Kabanata 4

3341 Words
“Betty…” When I heard Yesha's soft, pleading voice, I sighed deeply. Binaba ko ang librong hawak at tumingin sa kaniya. She smiled at me sweetly kaya naningkit ang mga mata ko. “Samahan mo ako sa linggo," malambing na sabi niya. Umiling lang ako. “No. Church," simpleng sagot ko. Ngumuso siya lalo. Her eyes were pleading and doing cute on me. “Sure ka na? Hindi mo ba ibabalik iyong jersey ni Andres?" Napatigil ako saka kumamot sa batok ko. “Eh, kailangan ako sa church. Hindi ako pwede." Her lips curved. “Baka mabulok ‘yong jersey ni Andres sa’yo niyan." I frowned at her. “Utak mo kung anong pumapasok." It's been a month now since he let me borrow his jersey. Hindi ko pa nababalik ang jersey niya dahil hindi pa ako sumasama ulit kay Yesha manood ng laro nila ulit. Naging busy din sa school at sa research namin kaya wala talagang panahon para samahan ang kaibigan. She grinned, clearly teasing. “Bakit? May sinabi ba akong iba?" “Gusto mo ikaw na lang magbalik ng jersey niya sa linggo," Huwestyon ko. Busy din ako sa pagre-review para sa admissions ng UST. Hindi ako dapat mapanatag dahil ilang buwan na lang ay magka-college na kami. Ngayon ang oras para mag-aral ako kahit pa makulong lang ako sa bahay. Agad siyang umiling. “Ayoko nga! Nakakahiya." Sinimangutan ko siya. “Bakit? Nakakahiya rin sa kaniya kung hindi ko ibabalik jersey niya. And besides, you'll watch their game again, right? " Nahihiya rin ako dahil isang buwan na ang nakalipas tapos nasa closet ko pa rin ang jersey niya. Baka may mabasa na 'yong tao sa akin. Umiling siya. “Ayoko. Ikaw magbalik no’n." “Eh, busy na nga ako…" “Kaya mga samahan mo ako sa mall, kasama ko si Levi sa linggo." “Gagawin niyo lang akong third wheel. Ayoko," mabilis na sagot ko. “Ipapasama ko si Andres para hindi ka ma-boring." Binaba ko ang librong binabasa saka tinaasan siya ng kilay. She's plotting something, huh? Naningkit ang mga mata ko sa kaniya habang siya'y inosente lang akong tiningnan. She smiled at me sweetly and went back to being adorable again, her eyes pleading and her lips were slightly pouted as if trying to convince me. “Wala akong ginagawa, Betty. Gusto ko lang na lumabas ka naman sa bahay mo dahil subsob ka na naman sa pag-aaral." Agap na niya bago pa ako makapagsalita. Nakagat ko ang labi saka huminga ng malalim. Yesha really knew how to get to me. Alam niyang hindi ko siya matitiis at may point din naman siya. "You know, this time of the year is not the best time to have fun. Hindi ka pa kinakabahan para sa USTet?” She shook her head instantly. “Hindi. Nagre-review naman ako tuwing gabi. And I know how to have fun while studying. Iyon nga ang mas masaya, ‘di ba?” Yesha knows how to handle her life. Lalo na ngayon na may boyfriend siya, sobrang galing niya sa time management na ‘yan. Ako hindi, isa ‘yon sa mga red flag ko. I always study. Lagi kong pini-pressure sarili sa pag-aaral at kung palaging sumusobra 'yon. Wala na akong ibang ginagawa sa buhay ko kundi ang mag-aral, umuwi, mag-alaga sa pamangkin ko at pumunta ng church. Other than that, wala na akong ibang routine. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili dahil pangarap ko ang hinahabol ko. Aabot ng mahigpit ilang taon bago ako maging ganap doctor, kaya hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras. Umingos ako. “Ikaw ‘yon…” "That's why give yourself time to refresh. Sige na, Betty. Uuwi tayo ng 8pm na para makapag-aral ka pa.” I pressed my lips together. Attempting na naman ang gusto niya. For sure, kung magpapaalam siya kay Papa na isasama ako, papayagan kami. Gusto rin ni Papa na makapagpahinga muna ako sa kaka-aral. Kumapit siya ng parang tuko sa braso ko. She pouted her lips while staring at me with her cute small eyes. Pabiro akong umirap sa kaniya. “Pwedeng after church?" I totally gave in again. Gumihit ang malaking ngiti sa labi niya. “Sunduin kita tapos sa Glorietta na lang tayo kumain.” Isang tango lang binigay ko sa kaniya at nagpatuloy na pagbabasa nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. I smoothly slid my hand into my pocket and grab my phone. Pudra: Anak, bukas pala ng gabi ibabalik si Ee sa atin. Me: Ah, sige Papa. Aalis din pala kami ni Yesha, magm-mall lang po. Balik ako agad para kay Ee. Pubra: Sige, gabi pa naman hahatid si Ee. Nag-reply lang ako kay Papa ng ‘okay’ saka babalik na sana ang cellphone nang mapansin kong nag-pop out ang account ni Andres sa screen ko. Nakakunot ang noo na clinick ko ang message niya. Andres Jay Delavin: Hi! Awtomatic na napataas ang isang kilay ko sa chat niya. Ilang minuto ko pa 'yon binasa ng paulit-ulit bago napagpasyahan na mag-reply. Bethany Aria Villanueva: Why? Mabilis niyang sineen at nag-reply. Andres Jay Delavin: Ay, cold masyado🥹 Tinagilid ko ang ulo. I’m confused now. “Sino ‘yan?" Rinig ko ang boses ni Yesha saka sumilip sa phone ko. Before I could react, she already saw the chat. I saw her eyes widened. “Uy, si Chessman pala…” aniya saka nagtaas ng tingin sa akin. "Ang cold ng reply mo. Hindi ka talaga friendly." Ngumuso ako. "He said, “Hi.”" "Edi, dapat hello ang reply mo.” Hindi ako nakasagot kasi alam kong tama siya. Now, I feel like I did something. Yesha scoffed. “Reply-an mo na." I pressed my lips together before I start typing. Bethany Aria Villanueva: Sorry. Nag-aaral ako, eh. Andres Jay Delavin: Don't be sorry. Ako dapat mag-sorry, nakaabala yata ako sa’yo. Bethany Aria Villanueva: Actually, yes. “Ano ba ‘yan, Betty. Lalangawin ‘yang reply mo kay Andres." Tumingin ako ulit sa kaibigan. Mas nagugustuhan na ngayon saka sumimangot sa kaniya. "Eh, totoo naman na nag-aaral ako.” She flicked her tongue. "Hay naku, Betty. Kaya halos lahat ng may gusto sa’yo, sa chat pa lang busted na, eh.” Nag-isang linya ang kilay ko. "Anong connect?” Napakamot siya sa batok na para bang ang slow ko masyado. "Naku, Betty. Can't you see that he wants to talk to you?" Now, I’m really confused. Inirapan niya ako ulit. “Baka gusto niyang makipagkaibigan sa’yo.” Napatango ako. I glanced at my phone and saw Andres' chat again. Andres Jay Delavin: Sorry po. Won't be bothering you now. Study well. Nakagat ko ang labi saka nag-reply sa kaniya. Bethany Aria Villanueva: No, sorry din. Nagulat lang ako sa chat mo. Andres Jay Delavin: Okay lang. Nagpapalipas lang sana ng oras. Bethany Aria Villanueva: Anyway, I’ll return your jersey this Sunday. Andres Jay Delavin: Sasama ka kanila Levi? Bethany Aria Villanueva: Yes. Andres Jay Delavin: Sige-sige. See you this Sunday, I guess? Bethany Aria Villanueva: Okay. Thank you ulit last month. Andres Jay Delavin: Walang anuman. Study well, Bethany. Napatingin ako sa huling chat niya. He called me Bethany. No one called me by my real name. “Ayan. Kaunting kembot pa sa reply mo. Daig mo pa badtrip na tao, eh." Yesha voice broke through my thoughts. Napanguso na lang ako at tinago na ang cellphone sa bulsa. Umiling-iling siya saka ako pinagmasdan ng maigi. “I’m teaching you how to be friendly. Mukha namang mabait si Andres." Hindi ko siya sinagot. Dumaan ang linggo na umaga pa lang ay gising na ako dahil pupunta pa ako ng church namin. Normally, pag-day off ni ate Maeve sa hospital, kaming dalawa ang magkasama o kaya ni Papa. Pero dahil parehas silang may trabaho, ako lang mag-isa. Malapit lang din naman ang church. Isang sakay lang tricycle mula sa amin. I usually spend half my day at church every Sunday. Ito lang ang araw na nakakapag-thank you ako kay Lord sa araw-araw na binibigay niya. Kaya minsan kahit na maghapon ako sa church ay okay lang. “Ingat ka, Betty," ani Pastor José nang magpaalam na ako. "Bye po, Pastor.” "Betty…” I turned around and saw I ate Jace. “Yes po, ate?" “Magkakaroon ng donation para sa orphanage, kunin sana kita para mag-volunteer sa mga bata." “Talaga po? Okay lang naman po. Kailan po ba?" “Sa susunod na linggo pa naman. Text na lang kita saan." Tumango ako. “Sige po. No problem, ate para sa mga bata." Maagan siyang ngumiti sa akin. “Thank you." I bid my goodbye to my other churchmates before I left. Paglabas sa church ay napatingin ako sa cellphone ko dahil nag-chat sa akin si Yesha. Ayesha Kourtney Mendoza: Betty, mahal kong kaibigan, sorry na agad. Si Andres na lang ang susundo sa’yo diyan sa church. Wait namin kayo rito sa Glorietta. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaibigan ko? Napailing ako saka bumuga ng hangin. Nag-react lang ako sa chat niya nang mag-pop out naman ang chat ni Andres. Andres Jay Delavin: Sorry, medyo naligaw yata ako. Saan ka rito sa Don Bosco Street? Bethany Aria Villanueva: Liko ka sa Chino Roces Ave. Nandito ako sa tapat ng WalterMart. Andres Jay Delavin: Ah, okay. Wait mo ako. Bethany Aria Villanueva: I will. Wala pang limang minuto ng may huminto sa tapat ko na black Honda Gold Wing. I followed the gaze to the man who removed his black helmet, revealing Andres— his messy yet effortlessly refreshing look greet me warmly. He wore a crisp white polo shirt that fit perfectly, highlighting his broad shoulders, paired with slim black pants that gave him a sharp, casual vibe. His hair was tousled, as if he’d just run his fingers through it, adding to his laid-back charm. Despite the slight dishevelment, he looked effortlessly handsome— like someone who didn’t have to try too hard to catch your attention. “Maling street pala ako dumaan. Sorry,” aniya saka tumawa ng mahina. I pulled myself together and shook my head, forcing myself to stop thinking about how attractive he looked. “Ah, hindi, malaki rin kasi itong simbahan," sagot ko. He swung his leg off the motorcycle and landed softly on the pavement, while I couldn’t help but stare at him once more. There was something about the way he moved— effortlessly confident yet gentle— that caught my attention. He pushed his glasses up the bridge of his nose with a quick, practiced motion before reaching into the trunk of his motor. After a brief moment, he pulled out the other helmet and turned toward me, his eyes meeting mine as he extended it with a small, reassuring smile. I swallowed hard, trying to steady my racing heart. Betty, pull yourself together! “Thanks…” I said softly, my voice barely above a whisper. My eyes flickered to the paper bag in my hand, inside was his jersey. “Ah, your jersey, by the way,” I added, feeling a blush creep up my cheeks. I extended my hand toward him, offering the bag. For a moment, our eyes met, and I caught a glimpse of something gentle and warm in his gaze that made my heart skip a beat again. Ang lambot ng expression ng mukha niya at malumanay. I gulped before I look away. Napakamot ako sa batok dahil ramdam kong uminit ang pisngi ko. Kinuha niya ang paper bag. Nilagay niya ‘yon sa trunk niya bago kinuha ang isang itim na jacket. Inuwestra niya ‘yon sa harapan ko. “Put this on your waist," he said softly, handling me his jacket. “Ah,” iyon lang ang lumabas sa bibig ko, saka dali-daling kinuha sa kamay niya ang jacket, ramdam ko ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko. Hindi pa nakatakas sa akin ang paglandas ng tingin niya sa suot ko. I’m wearing my casual church dress. Puti iyon na under knee at naka-sandals lang din ako. My hair was pulled up in a bun but because I have a baby hair, naging messy bun ang tingin no’n. But it keep my natural look. “Hop in. Nagugutom na raw si Yesha at baka hindi tayo hintayin no’n." Napanguso ako. "Sanay na ako.” He chuckled lowly, a sound that sent a strange warmth through me, as I carefully hopped onto his motor. At kagaya noong unang beses niya akong hinatid, I found myself instinctively resting my hand lightly on his shoulder. The touch was gentle, but suddenly, a jolt of electricity seemed to shoot through my veins. My heart raced at the fraction. Jusko! What is this, Betty? I tried to steady my breath, but the fluttering in my chest only grew stronger. “Okay ka lang?" he asked, as if he sensed I had frozen behind him. Tumigilid din ang ulo niya ng kaunti para ba matingnan ako saka tumingin ulit sa daan. Napalunok ako at wala sa sariling tumango. “Yes,” sagot ko sabay pikit ng mata. Kinakalma ko ang sarili hanggang sa makarating kami sa Glorietta. The whole ride gave me so much adrenaline! Pagka-park niya naka-receive ako ng text kay Yesha. Yesha cutie: Sorry ulit. Tagal niyo kasi nagugutom na ako kaya nauna na kami ni Levi. Anyway, nanonood kami ng sine. Sunod kayo kung gusto niyo. Sorry hehe, ilysm. And please, be friendly to Andres baka mapanisan ka ng laway. Napa-facel palm na lang ako sa text niya. I glanced at Andres na nilagay ang helmet niya sa upuan ng motor. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya nag-angat siya ng tingin. His eyes were asking. “Hmm?" “Yesha and Levi already ate," maliit ang boses na sagot ko. Ramdam kong uminit ulit ang pisngi ko sa hiya. I swear, Ayesha! Kasalanan mo ‘to! “Gusto mong kumain muna? Nasaan ba sila ngayon?" “Nanonood ng sine." He nodded. “Kain muna tayo tapos sundan natin sila?" “Okay lang ba sa’yo na samahan ako?” Marahan ko siyang tiningnan. "I mean, I don't wanna waste your time. Pwede naman akong umuwi na, hayaan ko na sila Yesha sa date nila. I can go home by myself, alam ko pauwi.” Mabilis siya umiling. "No. Okay lang sa akin na samahan ka. Nandito na naman na tayo…” he trailed off. I blinked. "Are you sure?” I asked slowly. Isang matamis na ngiti ang gumihit sa labi niya saka tumango. "Wala naman akong ginagawa. Ikaw? Hindi ka ba magre-review?” “Mamayang gabi pero para lang naman ‘yon sa USTet." Napayuko ako ng kaunti saka mariin na pinikit ang mga mata. Why do I feel like I'm acting strange? Nahihiya ako na ewan. “Kain muna tayo, Betty," he uttered gently. I looked up at him again. His eyes were soft, warm, and fixed on me in a way that made my heart flutter. Napatango ako. “Sige." “Saan mo gusto?" I abruptly bit my lips as I scratched my forehead. “Jollibee na lang,” sagot ko. Iyon lang din kakasya sa budget ko ngayon. A small smirk intrudes from his lips before he nodded gently. “Okay. Halika.” Tumango lang ako saka naglakad na. Pansin ko na pinauna niya akong maglakad bago siya sumunod. He followed me all the way to the Jollibee quietly. Napanguso tuloy ako nang maka-order kami na wala man lang conversation. Be friendly to Andres! While waiting for our food, that word kept echoing in my mind. I pressed my lips together, trying to hold back the swirl of feelings inside me, and shifted my weight uncomfortably. I caught Andres watching me quietly, his gaze gentle but curious. “Are you uncomfortable?” he asked softly, concern lacing his voice as he searched my eyes for an answer. I hesitated, my heart pounding. I shook my head slowly, struggling to find the words. “No. It’s just…” The words caught in my throat, unsure how to explain. Sasabihin ko na ang weird ng feeling ko sa kaniyan ngayon? No, of course! Umayos siya ng upo at nilagay ang kamay sa lamesa. He’s looking at me so intently, like I have his full attention! And I don't like how he stares at me! He's making my heart pound so hard. “Hindi ka sanay?" Ngumuso ako bahagya saka tumango. “Sorry…” I said in my low, apologetic voice. "First time ko kasi na lumabas ng bahay na ibang lalaki ang kasama.” Napatango siya. "I see. Si Kairi at Yesha palagi ang kasama mo." “Oo," mahinang sagot ko. “Si Kairi lang ang nag-iisang lalaki kong kaibigan. Well… dalawa na pala sila.” Tumungo siya sa akin. "Sino pa?” "Si Dominic. Iyong kaklase ko tapos kagrupo namin sa research,” sagot ko. I saw a glint of disappointment from his eyes as if I said something that made me disappoint. Parang dinaga ang puso ko. Napakurap-kurap ako sa kaniya ng bahagyang ngumuso ang labi niya. “So, you don't consider me as your friend now?” he said, his voice tinged with melancholy. I blinked, caught off guard. Didn't know how to answer him and my heart is pounding so hard! Humaba ang nguso niya. “I thought we're friends.” "Oo naman,” agap ko, nanlalaki ang mga mata dahil ayokong ma-disappoint siya. His lips curved. "Tatlo na kami. Apat na kaibigan mo,” he said gently as his eyes sparkles. I chuckled nonchalantly. “Oo… we're friends,” sagot ko saka ngumiti na lang. Hindi ko alam kung matatawa ako. My heart is acting very weird right now but seeing him, pouting his lips is like something came to me, something bright, despite my heart acting weird, it lifted up my mood. He pressed his lip together before he shook his head. Tumikhim siya pagkatapos at bumuga ng hangin na parang nahihirapan. Our order arrived, but I found it hard to focus. I kept noticing the way we kept stealing glances at each other, a silent conversation passing between us. Then, I glanced around and caught the curious stares of the people near our seat. “Si Chessman ‘yan, ‘di ba?" I heard the two women from the next table say. “Yes. Gwapo, ‘no?” Bumalik ang tingin ko kay Andres na binuksan ang takip ng gravy tapos nilagay iyon sa tabi ng kanin ko. Tila wala siyang pakialam sa mga mata na nakatingin sa amin— sa kaniya to be exact. He even put the coke float and fries next to it. "Hindi ka ba pinagbabawalan na makita sa public places?" It came from my mouth nonchalantly. Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. "Hindi naman ako celebrity para pagbawalan,” he simply answer before he open the other gravy. "Gusto mo rin bang nilalagyan ng gravy ang kanin mo?” Tumango lang ako. "But you're popular. Still a public figure. Hindi ba bawal ‘yon?” He chuckled lowly. “Nope. I’m a pro-player, Bethany. Wala sa kontrata namin na bawal kaming makipag-date,” sagot niya saka nilagay ang gravy sa kanin ko. Kumabog ang dibdib ko sa sinagot niya. Date? My heart skipped a beat. For a moment, the world seemed to stop, and my heart suddenly started pounding faster. He paused, looking at me with a mix of surprise and concern. He saw the shock and nervousness in my eyes, and it was like he suddenly realized the weight of his words. He cleared his throat and swallowed hard, his hands trembling slightly. “I mean, wala sa kontrata namin na bawal kaming magka-girlfriend o kaya lumabas na kasama ang mga kaibigan,” he explained while still I was frozen in my seat. I'm still shocked. At puso ay hindi natumigil sa pagbilis ng t***k na akala mo tumatakbo ako ng ilang kilometro. “Kumakain ka na. Don't mind those people."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD