"MAS GUGUSTUHIN ko pang tumandang dalaga kaysa makipagbalikan sa unggoy na 'yon!"
Tumango-tango lamang si Cee sa litanya ng kaibigang si Jea. Pero sa totoo lamang ay wala sa kaibigan ang kanyang atensiyon kundi nasa kinakaing cereal. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Jea at nagpapalipas ng oras. Este, gumagawa pala ng project.
"Hindi rin naman gustong makipagbalikan ni Patch sa 'yo, Jea, kaya fair lang kayo," ani Crea, isa sa mga kaibigan nila.
"Halata naman na gusto ng unggoy na 'yon, Creapatra! Lagi kaya siyang nandito, hello?! May HD pa sa 'kin ang impaktong 'yon," nanggigigil na saad ni Jea.
"Natural na lagi siyang nandito, eh kaibigan siya ng kakambal mo. Masyado ka lang paranoid, Jea!" ani naman ng isa pa nilang kaibigan na si Mai.
"Paranoid? Ilusyunada kamo!" segunda ni Snow.
"Ambisyosa pa. Siya yata ang hindi maka-move on, eh," pang-aasar din ni Ava.
Nagtawanan ang mga ito na tila kontrabida sa isang Disney show. Siya na abala sa pagkain ay patuloy sa pagtango lamang.
Magkakaklase silang anim simula noong unang taon nila sa kolehiyo. Dahil pare-parehas ng ugali ay nag-click silang anim at naging magkakaibigan. Jea, Crea, Mai, Snow, Ava and her built the Love Club in their university.
Kung kailangan ng tulong about sa love, maaaring pumunta sa club nila. May sarili rin silang mini-magazine na pulos about sa love ang laman.
Well, what could she say, all of them enjoyed the idea of love.
Or on her part, the love for cereal.
Siguro ay dahil Cereal ang pangalan niya kaya adik na adik din siya sa naturang pagkain.
Their university-Brookeshire University-doesn't care if the club being built wasn't really into academic purposes. As long as the club has more than five members, it won't be demolished by the administration.
Ganyan kaluwang ang club registration sa unibersidad nila.
"Bakit inaapi niyo ako? Argh! Help me, Cereal!"
"'Wag niyong apihin si Jea, baka awayin kayo ni Patch, sige kayo," aniya.
"I hate you all!"
Nagtawanan lamang sila habang patuloy ang pag-aasaran. Ito ang mahirap kapag silang anim ang nasa isang grupo para sa isang proyekto. Wala silang natatapos dahil sa pagkukuwentuhan!
"Hoy, Cee! Masyado ka naman engrossed sa pagkain ng cereal diyan. Hindi ka pa ba nauumay?"
Nginisihan niya lamang si Jea. Alam niyang nililipat lamang nito sa kanya ang atensiyon ng mga kaibigan nila. Ang ayaw na ayaw kasi nito ay iyong inaasar sa ex-boyfriend nitong si Patch.
"Si Jea, iniiba ang usapan. Napaghahalataan, eh."
"Ewan ko talaga sa inyo! Puwede ba, huwag niyo akong i-link sa impaktong Patch na 'yon? Kilabutan kayo, oy!"
"'Sus! Parang may bitterness sa boses mo, Jea?" ani Mai at pinagtaasan ito ng kilay. "May something, eh."
"Wala nga! Allergic na ako sa playboy at flirt na Patch na 'yon!"
"Weh?"
Tumayo siya nang maubos ang cereal na kinakain. "Kukuha lang akong inumin sa baba, Jea."
Tumango ito. "Sige. Nandoon naman si Manang Fe," anito na ang tinutukoy ay ang kasambahay ng mga ito.
Iniwan niyang nag-aasaran ang mga ito.
Napailing na lamang siya. Mukhang kakailanganin nilang mag-overnight kung magpapatuloy ang pagkukuwentuhan nila.
Ang project na ginagawa nila ay para sa final requirement sa isa nilang subject. Dahil graduating, maaga silang bibigyan ng grades dahil ang nalalabing buwan bago ang graduation ng batch nila ay ilalaan sa pag-aasikaso ng requirements, practices and club activities.
Saktong kapapasok niya sa kusina ay siya naman pagbukas ng back door.
"O, nandito ka pala, Cereal," ani sa kanya ng bagong dating na si Spike. Kakambal ito ni Jea.
"May ginagawa kaming project, eh," aniya.
"Magkaka-grupo kayong anim?"
Tumango siya.
"Best of luck sa inyo," nakangising anito.
Napasimangot siya. Alam na kasi nito ang routine nilang anim-chikahan now, gawa-gawa later.
Hindi naman sa hindi sila nag-aaral. Katunayan, simula n'ong unang taon nila sa kolehiyo ay Dean's Lister silang anim. Sadya lamang na may pagkakataong tinatawag sila ng chikadora-syndrome nila.
"Spike, pahingi ng juice!" Nanggaling ang tinig na iyon sa likurang bahagi ng bahay.
"f**k you!" ganting sigaw ni Spike. Umiiling-iling na binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng juice.
"Pahingi na din ako, Spike," ungot niya.
"May bayad 'to."
"Sige, bibigyan kita ng cereal mamaya."
Exaggerated na pinanlakihan siya nito ng mata. "May sakit ka ba, Cereal?"
Inirapan niya ito. "Ewan ko sa 'yo, ha, Spike!"
Tumawa lamang si Spike. Kapagkuwan ay inabutan na rin siya nito ng orange juice.
Dahil palagian silang magkakaibigan dito sa bahay nila Jea at Spike ay naging close na rin silang dalawa ni Spike.
Sa barkadahan nila Spike, masasabi niyang si Spike ang pinakamabait sa mga ito. O dahil siguro kaibigan siya ng kakambal nito kaya mabait ito sa kanya.
Cool and friendly si Spike. Unlike his remaining five friends who were snobbish, evil, lazy and so on and so forth. She wasn't that close to Patch because well, he was Jea's ex-boyfriend. Tiyak na ililibing siya ng buhay ni Jea lalo pa't allergic pa rin ito kay Patch.
Hindi maka-move on, eh.
Sikat sa unibersidad nila ang grupo nila Spike. They were popularly known as the Spiral g**g. Umiikot kasi sa buong unibersidad nila ang mga kuwento na kesyo sumasali sa illegal racing ang mga ito. Mahilig din daw makipag-away at basag-ulo ang mga ito. But those were just rumours and they don't have proofs.
Sinasabi rin na hindi napapaalis ang mga ito sa Brookeshire kahit kabi-kabila umano ang mga gulong pinasukan ng mga ito ay dahil ang isa sa miyembro ng Spiral ay anak ng may-ari ng Brookeshire. Mayroong kapit, kumbaga.
Not that she minded. To her, Stephen Chavez was still the friendly and cool twin brother of her friend.
"Kayo, bakit tambay na naman kayo? Wala kayong klase?" tanong niya sa lalaki.
Nakangising nagkibit ito ng balikat. You want to know the funny thing about this Spiral g**g? Even though they weren't attending their classes regularly, they could pass their subjects with flying colours.
Minsan ay tinanong niya si Jea kung ganoon ba talaga kalakas ang kapit ng mga ito sa administration ng Brookeshire. Then Jea told her that Spiral g**g were just a bunch of misunderstood guys-except for Patch on Jea's point of view, that is.
"Spike, have you-oh, it's you, peasant."
Tila may pumitik sa ulo niya nang marinig ang winikang iyon ng kapapasok na si Rake. Rake was also a part of Spiral g**g. For her and to the whole university, Rake was probably the richest and the evilest of them all.
She doesn't hate Rake. She was just indifferent towards him since the day he called her "peasant." Mukha ba talaga siyang poor? Que horror!
"Oh, it's the I'm-above-you-peasant-because-my-family-is-rich-and-I-do-nothing-but-be-a-leech-to-them guy," she said without a pause.
Nakita niya ang pagdaan ng pagkaasar sa mata nito. Patas lang sila. Wala itong karapatang tawagin siyang peasant. 'Chura nito.
"Heh, I don't have time to the likes of you, Miss I-eat-like-a-pig," anito.
Be indifferent, Cee, aniya sa sarili.
Pero mahirap pala talagang maging indifferent kapag si Rake ang sangkot. Binabawi na niya ang sinabi niya kanina na indifferent siya pagdating sa lalaki. She disliked him. Period.
"Sorry for wasting your time, Mister I-own-the-world-kneel-before-me," puno ng sarkastikong aniya. Hindi pa nakuntento, pinagtaasan pa niya ito ng kilay.
Hindi na ito kumibo pero halos manayo ang balahibo niya sa braso nang ngumisi ito. His smirk was pure evil!
"Umamin nga kayong dalawa, mag-ex ba kayo?" biglang singit ni Spike dahilan ng panlalaki ng mata niya.
"What?!" bulalas niya. Kulang na lamang ay lumuwa ang mata niya sa gulat.
"Me? With this peasant? In her dreams, maybe," ani naman ni Rake.
He's really testing my patience!
"Eh, halos sabayan niyo na kasi ang pagbabangayan ni Jea at Patch. And those two have a past. So-"
"I won't ever like this stupid guy!" asik niya sabay turo kay Rake.
"As if I will like you," ani Rake.
"Mabuti na 'yong malinaw!"
"Hn."
Padarang na tumayo siya at aktong lalabas na ng kusina nang bigla siyang tinawag ni Rake.
"Ano na naman?!"
Ganito pala kapag indifferent, no? Sobrang affected siya, ewan niya kung bakit. Ah, kasi tinatawag siya nitong peasant. 'Yon lang naman siguro ang dahilan.
"May gatas ka pa sa labi, peasant."
Narinig niya ang pagtawa ni Spike mula sa "background."
Naningkit ang mga mata niya. "Hindi na ako bata!"
Something evil crossed Rake's eyes. "I mean it literally. Try looking in front of a mirror before facing someone like me, peasant. Or are you provoking me to lick that milk on the side of your lips? Well, well. Hindi ko alam na patay na patay ka pala sa akin-"
"In your dreams! 'Tse!" Tumalikod na siya at saktong sa gilid ay may salamin. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may gatas nga siya sa labi! Galing iyon marahil sa kinain niyang cereal!
Paglingon niya ay wala na si Rake sa kinatatayuan nito kanina. Ang nandoon na lamang ay si Spike. Ngising-ngisi ang lalaki.
"Bakit hindi mo sinabing may gatas ako sa labi?! 'Kainis ka!"
Dali-dali niyang pinahid ang labi at patakbong bumalik sa silid ni Jea.
"What happened to you?" tanong ni Ava nang umupo siya sa tabi niya.
Humalukipkip siya. She knew irritation was painted on her face.
Sa kanilang magkakaibigan, isa siya sa may mahabang pasensiya pero pagdating talaga kay Rake, tila nawawala sa bokabularyo niya ang salitang "pasensiya."
He was just plain annoying and unlikable! And evil. And handsome.
Erase, erase! Hold that thought, Cereal!
Though the evil bastard was really handsome, she could not deny that fact.
"May na-encounter lang akong monster sa kusina," simpleng aniya.
Nanlaki ang mga mata ni Jea. "Si Patch?! Let me call the monster buster right now!"
"Jea, not everything is about your Patch," nakangising saad ni Crea.
"He is not my Patch anymore," giit ni Jea.
"Bitterness, oh. Uso mag-move on, Jea."
"Hindi ako ang topic dito, si Cee at ang monster niya!"
She rolled her eyes. It was so like Jea.
"Sino ba ang tinutukoy mo, Cee?" tanong ni Mai.
"Si Rake."
"Ah," sabay-sabay na ani ng mga ito.
"He doesn't look like a monster," ani Jea.
"Masyado siyang guwapo para maging monster," wika ni Snow.
Once again, she just rolled her eyes at them. Humalukipkip siya at hindi na lamang kumibo dahil alam niyang totoo ang sinabi ng mga ito.
If Rake was one of the richest and evilest guys on their university, he was also included in the list of Handsomest Guy in their university. Calling him handsome would be an understatement.
He was devilishly handsome with that evil smirk plastered on his lips. Same as the eyes that were glinting with hidden evilness.
Matangkad ito at kapag natabi siya dito ay magmumukha siyang duwende. Aabot na siguro sa anim na pulgada ang height nito. His hair was always messy but it looked good on him and he looked so cool every time he was running his hand on his hair.
His piercing black eyes seemed to be mocking every person he was looking at. Nanunuot ito kung tumingin. Daig pa ang lamig na nanunuot sa buto tuwing Valentine's Day at wala kang date. His nose was perfect as well. Tila ba nililok iyon ng isang iskultor. Kaya nga hindi rin niya mapaniwalaan na napapaaway ito dahil wala itong pingas sa mukha.
And don't start with his lips. Rake has the fullest and reddest lips she had ever seen. And when he was showing that evil smirk of his...
Yeah, she doesn't like him. She was just stating... facts.
Ows?
Okay! She would admit that once upon a time, she had a crush on him. But when she had a taste of that sharp tongue of Rake, all the likeness she felt left her system.
"Hello, Cereal? Calling Cereal? Come back! Yuhoo!"
Napapikit siya ng madiin. Muntik na niyang makutusan ang sarili dahil sa naisip. Indifferent, yeah right.
"He called me a peasant, girls! Namumuro na talaga sa 'kin ang lalaking 'yan. Kaunting-kaunti na lang talaga, bi-bingo na siya sa 'kin. Makikita niya, tatadtarin ko siya ng-"
"Yakap?"
"Halik?"
"Pagmamahal?"
Isa-isa niyang binato ng throw pillow sina Ava, Jea at Crea na siyang mga nang-asar.
"Tapusin na nga lang natin 'tong project natin kaysa pag-aksayahan ng oras 'yong monster na 'yon," ani na lamang niya.
"Mas monster si Patch," mahinang ani Jea.
"Oo na, si Patch mo na naman. Si Patch na walang malay."
"Oy, nakakatuwa naman si Cee at Jea, may love life," dagdag pang-aasar ni Snow.
Wala na naman silang nagawa dahil napuntang muli sa asaran ang lahat.
But she would not trade these girls for any other girls out there.