Magkahalong lungkot at pangungulila ang nararamdaman ni Atticus ng mga sandaling iyon habang binabaybay nila ang karagatan at mula sa sinasakyan nilang yate ay tanaw na tanaw na niya ng malapitan ang Isla na iyon na naging tahanan din niya noong siya ay maliit pa. Sarado ang buong Isla ngayon dahil ipinasara ito ng local government unit ng Isabela dahil sa nangyaring engkwentro dito kamakailan lamang. Sobra siyang nanghihinayang dahil sa ganda Isla ay ginawa lamang itong kanlungan ng mga taong halang ang kaluluwa. Kung siya lamang ang masusunod, ayaw niya sanang ipagbenta noon ang buong Isla—pero dahil narin sa pakiusap ng kanyang Mamita at Papsy, pumayag narin siya kahit pa labag ito sa kalooban niya. Para sa kanya, ang Islang ito ang nagbigay sa kanya ng tahanan lalo na sa tuwing s

