Andres Jay Delavin: Manonood ka next week? I have a ticket now :))
My mouth fell open as I read his chat. Tumigil ako sa pagre-revise ng research paper namin saka umupo ng maayos habang nasa sala ng bahay namin. I was usually like this every Wednesday because we don't have a class.
Bethany Aria Villanueva: I was just joking!
Andres Jay Delavin: Oh? But I'm serious. Meron na akong ticket para sa'yo. First row, first seat.
I gasped in shock when he even sent a picture of the ticket. Napakurap na lang akong napatungo sa picture sa screen ko.
Andres Jay Delavin: Hindi ka manonood?
Hindi pa ako nakaka-reply ng mag-chat siya ulit. And he sounds gloomy.
Andres Jay Delavin: Sorry. Busy ka yata.
Parang may kumibot sa puso ko. I bit my lips as I typed my reply.
Bethany Aria Villanueva: No. I mean, yes, kailangan na kasi matapos at malapit na ang final defense.
Napalunok na lang ako ng mag-seen siya pero hindi nag-reply. I bit my lips harder and waited for another minutes for his reply kaso, nakalagay lang ang typing sa screen.
Napanguso tuloy ako. A sudden wave of guilt gripped my entire being. Feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sa kaniya ngayon.
Bethany Aria Villanueva: I will watch your next game. I promise. Kailan ba?
Napatakip na lang ako bibig ng makikitang typing pa rin siya.
Andres Jay Delavin: Sa susunod pa ulit na buwan. 2nd week of the month.
That's almost 3 weeks from now!
Bethany Aria Villanueva: I'm sorry, Andres. I didn't know you'd take it seriously. Marami kasi akong ginagawa. It's not that I don't have time to watch your game but I have to study. I'm really sorry.
Napasandal ako sa sofa at napatakip na lang mukha dahil sa guilty'ng nararamdaman. I shouldn't be joking like that! Mukhang napaasa ko at ewan ko, parang ayokong ng gano'n. Hindi pa ako nakuntento sa message ko.
Bethany Aria Villanueva: Sorry talaga, Andres. I know, hindi dapat ako nag-joke sa'yo. Sorry.
I wanted to cry because I knew I hurted his feelings. I shouldn't have said those words!
Andres Jay Delavin: Don't be sorry, Betty. Ayos lang. Mahalaga ang pag-aaral mo, kaya okay lang.
I purse my lips before I close my eyes firmly. Why do I feel like it's my fault even though I know it's not entirely my fault? Nagbiro ako na manonood ako dahil alam kong hindi niya totoohanin ang pagbili ng ticket and he still bought it for me? Bakit siya gan'yan?
Napanguso na lang ako. Now, I feel so terrible and sorry for him.
Andres Jay Delavin: Uy, huwag kang mag-overthink na galit ako. Hindi naman pero umasa lang kasi gusto kong manood ka ng laro namin.
Dinaga ang puso ko sa chat niya. My heart was pounding so hard as I read his message.
Why would he let me watch their game? Eh, alam ko namang wala akong maa-ambag doon. I wasn't an Ember, too. Kilala ko ang team nila dahil kay Kairi at Yesha and I do somehow support them but it doesn't make me a fan.
Bakit niya gustong manonood ako?
Mas lalong gumulo ang puso ko. Alam kong wala akong mapapalang sagot sa sariling tanong.
When I didn't reply to his chat, he sent me another message.
Andres Jay Delavin: Betty, don't overthink what I've said. Hahaha, wala lang 'yon. Sige na, study well.
Bethany Aria Villanueva: Okay. Sorry again, Andres.
That day, my heart felt unbearably heavy. Hindi ako naka-revise ng maayos at nakapag-aral. Ilang beses akong nagbasa para sa quiz namin sa General Biology dahil ang bigat ng dibdib ko sa nangyari.
This is the first time I've felt this way for another guy. Si Kairi kahit magbangayan kami no'n, magngingisian lang kami tapos okay na. Parang walang nangyaring asaran o lokohan. Pero ito, bago sa akin.
I felt like I needed to do something for him to feel better. Feeling ko pinaasa ko siya kahit na hindi ko naman kasalanan na susubo siya sa biro ko.
Kung gusto kong manood ng laban nila kaya kong bumili ng ticket. Hindi malaki ang allowance ko but I can ask money from ate Maeve o Papa.
"Villanueva, are you listening?"
My thoughts broke when I heard my professor's voice in General Biology 2 echoed. Agad akong napatayo sa upuan at tumingin ng tuwid sa kaniya. Napalunok ako, dinadaga ang puso dahil sa kaba.
"Yes po?" I tried to calm myself.
"I was asking you a question," mahinahon ngunit mariin na sinabi niya.
I blinked and my heart raced. "Ah, sorry po, Sir."
Umiling siya saka bumuga ng hangin. "Can you explain to me what is codominance using the example of cattle coat of color?"
I swallowed hard, my throat went dry as I desperately trying to recall his lecture but my mind was a blank. Nang walang maisip na sagot, natataranta kong kinuha ang notebook at doon hinahanap ang sagot, ngunit wala man lang akong notes ngayong araw!
"Ah... Ahm..." Umiling ako saka tiningnan ang professor na naghihintay ng sagot ko.
I swallowed hard.
Tumaas ang kilay niya. "You don't know?"
Para gusto kong magalit sa sarili dahil hindi ko talaga alam ang sagot. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin saka umiling. I bowed my head and bit my lips harder.
"I'm sorry, Sir... I don't know the answer," halong pabulong sabihin 'yon. Nayukom ko ang kamao at sobrang disappointed sa sarili.
"You may seat now..." Saad niya. "Graded recitation ito at may quiz kayo mamaya... Reyes, you may answer the question."
Hiyang-hiya ako sa sarili na muling umupo. My god, Betty! You never got a zero for graded recitation!
"Uy, anyare sa'yo Betty?" Rinig ko ang boses ni Yesha na sinilip ang mukha ko.
Hindi ko siya sinagot at nakatingin lang sa yellow paper ko. The class had already been dismissed, but my throat felt parched and tight, weighed down by the sinking feeling that came with seeing my quiz results.
"May nangyari ba sa bahay? Kay Ee? How about Tito and ate Maeve? Kay ate Lira?" She sounded so worried right now.
Umiling ako saka tumingin sa kaibigan na nag-aalala sa akin ngayon. "Wala naman. Okay sila."
"Eh, bakit 8 lang ang nakuha mong score sa gen bio? Distracted ka kanina pang umaga," she uttered while checking on me, a flicker of worry flashed across her eyes.
Nalukot ang mukha ko at napakamot sa batok. Ang sarap bunitin ng paper ko dahil sa baba ng score ko!
"Hindi lang nakapag-review," I simply answer her, trying to lifted up my mood.
"Ay, wow!" Salansa niya na manghang tumungo sa akin. "Ikaw? Bethany? Hindi nakapag-review? Bago 'yon, ah?"
Inirapan ko lang siya. "Hindi nga! Kita mo zero sa graded recitation!"
Letse! Ang sarap magmura!
"Betty, okay ka lang? Favorite subject mo ang gen bio, ah?" Si Dom na biglang sumulpot sa harapan namin.
"Tumahimik nga kayo! Mababa na nakuha kong score, babawi na lang ako next quiz!" Mariin na sinabi ko saka lumabas ng room.
Gusto kong maiyak. I got 8 over 20 in gen bio. That's my favorite subject! Hindi ako bumaba pagdating sa quizzes at exam. Never akong nakakuha ng mababang score!
I'm very competitive when it comes to my studies. I never have a low score in my entire life! I always got the highest score. I never failed. Not even once! Ngayon lang!
And this is the first time I got distracted from my studies. Growing up, I know myself very well. I don't get distracted easy especially when I'm studying. This is my forte. This is what I'm good at aside from singing. At kahit magaling akong kumanta, hindi ako nasali sa mga competition lalo na sa school kasi nahihiya ako.
But when it comes to quiz b and other school competition na utak ang kailangan, hindi ko pinapalagpas. At lahat 'yon napapanalunan ko. Because this what I'm good at. Ito lang.
"Betty, okay lang 'yon," I heard Dom said and patted my shoulder.
Agad akong lumingon sa kaniya na masama ang tingin. Umamo ang mukha niya sabay nguso.
"Hindi naman 'yon ikabababa ng grades mo. Bawi na lang next quiz," he added, trying to lift up my mood.
I gritted my teeth. "Babawi talaga ako!"
I need to maintain my grades para makapasok sa UST. Hindi ako pwedeng mag-chill lang at walang gawin. Hindi ko pwedeng isawalang bahala ang zero'ng graded recitation at mababang quiz na nakuha ko.
"Buti nga ikaw naka-eight pa. Ako nga five lang." Napahalukipkip siya sa sinabi at umiling.
"Betty, ano ba kasing iniisip mo at distracted ka?" Yesha asked as she glanced at me.
Napalunok ako. "Wala..." sagot ko sabay yuko.
"Huwag mo akong pinagloloko. Matagal na kitang kaibigan, may bumabagabag sa'yo, ano?"
Naramdam ko ang mga mata niya sa akin. Hindi ko siya tiningnan dahil alam kong mababasa niya ako. I'm not really good in hiding my thoughts, lalo kung taong mahal ko sa buhay.
I pouted my lips as I lifted my eyes on her. "Manonood ka ng laban nila Levi, right?" Marahang tanong ko na parang bata.
"Oo. Kasama ko nga si Dom, 'di ba?"
I sighed and bit my lips . No! Hindi ako pwede! Mag-aaral nga ako, eh!
"Is this about Andres?" She glared at me once again before I could open my mouth.
Napalunok ako. Hindi ko siya sinagot. Naningkit ang mga mata niya at tuluyan ng hinarap ako. Her eyes were sharp as if I did some wrong.
"Why?" I snapped, pouting my lips again.
When I saw her smirked appeared on her lips, inirapan ko lang siya. Humagikgik siya saka lumapit na sa akin.
"Betty, sinasabi ko sa'yo! Ayan ang sagot sa pagiging distracted mo!"
I flicked my tongue in annoyance. "No!" Mariing sagot ko.
"Palagi pa rin kayong magka-chat?" There's a glimpse of excitement from her tone.
"He's my friend," depensa ko agad.
"Baka ma-attach ka sa kaniya niyan, Betty," makabuluhang sinabi ni Dom.
Umiling ako sa dalawang kaibigan. "No! I know my boundaries!" Mariin na sagot ko.
I know my limitations. Hindi ako pinagbabawalan ni Papa na huwag magka-boyfriend. He didn't forbid me if someone court me, sadyang wala ng nanliligaw dahil sa chat lang palagi nagtatapat at pagsinabi kong pumunta sa amin para kitain sila ate at papa, hindi na ginagawa.
That's why I have boundaries. Ini-enjoy ko lang pagiging teenager ko dahil alam kong pag dumating ako sa tamang edad, dadami na lalo ang resposibilidad ko sa buhay.
To end my guilt, I called ate Julie to made me some cupcakes. I remembered when I did something bad to my love ones, bumibili ako ng cupcakes. This is my way to say sorry and to somehow end my guilt.
Binigay ko 'yon kay Yesha nang dumating ang araw ng laban nila Andres. Ngingiti-ngiti siyang inabot ang box ng cupcakes kaya sinimangutan ko lang siya.
"Tell him that I'm sorry," mahinang sinabi ko.
"LQ pala kayo," sabat ni Dom na may ngisi rin sa labi.
Masama ko siyang tiningnan. "He's my friend!"
"Fine, edi FQ!"
Yesha laughed, teasing me. "May nagawa ka bang kasalanan kaniya?"
My cheeks heated. Ngumuso lang ako saka tumango ng isang beses. I saw her laugh turned in a grin.
"Betty, sinasabi ko sa'yo-"
"Yesha, don't overthink! Alam mong ganito ako pagso-sorry. And I did this to Kairi and to you. Kahit kay Dominic pa sa susunod na makagawa ako ng kasalanan sa kaniya."
Humalaklak si Dom sa gilid. "Dapat pala inaaway kita para matikim ako nito," biro niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin habang siya'y aliw na aliw na makita ang reaksyon ko.
"Sige na," sabi ko. "Umalis na kayo baka ma-traffic pa."
"I'll make sure to give this to him," makabuluhang sinabi ni Yesha saka tumawa ulit. "Naku! Ang bestfriend ko, nag-iiba kay Andres."
Halos pamulahan ako ng pisngi sa kaniya. Pinagtulakan ko na sila sa SUV nila Dominic. Tumatawa lang ang dalawa habang nagpaalam na sa akin. When they left, I sighed, raising my hand on my cheeks.
Ramdam ko na mainit 'yon. Iniling ko na lang ang ulo at umuwi na sa amin. Sa pagsabit ng gabi ay nakatanggap ako ng text kay ate Jace tungkol sa charity niya kung saan ako magvo-volunteer.
Ni-reply-an ko lang siya. Sa susunod na linggo iyon mangyayari. She owns a charity for an orphaned child at palagi akong sumasama tuwing nagpapakain sila ng mga bata lalo na kung anniversary nito kagaya ngayon.
After I sent it, I immediately search the sss page of Phantom Phoenix to see if they won. A beam smile plastered on my lips when they really won. Continues ang wins streak nila at wala pa silang talo simula nang magsimula ang competition.
I'm sure they're going to celebrate it again. Napatingin naman ako sa notif ko dahil minention daw ako ni Andres sa story niya.
I frowned when I clicked it. Lumitaw ang picture ng cupcakes na may caption, 'thank you @bethany.' Mas lumawak ang ngiti ko. Nag-react ako ng heart saka nag-chat sa kaniya.
Bethany Aria Villanueva: Congrats! 5th wins streak na!
Mabilis siya nag-reply.
Andres Jay Delavin: Salamat din sa cupcakes! Hindi mo na dapat ginawa 'yon. Nakakahiya, Bethany.
Bethany Aria Villanueva: It's fine. Gift ko na lang sa inyo 'yan since nanalo kayo.
Andres Jay Delavin: You gave this to me, so this is mine.
I laughed at his message.
Bethany Aria Villanueva: Anyway, nakapunta ka ba sa mga Charity?
I don't know why I asked him. Nagulat na lang din ako at nasend ko na.
Well, hindi naman siguro masama kung isasama ko siya, 'di ba?
Andres Jay Delavin: Oo naman. Bakit? Need ba ng volunteer? Pwede ako!
I bit my lips and stop myself from thinking about anything else. Noong nakaraang araw lang sobrang guilty ako sa nagawa ko sa kaniya, ngayon naman sobrang saya ng puso ko.
Bethany Aria Villanueva: Anniversary ng charity ng churchmate ko. Need ng volunteer para sa mga bata, kung gusto mo, you can come.
Andres Jay Delavin: Go lang. When ba?
Bethany Aria Villanueva: Next week. Saturday. 2pm. Share ko na lang loc sa'yo.
Andres Jay Delavin: Okie po. Asahan mo akong makakapunta!
My smile grew wider, a warm, comforting sensation blossomed deep in my chest. It was as if a gentle wave of happiness washed over me,
Bethany Aria Villanueva: Good. I'll see you there!
Andres Jay Delavin: Yep. Tulog ka na. Or kung nag-aaral ka pa, focus ka na diyan. Bye na muna. Study well!