"Bebegurl! Ready na yung mga pagkain sa—ohhh yummy."
Hindi natuloy ni Kesiah ang sasabihin dahil napatingin siya kay Jahleel. Mahina ko siyang hinampas dahil baka marinig pa siya ni Jahleel na nasa pintuan lang.
Jahleel stared at Kesiah before he wave his one hand.
"Good morning...coffee?" Inangat niya ang isang kamay na may dalang apat ng coffee na binili niya sa coffee shop na pinuntahan namin kahapon.
"Ahm, come in," I awkwardly smiled at pinatuloy sa loob si Jahleel.
I looked at the coffee and decided to take it at ako nalang ang maglalagay sa lamesa.
I was about to go near pero biglang humarap sa kaniya si Jahleel. I was so close to him at naaamoy ko ang pabango nito.
Smells like Bronze wood & Leather ng Jo Malone.
"Oh, sorry! I was about get the c-coffee from you pero hindi ko naman alam na haharap ka," natatarantang sabi ko at lumayo ng kaunti kay Jahleel.
"Here," walang emosyong binigay niya ang coffee.
I gave him a smile at kinuha na ang coffee and placed it beside the plates na hinanda ni Kesiah.
Tinawag na kami ni Kesiah para sabay sabay na kaming magbreakfast. Lumapit si Khaela na nakalingkis sa braso ni Audrey habang nagchichikan.
"Kuya ano ba? Come here na oh. You're making us wait ha," pagreklamo ni Khaela sa kapatid at hinila niya ito papunta sa dinning table.
I saw how Kesiah eyeballed me and gave me a teasing smile.
"Kuya, diyan ka nalang po. Sit beside Ate nalang kasi tabi kami ni Khae," sabi ni Audrey.
"Amen!" sabay naming sabi pagkatapos magdasal.
"Let's eat!"
Tahimik lang ako habang hinihintay na ipasa ni Jahleel ang kanin. I examined Jahleel's face and memorized it na parang hindi ko na ito makikitang muli.
"A-ako na" nauutal kong sabi dahil si Jahleel na ang naglagay ng kanin sa plato ko.
"Wait! Ang dami, I can't finish this," pagpapaliwanag ko habang nakatingin sa plato ko.
Nag angat ako ng tingin at nakitang kumukuha na ng ulam si Jahleel at muli niyang nilagyan ang plato ko.
He looked at my face for a few seconds. "I insist, eat more Zinniara," seryoso niyang sabi.
Kung bastos lang ako baka tinanong ko na siya kung bakit ko siya susundin eh hindi naman siya batas.
"Ahem, so kayo na?" maasar na tanong ni Kesiah sa amin at bigla akong nabulunan dahil doon.
Tumatawasi Kesiah habang inaabot sa akin ang tubig at hinaplos haplos naman ni Jahleel ang likuran ko.
"Hey, are you okay?" tanong niya at tumango naman ako.
Palihim kong sinipa ang paa ni Kesiah sa ilalim ng lamesa, "aray! Naninipa pa siya oh," pagreklamo niya kaya inirapan ko nalang siya.
"So ano nga? Kayo na? Nililigawan? M.U?" Pag ulit niya habang nagpipigil ng tawa dahil sa itsura ko ngayon.
"I'm gonna court her."
Bigla na nalang kaming nagtilian nina Audrey at Kesiah dahil sa sinabi ni Jahleel.
"I knew it haha!" Matagumpay na sabi ni Khaela at nakipag apir kay Audrey.
"Girls, sabi ko sa inyo eh winner tayo hihi! Speed, mas mabilis pa sa fast at breakfast," sabi ni Kesiah habang nakikipag apir din kay Khaela at Audrey.
"W-what did you just say?" naguguluhang tanong ko kay Jahleel na kumakain pa rin at hindi pinansin ang reaksyon ng mga kasama namin.
"Finish your food first. We'll talk about it later" pag e-explain ni Jahleel na patuloy pa ring kumakain.
Pagkatapos naming kumain at magligpit ay nagpaalam na si Kesiah dahil may pupuntahang family gathering.
"Bye guys! Jahleel ikaw na bahala diyan sa kaibigan ko ah!" she waved her hand at umalis na.
Nakaupo lang kami sa may sofa habang pinapanood sina Khaela at Audrey na nagjajamming.
Si Khaela ay kumakanta at si Audrey ang naggigitara. Their voices both sounds angelic and powerful kaya ang ganda pakinggan kapag nagsasabay sila.
They're singing acoustic songs since yun ang bagay sa boses nilang pareho.
They ended the song with a bow at pumalakpak naman ako sa kanilang dalawa at tuwang tuwang lumapit sa kanila.
"I never knew you're good at this Audrey," namamanghang hinawakan ni Jahleel ang gitara ni Audrey bago tumingin sa aming tatlo.
Ngumiti si Audrey kay Jahleel dahil sa pagpuri nito sa kaniya. "Thank you po but mas magaling si ate Zinnia sakin. Ate, play a song for us naman."
Lumingon muna ako sa gawi ni Jahleel at seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya mas lalo akong nahiya.
"Ohmygosh, I need to record this. Shocks, kuya can I borrow your phone? My phone died kasi hehe." Khaela made a cute face to her brother at inirapan siya nito bago binigay ang phone niya.
"Hello?" sabi ko sa tapat ng microphone at kinuha ang pick ng guitar. I closed my eyes and sighed before starting.
(Music: Your Song by Parokya ni Edgar)
I felt the song before opening my eyes. Music was always my comfort zone. Tumingin ako kay Jahleel at tumitig sa mga mata nito.
There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out
I take one step away
Then I find myself coming back to you My one and only
One and only you
Ooh
I closed my eyes once again and felt the song.
I didn't know what to feel. I stared at Jahleel hanggang sa matapos ko ang kanta.
I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
I ended the song with a genuine smile. Lumapit sa akin si Audrey na nakangiti at niyakap ako.
"Ate, that was amaaazing" she look at me with proud eyes na parang magulang ng isang contestant sa singing contest.
"Ate Zinniara, I almost cried. Para akong may boyfriend tuloy hmp!" maarteng pagkomento ni Khaela na may paluha luha pa na akala mo'y totoo.
Nginitian ko lang ito at lumingon kay Jahleel na hawak na ang phone at nakangiti.
"Ahm, Jahleel? What do you think?" I nervously asked him.
"I loved it. You sounded like someone I know," he said habang nilalagay ang cellphone sa bulsa niya at kunwaring nag iisip at may inaalalang tao.
"Who?" my brows furrowed.
"My future girlfriend," he said.
Nagtilian naman sina Khaela at Audrey dahil sa sinabi ni Jahleel na hanggang ngayon ay hindi ko maproseso.
Khaela suggested to take pictures at kinuha muli ang cellphone ni Jahleel at Audrey para marami daw babalikan in the future.
May mga pictures na apat kami. Mayroon namang magkasama si Audrey at ako na kumakanta, si Audrey at Khaela na parehong hawak ang microphones at candid, si Khaela at ako na magkayakap at ang huli ay si Jahleel at Khaela na nakangiti.
"It looks good ah," sabi ko habang tinitignan ang mga pictures sa phone ni Jahleel.
"Kaya nga po ate eh, but it's nicer kapag kayong dalawa ni kuya. Diba Audrey?" pagkumbinsi niya sa kaibigan at hinila niya kaagad ako at pinaupo sa tabi ni Jahleel.
"Ayan, ganyan. Saglit kukunan ko kayo."
Si Khaela ang kumuha ng pictures namin gamit ang phone niya at phone ni Jahleel.
"Smile po!" she said while smiling kaya napangiti nalang din ako.
"Wacky pose po! Isa pa! Okay, I like that pose. Ate, tilt your head a little to the right please. Ayan!" pang uuto niya sa aming dalawa.
"Kuya, it's better when it's like this," inayos niya ang pagkakaupo ng kapatid. Pinalapit niya si Jahleel akin. Kinuha niya ang kaliwang kamay ng kapatid at pinatong sa balikat ko.
"And then like this. No, a little pa Kuya. Ate, you too. There! Done!" pinaglapit niya ang mga ulo naming dalawa. She leaned my head to his brother's shoulder.
"Okay, smile po! Mas maganda pala kapag ganito. A wider smile pa. Okay, wacky. Ate, Kuya, do the finger heart. Done!" Pagkatapos niya kami kunan ng mga pictures ay agad akong tumayo dahil ang awkward nng posisyon naming dalawa.
After the 'picture taking' session, Audrey created a group chat na kasama kami nina Khaela, Kesiah at Jahleel. Doon daw nila isesend ang mga pictures dahil matagal kapag in-airdrop nila.
I then left my phone sa sofa para kumuha ng makakain nila.
While I was preparing the food in the kitchen, lumapit si Jahleel sa akin at nagpupumilit na tumulong.
"I can handle this, you can go back there oh," pagturo ko sa sala kung nasaan sila Audrey.
Hindi ko pinayagang tumulong si Jahleel dahil bisita siya.
"I'll just watch you from here," nakangiting sabi niya nakasandal sa may coffee table para pagmasdan ako.
I sighed and just nodded before I start cooking pasta and some toasted breads.
***
"Kuya, let's go shopping," pag aya ni Khaela at tumingin sa akin. "Ate Zinniara can come too, right?" she asked and we both nodded.
"I'll go change lang" sabi ni Audrey.
"Wait! Sama ako, I wanna see your room hihi!" masayang sabi ni Audrey at lumingon sa kaniyang kapatid at sa akin.
"Ate, ikaw na bahala kay Kuya," mabilis siyang sumunod sa kwarto ni Audrey.
"Go change Ms. Butterfly" Jahleel said while giggling.
My brows furrowed at saka ko lang narealize na nakapajama pa pala ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil kanina ko pa pala ito suot.
"Paano ka?" I asked. "I can't leave you here alone. Sama ka nalang sa room ko."
"A-ako?" Nauutal na sagot ni Jahleel.
"Oo, let's go baka nag aayos na sila Audrey eh."
Nauna akong naglakad at binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. "Come in" nakangiti kong sabi kay Jahleel.
"Just wait here." Tinuro ko ang pastel color na couch bago ako pumasok sa isa pang room sa loob ng kwarto para mag ayos ng sarili.
After I did my thing ay lumabas na ako kaagad at binalikan si Jahleel. Napalingon siya sa may gawi ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"H-hey" pagtawag ko kay Jahleel dahil nakatitig ito sa akin.
"Did I made you wait for too long? I took a quick bath pa eh," pagpapaliwanag ko at umupo sa footstool para patuyuin ang buhok ko gamit ang blower.
"Can I try?" Inosenteng tanong ni Jahleel habang nakaturo sa blower.
"Sure," sabi ko at binigay sa lalaki ang blower.
Tahimik lang na pinapatuyo ni Jahleel ang buhok ko at nag umpisa na akong maglagay ng kaunting make up sa sarili.
"You haven't done this to Khaela 'no?" I asked while looking at him in the mirror.
"How did you know?"
"Halatang hindi ka marunong eh" I giggled while putting some lipstick on.
After a few minutes, I was completely done and was ready to go. I was about to reach the doorknob but Jahleel ask something.
"What's with the butterflies?"
"I love butterflies since I was a kid. And my name is connected to butterflies too," I cheerfully answered.
"What's with your name then?" pagpapatuloy niya.
"Zinnia. It's a flower that butterflies love."
Natigil ang usapan namin dahil pumasok na sa kwarto ko sina Audrey at Khaela na kanina pa naghihintay.
"Sa car nalang kayo maghintay, susunod kami. Hahanapin ko muna yung phone ko," mahina kong sabi at tinulungan ako ni Jahleel na hanapin ang phone ko sa loob ng kwarto.
"Ito ba?" inangat ni Jahleel ang phone na hawak niya at tumango naman ako at lumapit para abutin iyon.
Bilang napindot ni Jahleel ang home button ng phone ko at pareho kaming nagulat dahil sa lockscreen wallpaper ko.
It was Jahleel's topless picture sa beach.
Pinakita naman ni Jahleel ang wallpaper niya sa phone niya. It was my picture na may hawak na ice cream habang nakangiti.
"Audrey!/Khaela!" sabay naming sigaw sa dalawa dahil alam nilang sila lang ang pwedeng gumawa ng kalokohang iyon.
"What's the matter ba Kuya? You're shouting na naman hmp!" bungad ni Kahela sa kapatid.
"What did you do with our phones? Bakit wallpaper namin ang isa't isa?" kalmadong tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ate, we just thought na bagay naman kasi talaga kayo eh. Hayaan niyo nalang po 'yan." Audrey answered.
Nagkibit balikat nalang kami at hinayaan nalang 'yon. Silang dalawa ni Audrey ay naupo sa backseat habang si Jahleel ang magd-drive since kotse niya naman 'to.
I was quiet hanggang sa makarating kami sa mall.
Kumapit si Khaela sa braso ni Audrey when we're already at the mall. I haven't shop yet dahil wala akong kasama dati. Pareho kaming busy ni Kesiah sa pag aaral at hindi rin naman ako palalabas.
"May afam kaya here?" tanong ni Khaela at tinignan siya ng kapatid niya.
"Stop it, young lady," he said.
"What? Nagtanong lang ako Kuya tsaka feeling ko talaga afam ang para sa akin," she continued.
Jahleel just sighed and I winked at Khaela. Nakita iyon ni Jahleel at sinamaan ako ng tingin.
Pumasok nalang kami ni Jahleel sa isang bookstore dahil iniwanan kami ng mga damuho naming mga kapatid.
"I'll buy some things lang ha," paalam ko kay Jahleel at nagpunta sa section ng mga notebooks. I was planning to buy two notebooks kasi paubos na yung mga pahina ng journal ko.
"I will buy this...and this," kumuha ako ng isang bullet notebook for my journal at isang blank notebook for my devotions.
Nagulat nalang ako dahil kumuha rin si Jahleel ng isang bullet journal at may nakalagay na apat na sign pens, dalawang highlighter at isang yellow pad sa basket na hawak niya.
"What?" Tanong niya sakin dahil napansin niyang nakatingin ako sa basket.
"Lagay mo na rin yan dito. Akin na ya—" hindi niya na natuloy ang sinabi niya dahil nabitawan ko ang dalawang notebook nung nahawakan niya ang kamay ko.
Bakit parang may kuryente?
Si Jahleel na ang pumulot sa mga notebook at nginitian ko nalang siya pagkatapos.
Naglagay na rin ako ng dalawang black pens, yellow pad and stickers sa basket namin ni Jahleel.
"May idadagdag ka pa ba?" he asked me habang nagtitingin ako ng mga libro. I shrugged and then nawala na siya sa paningin ko.
He got my attention when he called my name. Lumapit ako sa kaniya habang kinukuha ang wallet sa sling bag ko.
"Tara, bayara—" and there I saw him, may hawak na dalawang plastic bags at siya na rin ang nagbayad.
Pinipilit ko siyang kunin ang pera ko dahil nakakahiya naman kung ibibigay niya sa akin yung mga nakuha ko ng libre.
"I insist Zinniara, you don't have to pay me for this."
"Oh sige. Ganito nalang, there's an ice cream shop that I know. I'll just take you there nalang."
Tinignan ko siya at nginitiang muli. Kotang kota na 'to sa ngiti ko ah.
"Okay then, let's go," sabi niya.
We were about to go inside the ice cream shop pero napatingin ako sa mga pastel and gold hair clips.
I tried some of the clips and ponytails na may design. I was looking at the mirror while trying the moon designed clips when Jahleel called me.
Lumapit ako sa kaniya but he pulled me closer.
"Try this," he showed me the butterfly designed clips at siya mismo ang naglagay ng mga ito sa buhok ko.
I was just watching him put those clips on my hair. He was serious about this huh? I scanned his whole face while he was busy about the butterfly clips.
Look at those brown eyes na ang sarap titigan magdamag. Wait, what am I even saying?
"Ayan, let's buy this butterfly clips. Bagay sayo," he said and then paid for the clips.
Pagkatapos naming bilhin ang mga clips at ponytails ay pumunta na kami sa ice cream shop at pumila na para makapag order.
"Ms. Butterfly, why are they looking at you?" bulong sa akin ni Jahleel na nasa likuran ko.
Tinignan ko ang mga tao sa paligid ko at nakatingin nga sila...pero hindi sa akin.
"Hey, they're looking at you," I whispered back.
"Hello po ma'am and sir! What a lovely couple naman po. Ano pong order niyo?" masayang sabi ni ate girl na nasa may counter.
Teka, kami? Lovely couple?
"What flavor do you want Jahleel?"
"I don't know. You choose." Hindi niya ako hinarap dahil busy siyang nagtatype sa phone niya.
"Two coffee flavored ice creams please." Nginitian ko si ate girl na kanina pa nakangiti sa amin ni Jahleel.
We waited for two minutes bago dumating ang order namin. Binigay ko muna yung sa kaniya bago ko kinuha yung ice cream ko.
He was still busy on his phone when we went out of the ice cream shop. Hindi ko siya ginulo at kumain nalang ako ng ice cream.
"Jah?" May isang babaeng lumapit sa gawi namin. Nginitian niya si Jahleel and Jahleel smiled back.
So magkakilala sila.
"Xahria," he greeted her with a smile on his face.
I never saw that kind of smile.
"What a coincidence, your here din pala." Lumingon siya sa akin at nginitian ako.
I didn't know what to do dahil ngayon ko lang siya nakita. She's so classy. Parang nakaka
insecure kapag nakaharap mo siya.
She's wearing a halter top and a pair of flared pants and a pair of T strap platform heels. She has her LV sling bag na halatang bagong bago pa. Naka high ponytail siya at parang may meeting siyang pupuntahan.
"Girlfriend?" she asked Jahleel still smiling.
"Not yet," he replied while looking at me.
Humarap siya ulit sakin at inalok ang kamay niya. "Hi! I'm Xahria Denise Vale, Xahria for short. And you are?" her brows furrowed in curiosity.
"Zinniara Andree Vicente, Zinniara or Zinnia nalang," sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
"Zinniara, nice meeting you," she added at muling tumingin kay Jahleel na nakatingin sa amin.
"Jah, Zinniara, I'll go ahead. May meeting pa kasi akong pupuntahan. Bye!" she waved her hand and smiled bago siya umalis. May meeting naman kasi pala talaga.
Umupo nalang kami sa labas ng isang store ng beauty products at tinext na ang mga kapatid namin na dito nalang kami maghihintay.
I was looking at the store and I didn't bother to talk to Jahleel. He was saying something pero yung utak at mga mata ko nakatitig lang sa store na nasa tapat namin.
Bakit kasi dito pa kami umupo? Nakakatukso kayang bumili.
"Wanna buy something sa store na yan, Ms. Butterfly?" tumayo siya sa harapan ko and lend his hand para tulungan akong tumayo.
Gentleman naman pala.
Pumasok kami sa loob ng store at nakita ko sa isang section ng products sina Audrey at Khaela.
"Nandito lang pala kayo," at lumapit ako sa kanila. Humarap sa akin si Audrey at Khaela na may hawak na tig isang make up pouch.
"What do you think ate? Ito ba or ito?" tanong sa akin ng kapatid ko at tinuturo ang mga hawak nila.
She was holding a black and pink pouch na may flamingo designs. Khaela was holding a black and pink pouch but flowers naman ang designs nito.
"This suits you girls better."
Inabot ko sa kanila ang transparent hologram na pouch. They both smiled at me and nagpasama naman akong pumili ng hand cream, lip balm and a mirrored mocha lipstick.
"Oh! Kuya, there you are!" maarteng sabi ni Khaela sa kapatid at hinili niya ito papunta sa hand cream section.
"Pick one and I'll buy it para sayo mahal kong kapatid," she added with beautiful eyes pa.
"Wala akong alam sa ganiyan, Khae," tamad na sagot ni Jahleel.
Khaela called me at lumapit naman ako sa magkapatid na hawak hawak ang kamay ni Audrey.
"Ate, you pick one po" and ngumiti siya sa akin.
Ngumisi ako at pinili ang Suede Hand and Nail Cream na nakita ko at nilagay na sa basket na bitbit ko.
Pagkatapos naming bayaran ang mga products na kinuha namin at handa na para ihatid na nila kami pauwi.
Ang ganda ng timing...traffic ulit.
Tahimik lang si Jahleel na nakatingin sa harapan. Ang seryoso ng mga mata niya at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip. Si Audrey naman ay busy sa pagchichika kay Khaela na parehong nasa backseat ng sasakyan ni Jahleel.
Hindi ba sila nauubusan ng topic?
"Ate Zinniara, can you connect your phone sa car and play some music juseyoooo!" humarap ako kay Khaela at nagulat na nakafinger heart siya sakin kaya natawa ako.
Napatingin sa akin si Jahleel at bahagyang ngumiti.
"Can I?" paalam ko sa kaniya habang hawak ko ang phone ko para alam niya kung anong gagawin ko.
"Go on," he said.
"Yey! Ate Zinniara, kpop songs po ah!" masayang sabi ni Khaela.
Hindi ko nalang inisip ang topless picture ni Jahleel na ginawang wallpaper nila Khaela at
Audrey at dumiretso sa Bluetooth ko.
I faced Jahleel na naramdaman kong nakatingin sa akin at tinaas ko ang isang kilay ko.
"What? You don't like Kpop?" I asked.
Baka kasi mamaya kaming tatlo lang ang nag eenjoy tapos siya eh naiinis na dahil walang maintindihan sa mga kanta.
"Do what makes you happy," he said at hindi na kami pinansin dahil sumeryoso na siya sa pagda-drive.
Pumili na ako ng Kpop song sa playlist ko at pinindot ko ang The Boys (english ver.) ng Girls' Generation at kasunod nito ang Vacation ng Gfriend.
Sinasabayan naming tatlo ang mga kanta at minsan ay ginagawa pa ang mga steps nito.
This is the vibe.
After four songs ay tinigil na namin ang pagpapatugtog ng Kpop songs at pumili nalang ng ibang songs hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Bumaba na kaming apat sa sasakyan at hinatid nila kami hanggang sa may pinto.
"Bye girl, bye ate!" bumeso sa amin si Khaela at bumalik na sa sasakyan.
"Ate, mauna na ako ah. Bye po!" sabi ni Audrey sa amin ni Jahleel bago niya kami iwan.
"Thank you for today tsaka ingat sa pagd-drive. Goodnig—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako palapit sa kaniya at dahan dahang hinalikan ang noo ko.
"Sleep tight...Ms. Butterfly" he said and went to his car. Nakatingin lang ako sa kawalan hanggang sa makaalis na sila.
Did he just—
Gave me a...
Forehead kiss?