"ATE CEE! You're here!" Napahinto sa akmang pagkuha ng inumin si Cee nang marinig ang matinis na tinig na iyon. Muntikan pa siyang mapatumba nang bigla na lamang siyang dinamba ng walong taong gulang na pamangkin ni Jea at Spike. "Hello, Keesha," nakangiting bati niya sa batang babae. Pabiro niyang ginulo ang buhok nito. "Not my hair, Ate Cee!" Napatawa na lamang siya nang natatarantang inayos nito ang buhok. Sa edad nitong walo, kung umasta ito'y akala mo dalagita na ito. "Boys na naman pinag-uusapan niyo?" She poked the child's forehead. "Hindi po. Nagbe-brainstorming po kami." "Boring." Napailing na lamang si Cee. Dahil hindi sila nagkasundong anim para sa gagawin ng Love Club sa paparating na Foundation Week, naisipan nilang magkanya-kanya. Ang lalakas ng loob nila kaya heto s

