"Kapapasok lamang na balita, patay sa pananambang ang isang kilalang PNP General na si Gen. Peterson Alvarez. Ayon sa ulat na aming nakalap' papunta ang naturang opisyal upang sana ay dumalo para sa inauguration program para sa mga bagong nagsipagtapos sa hanay ng kapulisan." Kapwa napalingon sina Atticus at Antheia sa telebisyon ng marinig nilang umilanlang ang balitang iyon. "General Peterson Alvarez? Shocked!" Napahawak ng kanyang mukha si Antheia pagkapanood nila sa naturang balita. "Why? You know that official?" "Yeah' hawak ni Daddy ang kaso ng isang dalagita sa ngayon' na allegedly ay ginahasa umano ng opisyal na 'yan! Lord, ano ba'ng nangyayari sa mundo? Puro p*****n na lang, gayong dumaranas ang bansa natin sa malaking problema." Naiiling-iling na wika ni Antheia. "Hmm.. So he

