"Are you okay?" tanong ko kay JD. Kasalukuyan na kaming naglalakad-lakad ngayon sa 2nd floor ng mall. Tumingin naman siya sa akin at nagkibit-balikat. Napakadamot talaga nitong magsalita. "Wanna eat?" tanong ko ulit. Syempre, dahil ako ang nagyaya sa kanya, dapat palagi kong inaalam ang mga pangangailangan niya. Besides, alam ko namang konti lang ang nakain niya kanina. Hindi pa rin siguro siya sanay kumain ng kanin. "Do you wanna eat pizza? Alam mo yung favorite pizza parlor ko, nandito sa mall. Once you taste their Aloha 5 Cheese, makakalimutan mo na lahat ng pizza na natikman mo," pagyayabang ko sa kanya. "Okay," simpleng niyang sagot kaya naman nagtungo na kami sa Grumpy Joe na may branch sa mall na iyon. Actually, isa iyon sa dinarayo ko dito sa mall na ito. Marami nang custome

