. What I am saying is that you don't have to update me with the things that you're doing," he explained. I' starting to make myself busy by looking at my plate. Hinawakan niya ang kamay ko dahil ilang segundo na akong nakatingin sa plato ko. "Zinnia," he called me once again but I didn't bother to look at him. "Tingnan mo ako sa mata ngayon, you hate talking without eye contact right?" paalala niya. "I'm so sorry kung may nasabi akong mali,"he sadly said. Tumawa at umiling nalang ako at nagtataka niya akong tinignan. "You don't have to say sorry, Jahleel. Narealize ko lang na naaalala mo pala yung sinabi ko sa 'yo noon." "That's because I'm paying attention to you, Zinniara." Pagkatapos naming kumain ng dinner ay hinatid na ako sa kwarto namin ni Kesiah at nagpaalam na. *** Pumasok ako sa room namin at nakitang tulog na tulog na si Kesiah. I changed my clothes went to the balcony. I saw a guitar and started playing it while humming into a song. (Song: An Art Gallery Could Never Be As Unique As You by Mrld) So darling, darling don't be scared 'Cause even if I look everywhere Your colors caught my eye And you're my favorite sight to see It's from the way that you move And everything that you do And after that it's when I realize That I love you Nahinto ako sa pagkanta dahil biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Jahleel iyon. Sinagot ko naman ang tawag after two rings. [Hello?] he said. I can already see him in the balcony of his room dahil magkatapat lang naman ang building. I can clearly see his reaction and he can also see mine. [What's up? Did something bad happened?] I asked. Hindi siya sumagot ng ilang segundo kaya natigilan din ako saglit. [Nothing, I just want to hear your voice] he said in a low voice. [Do you want me to come there?] I asked and this time I'm looking at him. I managed to give him a smile even though I don't know what happened. [You don't have to. Can you please sing a song for me? I miss your voice] he said, still staring into my eyes. [Ang clingy mo, Sir!] I laughed while he's looking at me. [Magkasama lang tayo kanina ah. What song do you want me to sing?] I added. [Wala tayo sa workplace, nevermind] he said and just shrugged. [Uy, hala! Galit ka? Nagjojoke lang naman ako sa clingy part eh] I said while panicking. [Can we talk?] he asked me. [Ha? Hakdog ka nag uusap na tayo ah?] I raised a brow. [I mean talk, sa pool side. I just want to be with you right now] I didn't response to that. [Are going to sleep na ba? It's okay if hindi pwed—] [I'll go down na] I said before ending the call. He isn't usually like this kaya feeling ko talaga may nangyaring kung ano pero ayaw niyang sabihin. Well, it's his privacy. I went inside and put the guitar beside my bed. I waited there while singing a song. I'm wearing a black scoop top and a pair of denim shorts with my slippers on kaya ramdam ko ang lamig ng hangin lalo pa't lamigin ako. "Hey," he got my attention and stopped singing. Lumapit siya while looking at me. "Sorry, I made you wait and—" I didn't let him finish his sentence because I suddenly hugged him. A tight hug. He just gave me a smile and refused to give the answer to my question. No response is already a response. I guess he doesn't wants me to know what's bothering him right now. "Hey, am I disturbing you?" tumingin siya sa akin habang nakaupo kami sa gilid ng pool. "I just thought na baka you're about to go to sleep." My brows furrowed for a second, "it's okay, Jahleel. I also want to be with you." I took out my phone and earphones out. "Here, kalma muna tayo," I gave him the right part of the earphones while the left part is in my ear. (Play the song: Fallin' All In You by Shawn Mendez) "Ahm, Jahleel?" nilingon niya ako at tumingin naman ako sa kaniya. Magkalapit na ang mga mukha namin kaya I got uncomfortable with that at umayos ako bigla ng pag upo. "What is it? What's bothering you?" he said before he puts his arm around my shoulders. I leaned my head towards him. "You," tipid kong sagot. "Your presence was bothering me the whole time." "Sorry," tanging nasabi niya. "I said you're bothering me, that I can't think of anything else," I continued. "How did I bother you?" tanong niya. "You keep running on my mind," I explained. I rolled my eyes at him but I let out a smile after. "Ang korni ko na rin," I laughed again. Umiling nalang siya bago niya tanggalin ang jacket na dala niya. "W-why?" tanong ko pagkatapos niyang ipatong sa balikat ko ang jacket niya. "Your hands are getting colder, Zinniara." Nakatingin lang kami sa pool for like four minutes. Naisipan niyang maghanap ng bagong song, "can I borrow your phone?" tanong niya at binigay ko naman ang phone ko. "Zinniara..." "Hmm?" "Can you enter your phone's passcode?" he asked me but I didn't answer him. Hinawakan ko ang kamay niya kaya nagtaka niya akong tinitigan. "This is better," nilagay ko ang thumb niya sa home button ng phone ko and there, his fingerprint is now registered sa touch id ng phone ko. He went through my playlist and played a song by A Rocket To The Moon. "Are you sure it's okay?" he asked me. "Of course, why not?" I asked in curiosity. "I mean, it's your phone so you should have your privacy." "It's nothing, Jahleel." Hindi na niya ako tinanong at binuksan niya ulit ang phone ko. My wallpaper is still his picture. "Can I go to your photos?" he asked. "Sure" I said while leaning my head on his shoulder. He took his phone out and shared our photos through airdrop. Nakatingin lang ako sa phone ko habang inaantay kong matapos yung pag airdrop ng mga pictures. He took my thumb and registered my fingerprint sa touch id niya. "There," sabi niya bago ako tinignan. "Can we change our wallpapers?" I said while holding my phone. "Why not? Go on." "Can I change yours too?" "Sure, you choose." "Where's that picture?" nag iscroll lang ako sa photos niya at pinindot ang picture naming dalawa. "There! Wait, let me change mine," hinanap ko ang picture na 'yon at sinet kong wallpaper. "Are you sure about this?" he looked at the wallpapers and then he gazed at me. "Oo naman! Ang cute nga natin dito eh." So we have the same wallpaper now. It was our picture together, unang araw na pumunta sila ni Khaela sa bahay namin. Suot ko yung pantulog kong may butterfly design. My head was on his shoulder at nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. Kagagawan pa rin ng mga kapatid namin sa amin. "Can I see my contact icon sa phone mo?" hindi ko alam kung bakit ko naisip yun. He just gave me his phone and I searched my name sa contacts niya but I failed to find it. "Zinniara...Zinniara...Zinniara," paulit ulit kong sinasabi habang hinahanap ang name ko sa contacts siya. I pouted and gave his phone back, "hindi nakasave number ko no?" "You can't find your name sa contacts ko, Zinniara. Look at my messages kasi para mas mabilis." "Heh! Ayoko nga, mamaya may mabasa pa ako doon na—" "Na ano?" he quickly said. Tumawa siya dahil sa reaksyon ko. "W-wala, nevermind," mahina kong sabi at tumingin nalang sa pool. "Hey, I'm not saying anything," this time, he was laughing. "Alam mo ikaw, I hate you." "Whatever, Zinniara. Wala kang mababasang iba sa messages ko, now if you want to see what your contact icon is like, check it yourself," he said and gave his phone again. Binuksan ko ang phone niya gamit ang fingerprint ko at pumunta sa messages. Hinampas ko siya sa hita bago ko titigan ng malapitan ang contact icon ko. "Hoy! Sineryoso mo talaga yung Ms. Butterfly ano?" "Oo naman, Ms. Butterfly," tumatawa siya at pabiro ko siyang inirapan. "Teka, saan mo nakuha 'tong baby picture ko? Nakalagay 'to sa kwarto ko ah." Tinitigan ko siya ng ilang segundo at parang nag iisip siya ng dahilan kung paano napunta sa kaniya yung picture ko na 'yon. "Omo..." I reacted. "Did you—" "Yes, Ms. Butterfly. I took a picture of it. I find it cute," he explained to me. "Now, can I see mine?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko. "What? Don't tell me you didn't save it?" "A-ano kasi, yung name mo," I said at nagpeace sign pa sa kaniya. "Ano na naman ba ang nilagay mo sa pangalan ko?" "See it yourself," pag gaya ko sa sinabi niya kanina at inabot sa kaniya ang phone ko. Hinanap niya ang name niya sa contacts ko but he failed. Tinignan niya ako habang nakatapat ang daliri niya sa messages ko, I nodded as a response so binuksan niya 'yon. "What the?!" he furrowed his brows when he saw my name and icon on her phone. "Mr. Antipatiko? At bakit ang sungit ko tignan sa picture na 'to?" he asked me. "Epal ka, I didn't say anything kanina sa icon at name ko sayo ha," I rolled my eyes pero tumawa rin pagkatapos. We were just like that for 15 minutes . Tumayo na kami dahil naramdaman kong inaantok na ako. "Zinniara, come on, ihahatid na kita sa room niyo. You need to sleep na it's getting late." "Hmm?" halos hindi ko na mamulat ang mga mata ko dahil sa antok. I was yawning the whole time. "Let's go. Linalamig ka na oh," inalalayan niya para tumayo at hinatid na ako sa room namin. *** "Bebegurl!" sigaw sa akin ni Kesiah, "good morning!" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa ingay ni Kesiah, my living alarm clock. Minsan may advantage din 'to kasama eh, laging maagang gumigising kahit na late siyang natutulog. Hindi ko na narinig pa ang boses ni Kesiah kaya humarap ako sa left side ng kama ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko pa rin inalis ang unan sa mukha ko. "Kesiah, pwede ba? Maaga pa naman oh," sabi ko habang nakapikit. "Anong oras na kami nakabalik dito ni Jahleel kagabi kaya pwede ba mamaya na muna ako magbreakfast." Narinig ko ang pagtawa ni Kesiah kaya mas hinigpitan ko ang pagtakip sa mukha ko kahit hindi na halos ako makahinga. "Ano ba, Kesiah? Mamaya na sabi eh. Inaantok pa ako" pagrereklamo ko. "Bebegurl, hinahanap ka ni Jahleel!" rinig kong sabi ni Kesiah at a alam kong pumapalakpak sa tawa yung babaeng 'yon. "Edi sabihin mo sandali lang, hindi naman ako mawawala sa kaniya" pagbanat ko kay Kesiah na tawang tawa pa rin. Naramdaman kong may nanggigising sa akin sa pamamagitan ng pag alog sa balikat ko. "Stop", sabi ko pero pinagpatuloy pa rin ang pag alog sa braso ko. "Mamaya na sabi eh," I said pero patuloy paring inaalog ang braso ko. Sa sobrang irita ko, hinawakan ko ang kamay niya para ihinto niya ang ginagawa niya. Dinilat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong hindi 'yon ang kamay ni Kesiah. Teka... "Kesiah?" tawag ko sa kaibigan ko at sumagot naman siya pero medyo malayo ang pinanggalingan ng boses siya so hindi siya 'to. I examined the hand, hinawakan ko 'to sa bawat daliri and I intertwined mine. "Galawang Zinniara," sabi niya dahil hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. Tama...siya nga. Binitawan ko ang kamay niya pati ang unan na nasa mukha ko bago ako umupo. Ang aga aga pa pero anong ginagawa niya sa kwarto namin? Teka nga, bakit siya pinapasok ni Kesiah? "Jahleel?!" tawag ko sa kaniya kahit magkalapit lang naman kami. Nginitian niya ako at inayos ang buhok ko bago ako hinalikan sa noo. "Good morning, Zinniara," masayang pagbati niya. Ano ba kasing sinakripisyo ko sa past life ko at ganito ako kasuwerte ngayon? "Good m—" hindi ko tinapos ang sinabi ko at tinakpan ko nalang ang bibig ko. "Why?" tanong ni Jahleel sa akin pero umiling nalang ako. Tinignan ko siya sa mga mata niya bago ko tinuro ang pinto ng cr. "Go freshen up, Ms. Butterfly,"natatawa niyang sabi at inirapan ko nalang siya bago niya ako tinulungang tumayo at pumunta na ako sa loob ng cr. Tinignan ko ang sarili ko at hindi naman ako ganoon kasamang tignan. Magulo pa rin ang buhok ko pero medyo okay pa naman. Pero yung mga mata ko ang hindi katanggap tanggap, halatang kulang pa sa tulog. Ang sabi ko sa sarili ko kanina maghihilamos at magto-toothbrush lang ako, pero nagulat nalang ako nung nagsha-shampoo na ako ng buhok. What a scammer. Ganun na nga ang ginawa ko, I took a bath. Sinadya kong patagalin ang sarili ko sa bathtub habang kumakanta ng Butterflies Pt. 2 ni Queen Naija, sayang naman kasi ang pag stay namin dito kung hindi naman ito magagamit eh. Naririnig ko ang pagkatok ni Kesiah sa pintuan ng cr kaya nagmadali na ako. Ayokong mabungangaan maghapon 'no! "Zinniara Andre! Naflush mo ba sarili mo sa bowl at ang tagal mong makalabas ha? Alam mong naghihintay yung mahal mo dito oh!" "Sandali lang!" sigaw ko pabalik. Umirap nalang ako habang inaayos ang sarili ko sa salamin. Good thing naglagay kami ng ilang damit dito kaya may magagamit pa rin ako. Nagsuot ako ng plain white v-neck shirt and a pair of black dolphin shorts since hindi naman kami aalis ng kwarto ngayong umaga. Mamayang 5 pm pa kami pupunta nila Kesiah sa baba para maligo sa pool kaya marami pang oras since 7 am palang naman. I sprayed some moisturizer on my face and then I sprayed Kesiah's perfume on me since yung sa kaniya ang nandito sa cr. It was Dolce from Dolce & Gabbana. Naglagay ako ng kaunting lip balm at blinower ko na ang buhok ko. After a few minutes, I ponytailed my hair and then lumabas na ako sa cr. Sinalubong ako ng kurot ni Kesiah sa tagiliran ko, tinulak niya ako papunta kay Jahleel pero nabalanse ko ang katawan ko kaya hindi ako napunta sa gawi ni Jahleel. Akala niya ha? Hindi ako yung babaeng madadapa na sana pero masasalo ng isang lalaki na makakatuluyan niya sa ending. Nagmake face nalang ako kay Kesiah at inirapan niya ako bago siya pumasok sa cr. Ang mature namin. Tumingin ako kay Jahleel na natatawa dahil sa kilos naming dalawa ni Kesiah. "What?" I rolled my eyes and pouted after. Eh kasi naman, ang aga aga pa pero nanggigising na. "Good morning?" nag aalinlangan niyang sabi sa akin na parang isang maling salita niya lang ay magagalit na ako. "Ahm...breakfast?" he added while pointing the food that's on the table. He gave me a smile and said that he prepared the food for me. I automatically smiled when I saw him smiling. I nodded as a response at nauna na siyang pumunta sa breakfast table para ayusin ang mga utensils na gagamitin namin. "Sasabay nalang daw si Kesiah sa mga kaibigan mo na kumain sa baba, pupunta rin sila sa gym after," paliwanag niya habang abala sa pag lalagay ng mga plato sa lamesa. Tinitignan ko lang siya habang nag aayos at hindi ko na iniintindi ang mga sinasabi niya. "Let's eat," pag agaw niya ng atensyon ko dahil nakatulala lang akong nakatingin sa gawi niya. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Naramdaman kong naiiyak na ako kaya niyakap ko siya para hindi niya mahalata. I wrapped my arms around his waist, "thank you for this, I appreciate it very much." Nag angat ako ng tingin at nginitian siya, hinaplos niya ang buhok ko bago ako hinalikan sa noo. Inalalayan niya akong umupo sa upuan ko at umupo naman siya sa tapat ko. We prayed silently before we started eating. "I never knew that you're a good cook, Sir," pagpuri ko sa kaniya habang kumakain kami. "Thanks, pero mas magaling kang magluto kaya stop that and just eat, Zinniara." "Ay ang sungit. Anong meron?" tanong ko sa kaniya bago ako kumain ng bacon. "Mom wants you to have dinner with us later" walang emosyon niyang sabi at patuloy pa rin sa pagkain. "Ha? Hakdog ka?!" hindi man lang ako binigyan ng warning. "You heard it right, Zinniara," nakatingin siya sa akin habang nakatulala ako dahil sa sinabi niya. "Bakit daw? Ayaw niya ba sa akin?" kinakabahan kong sabi. "I don't know and hey, it doesn't matter kung ayaw niya sayo. The important thing is that Ilike you. Hey, just don't mind her later," binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at umiling nalang. "Anong don't mind ka diyan? Duh, she's Attorney Del Mundo and she's your mom," I said, trying to be calm. "Whatever, Zinniara. She just wants you to have dinner with us, nothing else," at pinagpatuloy niya na ang pagkain habang ako ay nakatulala at hindi maproseso ang pwedeng mangyari mamaya. Bumalik ako sa katinuan dahil hinalikan ako sa cheeks ni Kesiah bago siya magpaalam na sasabay siya kila Seah sa baba. She was wearing the same outfit as mine but in different colors. She's wearing a black v-neck shirt and blue dolphin shorts. Sabay kasi naming binili 'to but iba lang kami ng kulay. Kapag pagtatabihin kami para kaming kambal dahil sa suot namin. I can smell the same scent as mine since pabango niya naman talaga 'yon. She just let her hair down and didn't bother to curl it. "Hoy Andree!" tawag niya sa akin at lumingon naman ako habang inaayos niya ang kama niya at ang kama ko. Her future family will be so lucky to have her as a wife and a mother. "Yes, Kc?" I called her back. I know na ayaw niyang tinatawag siyang Kc so inirapan niya ako pero tumawa rin after. "Una na ako sa baba ha," pagpapaalam niya sa aking bago tumingin kay Jahleel. "Jahleel Andrew Del Mundo, ikaw na bahala sa kaibigan ko ah." Jahleel nodded as a response pero hindi pa tapos magsalita si Kesiah. "Yang pagkain lang sa lamesa ang kainin niyo ha, wala ng iba," and then she laughed before closing the door. What a wretch, Kesiah. Tinignan ko si Jahleel na mukhang nagtataka. I just smiled at him at tinapos na ang pagkain ko. "Why did you call her Kc?" he asked while he's eating. So, that was bothering him huh? Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumiti, "that's her nickname before, her name's Kesiah Camille." Pagkatapos naming kumain, ako ang nagvolunteer na magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin. Binabalanse ko lang ang gawain, si Jahleel ang nagluto so ako nalang magliligpit. "I'll clean this up, just watch something on Netflix muna," tumingin ako sa kaniya at tinuro ko ang tv sa mini living room namin dito. Kinuha ko na ang sponge at lalagyan ko na sana ng dishwashing liquid but I felt Jahleel's arms sa may bewang ko. "Wear this" sabi niya at hinarap niya ako sa kaniya para suotan ng apron. Sinuot niya muna sa may ulo ko bago ako tinignan, "arms up, Zinniara," tinititigan ko lang siya bago ko tinaas ang dalawang kamay ko. "Aandar na ang eroplano eeng eeeng," pang aasar niya sa akin at pabiro ko naman siyang hinampas sa braso. I pouted at him kaya tumigil na siya sa pagtawa at tinali na ang apron sa may likod ko. We're so close to each other that I can hear his breathing and I can smell his scent. Halos nakayakap na siya sa akin dahil nakaharap ako sa kaniya. Pagtapos niyang itali 'yon ay hinawakan niya ang mga kamay ko at binaba na. Nakatingin siya sakin at inayos ang buhok ko bago ako hinalikan sa noo. "Stop it, doon ka muna para matapos ko na 'to", pagsaway ko sa kaniya. "Yes, mom," tumatawa niyang sabi bago niya hinawakan ang mukha ko at pinisil ang cheeks ko. Nagulat nalang kami dahil may biglang pumasok sa kwarto. "Ate, ay nakakaistorbo ba kami?" natatawang sabi sa akin ng damuho kong kapatid. "Kami?" pag ulit ko dahil mag isa lang naman niyang pumasok. "Yes, kami!" sabi ni Khaela pagkapasok niya sa kwarto. "What are you guys doing?" tanong sa amin ni Audrey. Nakaharap kasi ako kay Jahleel at hawak ko ang dalawang braso niya habang nasa bewang ko parin ang mga kamay niya. "I don't wanna see this I'm not 18 pa saka nalang hmp!" dagdag ni Khaela kaya tumawa muna ako bago ako bumitaw kay Jahleel at pumunta sa gawi nila. Bumeso ako sa kanilang dalawa bago ako tumingin kay Jahleel na nakatayo lang. Tinaasan ko siya ng kilay at tinaas niya rin ang kilay niya. Aba, ang mature. Tinuro ko si Khaela gamit ang nguso ko at nagets naman niya ang gusto kong mangyari. Lumapit siya sa amin at bumeso sa kapatid niya. Niyakap naman siya ni Khaela at bumitaw din agad. Hinila niya si Audrey at nilibot ang paningin sa buong kwarto namin ni Kesiah. Inamoy ni Audrey ang unan ko at nilapag ang gamit niya sa kama ko. "Ate, this bed is yours right? I can smell your scent here eh," tanong niya at tumango lang ako. "Kuya, saang floor ang room mo?" tanong ni Khaela sa kapatid niya habang kinakalkal ang mga gamit ko sa mini drawer. "Same floor" sagot ni Jahleel habang inaayos ang buhok ko. "Good, so same floor lang pala hihi," masayang sabi ni Khaela at nakipag apir kay Audrey. "Yes, same floor...sa kabilang building," seryosong sabi ni Jahleel na kumukuha ng maiinom namin. "What?!" sigaw ni Khaela at tinaasan naman siya ng kilay ng kapatid niya. "Bakit ang layo niyo sa isa't isa?" tanong niya. "Malay ko bang dito ko siya makikita," sabi ni Jahleel at umakbay siya sa akin. " "Pwedeng dito ako matulog?" pagpapaalam ni Khaela kay Jahleel. "No", seryosong sagot ni Jahleel sa kapatid. "Kuya, pretty please?" pagmamakaawa niya sa kapatid. "No," pag ulit ni Jahleel sa kapatid. "Kuya, pretty pretty please?" pagpupumilit niya kay Jahleel. "Khaela, stop it," umupo siya sa tabi ko at sumunod naman si Khaela sa kaniya. "Kuya, hindi mo ba ako love?" nagpipigil kami ng tawa ni Audrey dahil sa magkapatid na 'to. "Ugh, okay okay! You can, but—" dagdag ni Jahleel at parang naging statue si Khaela dahil napahinto ito sa paglalakad. "Ipaalam mo muna kay Ate Zinniara mo kung pwede kang matulog dito," he added. Tumingin ako kay Jahleel at tinaasan niya lang ako ng kilay. Lumapit si Khaela sa akin at lumuhod, parang sira talaga 'tong batang 'to. "Ate..." hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin na parang naagawan ng laruan. "Alam kong mas mahal mo ako kaysa kay Kuya," tumingin siya kay Jahleel. Tinignan ko si Jahleel na umirap kay Khaela. Umiling nalang ako at binalik ang tingin ko kay Khaela. "Ate Zinniara Andree Vicente..." sinabi niya ang buong pangalan ko kaya tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Ano bang pinapainom na vitamins dito? Masyado atang mataas ang dosage. "Oo na, sige na. Huwag kang magdrama utang na loob ang aga aga pa," sabi ko at tinulungan ko siyang tumayo. Niyakap niya ako at hinalikan ng paulit ulit sa cheeks ko. Ang higpit ng yakap niya sa akin kaya niyakap ko siya pabalik at tinap ang likod niya para bumitaw siya. Hindi niya ako binitawan kaya sinenyasan ko si Audrey na ilayo sa akin si Khaela. Akala ko'y ilalayo niya sa akin si Khaela pero nakiyakap rin. "Group hug!" sigaw niya at tinginan niya si Jahleel. "What?" seryosong tanong sa amin ni Jahleel. "Watawat. Kuya, huwag kang kj! Halika group hug!" pambabara ni Khaela sa kapatid at hinila para mag group hug kami. Siniksik nila kaming dalawa ni Jahleel at tumatalon talon pa. Hindi kami pinapansin nila Audrey at Khaela habang sinisiksik kami. Hindi na ako makagalaw kaya nag tip toe ako pero biglang yumuko si Jahleel. Naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa labi ko. Hindi naalis ang tingin ko kay Jahleel at napahawak ako sa mga labi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero ang alam ko lang ay bumilis ang pintig ng puso ko. Audrey and Khaela were busy putting their things on my bed. Kumakanta pa sila habang nag aayos kaya malamang sa malamang hindi nila alam ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jahleel na ganito ang sitwasyon. Lumapit ako sa maleta ni Audrey at nagkunwaring tutulong para mag ayos. How do I handle this kind of situation? What am I supposed to say? Naiilang akong sumusulyap sa kaniya na nakaupo lang sa isang tabi at busy sa phone niya. Baka naman sa akin lang big deal 'to? Kasi maayos naman tignan si Jahleel, hindi naman ata siya affected sa nangyari. Hindi ko na siya pinansin at nakipagkwentuhan nalang sa dalawang babaeng 'to. No choice, I don't know how to approach him right now. Pagkatapos naming magchikahan ay iniwan ko na sina Audrey at Khaela dahil hindi na ako nakakarelate sa pinag uusapan nila. I took my phone sa side table at nag message ako sa gc naming magbabarkada kahit nasa baba lang sila. dmzinini: guys bb_calli: yes bakla? seyah.seah: may chika yan kesiah.kc: kayo na? itstiffany: nag chukchakan kayo? dmzinini: no! Wth Tiffany! ur_rage: ako na bahala sa pulutan guys bb_calli: omo! Rage, walang afam na kasama? seyah.seah: wtf, Rage! Calli! Tumigil nga kayo kesiah.kc: ano ba kasi yun Zinniara? dmzinini: nvm, mamaya ko nalang sasabihin. Ang gulo niyo hmp! itstiffany: babalik kami diyan maya maya te bb_calli: wait mo kami te. Babuuush! As expected, wala talaga akong mapapala kapag sa gc ko sasabihin eh. I put my phone back to the table at pumunta sa gawi ni Jahleel para kumuha ng maiinom. Mapapainom ka nalang ng tubig kapag ang awkward ng sitwasyon. Tumingin siya sa akin at nginitian ko lang siya ng tipid. Hindi ko na siya pinansin at dali dali akong kumuha ng baso at nagsalin na ng tubig. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin kaya tinagalan ko ang pag inom ko. "Hey," pag tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Anong sasabihin ko kapag kakausapin niya ako? Ang awkward talaga. "Zinniara, if you won't face me I'll tell them what happened," banta niya. Napatigil ako sa pag inom at unti unting humarap sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko. Ang seryoso niya tignan. His brows furrowed and he squeezed my hand habang seryoso paring nakatingin sa mga mata ko. Wag ganito, naiiyak talaga ako. Kinuha ko ang kamay ko na hawak niya at pinaypayan ang mukha ko. Lumapit siya sa akin hinarap niya ako sa kaniya. "Hey," he said while holding my shoulders. His eyes looked serious and I can't take it anymore. "Are you ok—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil tumulo na ang luha sa mga mata ko. I pouted at him bago tumalikod at naghilamos. Baka mahalata nila Audrey at Khaela. Hinugasan ko ang mukha ko at agad kong inabot ang towel na nasa malapit lang. Hindi nila pwedeng makita na umiiyak ako. Bakit ba kasi ako umiiyak? "It's hot ba ate? naka on naman yung aircon ah?" tanong sa akin ni Khaela na dala dala ang sling bag niya at nakalingkis sa braso ni Audrey. Tumingin sa akin si Audrey with worried eyes. Alam niyang umiyak ako kaya bumitaw siya kay Khaela at hinila ako palabas ng kwarto. "Kuya, may bibilhin lang kami sa baba ah," pagsisinungaling ni Audrey kay Jahleel. "Wait! What about me?" natatarantang tanong ni Khaela pero hindi na siya pinansin ni Audrey at sinara na ang pinto. Bumaba kami ni Audrey at nakasalubong namin sila Kesiah na may hawak pang buko, inagaw ito ni Audrey sa kaniya at nakisipsip din habang pinapaypayan ang sarili gamit ang isang kamay. "It's so mainit naman here," pag iinarte ni Audrey sa amin at binatukan siya ni Calli na naka shades pa. "Aray! Baklang 'to!" reklamo ni Audrey. "Bakit kayo nandito?" tanong ni Rage at umakbay sa aming dalawa ni Audrey. "Ito kasing si Ate Andree—aray mapanaket kaya di nagkakajow—aray!" pagrereklamo niyang muli na hawak ang tagiliran niya dahil pabiro kong kinukurot. Inawat kami ni Rage at inalis ang kamay niya sa pagkakaakbay kay Audrey. Hindi ako sanay na tawagin sa second name ko tapos kung ano ano pang sinasabi niya. "Eh kasi naman itong si ate Zinniara Andree, oh ayan na ah, kumpleto na!" umirap sa akin si Audrey bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nakita kong umiiyak kanina habang nakaharap kay Kuya Jahleel!" pagchika niya at kumapit sa braso ni Seah at Tiffany. "Yun lang naman pala," umirap sa akin si Seah at pabiro siyang sinampal ni Audrey. "Hoy!" tawag ni Rage kay Audrey. "Buloy!" pilosopong sagot ni Audrey. "Aba!" tinuro ni Rage ang mukha ni Audrey. "Kada," Audrey fired back at umirap ulit. "Ang sakit niyo sa ulo guys, tara na nga balik na tayo sa taas," pagsaway sa kanila ni Kesiah at hinila na sila Tiffany at Calli na nahuhumaling na sa isang naka topless na lalaki sa malapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD