Chapter 2: The Evil Porky

2233 Words
CEE WAS praying that her favourite cereal would still be available on their university cafeteria. Na-late kasi siya ng gising kanina at nawala sa isip niyang maglagay ng cereal sa bag. Malas! "Oh, man!" Malas nga siya dahil ubos na ang cereal sa estante. "Manang, wala na bang stock ng kahit na anong tatak ng cereal d'yan?" "Wala na, ineng. Bukas na ulit magkakaroon." "Pa-check naman baka mayroon pa sa loob, manang! Please!" pangungulit niya. Pakiramdam niya kasi ay hindi makukumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakakain ng cereal. Parang sa love. 'Yon bang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo natitikman 'yong lalaking mahal mo-este kapag hindi mo pala nakikita 'yong lalaking mahal mo. Hashtag medyo obsessed. "Here." Napatingala si Cee at ang unang bumungad sa kanya ay isang pakete ng cereal. Unti-unting umangat ang kanyang paningin at isang seryosong mukha ng lalaki ang bumulaga sa kanya. Hindi niya alam kung saan nagtatago ang lalaking ito dahil ngayon niya lamang ito nakita. Ang ganito kaguwapong lalaki, hindi maaaring hindi kilala dito sa Brookeshire! "A-ah. Thanks," aniya. Kulang na lang ay kutusan niya ang sarili dahil nautal pa siya. Eh, kasi naman! Para itong Cereal Prince na biglang lumitaw sa harapan niya! Inabot na niya ang cereal. Tumango lamang ang lalaki at umalis na sa pila. Siya, naiwang nakatulala. "Para akong nakanood ng koreanovela, 'yong first meeting ba. O kaya 'yong sa anime." Noon niya lamang napansin na nasa tabi na niya pala ang kaibigang si Ava. "You and your obsession towards animes and koreanovelas," aniya. Iwinasiwas nito ang palad. "Do'n na tayo sa table. Susunod na lang daw sila Jea dito." Pagkapuwesto sa mesa ay kaagad itong nagsalita, "Kilala mo ba kung sino ang bishounen na 'yon?" "Bisyo-what?!" "Bishounen. Handsome man. Duh." "Whatever. Hindi ko siya kilala-" "Yohann Yap. Graduating like us." "I will call him Prince Cereal," she said. Ngumisi siya nang tumirik ang mata ni Ava. "Guwapo siya, 'no?" She nodded. "Mabait pa. He gave me his cereal, eh." "Heh. Just because someone gave you a cereal, it doesn't mean he's good. Baka mukha ka lang talagang nakakaawa kaya niya 'yan binigay sa 'yo, peasant." Napapikit siya ng mariin nang marinig ang tinig na iyon mula sa kanyang likuran. It was non-other than Rake Avila, the monster in disguise. "May mga tao lang talagang mabait, hindi kagaya mo, monster!" "I'm a handsome and hot monster then." Kahit hindi nakikita, alam niyang nakangisi ng tila demonyo ang lalaki. Hmm. Should she call him monster or devil? Ano kaya ang mas bagay? "Ilusyon mo," asik niya. Nilingon niya ang lalaki at pinandilatan ito. Umismid lamang ito saka binalingan si Ava. "Hinahanap ka ni Acer," anito sa kaibigan niya. Nakita niya ang pagtakas ng kulay sa mukha ni Ava bago ito tumayo nang hindi kumikibo. Ang Acer na nabanggit ni Rake ay kaibigan nito at isa sa miyembro ng Spiral g**g. Ano ang kailangan nito kay Ava? Pero bago 'yon... Sumubo na siya ng cereal at hindi na pinansin ang lalaki. Iisipin na lamang niya na isa lamang itong malaking particle. "You really eat like a pig, peasant. Para kang hindi pinakain simula pagkabuhay mo." She rolled her eyes at him. Hindi niya pinansin ang pasaring nito. Wala siyang narinig na tugon sa lalaki. Napatingin siya sa tabi ng kanyang tray nang may inilapag itong canned Sprite doon. Her favourite drink! "Here, peasant. Nakakaawa ka naman." "Shut up." Umalis na ang lalaki. Napansin niyang nakasunod ang tingin dito ng mga babaeng nasa cafeteria. Nakabakas sa mukha ng mga ito ang paghanga sa lalaki. She could not blame them because he was really a nice piece of an-okay, stop right there, Cee. She opened the canned drink and surprise, surprise. Sumabog sa mukha niya ang malamig na inumin. Ang hinayupak na Rake, inalog pala ang Sprite! Ang akala pa naman niya ay bumait na sa kanya kahit one percent lang! "Oh, my God! Raider Avila! I will kill you, you evil pest!" nanggigigil na sigaw niya habang pinupunasan ang softdrinks sa mukha. Shit! Ang lagkit-lagkit ng mukha at buhok niya! - - - - "PEST. Evil pest. Monster. Devil. Ah, ano pa ba? Oranggutan! Hah! Akala mo, ha." Kulang na lamang ay mabutas ang papel na sinusulatan ni Cee dahil sa diin ng pagkakasulat niya. Sobra-sobra kasi ang inis niya dahil sa ginawa ng lintek na Rake na 'yon kanina sa cafeteria. He was really an evil pest! Kaya heto, nag-iisip siya ng maaari pa niyang itawag sa lalaki para naman matauhan ito. "Hoy, Cereal! Galit na galit ka, ah! Ano'ng problema mo?" "Sisihin mo 'yang kaibigan ng kakambal mo, Jea! Biruin mong binigyan ako ng Sprite!" Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Ano'ng masama do'n?" "Inalog pala ni evil Rake 'yong Sprite. Canned Sprite." Ang akala pa niya ay matutumba ito dahil sa lakas ng pagtawa nito. Some kind of a friend, huh. "Sige, tawa pa, Jea. Sinukin ka sana," inis na saad niya. Mabuti na lamang at may reserba siyang damit dito sa club room nila. One of the benefits for having a club room was a bathroom just for that club. "Crush ka no'n kaya ka inaasar. Nagpapapansin ba," sagot nito. "Crush-in ko kaya mukha niya?" "Diyan nagsisimula ang love story, Cereal," pang-aalaska pa nito. "Ganyan ba nagsimula 'yong inyo ni Patch?" Kaagad na nawala ang ngisi ni Jea. "Hindi. Ganyan kami nagtapos. Ew. Maalala ko pa lang na naging kami, kinikilabutan na ako." "Kinikilabutan sa kilig?" Jea rolled her eyes. "Kagaya ng pagkakilig mo Rake." "Okay, point taken." "May point ba sa sinabi ko?" "Wala." Sabay silang nagtawanan. Ganito yata talaga kapag kayong magbabarkada ang nag-uusap-usap. Kahit walang sense, sige pa rin sa pag-uusap. At kahit hindi nakakatawa, tumatawa. "Ay, ito pala. Schedule before and after graduation." May inilapag na mga papel si Jea sa mesa. "Foundation week, graduation ball, educational tour? Ano tayo, high schooler?" "Yeah, ugali pa lang high schooler na, eh." "Sabagay." Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng schedule ng mga graduating students. "Ano 'to?! All clubs are required to participate on the upcoming Foundation Week? Jea!" Kagaya niya ay hindi rin maganda ang ekspresyon sa mukha ni Jea. "Club meeting is a must." Oh, boy. Sana lang ay may magawa silang matino. - - - - INIS na inis na si Cee. Imagine, may manghihingi sa kanya ng payo pagdating sa love pero kapag nagbigay naman siya, magagalit sa kanya dahil hindi nito gusto ang opinyon niya. Aba! Napakagulo ni ateng, ha. "You're just telling me to back off because you like my Rake, too!" Okay. She totally rolled her eyes at the girl in front of her. What she said was absurd and so impossible. "Lanie, kung ayaw mo naman palang marinig ang opinyon ko-or opinyon namin dito sa Lovestagram, puwedeng 'wag mo ng sayangin ang oras namin at umalis ka na lang? Hindi ko na kasalanan kung masyado kang nabubulagan sa Rake na 'yon," aniya. At para hindi masyadong masakit ang epekto ng sinabi niya, nginitian niya ng ubod ng tamis ang babae. Inirapan siya nito at padabog na lumabas ng club room. Napabuga siya ng hangin. Finally, the peace she had been looking for. "Tsk, tsk. Hindi ko alam na ganyan kalaki ang pagkagusto mo sa 'kin para tabuyin palayo ang mga admirers ko, peasant." Parang may pumitik sa sentido niya nang marinig ang tinig na iyon. Ngayon pa lang ay humiling na siya ng pasensyang kasing-haba ng EDSA dahil sa presensiya ng lalaking ito. "Whatever, evil porky," she simply said. Imbes na balingan ang lalaki ay ang mga papel sa mesa ang pinagtuunan niya ng pansin. Mamaya na ang so-called club meeting nila at gusto niyang maging productive naman ang kalalabasan no'n imbes na chikahan lang. "Porky? Me? Huh. Hindi naman ako mataba. At lalong hindi ako patay-gutom sa cereal," anito. "Porky is short for porcupine. Uso kasi ang suklay, porky," pang-aasar niya at hindi na pinansin ang parunggit nito. "Porky, the maroon porcupine. Cute 'no?" Naisip niya ang pet name na 'yon para kay Rake dahil sa spikey maroon hair nito. Kumunot ang noo nito. "So you love porcupine?" "Huh?" "It's because you love me, right? So you must love porcupine, too." "Aba't! Saan mo napulot ang kalokohang 'yan?!" Pinandilatan niya ang lalaki. Unti-unti itong ngumisi. Kung hindi lang siguro siya mabait, baka kinalmot na niya ang mukha nito sa inis. Siya ang nang-iinis, siya pa ang nainis. 'Kainis! Okay, redundant much, Cee? Nagkibit lamang ito ng balikat bilang tugon. "Alam mo, porky, mabuti pang iwan mo na akong mag-isa, ha? Marami pa akong gagawin." Mula sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan ay lumakad ito palapit sa kanya. Umupo ito sa bakanteng silya sa tapat ng mesa niya. Ipinatong nito ang magkabilang braso sa mesa at ipinatong ang baba sa palad. "Actually, I have reasons why I'm here," he said. "Ano naman 'yon?" "Manghihingi sana ako ng payo." Nanlaki ang mata niya. "Ikaw? Manghihingi ng love advices?!" Que horror! Mas may pag-asa pang magtaas ang presyo ng fish ball kaysa sa posibilidad na magmahal ang s*****a at bully na 'to! "It was a joke," he deadpanned. She rolled her eyes. Again. "Do that again. Your eyes will get stuck in there." "As if I will believe that." To prove her point, she once again rolled her eyes at him. May sa demonyo yata ang lalaki dahil bigla siyang napuwing. Napapikit siya ng mariin dahil sa bahagyang kirot sa mata. "'Told you so," Rake said in a sing-song voice. Wala talagang puso ang isang 'to. Imbes na mag-alala ay inasar pa siya. Not that she wanted to feel his care, ha. She opened her left eye. Nagulat pa siya nang mapansing kay lapit ng mukha ni Rake sa mukha niya. Tinapik nito ang kamay niyang kumukusot sa matang napuwing. "Ano ba?!" sita niya. Hindi naman masakit ang pagkakatapik nito. Nag-iinarte lang siya. "Ah. Mabubulag ka na." "Raider!" "It was a joke." "It's not funny!" "Hn." Nang mawala ang pagkapuwing ay tinignan niya ng matalim ang lalaki. Prenteng-prente pa itong nakaupo habang nakahalukipkip. "By the way, how's the Sprite?" he suddenly asked. She saw red. "Evil porky!" - - - - "MADAPA sana ang evil porky na 'yon," mahinang pagbubusa ni Cee habang tinatahak ang daan papunta sa cafeteria. Dahil may ilang minuto pa bago ang club meeting ng Lovestagram-ang official name ng Love Club-ay naisipan niyang kumuha ng makakain sa cafeteria. Ang pesteng Rake na 'yon, wala naman palang kailangan at napadaan lang. Gusto lang daw siya nitong pag-trip-an. Kung hindi ba naman siraulo. Nang nakarating sa cafeteria ay kaagad siyang pumunta sa bread section. Saktong kukuhanin na niya ang nag-iisang cheese bread sa estante nang may umakmang kukuha din niyon. Pagtingin niya sa may-ari ng kamay ay nanlaki ang mga mata niya. It was the same guy who gave her the cereal awhile ago! Her Prince Cereal! Nang mapagtantong balak din nitong kuhanin ang cheese bread ay napagpasyahan niyang mag-giveway. "Ah, s-sorry. Sige, sa 'yo na 'yan." Kumuha na lamang siya ng Piattos at softdrink saka pumuwesto sa palagian nilang kinakainan dito. Nasa aktong bubuksan na niya ang Piattos nang may umupo sa bakanteng silya sa tapat niya. "Here," the person said. Inabot ni Yohann ang hawak nitong cheese bread sa kanya. Alam niyang namumula na ang pisngi niya sa mga oras na iyon. Sino ba ang hindi, eh heto ang crush niya, binibigyan pa siya ng pagkain. Mukha ba talaga siyang PG kagaya ng sinasabi ni Rake? Ah, ewan. Basta, napansin siya ni Yohann! "S-salamat," kiming aniya at inabot ang cheese bread. She doesn't know why she suddenly felt so shy towards him. He grunted as an answer. Habang kumakain ay pasulyap-sulyap si Cee kay Yohann. Tahimik lamang ito habang kumakain at nagbabasa. Binasa niya ang pamagat ng libro. "Ghost Hunt?" "Japanese novel," simpleng anito. Tumango-tango siya. What to say, what to do? Think, Cee, think! "Maganda ba?" "If you're into horror stories, it is good." Blank. Napabuga na lamang siya ng hangin at nakuntento sa pagtitig dito. Hindi niya alam kung bakit tila mabait sa kanya ang seryosong lalaki at kung bakit ito naki-table sa kanya gayong marami pang bakanteng table pero keribels, enjoy naman siya. "Ako nga pala si-" "Yap." Isa kang malaking istorbo, Evil porky-pest! sigaw niya sa isipan nang bigla na lamang sumulpot si Rake. "Avila," malamig na ani Yohann kay Rake. "Dela Cruz," singit niya. Nang sabay na bumaling ang dalawa sa kanya ay nagpa-peace sign siya bigla. Baka kasi matunaw siya sa laser beam effect galing sa mga mata ng mga ito. "Nice meeting you all," pa-cute na aniya. Tinanguan lamang siya ni Yohann. Tumayo na ito at walang-kibong lumakad palayo. Habang nakatingin sa papalayong pigura ng lalaki ay hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. "Nakita mo 'yon, porky? Siya lang naman ang lalaking magmamahal sa 'kin ng lubos." Ngumisi si Rake. "Gusto mong maghilamos ulit ng Sprite? Inaantok ka pa yata, eh." "Selos ka lang, eh." Kaagad niyang nakagat ang ibabang labi nang mapagtanto ang sinabi. Minsan talaga, nauunang kumilos ang labi bago ang utak. Tinignan siya ni Rake mula ulo hanggang paa. Kapagkuwan ay ngumisi ito na tila nang-aasar. "I'm not that desperate, peasant. Pero kung magiging D cup 'yang A cup mong dibdib, sige, baka sakaling pag-isipan ko pa." "Aba't-" Tumalikod na ang lalaki. "Hoy! Porky! Makikita mo, gagantihan talaga kitang porcupine ka!" Bigla siyang may naalala. "At hindi ako A cup!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD