CHAPTER 02

1524 Words
Hindi ko malalaman na past 12 na pala kung walang kumatok sa pintuan ng kwarto namin. "Anong balak nyo? dyan lang kayo sa loob?" nakataas ang kilay at nakapamewang na Pam ang bumungad sakin pagkabukas ko ng pintuan. "Nagbabasa ko, hindi ko namalayan ang oras habang si Kyle tulog pa" pagpapaliwanag ko dito dahil mukang mag lalabas na sya ng apoy. "Anong tulog, nakakain at nakaligo na ko't lahat lahat hindi ka parin tumitigil sa kababasa mo" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kyle dahil ang alam ko ay natutulog sya, at oo nga nakaligo na sya. Pagkaharap ko kay Pam ay nakita ko na itong nakataas ang kilay sa akin magsasalita na sana sya ng unahan ko sya "magbibihis lang ako, bye." mabilis na sabi ko sa kanya at isinarado ang pintuan. Mabilis akong pumasok ng banyo at nagpalit, knowing Pam mababatukan ka nya kapag nagbagal ka pa, wala pang sampong minuto ay tapos na kong magbihis kaya dali dali kong kinuha ang pouch ko sa ibabaw ng kama at hinila si Kyle palabas, dahil kung mababatukan ako idadamay ko sya. "Sa wakas natapos din ang mahal na prinsesa" sarkastikong pagpaparinig ni Pam na tinawanan ko lang "Let's go at kanina pa kaming nagugutom at dahil ikaw ang pinakahuli ikaw ang magbabayad ng kakainin natin." sabay turo nya sakin. "What the f**k Pam" "Language Autumn, wala ka sa atin" pagsasaway nya sakin ng bigla akong mapa sigaw sa gulat. what the f**k. No. 2 Nakabusangot akong kumakain kahit kanina pa ko sinasaway ni Pam, huwag daw akong sumimangot sa harap ng pagkain at masama Sinong hindi bubusangot e ang dami dami nilang inorder may nakapending pa kaming order dahil hindi na kasya sa lamesa namin, ang lalakas nilang kumain akala mong tatlong araw hindi kumain. "Stop making face Autumn, start eating."saway sakin ni Car ng mahuli nya ko. Hindi ako nakikisabay sa usapan nila dahil busy ako sa pagkain, ako rin naman magbabayad bakit hindi ko pa sulitin diba? ------ Pagkatapos naming kumain dumeretso agad kami sa isang milktea shop dahil nag c-crave si Pam sa matamis, pagkakuha namin ng order nya ay umalis na rin agad kami at nag bukod bukod na, but before 6 kailangan nasa seashore na kaming lahat at doon magkikita kita para sabay sabay kaming manood ng fireworks display. "Let's go." biglang hatak sa akin ni Kyle na hindi ko alam kung saan nang galing dahil akala ko ay sumama sya kila Pam na mag ikot ikot "Where are we going?" tanong ko dahil kanina nya pa ko hila hila at hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa nakarating kami sa likod na bahagi ng hotel na kung saan ay may isang malawak na lupain na kung saan ay pwede kang mag laro ng kung ano ano Itatanong ko sana kay Kyle kung bakit kami nandito pero hindi ko na itinuloy dahil kumikinang ang kanyang mata habnag pinagmamasdan ang mga palaro na nagkalat "Let's goo!" excited na hila na naman nya sa akin, kotang kota na ko ah. We stop in front of the color game na kung saan ay may anim na color na nakalapat sa lamesa pula, berde, dilaw, asul, puti at rosas, sa gilid naman ay may isang dice na papaikutin na kulay ang nakalagay sa bawat side, halimbawa tumaya ka ng bente pesos sa pula at may magpapaikot ng dice, pag kulay pula ang umibabaw sa dice ibig sabihin panalo ko magiging doble ang pera mo at kung hindi nmn lumabas ang kulay pula talo ka. Naglalaro na si Kyle. Una syang tumaya sa rosas ng 50, talo. Pangalawa tumaya sya ng bente sa asul, talo. Pangatlo tumaya sya ng 100 sa puti, talo. Pangapat tumaya sya ulit ng 50 sa rosas, panalo. "Yes! hahahah nakita mo yun Autumn ang galing koo!" tuwang tuwa sya sa napanalunan nya, nag laro pa sya ng nag laro habang ako ay naghahanap ng upuan, hanggang ma-ispotan ko ang bingohan. "Ky, sa bingohan lang ako" paalam ko na ikinatango nya lang kaya dali dali akong pumunta roon, dahil alam ko sa sarili ko na mamiya pa sya matatapos. Umupo ako sa upuan ng bingohan para sa mga manlalaro, makikiupo lang ako hindi maglalaro dahil hindi ako sanay. "Miss maglalaro po kayo? bawal po kasing makiupo lang" sabi sa akin ng isang crew ng bingohan ng nilapitan nila ako "hindi ko po alam kung paano mag laro kuya" "ch-chekan mo lang po yung number na sasabihin ng announcer pag wala po yung nabanggit na number sa card nyo wala po kayong ch-chekan, kapag na checkan nyo po yung limang sunod sunod na naka horizontal, diagonal or vertical, sigaw po kayong bingo may lalapit po sainyo para tignan mo po kung tama tapos may ibibigay pong price sainyo o pa pipiliin kayo. Nakuha nyo na po?" matiyagang pagtuturo sakin ni kuya, ganon lang pala kadali yon, basic " Yes po, magkano po ba isang card?" tanong ko, kailangan kong mag laro dahil matagal akong maghihintay kay Kyle pwede ko nmng syang iwan pero mahina ako sa direksyon baka kung saan saan pa ako mapunta "10 pesos isang card po" "I'll buy 5 cards po" sagot ko, I don't know if kaya ko yung laruin lahat dahil ngayon lang ako nag laro ng bingo naririnig ko to pero never kong tinry Nagstart na ang laro, hindi ako magkandaugaga sa pag check ng mga number kaya yung iba ay hindi ko na nachechekan nung may sumigaw ng bingo ay tinigil ko na ang pag check dahil hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko at hindi ako makasunod sa mga sinasabi ng announcer. Lumapit sa akin si Kuya, tinanong ako kung maglalaro pa ko, sabi ko oo pero tinanong ko rin sya kung mayroon bang pwedeng tumulong sakin May lumapit saking tatlong bata dalawang babae at isang lalaki, si Anna at Rich ang dalawang babae at si Mac ang lalaki, sinabi nila na tutulungan daw nila ko kaya pumayag narin ako, binili ko sila ng tigdadalawang card and dalawa rin ang sa akin. Nagumpisa ulit ang laro at walang nanalo saamin, naglalaro lang kami ng naglaro hanggang sa hindi ko namalayan ang oras, nagsisialisan na pala ang mga tao para manood ng firework display. Kaya dali dali akong tumayo dahil ramdam ko na ang pag vibrate ng phone ko na ngayon ko lang naalalang dala ko pala, binalingan ko ang mga bata. "Thankyou sa tulong nyo, here buy whatever you all want sainyo yan" I give them tig 1,000 alam kong malaking pera yon para hawakan ng bata but they deserve it naman naging patient sila sa pagtuturo sa akin and na enjoy ko rin ang company nila I hope na mag kita pa kami, nagpaalam na ko sa kanila dahil alm kong galit na si Pam Inaayos ko ang mga gamit ko ng kalabitin ako ni kuyang nagbibingo (I don't know his name.) "Yes po?" nagtataka kong tanong "Ah ma'am regalo po, sabay abot nya sakin ng isang malaking teddy bear na brown, " kayo po kasi ang may pinaka maraming na purchase na bingo card kaya ayan po ang prize nyo," " Oh it's cute, thankyou." natutuwa kong pagpapasalamat kay kuya dahil mahilig ako sa Teddy bear. "Alis na po ako, thankyou po ulit dito" pagpapaalam ko "Sigi po ma'am ingat po kayo, sana po bumalik po kayo dito" sagot nya na tanging ngiti lang ang sinagot ko Nagmamadali akong nag lakad papunta sa pampang ng dagat dahil doon ang meet up naming magkakaibigan, marami din akong nabunggo dahil hindi ko makita ang daanan sa sobrang laki ng bitbit kong manika. Nakarating ako ng pampang hindi pa naguumpisa, mukhang nag p-prepare palang sila. Hinanap ko sila Pam kung saang lupalop ng isla sila napadpad hanggang sa nakita ko silang nakaupo sa buhangin habang kumakain na naman. Lumapit ako sa kanila ng malala ko si Kyle "Hey guys, nandito na ba si Kyle?" bungad ko pagdating ko sakanila "What? hindi ba kasama mo sya?" tanong ni Car sakin, "Seriously Car? tatanongin ba kita kung kasama ko sya?" pairap na sagot ko sakanya na tinawanan nya "Ugali mo Autumn lumalabas na naman" pag papaalala sakin ni Pam "What the fvck dude, bakit hindi mo man lang ako hinintay?" naiinis na tanong sakin ng kararating lang na Kyle nginitian ko lang sya ng pilit samantalang inirapan nya lang ako. We eat quietly pagkatapos non, hinintay lang namin magumpisa ang firework display "Saan mo na naman napulot yang manika mo?" tanong ni Pam na ikinatingin nilang lahat sa akin, Nginitian ko sila ng malapad bago sumagot "Napanalunan ko" proud na sabi ko "Napanalunan saan?" nagtatakang tanong ni Pam, alam kasi nilang hindi ako mahilig sa laro - laro hindi kagaya ni Kyle na kayang hindi kumain ng buong araw makapag laro lang "Sa bingo" "What?! bingo?! kelan ka pa natututong mag bingo" exaggerated na sabi ni Pam kaya napa tawa lang ako "yes B. I. N. G. O bingo! and kanina lang ako natuto" natatawang sagot ko Aapila pa sana sila na kesyo masama ang mag bingo dahil sugal rin yon ng biglang may sumabog sa himpapawid, nag uumpisa na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD