"Teka, Andres. Bakit parang nasa akin lahat ng pagkain?”
Napaawang ang labi ko sa kaniya na nilagay ang jolly hotdog na in-order niya kanina sa tabi ng pagkain ko. He just chuckled before he knuckled his hands on the table. Namumungay ang mata na tumingin siya sa akin.
“Kainin mo," he said simply.
Nanlaki ang mga mata ko. “Anong akala mo sa akin matakaw?"
“You whispered earlier you like fries and a jolly hotdog. Kaya nagtaka ako bakit fries lang in-order mo. Ako um-order… ‘yan kainin mo na.”
I gulped. "Narinig mo ‘yon?” Manghang tanong ko.
Pinagkakasya ko lang kasi ang budget dahil next week pa ang sahod ni Papa. Ako'y isang na umaasa lang sa papa at dalawang kapatid ko.
Humugot siya ng hininga bago tumango. Tila ba aliw na aliw siya habang nakatingin sa akin.
“Yes. Sa’yo na ‘tong sa akin."
A beam smile escaped from my lips as I stared at him. “Talaga?"
“Yes. Sana next time, hayaan mo rin na ako magbayad sa pagkain natin," he uttered softly.
Nasamamid ako kahit na walang laman ang bibig ko. He immediately grabbed the tissue and gave it to me. Tinanggap ko ‘yon habang siya'y tumuwid ng upo.
“I mean, kaibigan kita. Dapat lang na i-treat kita sa labas," sabi niya saka tumikhim.
I wiped my lips and scoffed. “Huwag na. Kami nga ni Kairi, KKB kung lalabas."
Aasahan ko sa isang ‘yon? Kuripot ‘yon.
“No. Dapat lalaki ang nagbabayad."
“Hindi naman ‘to date. At kung lalabas tayo next time, kasama sila Yesha,” I said as a matter of fact.
“Then, as a friend,” sagot niya, habang inalis ang tingin niya sa akin, na para bang nahuli ko siya sa isang bagay.
Pinagkatitigan ko siya na namumula ang tenga sabay kamot sa batok niya. Nanliit ang mga mata ko sa kaniya habang siya'y hindi makatingin sa akin ng maayos.
Andres is a nice guy. Mukha lang siyang suplado pero mabait siya kahit na dalawang beses pa lang kaming nagkakasama. And I admit it, I feel something to him. Hindi ko alam kung ano pero iba ang kabog ng puso ko tuwing titignan ko siya lalo na kung magtatama ang mga mata namin.
It's like his full attention. There's a sparks, amusement and something bright I couldn't name. Something that makes my heart skip.
It’s like he's giving me his full attention whenever our eye met. Theere’s a spark— an electric mix of amusement and something bright and unexplainable in hi deep eyes. Something that makes my heart skip a beat. It’s confusing and thrilling all at once.
“Ilang taon ka na?” I asked nonchalantly.
Nakita ko ang gulat sa mata niya nang tumingin sa akin. “Eighteen."
I was right that he's older than me. Pinaglandas ko ang dila sa labi ko saka umayos ng upo at tumango lang.
Naputol ang tingin ko sa kaniya nang mag-ring ang cellphone ko. I immediately grabbed it from my sling bag and saw ate Maeve calling.
“Yes, ate?” Sagot ko.
"Pauwi na pala si Ee.”
"Oo nga. Mamayang gabi ang dating nila.”
"Nasaan ka ngayon?”
I frowned. "Nasa Glorietta, bakit?”
I saw Andres staring at me attentively. Umiwas ako ng tingin.
"Daan ka grocery. Wala na pa lang stock si Ee ng pampers at gatas. Pabili naman, bayaran ko mamaya.”
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay. Pasabi pala kay Ninang anong oras sila darating para makauwi na ako.”
"Ngayon na yata biyahe nila.”
Napatayo ako. "Ah, sige. Bibili na ako.”
Nakita ko rin si Andres na tumayo, tila nagtataka. Inayos niya ng mabilis ang pinagkainan namin bago ako muling hinarap.
“Uuwi ka na?" He asked.
“Yes. Pero dadaan muna ako grocery," sagot ko.
“Samahan na kita," he insisted.
Isang tango lang binigay ko. Nag-chat na lang ako kay Yesha na mauna na kami saka diretso sa grocery. I bought Ee’s pampers and milk. Pagkatapos ay hinatid ako ni Andres pauwi. Medyo padilim na nang makarating kami sa bahay dahil naabutan kami ng rush hour. Mabuti na lang wala pa sila Ninang.
Bandang 9pm na nang dumating sila Ninang, mama ni Kairi. She smiled generously when she saw me. Habang si Ninong naman ay buhat si Ee na bagsak na.
“Bagsak na ang makulit. Pumasyal pa kasi kami kay Kairi at mukambibig na naman," ani Ninong habang papunta sa kwarto ni Ee.
Natawa lang ako. “Kahit naman dito, ‘Nong. Palaging ‘watch kaikai’ ang sinasabi," napahalukipkip ako sa sagot ko.
Umiling lang din si Ninang. Hindi sila nagtagal at umuwi rin dahil manonood daw sila ng laban ng Horizon bukas ng maaga. Habang wala rin sila ate Maeve dahil straight sila ni Papa sa duty, tumabi muna ako sa kwarto ni Ee.
My two year old nephew was sleeping peacefully. Nakapajama na siya, siguro binihisan ni Ninong pagdating. I was busy staring at my nephew when I heard someone send me a message.
Kinuha ko agad ang cellphone para i-silent muna ito dahil baka magising si Ee bago tiningnan ang chat ni Andres.
Andres Jay Delavin: Sorry kanina.
Kumunot ang noo ko.
Bethany Aria Villanueva: You didn't do anything.
Andres Jay Delavin: I made you uncomfortable with me. Basta, sorry sa inasta ko. Sa susunod, hindi na mauulit. Sa akin lang talaga, dapat lalaki ang nagbabayad kung kakain sa labas.
Napalabi ako sa sinabi niya. Umayos ako ng upo saka siya ni-reply-an.
Bethany Aria Villanueva: No, that was okay.
Andres Jay Delavin: No, that would never be okay to me. Ang pangit kasing tingnan na ikaw magbabayad ng pagkain mo sa susunod.
Napataas ang isang kilay ko.
Bethany Aria Villanueva: Sa susunod??
Nakita kong ang bilis niyang i-seen ang chat ko pero napakunot ako dahil medyo tumagal ang reply niya.
Andres Jay Delavin: Sa susunod na friendly date?
I scoffed now.
Bethany Aria Villanueva: ??
I saw he's typing but it took much longer before he sent it.
Andres Jay Delavin: I thought we're friends?
You’d believe I fall for that lines?
Bethany Aria Villanueva: Hindi ko naman binabawi.
Andres Jay Delavin: So, sa susunod kung lalabas sila Yesha at Levi. Tapos sasama ka, pwede akong sumama.
Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya. Umiling na magre-reply sana ako nang mag-chat ulit siya.
Andres Jay Delavin: Kung okay lang naman sa’yo.
Andres Jay Delavin: Anyway, may ginagawa ka ba?
“Wow! Change topic, huh?" I murmured to myself.
Bethany Aria Villanueva: Nagbabantay lang ng pamangkin.
Andres Jay Delavin: Ah, akala ko nag-aaral ka. Baka nakaka-istorbo na ako hehe.
I pressed my lips together. Alam ko ginagawa niya, hindi naman ako tanga. Pero ayokong isipin.
Bethany Aria Villanueva: Baka bukas na lang.
Andres Jay Delavin: Okie po! Manonood ba si Yesha ng laban namin sa 28?
Bethany Aria Villanueva: Ewan ko. Bakit hindi mo siya i-chat?
Andres Jay Delavin: Eh, ikaw?
Napairap ako sa hangin. Hindi ko alam pero nasisiyahan ako.
Bethany Aria Villanueva: Kung manonood si Yesha pero kung hindi, hindi.
Andres Jay Delavin: Kung iimbitahan kitang manonood? Papayag ka?
Sumulpot ang kabog ng dibdib ko. I know he's doing moves on me. And I know this is not good especially for me. Mag-aaral pa ako. Iyon dapat ang priority ko.
And I know I shouldn't entertain him, but I end up relying to his chat. Napanguso na lang ako saka iniling ang iniisip.
Bethany Aria Villanueva: Kung libre mo ticket.
That was a joke. I know he wouldn't take it seriously.
Andres Jay Delavin: Considered it done already. Bigay ko iyong ticket one week before our game.
Napaawang na lang labi ko sa sagot niya. Nagpaalam na siya habang ako ay nag-react lang like sa chat niya. Isang tawa ang lumabas sa labi ko saka umiling.
Weeks passed since our conversation, naging busy kami sa research namin. Yesha couldn't attend Phantom Phoenix game, either, as we're rushing to finish chapter 1 & 2. Need pa namin magpa-validate at kumuha ng statistician para pwede na kaming magpa-survey pagkatapos kaya sobrang busy.
“Kailan daw available iyong statistician?" Tanong ni Yesha kay Dom.
Lagi kaming babad sa library para doon gumawa ng papers namin. Those sleepless nights na sinasabi nila ay nararanasan na namin ngayon kaya paano pa kung mag-college kami?
“Sa Friday ng hapon available si Kuya Harry. Okay naman kasi 3pm din naman tapos ng klase natin," sagot ni Dom sakay kumamot sa ulo. “Betty, sa introduction ang research gap natin?" Sabay baling sa akin.
Tumango ako at saglit na tumingin sa kaniya. “Yep. Tapos pa-check iyong mga references natin, ikaw na mag-assemble alphabetically."
“Ay, Friday ng hapon? Matatagalan kaya tayo?" Si Yesha.
Nawala ang tingin ko sa laptop at napunta sa kaibigan kong nakanguso ngayon. She looks so miserable. Paano ilang linggo na niyang hindi nakikita si Levi.
“Hindi pwedeng wala ka," I said while I gave her a sharp look.
Lumingon siya sa akin at mas lalong humaba ang nguso. Nangalumbaba na siya sa lamesa at tumango.
“Ano pa nga bang gagawin ko," she uttered menchaloy. “Sa 28 ko pa talaga makikita si bebe ko."
"28 na nga kasi sasama rin ako,” ani Dom sabay tawa. "Kulit nito, eh.”
"Eh, miss ko na! Palibhasa wala kayong jowang dalawa.”
I scoffed. "Anong gusto mo? Makanood ng laro o bumagsak?"
"Malamang grumaduate. Yari ako nito kay Daddy,” she said simply. "Kaunting tiis pa, Yesha. Magkikita rin kayo ni Levi!”
Napailing na lang ako.
"Sasama ka rin ba, Betty?” Tanong ni Dom.
I remembered what Andres told me. Ibibili niya ako ng ticket. Ewan ko kung totoo. Hindi na rin kasi siya nag-chat ulit sa akin, siguro busy na.
"Ewan ko,” kibit balikat ko. "Focus sa papers natin!” Suway ko sa kanila.
Busy ako sa pagre-revise ng paper namin nang makita kong may nag-chat sa akin. From the screen, nakita ko ang pangalan ni Andres.
Andres Jay Delavin: May ginagawa ka?
Bethany Aria Villanueva: Revising ng papers namin. Why?
Andres Jay Delavin: Ah, gano’n ba? Sige, focus ka na muna diyan. Mamaya na lang ulit.
Gumihit ang ngiti sa labi ko. For the past weeks, gan'yan lang palagi ang conversation namin dahil palagi akong busy.
I don't know what he's up to but he's always asking me. Anong ginagawa ko. Kung nag-aaral ba ako. Kumain na at ano pa. And I know he means something by that, hindi ko pinapansin dahil ayokong ma-distract ako.
“Wow! Sabi ko maging friendly, hindi too much friendly.”
Napasinghap ako dahil kay Yesha. Nakatagilid ang ulo habang nakatingin sa laptop ko. She was grinning at me while raising her eyebrows. I exhaled and looked at my laptop again.
"Betty, ah?"
Umusog ako palayo sa kaniya saka siya tiningnan ng masama.
“Why?" Inosenteng tanong ko.
Matalim niya akong tiningnan. “Ilang beses kayong nagc-chat ni Andres sa isang araw?"
I gulped. "Everyday. Siya palaging nagsisimula tapos nire-reply-an ko lang."
She flicked her tongue. "Okay lang naman maging magkaibigan."
“He's really my friends," agap ko ulit.
“Uy, sino ‘yan?" Si Dom na nakamasid din sa amin.
“Itong si Betty at Andres mukhang nagkakamabutihan," sagot ni Yesha na may ngisi.
Halos pamulahan ako ng pisngi. I glanced at Dom saka umiling.
“Uy, hindi, ah?" My lips quivered.
I saw Dom's eyes widened in fraction. "Si Chessman?" Manghang tanong niya.
“Tumpak!"
“Balitang may gustong iba ‘yon. Tahimik kasi ‘yon at hindi masyadong open sa social media, hindi tulad ng ibang members ng phoenix kaya mysterious pa rin ang tingin sa kaniya ng mga Embers kahit na ang tanggal na niya sa pro-scene."
Napakurap ako sa sinabi niya. Kahit si Yesha na ramdam ko na nagulat.
“Embers ka?" I asked.
“Not really but my sister is a big fan. Nasasama lang ako kasi mahilig akong maglaro ng Vortex.”
"Sino raw gusto ni Andres?” Si Yesha ‘yon. Curious na at tinigil ang ginagawa.
Kumabog ang puso ko. Sa laptop na tumingin ang mata ko at doon nag-focus kahit na gusto kong marinig ang sagot ni Dom.
"Hindi ko alam, eh. Pero usap-usapan iyong friend niyang si Lana. Laging present ‘yon manood ng game nila simula una…”
Gumapang ang kabog ng dibdib ko pero sa ibang paraan. More like there's a hole in my chest, I couldn't breath properly. Napalunok ako saka huminga ng malalim.
"Ay, talaga?" Si Yesha pa rin na nakatungo na sa kaibigan.
From my peripheral vision, I saw Dom shrugged his shoulder. "Oo pero kasi sobrang private ng buhay ni Andres. He don't do social media at all. Ni-walang shared post sa account niya. Sa page naman niya, puro lang livestream. Embers never saw him post anything related to his life especially sa love life niya, kahit sa Instagram."
Napahalukipkip ako. I pretend I didn't listen, but my ears are all focused. Ni hindi ko na nga maayos ang pagtitipa sa laptop dahil kay Dom na ako nakikinig.
"Eh, iyong Lana?" Yesha asked again curiously.
"She post anything on social media. Walang palya sa congratulations kung mananalo ang Phantom Phoenix. Mga picture nila ni Andres pero noong bata sila... I don't know if they're really together. Maybe friends lang."
Ang kabog ng puso ko ay dumoble. I was quite the whole time as they talked about Phantom Phoenix history, but my heart were throbbing the whole time. I don't know why but there's a pang of pain inside me. Naiinis ako na nalulungkot.
I pressed my lips together as I laid down on my bed. Tumingin ako sa kisame saka umiling.
“Bakit ganito?" Tanong ko sa kawalan.
Hindi ko rin alam. Mariin ko na lang pinikit ang mga mata at sinarado ang utak. Ayokong mag-isip ng kung ano. Kaibigan ko lang naman si Andres.