Ah, ilang gabi bang pinangarap ni Ethel na muling marinig iyon? Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin at tumindi pa ang kabog ng puso niya ng magtama ang mga paningin nila ni Denim. Hindi ito mukhang galit pero hindi rin ito mukhang natutuwa. Seryoso itong nakatitig sa kanya habang marahang inilapag ang isang basket ng meryenda at isang malaking bungkos ng bulaklak! Halos matakpan na siya sa buong mesa! Basket na naglalaman ng sandwich, prutas, inumin, kukutkutin! Parang picnic! Biglang-bigla, gusto na niyang lumubog sa kinaupuan! Lahat ng mga co-writers niya ay napalingon sa puwesto niya, dama niya iyon sa pheripheral vision niya. Maging ang halos lahat ng tao doon ay tila natahimik, tila nakikiramdam sa lahat ng mangyayari. Bigla siyang natensyon. Halos ikamatay na niya ang matinding

