CHAPTER 1
CHAPTER 1
ROSSA Quivoso is a Female Escort. She's one of the most highest paid escort in their agency and all her life, people always say she's beautiful. Well, it's true, she definitely is. Idagdag pa ang balingkinitan niyang katawan at morenang kulay ng balat. She's a whole package, an eye catcher indeed and she likes it.
But right now, parang ayaw niya ng maging maganda. Kung kaninang pagpasok nila sa restaurant ay siya ang sentro ng atensyon dahil sa kanyang ganda, sentro naman siya ngayon ng atensyon dahil sa pinagsasasabi ng kasamang matanda.
"H'wag kang mag eskandalo rito, alam nating dalawa na bayaran ka at binayaran kita kaya gawin mo ang gusto ko!" Singhal nito sakanya.
Hawak nito ang braso niya at ramdam niya ang diin n'on. s**t. Nasisiguro niyang magkakapasa ang bahaging 'yon ng braso niya kaya hindi niya na ito pinatagal pa at nagsalita.
"I know my rights Mr.Teralba. You see sir, my service is not free kaya kaylangan niyo talagang magbayad, hindi rin ako ang nag-eeskandalo rito at hindi ako mag-eeskandalo, kung meron man pong nag- eeskandalo rito ay hindi ako, kayo ho 'yon--" lumunok siya "--and you know what sir? i won't continue this meeting because you're doing this, i mean i can sue you if i want to pero mukhang hindi 'yon magiging maganda para sa nalalapit mong kampanya." She proudly said.
Namumula ito, bakas sa mukha ang galit dahil sa sinabi niya.
Yeah. Bakit siya magpapatalo? Hindi siya ang mali rito at ayaw niyang naaagrabyado.
Customer is always right but no one is above the law, that's what she believe. Kliyente niya lang ito at wala itong karapatang sigawan siya, lalo't nasa public place sila kung saan maraming nakakakita. Nakakahiya.
Nakita niyang itinaas nito ang kamay at aktong sasampalin siya kaya ipinikit niya ang mata. s**t!
"Good evening Mr.Teralba " said by a man from her back.
Minulat niya ang mata pero nanatili siya sa pwesto.
Oh thank God!
Mukhang napakabigat ng kamay nito at nasisiguro niyang magkakapasa siya kung walang pumigil dito. Lalabas din talaga ang kamalditahan niya kung natuloy ang balak nitong pagsampal sakanya. Hindi siya tatayo lang at hahayaan itong ipahiya siya no!
"Oh good evening hijo, what a coincidence! kamusta ang inaanak ko?" Saad nito na para bang walang nangyari.
Biglang sumama ang mukha niya dahil don.
Ibinaba nito ang kamay na dapat sana'y isasampal sakanya at inilahad iyon para sa lalaking nasa likod niya, ngunit imbes na kunin ito ng lalaking nasa likod niya ay malumanay itong nagsalita.
"Forcing an escort without her permission as an exchange for the money that you paid is againts the law Mr.Teralba." Sagot nito sa matandang lalaki, ni hindi nito tinugon ang bati ng matanda.
Whoever this man behind her, she's thankful. Super.
"You're paying her for the job that she's doing, and i can see that she looks decent. Her job is to be your companion for the night, if i am not mistaken, and i guess the night is over, so..." hinatak nito ang braso niya na siya namang ikinagulat niya.
Habang hila hila siya ng lalaki ay nakita niya ang matatalim na matang 'yon nang lumingon siya.
Mr.Teralba will definitely sue her, not the other way around. Aish!
Naramdaman niya na lang ang pagdampi ng tela sa balat niya ng makalabas sila ng restaurant. Tiningnan niya kung ano 'yon, coat ito ng lalaki.
"Wearing revealing cloth huh? You should've dressed formally so that man has no reason to insult you." Anito sa likod niya na ikinagulat niya naman.
Tiningnan niya ito, wow.
Sinuri niya ang katawan nito magmula ulo hanggang paa. His tanned muscular body matches perfect with the white polo shirt that he's wearing, the sharp jawline and those forest green eyes, ugh, how can someone be so hot?
Hindi rin nakatakas sa mga mata niya ang dimples nito. Iniling-iling niya ang ulo.
Sino ito para pagsalitaan siya ng ganoon?
"E-excuse me?!" 'di makapaniwalang saad niya rito.
"I'm sure you're not a deaf." Malamig na tugon nito sakanya.
"And i'm sure you're not blind!--" napapantiskuhan niyang saad dito "look, what are you talking about? my dress isn't revealing at all!" Ani niya tsaka hinubad ang coat nito na inilagay sakanya kanina para ipakita rito ang suot na damit.
Mabilis naman nitong inilagay ulit ang coat na tinanggal niya.
"Ano bang problema mo ha?! kanina ka pa a--" naiinis na siya, kanina pa ito!
"All men inside that restaurant--" gigil na tinuro nito ang nilabasang lugar "were staring at you and your back."
Natawa siya rito, oh eh ano namang pake nito? kilala ba siya nito? tatay niya ba ito para pagsabihan siya? tsk. Men.
"Excuse me mister but i don't know you, look i'm thankful, yes, but please mind your own business, hindi ko kaylangan ng tulong mo." Saad niya rito at naglakad.
"And oh wait--" tumigil siya at inalis ang coat nito na nasa balikat niya tsaka inihinagis sa lalaki "--thanks but i don't need it." Sabay irap niya rito.
Antipatiko.
Oo nga't tinulungan siya nito pero wala itong karapatang pagsabihan siya. Her dress isn't revealing at all at alam niya 'yon. Hindi niya na ito nilingon at sumakay ng taxi.
Pag kauwi niya ay natulog na siyat't nagpahinga. Naii-stress na siya dahil hindi niya alam kung anong ipapaliwanag niya bukas tungkol sa nangyari kanina. Hindi niya rin alam kung anong aksyon ang gagawin ni Mr.Teralba pero nasisiguro niyang masisira ang reputasyon niya.
Yari nanaman ako nito! Jusko!
Naiwan ang lalaking hindi makapaniwala sa nangyari. What the heck just happened?
He's in the restaurant to meet the woman. That woman. But when he got in the restaurant, he saw her being shouted by one of his ninongs. He have many, but what made him angry is that the one who's shouting is one of the persons that he don't like which is Mr. Teralba.
He didn't like the scene, he believes that every man should respect every woman 'cause that was his father taught him. He didn't even know why that old man is one of his godfathers.
Kaya walang ano ano'y pumasok na siya sa eksena nang makita niyang sasampalin nito ang babae.
Fucking bastard. Parang wala lang dito ang nangyari at agad siyang binati. Nainis siya bigla, gusto niya itong suntukin ngunit pinigilan niya ang sarili dahil marami ang nakakakita. Siguradong madadamay ang pangalan ng pamilya niya kung gagawin niya ito kaya imbis na gawin ang nasa isip ay nagsalita na lang siya.
"Forcing an escort without her permission as an exchange for the money that you paid is againts the law Mr.Teralba." He said plainly.
Tiningnan niya ang babae at kitang kita ang likod nito. Tiningnan niya ang buong paligid, nakikinig ang mga babaeng kasama ng mga lalaki at ang mga lalaki naman ay nakatingin sa babaeng nasa unahan niya.
What the f**k is wrong with this society? How can men just watch a woman being humiliated and assaulted?
"You're paying her for the job that she's doing, and i can see that she looks decent. Her job is to be your companion for the night, if i am not mistaken, and i guess the night is over, so..." Dagdag niya at mabilis na hinila ang babae palabas ng gusali.
"Wearing revealing cloth huh? You should've dressed formally so that man has no reason to insult you." Aniya sa babae. Alam niya ang takbo ng utak ng isang lalaki kaya pinuna niya ito.
"E-excuse me?!" 'di makapaniwalang saad nito sakanya kaya sinagot niya ito
"I'm sure you're not a deaf." Malamig na tugon niya.
"And i'm sure you're not blind!--" napapantiskuhan saad nito "look, what are you talking about? my dress isn't revealing at all!" Anito sa kanya at tsaka hinubad ang coat niya.
Mabilis naman niya itong ibinalik ulit. I'm of those men but i respect her, why can't she see that I'm trying to help her out?
"Ano bang problema mo ha?! kanina ka pa a--" parang naiinis na saas nito
"All men inside that restaurant--" he said while pointing the building "were staring at you and your back."
"Excuse me mister but i don't know you, look i'm thankful, yes, but please mind your own business, hindi ko kaylangan ng tulong mo." Saad nito at naglakad.
"And oh wait--" tumigil ito at inalis ang coat na inilagay niya sa balikat nito at tsaka inihinagis sa kanya"--thanks but i don't need it." Anito at tuluyang umalis sakay ng taxi.
Wow. Did i hear that right?
No one dares to talk to him that way because he's Damian Lacsamana, so this is new to him. He look at her, amused. Wait, does she know who I am? I don't think she does because of the way she talks to me. A smile form on his lips.
Damn, so fiesty. He likes it.
Kinaumagahan habang nagto-toothbrush ay naramdaman ni Rossa na nag vibrate ang cellphone sa bulsa ng short niya, tumatawag ang kaibigan niyang si Clover kaya sinagot niya ito agad.
"Mr.Lacsamana just canceled his agreement to our agency, and guess what?" Anito sa kabilang linya.
"Why? I thought sa makalawa pa meeting ko sakanya?--" inipit niya ang cellphone sa pagitan ng pisnge at balikat "--what's with the sudden change of mind? may nahanap na ba siyang iba?" Tanong niya habang nagtatanggal ng takong.
"You tell me." Binabaan siya nito ng tawag.
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang cellphone, why did she hanged up on me without giving any reason? the f**k? ayaw na ayaw nitong binababaan niya ito pero ginagawa rin nito iyon sakanya.
Ilang segundo lang din ang lumipas bago nagvibrate ang cellphone niya, hindi ito isang tawag kundi isang text na naglalaman ng isang litrato at mensahe. Binasa niya ito.
" What the hell did you do last night Rossa?! "
She looked at the picture.
Tiningnan niya ang picture na kasama ng text na ito.
Nanlaki ang mata niya!
It's her picture last night , outside the restaurant with that man. A picture of her, in a tabloid titled Lacsamana's heir and his new girl.
Ang lalaking nagbigay sakanya ng coat,
Ito ang lalaking 'yon?!
Mabilis niya naibato ang cellphone niya at marahas na ginulo ang buhok.
WHAT THE f**k?!!
Sumandal siya sa pader at dahan-dahang dumausdos doon. Parang gumuho ang mundo niya. Naiiyak siya sa nakita. Kilala niya ang lalaki sa pangalan dahil kilala ito sa mundo ng negosyo ngunit hindi niya alam kung ano ang itsura nito.
Ito? ito ang lalaking sinasabi ni Clover? Siya si Mr.Lacsamana?
Parang gusto niya ng magpalamon sa lupa sa kahihiyan at pagsisisi. Ano nang gagawin ko? Sigurado akong ica-cancel nito ang agreement kahit na mag-makaawa siya.Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
You know what? nevermind!
She need to start her day positively kaya ngumiti siya. Kinukumbinsi ang sarili na ayos lang ang lahat kahit na alam niyang hindi.
Bakit niya ito iisipin? kasalanan niya bang hindi niya sinerch ang mukha nito? Oo at kilala ang pamilya nito, pero hindi naman kasi siya negosyante. Online seller siya oo, 'yon lang pero bukod d'on ay wala na.
Alam niyang nand'yan lang si google search pero, argh! No. Nevermind.
When she calmed down, she decided to prepare her breakfast. No more stress. Stress can cause wrinkles at masyado pa siyang bata para magkaroon n'on.
She walked into the back of the small counter of her kitchen and tiptoe to reach the upper cabinet for the loaf bread. After that, she walk towards the toaster and put two slices of bread into the bread slots.
Pagkatapos noon ay naupo siya sa sofa.
Isa nanamang nakakatamad na araw, saad ng mumunting boses sa utak niya.
Narinig niya ang pag click ng toaster na nangangahulugang luto na ang tinapay na kanyang nilagay kanina. Kinuha niya ito at nilagay sa isang platito. She also took her favorite mug and a stick of instant coffee and a creamer at nagsimulang gumawa ng kape.
It's like almost everyday. Depends if she has work. Ganoon lang palagi ang morning routine niya, sometimes she does two hour workout or run around the block, maalin sa dalawa. She need self-control to continue being fit, ito pa naman ang puhunan niya sa trabaho.
Well aside from being an escort, she's also an online seller. Sometimes, she also does babysitting. Kahit anong trabaho ay pinapatos niya.
Tumayo siya at kumuha ng avocado sa ref at dinurog ito gamit ang tinidor. She put some salt and lemon juice and placed it on top of the toasted bread. Kinain niya iyon pagkatapos gawin at lumagok ng kapeng ginawa.
Ibinaon niya ang mukha sa isang throw pillow nang makaupo sa couch. She goes back to reality after eating. Naalala nanaman niya ang katangahang ginawa niya.
Paano 'ko aayusin 'to ngayon? should i go to him? should i ask for forgiveness? what? what do i do?!
Mas lalo niyang ibinaon ang mukha.
Why would i do that? I mean, it's not like I made a huge mistake!
Tamad na tamad siyang tumayo ng marinig ang pagring ng cellphone niya, ringtone ito ni Clover.
"Yes Clov? What's up?" Bungad niya rito.
Clover is one of her bestfriend. The other one is Roxanne, Rox for short. Pare-pareho silang escort. It's like, friendship goals. Ang kinaibahan nga lang, Clover is an escort for leisure and Rox has spare time and escorting is her new found hobby while her, kaylangan niya ng pera, simply because kaylangan niya ng pambayad para sa mga pang araw-araw na gastusin.
"Kamusta bruha? is everything all right?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Sa tingin mo ba okay lang ako?" She said sarcastically na ikinatawa nito. At talagang may gana pa itong tawanan siya? Sa tingin niya ba joke lang ang lahat ng ito?
anong klaseng kaibigan 'to at bakit ko 'to kinaibigan?!
"I have two news for you, pick one, good or bad?" natatawang saad nito sakanya.
"Siguraduhin mo lang na meron talagang good d'yan Clover nako, masyado na akong malas kung jino-joke time mo nanaman ako!" bulalas niya rito.
"Okay let's go for the bad muna, uhm, the bad is, your profile visitor stats kinda have a problem." Saad nito sakanya.
Nahampas niya ang noo.
"You think hindi ko 'yan inasahan? of course alam ko na yan, that Mr.Teralba, makikita talaga ng kutong lupa na 'yon!" Gigil na saad niya.
"Ready for the good news?" Natatawang ani ni Clover na para bang binibitin siya.
"Go Clov, sinasabi ko talaga say--" sigaw niya na pinutol nito.
"Your profile visitor statistic problem is because of Mr.Lacsamana, hindi ka pwedeng tumanggap ng ibang clients dahil siya na ang magiging client mo for the whole month, full book ka na para sa buong buwan na 'to!" Bakas ang tuwa sa boses ng bruha.
Ibinaba niya ang cellphone pero hindi niya iyon pinatay. Itinaas niya itong muli at sinigawan ang kaibigan.
"Did i say yes?! did i agree?! bakit hindi saakin sinabi ni manager 'to? An agency is supposed to protect their workers, bakit parang nagkabentahan yata?!" Tuloy tuloy na sigaw niya sa kabilang linya.
Hindi sa ayaw niya pero napapangunahan siya ng hiya. Naaalala pa lang niya ang ginawa niya kagabi ay parang ayaw niya na ulit makita ang lalaki. Ano pang mukhang ihaharap niya rito? mukha siyang maldita kagabi at baka isa ito sa ayaw ng lalaki, pinili pa naman siya nito para maging escort niya.
Sinong pipili sa ganoon umasta?
"Let me remind you again Rossa, Mr. Lacsamana is one of your clients before that incident outside the restaurant, at hindi lang siya basta basta na client Rossa, he's one of the most biggest client of our agency. Isipin mo na lang ang mangyayari kung imbes na ikaw, si Mallory ang piliin niya, sige ka ikaw rin..." pananakot nito.
"Let me think of it first, bye." Sansalya niya. Kaylangan niya munang mag-isip bago sumangayon.
"Hoy gaga 'wag mo kong babaa--" then she hanged up.
Isa siya sa mga highest paid female escort ng agency nila at ang sumunod sakanya ay si Mallory. Kung hindi niya tatanggapin ang alok ng lalaki, Mallory will surely win againts her.
Should i accept it or nah?
"Aaaaaaaah! Why would he need an escort at bakit ako pa ang pinili niya?! He has money, why not hire an elite courtesan instead?!" Sigaw niya habang pinagbabato ang throw pillow na malapit sakanya "--wala ba siyang kaibigan?! ayoko na!" tumigil siya sa ginagawa.
Anong mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos nang pagtataray niya rito?! She can't just let her ego go, para bang sinasabi nitong, nek-nek mo!
Naglakad siya patungo sa lababo para hugasan ang ginamit. Pagmatapos itong ayusin ay naligo na siya. Dinala niya ang cellphone sa kadahilanang baka may tumawag sakanya. She used her favorite rose petal bath bombs at nagrelax sa loob ng bathtub, kaylangan niya kasi ito. It's her stress reliever, lalo pa ngayong naiistress siya dahil sa lalaking 'yon.
Hindi nga siya nagkamali ng marinig ang pagri-ring ng cellphone. Isa itong unregistered number kaya pinatay niya. Makailang ulit itong tumawag pero hindi niya sinagot. Baka isa nanaman sa makukulit niyang manliligaw.
Muli itong tumunog, naiinis na siya! Peste naman eh! Bulabog. Isa itong mensahe, galing ulit sa unregistered number na paulit ulit na tumatawag kanina. Pinindot niya ito.
'Answer you goddamn phone. I'm waiting.'
- Damian Lacsamana.
Halos magkandahulog-hulog sa kamay niya ang cellphone dahil sa mabilis na pagtipa rito. Sinagot naman ito agad ng lalaki.
"I-im sorry Mr.Lacsamana, naliligo pa kasi ako ngayon tsaka hindi ko naman alam na ikaw pala yung nata--" pinutol nito ang sinasabi.
"Do you realize that you're naked while talking to me Ms.Quivoso?" Anito sa kabilang linya.
Natahimik siya.
"Hello? Ms. Quivoso? still there?--" nabitawan niya ang cellphone "--hey are you okay? hey?!" Pinulot niya ang cellphone at ibinato ito sa pader.
Kuripot siya at aminado siya d'on. Pero parang gusto niya pang bumato ulit ng isa pang cellphone sa pader habang nakatingin siya sa kawalan.
Ano nanaman bang kagagahan ang ginawa ko?!
Nakahubad siyang naglakad pagkatapos magbabad sa loob ng tub. Nababalisa siya. Hindi na rin siya nagtapis dahil sanay na siyang ginagawa ito, wala naman kasing tao at hindi siya insecure sa sariling katawan, she's confident when it comes to her body, very confident.
Pero nang maalala niya ang sinabi ng lalaki ay mabilis siyang tumakbo papasok ng kwarto.
Nahihiya siya. She's not self-conscious, not until now.