Chapter 1
"Gene, please. Huwag ka namang makipag-break nang ganito. Akala ko ba ako ang pinakaminahal mo sa lahat ng mga naging girlfriend mo? Bakit nakikipaghiwalay ka na ngayon? Katatapos ko lang ibigay ulit sa'yo ang katawan ko, di ba?" natararantang saad ng dalagang hubad at tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan. Hindi ko siya pinansin habang isinusuot na ang mga damit ko.
Carol is one of the girls I dated for s*x. At gaya ng sinabi ko ay sawa na ako sa kanya. Buti nga tumagal siya ng ilang linggo sa akin.
"Carol, sawa na ako sa'yo gaya ng sinabi ko. Malinaw naman ang pagkakasabi ko kaya bakit hindi mo maintindihan?" walang damdaming saad ko.
Hinarap ko na ito pagkatapos kong maisuot pati ang pantalon ko. Nakapamewang na pinanuod ko ang malakas na pag-iyak niya. Ilang beses ko na bang napanuod ang ganitong eksena simula nang magka-girlfriend ako? Hindi ko na mabilang at wala akong balak bilangin isa-isa.
Bumuntonghininga ako bago ko kinuha ang wallet ko sa bag ko. Naglabas ako ng 5k at iniwan iyon sa mesa.
"Pamasahe mo. Salamat sa lahat. And tell Brent that you do not need to hide your affair anymore."
Kitang-kita ko ang tigalgal niyang mukha nang tumingin siya sa akin dahil sa sinabi kong iyon.
"Bye, Carol."
Pagkasabi niyon ay iniwan ko na siya.
"Gene, please!"
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin. Alam kong hindi na niya ako hahabulin pa dahil alam ko na ang sikreto niya.
Oo, babaero ako. Heartbreaker kung tawagin nila. I have multiple girls but I break up with them kapag alam kong nagsasawa na ako, nagsasawa na sila, o kapag may iba na ang mga babaeng nakakarelasyon ko. Wala naman silang mairereklamo sa akin. Sa loob naman ng ilang linggo o buwan naming relasyon, naranasan naman nila kung paano ako maging boyfriend. I shower them with attention and gifts. I treat them like queens. I satisfy them in bed. Kaya mas nakinabang sila sa relasyon namin kesa sa akin.
Ako? They don't shower me with gifts, or they don't treat me as their king, and worst of all, some of them are not that good in bed. In short, they don't satisfy me. Hindi ba at dapat pantay lang ang mga babae sa aming mga lalaki? Bakit kailangang babae lang ang nagde-demand? Tapos kapag nakipaghiwalay na, saka nila mare-realize ang mga maling ginawa nila. Too late for that because I'm already sick of them.
Nag-drive ako pauwi ng bahay. I have to be there for dinner dahil iyon ang usapan ng pamilya. My parents, my sister and her husband, and I must have dinner together every night.
Dalawa lang kaming magkapatid ng Ate Cassandra ko kaya nang mag-asawa ito, hindi sila pinayagang mag-asawa ng parents namin na humiwalay pa ng bahay. My brother-in-law may not be as wealthy as us, but he earns well as an engineer. May mga lupain din itong namana mula sa dad nito at kahit hindi ito magtrabaho, kaya nitong buhayin nang marangya ang ate ko. Ayaw na nga nitong papasukin bilang president ng university na pag-aari ng pamilya si Ate. But like me, matigas din ang ulo ni Ate. Ilang buwan pagkapanganak nito sa panganay nilang si Macy ay balik-trabaho na ito ulit.
Bukod sa university ay may construction business din ang pamilya namin. We build condos, apartments, and subdivision houses all over the Philippines. Kaya naman Engineering din ang course na kinukuha ko ngayon. Bilang anak na lalaki, ako ang inaasahang papalit sa posisyon ni Dad balang-araw. Of course, with the help of my genius brother-in-law, who topped the bar exams 5 years ago. Kinuha nga siya agad ng company namin at doon siya nakilala ni Ate. My sister fell in love with him at proud na proud pa itong nagkukuwento na ito ang nanligaw kay Kuya Mark noon.
Wala naman kaming masasabi kay Kuya Mark. He's a responsible person kaya napamahal na rin siya sa aming lahat. I have so much respect for him because he's one of the people who believed in me aside from my family. Sa three years nilang kasal ni Ate, he has proven that my sister deserves someone like him.
Nasa hapag na silang nang dumating ako at gaya ng nakaugalian namin, habang kumakain ay nagkakuwentuhan sila na kagyat na napatigil nang bumungad ako sa dining room.
"Gene, glad you could make it," malambing ngunit may halong paninitang sabi ni Mommy pagkatapos ko siyang halikan sa ulo.
"Got to break a girl's heart first before having dinner with you guys," pabiro na may halong katotohanang sagot ko. I saw my sister roll her eyes while dad shook his head. Kinurot naman ako ni Mommy sa braso while Kuya Mark just simply smiled.
"Ano ba ang pinag-usapan ninyo kanina at mukhang seryoso kayong lahat?" pagtatanong ko nang makaupo na ako sa puwesto ko.
"Mark here wants to leave us, and he's bringing your sister and Macy," nagtatampong sumbong ni Mommy.
"Bakit?" gulat kong baling sa bayaw ko. Seryoso naman siyang tumingin sa akin.
"Darating ang kapatid ko mula sa States and he has to live with me," simpleng paliwanag niya.
"So? Pwede mo naman siyang dalhin dito, Kuya. Kung ayaw niya, then you can give him one of our condos."
"That's what I was saying," singit ni Dad.
"Dad, iba po kasi ang sitwasyon ni Jian. I cannot let him live alone dahil hanggang ngayon yata ay hindi pa niya alam magluto para sa sarili niya. Bukod pa sa hindi niya kabisado ang Manila. He's a total stranger here. Sa States na siya lumaki nang dalhin siya doon ni Mommy pagkatapos nilang maghiwalay ni Daddy. He's my responsibility now dahil ayaw na niyang tumira kay Mommy. He tried leaving her pero hinahabol-habol at ginugulo siya nito to the point na apektado na pati ang pag-aaral niya. Last time he made a call, he was panicking."
Hindi na kami nakapagsalita ni Dad. Hinawakan naman ni Ate ang kamay ni Kuya Mark to show her support habang naaawang nakatingin sa kanya si Mommy.
"Mark, we're offering the house to your brother. Dito, safe siya at marami tayong makakasama niya," Mom told him with sympathy.
"Mommy, nakakahiya po kasi. Nandito ako tapos makikitira pa siya rito."
"Babe, walang nakakahiya. Your family is our family, too. Maganda nga at may kaedad siya rito na makakasama sa pagpasok sa school."
"Yes, Kuya. We can be friends. Hindi mo kailangang mahiya na titira siya rito. Napakalaki ng bahay natin. Besides, nagta-trabaho ka naman sa company kaya hindi siya dagdag abala," saad ko.
"Yes, babe. Di ba Architecture ang course ni Jian kamo? For sure, gaya mo ay matalino rin ang kapatid mo kaya siguradong ia-absorb din siya agad ni Dad pagkatapos niyang maka-graduate. Gene has an amazing group of friends who he can be friends with too. Hindi siya maa-out of place sa school at may bagong pamilya pa siyang makakasama rito," dagdag pang-eengganyo ni Ate sa kanya.
Napayuko si Kuya na waring pinag-aaralan niya ang lahat ng sinabi namin. Halos wala na ngang gumagalaw sa pagkaing nasa harapan namin dahil sa paghihintay ng desisyon niya.
"Hindi ko rin po kasi masyadong kilala ang kapatid ko. Hindi ko alam ang ugali niya. Sa trauma na pinagdaraanan niya ngayon, nakakahiya kung..."
"Mark, we have friends in Alabang who can help him with his situation whatever it is. We'll support him, okay? Stop worrying too much. We will take care of him together, okay?"
Tumango kaming lahat sa sinabi ni Mommy. Of course, for Kuya Mark, handa akong tulungan ang kapatid niya. Expenses and accommodation won't be a problem. I can also tell my friends to be friends with his brother.
"Sige po, Mommy. Maraming salamat po."
Lihim akong napangiti nang sa wakas ay pumayag na rin ang bayaw ko. My family really loves Kuya Mark. At sa worry at concern na nakikita ko sa kanya ngayon, he has proven once again that he's a good person. Kahit hindi niya nakasama nang matagal ang kapatid at kahit tila estranghero na rin ito sa kanya, he still loves his brother so much.
Sa kabila ng lahat, my curiosity was aroused. Bakit kailangang layasan ng kapatid nito ang Mommy nila to the point na aalis pa ito ng America para lang maiwasan ito dahil sa trauma na dinanas nito? May ginagawa ba itong masama sa anak nito? Hindi ba at sabi ni Kuya Mark, ay halos hindi nito alam asikasuhin ang sarili nito which means dependent ito sa ina. So ano ang nangyari sa kanilang dalawa?
"Kailan ba ang dating niya, hijo, para maipahanda ko na sa mga maids ang magiging kuwarto niya?" tanong ni Mommy kaya bumalik sa kanila ang atensiyon ko.
"He's actually in Japan right now, Mommy. Bukas ang dating niya rito. Susunduin ko siya sa airport at balak sanang idiretso sa condo na nakuha ko para sa amin."
"Cancel it, dear. Dito mo na siya idiretso. Magpapahanda rin ako ng pagsasaluhan natin pagdating niya," nakangiting saad ni Mommy. I saw Kuya smiling na nagpapakita ng appreciation niya kay Mommy.
"Thank you, Mommy."
Nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti at tumango ako sa kanya na sinagot niya ng isang nagpapasalamat na ngiti.
Pagkatapos niyon ay masaya na namin pinagaaluhan ang mga pagkain nasa mesa.