"TO CEE!" "And to us!" "Cheers!" Sabay-sabay tinungga ni Cee at ng mga kaibigan niya ang kanya-kanyang baso na naglalaman ng orange juice. Kahit naman nasa legal na edad na sila para uminom ng alak, hindi nila hilig iyon. Kumbaga, hindi nila type ang lasa ng alak kaya nagkasya na lamang sila sa pag-inom ng juice habang sineselebra ang parangal na makukuha nila sa graduation. Magna c*m laude siya habang c*m laude naman ang mga ito. Their hardwork paid off. Hindi lang halata pero masisipag silang mag-aral at may utak din. Hindi sila 'straw' sa mga professors. Lahat nang naabot nila, pinaghirapan nila. Pumapak siya ng cereal habang ang mga kaibigan niya ay popcorn at mani ang kinakain. "Kainis namang mani 'to, ang dulas!" bulalas ni Jea. Muntik pa siyang mabilaukan nang marinig ang sin

