It was a sunny day and our last subject just ended.
"Una na ako ha? Mag iingat kayo. Drink responsibly, mwa!" pag papaalam ko kay Kesiah.
Hindi na ako sasama sa kaniya dahil alam ko naman na kailangan niyang mag ayos at matulog dahil may usapan silang pupunta sila sa club mamaya.
Natanaw ko si Kuya Ariel na kumakaway sa akin sa labas ng school na may nakasabit na puting towel sa kaliwang balikat niya.
"Hija, ang aga niyo atang pauwiin ngayon ah. May 25 minutes pa oh," nakangiti niyang sabi.
Lumapit ako at sumakay na sa loob ng tricycle niya, "oo nga ho eh, mabuti na rin po yun para may pahinga," sagot ko.
"Coffee shop ulit o ihahatid na kita sa bahay niyo?" tanong niya sa akin.
"Sa unang option po, wala pang tao sa bahay eh," sabi ko at tumango naman siya.
"Coffee shop, here we go!" masayang sabi niya kaya naman napatawa ako habang pinagmamasdan si Kuya Ariel.
Siya lang ang pinagkakatiwalaan namin ni Kesiah na driver dito dahil para na rin namin siyang kapamilya. Kaibigan ko ang isang anak niya at nasubaybayan niya kung paano kami lumaki at maging kung sino man kami ngayon.
"One down," sabi niya pagkahinto niya ng tricycle sa tapat ng coffee shop. "Oh, tawagan mo lang ako kapag need mo ng taga hatid ha? Mag iingat ka," malumanay na sabi niya kaya tumango ako.
"Ito po, maraming salamat po! Keep the change po ulit at ikumusta niyo ho ako kay Andrea."
"Salamat hija, makakarating," yun ang huling sabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis.
"Hello, good day!" bati sa akin ni Ate Bela, nagtatrabaho rito sa coffee shop. "What will be your order for today?" nakangiting sabi niya.
"One—"
"Latte and one eggpie, coming right up," natatawang sabi niya. "Wala ka namang ibang inoorder bukod sa latte and eggpie, Zinniara," dagdag pa niya.
"Ate Bela, you know me well," pabiro kong sabi at sabay kaming tumawa. "Dating puwesto po ha? Thankies!" sabi ko at tumango naman siya.
Dumiretso ako sa favorite place ko sa shop na 'to, sa may malapit sa glass wall. Magkatabi kasi ang coffee shop na ito at ang palaruan ng mga bata kaya kitang kita mo kung ano ang mga ginagawa nila.
Some people might think na ang weird dahil tahimik na lugar ang coffee shop tapos biglang may makikita kang mga bata na naglalaro sa kabilang side.
Namatay kasi ang tatlong taong gulang na anak ng may ari ng coffee shop at napag isipan nilang glass wall nalang ang gamitin instead of using brick walls. Some people really loves kids, like me.
They might think na nakakawala sila ng focus but for me, no. They make me smile. Seeing them having those genuine smiles also makes me smile. Nakakamiss maging bata, puro laro lang ang nasa isip at ang tanging problemang iniisip ay kung paano ka makakasali sa laro kung hindi ka bati ng mga kalaro mo.
"Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo ha? Nakakakaba ka," ani ni Ate Bela habang inilalapag sa mesa ang mga inorder ko.
"Kaya ko naman pong lumangoy, hindi tulad ng isa diyan—aray, joke lang po."
"Manahimik, kahihiyan ang nangyari noon. Malay ko bang ang lalim pala talaga ng 10ft na pool," naiiritang sabi niya.
"Ate Bela, wala ka pa po bang balak mag asawa't magkaanak?" I randomly asked her and I laughed when her eyes widened because of that.
Mahina niya akong hinampas sa kamay, "jusko ka, Zinnia. Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo, masaya naman ako 'no tsaka sabi ng Doctor ko malabong magkaanak ako kaya ayoko na rin mag asawa," paliwanang niya.
"Baka po may miracle bigla, willing akong maging ninang. Hi mars, where's my inaanak?" natatawang sabi ko kaya napatawa rin siya.
"Ubusin mo na nga lang 'yan, nakakaloka ka. Balik na ako sa puwesto ko baka makita ako ni Rico mylabs," nakangiting saad ni Ate Bela.
"Ayun naman pala, inlab sa boss," sabi ko kaya inirapan niya ako habang tumatawa at bumalik na sa trabaho niya.
I was in the middle of drinking my latte when my phone rang. It was my mama who's calling me.
"Yes mother earth?" I jokingly said as I answer the call.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago magsalita. "Puwede mo bang puntahan sa school ang kapatid mo? Nasa guidance raw. Nasa trabaho pa kasi ako, Zinniara."
"Okay po, pepektusan ko nalang siya for you. Pupunta na po ako."
"Salamat, I have to go. See you later sa bahay, mwa!" and she ended the call.
I didn't bother to finish my latte and decided to just take it with me. I called Kuya Ariel and went straight to my sister's school. Sa aming dalawa, si Audrey talaga ang laging nasasangkot sa kung ano ano, kahit maliit na bagay o rason man 'yan.
Pagkapasok ko sa loob ng office ay agad kong ginaya ang paboritong linya ni Mama. "Jusko naman Audrey! Kanina pa ako kinakabahan sayo ano bang ginawa mo!" Sinubukan kong magpigil ng tawa dahil sa reaksyon ng kapatid ko at bumati muna umupo sa tabi niya.
"Ahm, so itong sina Ms. Del Mundo at Ms. Vicente kasi bigla na lamang nagsigawan sa may hallway habang may meeting sa isang room doon." walang ganang sabi ng guidance sa kanila.
"Eh kasi naman po Kuya, she's making me galit lagi sa mga tingin niya to me," maarteng pagpapaliwanang ng babae sa lalaki na sa palagay ko ay Kuya niya dahil may hawig naman sila.
"No po ate, I'm not looking at her like that po kaya. She's just accusing me na ginawa ko
'yon" pagpapaliwanag ni Audrey sa akin with hand gestures pa na para bang damang dama ang mga sinasabi nito.
"Khae" pagbabanta ng lalaki sa kapatid nito. "If I were you sasabihin ko na ang totoo" pagtitig niya sa babae na halatang kinakabahan sa boses niya.
"Audrey, ano ba talaga ang nangyari?" kalmadong tanong ko sa kaniya.
"Isa..." sabay na pagbilang namin ng lalaki. Seryoso akong nakatingin sa kapatid ko dahil aaminin niya ang totoo kung ganito ang gagawin ko.
"Dalawa," pagpapatuloy ko.
Wala sa sariling tumayo si Audrey at pumunta kay Khaela. Tumayo si Khaela at hinawakan ni Audrey ang isa niyang kamay.
"Sorry, if you think na ganoon ako tumingin sa 'yo" nakayukong sabi ni Audrey kay Khaela na ikinangiti ko.
"Hmmp! Why are you like that? Don't make me iyak please! I'm sorry too! Can we be friends nalang?" maarteng sabi ni Khaela.
"Sure!" nakangiting sagot ni Audrey at niyakap si Khaela.
Girls are weird.
"Kuya, I'm going to the mall na," pag papaalam ni Khaela sa Kuya niya.
"Sama me!" maarteng sabi ni Audrey at lumingkis sa braso ni Khaela.
"Hoy" pag tawag ko sa kapatid ko bago ako lumapit at pumamewang.
"Kaibigan ko pakinggan mo mga bulong sayo?" pilosopong pagsagot ni Audrey sa akin.
I saw how the guy laughed at Audrey's joke at saka lang siya tumigil sa pagtawa dahil natapon niya ang latte ko at naramdaman niyang may mga nakatitig sa kaniya.
Damn, sayang.
"Kuya Jahleel! What's funny ba kasi? Ang annoying mo," naiiritang kinausap ni Khaela ang kapatid. "Buy her some coffee nalang kaya? There's a coffee shop nearby naman hindi ba Audrey?" pagsu-suggest niya sabay kurot sa tagiliran ni Audrey.
"Ano ba?!" reklamo ni Audrey.
"Anong ano ba?" tanong sa kaniya ng lalaki.
"Ano ba naman yung bilhan mo nalang ng bagong iced coffee si Ate at ihatid na rin tutal magkalapit lang naman mga houses natin."
Nanlaki ang mga mata ko dahil doon, "Audrey, hindi na. Paubos ko na rin naman kaya hayaan mo na." Tinignan ko ang lalaki at nakita kong nakasuot din siya ng uniporme at halatang nagmadali ring nagpunta rito, "Sir, sorry about that, it's okay," nahihiyang sabi ko.
He took a glimpse of his wrist watch and then looked at me, "I can buy a new one, let's go? Mayroon pa namang time bago ako magturo sa last subject ko," he casually said.
Ah, so he's a Professor pala.
He looked at me and raise his eyebrow and I nodded as a response.
After that, we went to the parking lot and he went inside of his car...I think. I was just standing there.
I don't know if I'm going inside or not. Ang scary kasi baka mamaya bigla akong saksakin tapos itapon nalang bigla sa damuhan 'no. Ang chaka naman kung papatayin na nga lang ako tapos ang pangit pa ng magiging documentation. Paano kapag hindi ko makamit ang hustisya? Sa gwapo nitong taong 'to baka walang maniwalang siya ang pumatay at naghagis ng bangkay ko sa damuhan.
"Miss? Sasakay ka ba o kaya mong mag teleport papunta sa coffee shop?" tanong niya sa akin kaya napatigil ako sa imahinasyon ko.
"wait lang," mahina kong sabi at sumakay na sa loob ng sasakyan ng binata.
Tahimik lang kaming pareho habang paalis sa parking lot ang sasakyan niya. His phone was connected and he started to play a song. It was a love song called As Long as I Have You I'm Home by Imaginary Future. I knew this song because I also play this almost everyday.
I started humming to the song while looking outside. His music taste is pretty good compared to other guys his age.
Hindi naman siya ganun katanda tignan, mukha siyang baguhan lang. Kung ikukumpara sa edad ko siguro nasa tatlo o apat na taon ang lamang ng edad niya sa edad ko.
"Good afternoon ma'am and sir! May I take your order please?" nakangiting sabi ng babaeng nasa may counter. Halata sa kaniya na kinikilig ito ngunit hindi ko mawari kung ano ang dahilan.
"One latte and...ano sayo?" tanong nito sa akin.
"Ikaw" kalmadong sagot ko habang may hinahanap sa bag ko. I suddenly remember the keys sa bahay and thank God na nasa bag ko pa naman.
"A-ako?" nauutal niyang tanong.
Nag angat ako ng tingin at nagtaka kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya sa sagot ko.
"Oo, kung ano yung sayo ganun din sakin."
"Oh right," nahihiyang sabi niya sa akin.
Hindi na niya ako tinanong ulit kaya kinuha ko nalang ang phone ko't nagpindot ng kung ano ano. Tahimik lang kami hanggang sa dumating na ang mga pagkain.
"Thank you for waiting po! Ang cute niyo pong couple hihi! Enjoy po ma'am and sir," nakangiting umalis ang babaeng naghatid ng mga orders namin.
Nagkatitigan kami dahil sa sinabi ng babae sa amin. Well, that was awkward. We don't really look like a couple and come to think of it, ang gwapo nitong kasama ko samantalang ako mukhang basahan.
I just gave him a smile and he nodded "let's eat."
Walang nagsalita sa amin pagkatapos naming kumain hanggang sa ihatid niya ako sa bahay namin, tama nga si Audrey na magkalapit lang kami ng bahay.
"Thank you ha," I said while smiling at him. Bubuksan ko na sana ang gate pero biglang nagsalita si Jahleel.
"May I know your name? Kanina pa tayo magkasama but I don't know what to call you" he asked.
"I'm Zinniara, but you can call me Zinnia and you are Jahleel right? Nice meeting you pala."
"You too, so I'm expecting na hindi ito ang huling pagkikita natin right?" kaswal niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. "I mean, magkalapit naman ang houses natin so we might meet again," dagdag niya.
Tumango nalang ako at nagpaalam na siya kaya pumasok na ako sa bahay namin.
"Hoy, Zinniara Andree Vicente, bakit ba ngayon ka lang? Kanina pa nakauwi yung kapatid mo ah," bungad sakin ni mama na naghahain na sa lamesa.
Lumapit ako sa kaniya at kinukwento ang nangyari. Umupo na ako at nag umpisa ng magkwento na sa kaniya. I also used my hands while explaining para naman damang dama na story telling time ngayon.
Tuwang tuwa si mama sa mga kuwento ko pero ang totoo nililibang ko lang talaga siya para walang sermon.
"Audrey, kakain na! Tama na muna 'yang harutan niyong magkaibigan at hindi kayo mabubusog diyan!" pabiro kong sabi sa kaniya pagkapasok ko sa kwarto niya.
Magkatabi lang ang kwarto namin kaya maririnig mo ang ingay sa kabilang kwarto kapag dinikit mo ang tenga mo sa pader.
She was busy playing a Taylor Swift song sa gitara namin habang nirerecord ang boses sa microphone.
We do sing and play the guitar and other instruments na nandito sa bahay. We got that from our papa.
"Ate naman eh, ito na nga," tinulungan ko siyang ibalik sa dating lagayan ang mga nakakalat na gamit.
Sabay kaming bumaba at nagsimula ng maglead ng prayer si Audrey. Pagkatapos magdasal ay nag umpisa na kaming kumain and nagkwentuhan about random stuffs.
"Ate, how's your date naman with Kuya Jahleel?" tanong sa akin ni Audrey na ngumingisi ngisi pa, "share mo naman sis."
"Tumigil ka nga Audrey, hindi date 'yon okay? At sana una't huling pagpunta ko na 'yon sa office ano? Buti nalang mabait si Khaela ha," pagbibilin ko sa kaniya.
Hindi naman talaga siya napapatawag sa office, ito ang unang beses at hindi naman ganon kalaki ang gulo kaya sana huwag na maulit.
"Don't worry ate, we're friends na po," nakangiti niyang sabi sa akin na parang batang binigyan ng cotton candy at tuwang tuwa.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit na nilagay ko kanina. I put my things sa study table ko and put Kesiah's things sa isang kulay pink na case.
Sinuot ko ang pajama ko and I tied my hair with my butterfly styled ponytail na bigay ni Kesiah sa akin.
I went inside my bathroom and took a mirror selfie kasi...wala lang.
Naghugas na ako ng mukha ko and then I did my skin care routine. I checked my phone at may isang message galing sa unknown number.
I didn't open the message because I'm too sleepy to reply. Bukas ko nalang babasahin.
I played some music for me to have a deep sleep since wala naman kaming pasok bukas dahil Saturday naman.
***
Nagising nalang ako dahil sa ingay ni Kesiah. Bakit nandito 'tong babaeng 'to? Saturday naman ngayon pero ang aga niya naman if ever mag aaya 'tong lumabas.
"Zinnia! Gumising ka na diyan, wala ka sa dreamland okay?" sabi ni Kesiah na inaalog alog pa ako.
Si Kesiah lang ang kaibigan kong kaklase ko pa rin hanggang ngayon. Sina Seah, Rage, Calli, at Tiffany kasi ay nasa iba't ibang schools kaya hindi namin masyadong nakakasama.
Saka lang kami nagkukumpleto kapag birthdays or kapag sila mismo ang pupunta sa bahay at matutulog kami sa may garden. I don't know why pero kapag pupunta sila dito eh matic na may tent silang dala. Prepared.
"Ate girl, wakey wakey! Bebegurl gising na, Audrey's waiting downstairs and umalis na si Tita kanina."
Naglagay ako ng isa pang unan sa mukha ko para hindi gaanong marinig ang kaingayan niya pero bigla nalang niya akong hinila pababa ng kama ko. Hihilain niya pa sana ako pero bigla akong tumayo at nagkusang pumunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.
"Baka mamaya hilain mo pa ako pababa sa hagdan eh," pagbibiro ko sa kaniya bago ko siya niyakap at bumeso.
"Ay ate guuurl, 'wag mo akong bigyan ng idea," pagbibiro rin niya pero kinabahan ako ng kaunti kasi baka sa susunod ay totohanin niya na.
Si Kesiah na ang nagsuklay ng buhok ko dahil nagpupumilit kaya hinayaan ko nalang. Naglagay ako ng kaunting lipbalm since medyo dry ang lips ko.
"Omg Zinnia!" ang oa talaga nito.
"What's wrong?" tinignan ko ang sarili ko sa
salamin ngunit maayos naman.
"Bebegurl, ang ganda mo talaga like me," maarteng sabi niya at hinila ako palabas ng room ko.
Maganda naman talaga si Kesiah. Simple lang siya tignan pero alam mong ang elegante siya dahil sa gaan ng pagkilos niya. Kahit siguro pagsuotin ko siya ng basahan eh maganda pa rin siyang tignan.
"Bebegurl, wanna try kung anong feeling kapag hinila pababa ng hagdan?" nakakaloko niya akong tinignan kaya para sigurado na pinauna ko siyang bumaba.
"Good morning Audrey!" Pagbati ko sa kapatid ko na nanonood ng Weekly Idol ng Girls' Generation.
Yep, we do that alot.
Nginitian ko siya at nginitian niya ako na may pa-finger heart pa. "Unnie neomu janjjangiee!" And she giggled after saying that.
"Nado janjjangiee!" I said and laughed.
Para kaming mga siraulo.
"Hello po ate Zinnia, good morning po!" Khaela greeted me at may dala rin siyang paper bag na may lamang pang breakfast.
"Good morning rin Khae—" nag tataka ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa.
Bakit nandito ang kapatid ni Jahleel?
"May aasikasuhin lang ako sa may kusina bebegurl ha" pagpapaalam ni Kesiah sakin.
Tumango nalang ako at tinignan siyang umalis at may kinuha sa ref.
Nilingon ko ulit si Khaela pinaupo ko sa sofa at tumabi siya kay Audrey. Parang kahapon lang nasa principal's office 'tong dalawang 'to ah. Bestfriends agad?
"Khaela, anong ginagawa mo rito? Buti pinayagan kang umalis na mag isa?" pag usisa ko sa kaniya.
"Omg! May nakalimutan ako ate! Wait' I'll be right back po" mabilis niyang sabi at biglang
tumakbo palabas ng pintuan.
Anong meron?
Anong nangyayari?
Inantay kong bumalik si Khaela ngunit iba ang sumalubong sakin pagkabukas ko ng pintuan.
"Good morning Zinnia" nakangiting pagbati niya na ikinagulat ko.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kaniya dahil hindi maproseso ng utak ko ang mga pangyayari.
Una, si Kesiah na maagang nanggising.
Pangalawa, si Khaela na may dalang pang breakfast. Tapos ngayon, siya na may dalang coffee?
Nananaginip pa ba ako?