"WHOA! Ikatlong araw pa lang, ang laki na ng kinita natin," manghang ani Mai na abala sa pagbibilang ng pera. Binalingan ni Cee ang kaibigan. "Really?" Mai nodded. "Hanggang kailan nga ang event?" "Saturday," sagot ni Snow. Ito ang nag-aayos ng mga natirang tanong at mensahe noong mga nakalipas na araw. "Argh! Ang dami pang tanong para sa Spiral! Paano 'to?! Panigurado bukas, may mga bagong bagsak na tanong na naman. 'Kainis!" "Understandable na maraming tanong para sa kina Spike, Rake, Iggy, Acer at Loki. Pero pati kay Patch? Ew." Yes, si Jea nga 'yon. Sina Cee, Mai, Snow at Jea lamang ang nandito sa club room dahil may sariling lakad sina Ava at Crea. Silang apat muna ang mag-uusap kung ano ang dapat gawin sa mga natambak na tanong para sa Spiral. "Why not use the electronic bullet

