Nagumpisa na ang firework display, umpisa palang napakaganda na ng kalangitan
Ang ganda! ang ganda ganda.
Nag patuloy ang pag papaputok nila habang ang mga tao naman ay humahanga sa angking ganda nito
"Ang ganda!"
"Wow!"
"Ngayon nalang ako ulit nakakita nito!"
"Omg I gonna post this on my ig account!"
Napangiti nalang ako sa mga kumento nila, dahil tama naman sila maganda nga, sobrang ganda
Gustong gusto ko talaga ang fireworks dahil sa angking ganda nito, lalo na kapag puputok ito sa himpapawid na lalong napapaganda sa kalangitan
Hindi matanggal ang ngiti ko habang nakatingin sa kalangitan ng may biglang may mag flash na camera
"Ang ganda mo Autumn! kumikinang yung mga mata mo!" kinikilig na sabi nya sabay abot sakin ng camera upang tignan ang kuha nya.
Tama nga sya hahaha, kumikinang ang mga mata ko.
Kinuhanan ko rin sya na ikinangiti nya, kumuha rin kami ng picture na kaming lima ang magkakasama, natapos ang firework display na puro picture taking lang ang nangyare.
_____
Bumalik na kami sa room namin pagkatapos naming manood, dahil bukas ng umaga ay aalis narin kami dahil hindi kami nakapagpaalam na pupunta rito sa islang to.
Nag handa na kami para matulog, hindi narin kami kumain dahil busog pa kami sa dami ng kinain namin ngayong araw,
Mag katabi kami ni Kyle sa Queen size na bed habang ang tatlong magkakapatid ay mag katabi sa isang kama.
Kinuha ko ang Teddy bear ko at itinabi ito sa aking pag tulog, naririnig ko narin ang mga hilik ng tatlo sa kabilang higaan mukang napagod nga sila.
"Goodnight guys" nakangiting bulong ko na alam kong hindi nila maririnig dahil tulog na sila, nagulat ako ng sumagot ang katabi ko
"Night Zed" inaantok na bulong sakin ni Ky sabay yakap sakin mula sa likod na hinayaan ko lang.
____
Nagising ako sa ingay ng nanggagaling sa pintuan, kaya dahan dahan akong tumayo habang tinatanggal ang yakap sakin ni Ky at ibinigay ko ang manika ko upang iyon ang yakapin nya.
Dali dali akong pumunta sa pintuan at binuksan ito bumungad sakin ang taong hindi ko inaasahang makikita ko dito
"Kuya?" nagtatakang tanong ko, baka namamalikmata lang ako
"Yes baby?" sagot nito na ikinagulat ko
"Kuya!! Imissyou po!" natutuwa kong sabi habang nakayakap sakanya, bumitaw lang ako ng may narinig akong parang nahulog sa loob ng kwarto.
"Autumn?! where are you!" rinig kong sigaw ni Ky mukang nagising ko sya sa pag sigaw ko, kaya dali dali akong pumasok sa kwarto
"What happened? bakit ka sumigaw?" nagaalalang tanong nya na ikinatawa ko lang, kaya tinignan nya ko na para bang may apat na ulong tumubo saakin
"Nothing, fix your self may sundo na tayo" utos ko sakanya sabay tapik ng pisngi nya,
Ginising ko na rin ang tatlong magkakapatid na hanggang ngayon ay malalakas parin ang mga hilik.
"Hey gising na aalis na tayo" I constantly tap each of them para magising na sila,hanggang sa magising na sila at pupungas-pungas na sumandal sa headboard ng kama
"morning" bati ko sakanila sabay halik sa bawat pisngi nila, pagkatapos non ay dumeretso na ko sa mga gamit ko para ayusin ito at kumuha ng pamalit ng mapansin kong dalawa lang pala ang nadala kong damit at nagamit ko pa lahat kahapon, kaya wala akong choice kung hindi manghiram kay Ky ng damit dahil sya lang ang ka size ko
Lumapit ako sa banyo at kumatok dito
"Ky? can I borrow one of your shirt? naubusan ako e" pagpapaalam ko dito, kumatok lang ako ng kumatok pero mukhang hindi ako naririnig kaya napagdesisyunan ko nalng na hintayin sya
"Hindi ka nyan papansin, galit ata sayo" natatawang sabi ni Pam sa akin ng maupo ako sa kama nila dahil ayon ang malapit sa banyo
"What?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko makuha ang gusto nyang sabihin
"Si Kyle galit sayo, hindi mo ata binati ng goodmorning kahit sya ang unang nagising samin, inuna mo pa kaming batiin HAHAHHAHA" tatawa tawang paliwanag nya sakin
"What? dahil lang dyan and how did you know? " nagtataka kong tanong
"Narinig ko sa kanya, bubulong bulong nung pumasok ng banyo e nagdadabog pa, tignan mo yung gamit niya hindi pa nya naayos" at tama nga sya gulo gulo parin ang damit nya, parang humila lang ng sosootin at hinayaan ng nakakalat.
Lumapit ako sa gamit nya at isa isa itong inayos habang hinihintay syang lumabas ng banyo
"Nasaan nga pala ang dalawa?" tanong ko kay Pam na hindi matapos tapos sa pagaayos ng gamit nya
"Nasa labas, sa banyo ng kusina naligo" sagot nya
Tinutupi ko palang ang gamit ni Ky ng may humablot nito sakin at siya ang nagpatuloy
"Kyle are you mad at me?" tanong ko dito ng hindi man lang ako pansinin
"Please, say something" mahinahon kong tanong dito, dahil pag sinabayan ko ito ng galit mag aaway lang kami at ayaw kong mangyare yon.
"Kyle, talk to me"
"Fine, don't talk to me, bahala ka sa buhay mo" naiinis kong sabi sa kanya, what the f**k is her problem, I don't even know why is she mad at me
Bahala sya sa buhay nya, ayaw nya kong kausapin ah
"Pam?" tawag ko sa kanya ng makalabas ako ng kwarto
"Kitchen!" rinig kong sigaw nya mula sa kusina ng hotel na tinutuluyan namin
Nakarating ako sa loob ng kusina at Naabutan ko silang maganang kumain habang masayang naguusap
"kumain ka na, miya miya lang ay aalis na tayo"
"Uh no, thankyou, later nalang pagkabalik natin sa isla, btw can I borrow one of your shirt?" tanong ko sa kanya dahil sa kanilang apat bukod kay Kyle sya lang ang ka lapit kong size
"Shirt? wala na rin sakto lang ang nadala ko, but I have a halter triangle bikini, you can have that I won't mind" sabi ni Pam sabay turo sa bag nyang nasa sofa
Kinuha ko ang sinasabi nyang bikini at ang short ko na naka handa na sa ibabaw ng kama nila Pam hindi ko pinansin si Kyle na nakasunod sa akin ang tingin hanggang sa pagpasok ng banyo
Sinuot ko ang bikini at pinatungan ito ng short dahil masyadong expose ang hita ko kahit nasa Beach kami ay naalibadbaran parin ako
Pagkalabas ko ng banyo ay dumeretso ako sa bag ko sabay labas ng kwarto alam kong nasa loob pa si Kyle pero hindi ko siya inayang aalis na dahil alam ko namng susunod sya
Nakarating ako sa living area ay nakita ko silang nanonood hbanag hinihintay kaming bimaba
"Wow ang lakii" namamanghang sabi ni Car habang nakatingin sa dibdib ko
"Cocomegalodon" natatawang sabi namn ni Kate habang nakatingin parin sa pinapanood nya
"Sarap mo Autumn" nagbibirong sabi ni Pam na hindi ko alam kung saan galing.
Magsasalita na sana ko ng maunahan ako ni kuya "let's go nasa pampang na and yacht" sabi niya habang nakatingin sa cellphone nya
Binuhat namin ang mga gamit namin at inilagay sa loob ng sasakyan namin pabalik sa isla
Nang makapasok kami sa loob nagkanya kanya na kaming pwesto, napili kong pumpwesto sa deck ng yatch dahil masarap ang hangin doon
Pinagmamasdan ko ang dagat at nilalasap ang masarap na ihip ng hangin ng may yumakap saakin na nagmumula sa aking likuran
"Are you mad at me? I'm sorry" mahinahong sabi ni Kyle na naka yakap sa bewang ko
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pag tingin ng dagat
"Please Autumn talk to me, I'm sorry"
"I'm sorry Autumn but please wear this, your exposing to much skin." her voice was malambing pero nung binanggit nya na ang about sa suot ko ay biglang nag iba ang timbre ng boses nya. Inabot nya sakin ang isang polo na see trough, tinanggap ko ito kahit wala akong balak na suotin ito, naiinis parin ako sa kanya.
Naramdaman kong dinampian nya ng halik ang gilid ng noo ko bago siya umalis sa pagkayakap sakin, hinayaan ko siya dahil naalibadbaran ako sa kanya