Chapter 2

1616 Words
Kanina pa ako hindi mapakali. Ngayon ang gagawing pagsundo ni Kuya sa kapatid niya. Kasama nga niya si Ate sa airport para salubungin ito. Gusto ko nga ring sumama pero hindi ako pinayagan ng ate ko dahil nalaman nitong may long quiz kami sa isang major subject ngayon. "Dude, ngayon ka lang yata hindi mapakali pagtapos ng long quiz. Hindi mo ba nasagot lahat?" Michael asked habang naglalakad kami sa hallway. Katatapos lang ng quiz at tama ito, kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung bakit excited akong makilala ang kapatid ni Kuya Mark. "Kuya and Ate are now at the airport para sunduin yung kapatid ni Kuya galing sa States. Sa bahay na ito titira dahil dito na niya sa Pinas itutuloy ang pag-aaral niya," pagbabalita ko sa kanila ni Gio. "Bakit ka masyadong excited? Babae ba ang kapatid ni Kuya Mark o lalaki? Siguradong maganda o pogi iyon kasi magandang lalaki ang bayaw mo." "Dude, are you gay? Bakit mapopogian ka sa bayaw ni Gene?" pangangantiyaw ni Gio kay Michael. "Kapag nagsabi ba na magandang lalaki ang iba, bakla na? Gago ka ba, dude?" napipikon namang sagot nito. "Tama na iyan. Baka mamaya magkasuntukan na naman kayo. And for the record, lalaki ang kapatid ni Kuya Mark." "Well, kung lalaki siya dapat ipagdasal mong hindi siya kamukha ng bayaw mo or else, baka mapunta sa kanya ang korona mo bilang pinakaguwapong estudyante ng Wortnorth University," tila nagbabantang sabi ni Michael sa akin. "That's okay. Nakakasawa na ring makoronahan taon-taon," may halong pagyayabang kong sabi. "Whoa! To the roof ang confidence level, ha, Maverick Gene Meneses?" "Ang Chicboy ng Uni," dagdag ni Gio. "Tama na iyan. Anyway, I won't be attending our afternoon classes. May bisita kami kaya kailangan na nandon na rin ako sa bahay para i-welcome ang kapatid ni Kuya Mark," pagpapaalam ko sa kanilang dalawa. "Sige, pare. Sabihan na lang namin si Coach." Iniwan ko na sila at nagpunta na ako sa parking area ng eskwelahan para kunin ang kotse ko. Balak ko pa ngang sumunod sana sa airport pero baka magkasalisihan lang kami ni Kuya Mark kaya sa bahay na ako didiretso. Nagulat pa si Mommy nang makitang dumating na ako. "Akala ko, late kang makakauwi?" tanong niya pagkatapos kong humalik sa pisngi niya. "Hindi pumasok si Dad, hindi rin pumasok si Ate para i-welcome ang bisita, My. So dapat, present din ako, di ba? Besides, dapat ma-impress natin ang kapatid ni Kuya para maging magaan ang loob nito sa pagtira dito sa atin. Kapag hindi siya naging at home agad, baka sabihin niya kay Kuya Mark na bumukod na sila. Kawawa naman tayo kung hindi natin makakasama araw-araw si Macy." "Naku, napakatalino talaga ng bunso ko. Napaka-advance mong mag-isip, Maverick Gene." Natawa ako nang panggigilang pisilin ni Mommy ang magkabilang pisngi ko. "Anyway, nasaan na raw ba sila, My?" Inakbayan ko na si Mommy ay sabay na kaming pumasok sa loob. "Pauwi na sila sabi ng Ate mo kanina. Sige na, magbihis ka na muna at sisilipin ko ang Daddy mo sa likod. Nagpahanda iyon mg barbecue para sa bisita natin," utos ni Mommy na agad ko namang sinunod. Habang nagbibihis nga ay nakadama ako ng kakaibang pananabik na nasilayan ang kapatid ni Kuya Mark. Iniisip kong sana ay maging magkasunod kami. Curious din ako sa itsura nito. Mixed blood si Kuya Mark. Filipina-Spanish ang ina nito samantalang Filipino-Japanese ang ama. Nakakalungkot nga kasi hindi naka-attend sa kasal nila ni Ate yung Mommy niya at kapatid kaya hindi ko pa sila nakikilala. According to Kuya Mark, masyado raw istrikto ang dad niya. His mother was also a battered wife kaya nang nakakuha ng pagkakataon ay umalis ito kasama ang bunsong anak na noon daw ay 2 years old pa lang. May mga kamag-anak daw ito sa US kaya doon ito nagpunta. Hindi raw hinabol ng dad nito ang asawa but fought custody for his youngest. Kaso, nanalo sa kaso ang Mommy ni Kuya kaya napunta rito ang bunso. Kuya Mark chose his father nang ito ang papiliin ng hukuman. Since maykaya ang ama nito, nagkaroon ito ng chance na ipaglaban ang panganay na anak na noon ay 10 years old na. If I'm not mistaken, may contact naman ito sa ina and later on sa kapatid. I remember na dinalaw din nila ni ate ang mga ito sa States pagkatapos ng kasal nila since sa US sila nag-honeymoon ni ate. Pagkatapos noon ay wala na. Iyon na ang huli nilang pagkikita. Pababa na ako sa hagdan nang marinig ko ang kaguluhan sa living area ng bahay namin. Rinig ko ang matitinis na boses nina Mommy at Ate na tila nagkokontes pa sa harapan ng bisita namin. Lahat sila ay napalingon nang sa wakas ay makababa na ako. Well, except for one na walang iba kundi ang bisita namin na nakayuko. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay inoobserbahan ko siya. He's wearing an XL white shirt na may simpleng disenyo ngunit alam kong branded at mamahalin at blue jeans. Maputi siya gaya ng inaasahan ko at matangkad din. Kung magtatabi kami ay mas matangkad lang ako ng ilang inches sa kanya. Nang marating ko ang kinauupuan nila ay napatingala ito at napatingin sa akin. I had to hold my breath when I finally saw his face. Fúcking s**t. Mas guwapo pa ito sa amin ni Kuya Mark. Nangungusap ang may kasingkitang mga mata nito. Matangos ang maliit niyang ilong. And he has the reddest lips I've ever seen. I extended my hand towards him. "I'm Maverick Gene. Welcome to the Philippines, bro," bati ko sa kanya. Tumingin muna siya sa kamay kong nakalahad bago niya ako tinignan sa mga mata. Binigyan niya ako ng isang simpleng tango bago niya sinabi ang kanyang pangalan sa boses na napakalamig. "I'm Jian Denver Yamamoto. Just call me JD." Pinisil ko ang mainit na kamay niya at ngumiti nang matamis sa kanya. "JD it is," swabe kong saad bago ako umupo sa tabi ni Dad. "And this is Macy!" agaw-pansin ni Ate kay JD habang buhat-buhat nito ang pamangkin ko na si Macy. Nang sulyapan ko si JD ay nakita ko ang isang totoong ngiti sa mga labi niya. Napalunok ako. He's really good looking, especially now that he has that genuine smile on his lips. Nakadama ako ng insecurity na hindi ko na mapigilan pa. Mukhang tama ang mga kaibigan ko. Mukhang makakalaban ko talaga si JD kung gandang lalaki lang ang labanan sa eskwelahan. Sa gandang lalaki nito, siguradong maraming babae ang maaakit nito at maraming lalaki ang maiinis dito. "Let's go have lunch now. Siguradong gutom na kayong lahat," pag-iimbita ni Dad. Ni hindi ko namalayan na nagpunta na pala kaming lahat sa dining area ng bahay. Paano ay busy ako sa pagkukumpara sa aming dalawa ng bisita namin. Asikasong-asikaso ni Mommy si JD habang amused na pinapanuod siya Nina Ate at Dad. Halos mapuno na ang plato nito ng mga pagkaing ipinahanda ng mga magulang ko. "You have to eat all of that, JD. You're too thin," sabi pa ni Mommy pagkatapos nitong lagyan ng dalawang stick ng barbecue ang plato nito. "Thank you po." Nagulat na naman kami nang mag-po ito. "So you do know how to speak Tagalog, JD, huh?" tanong ni Dad. "Yes po, Uncle. Konti po. Tinuruan po ako ni Mommy." Napangiti ako. Napaka-cute kasi ng boses nito habang nagpipilit mag-Tagalog. "Did your brother already tell you that you'll be living here with us, JD?" tanong naman ni Ate. "Yes, Ate," tipid nitong sagot. Halatang naninibago ito sa paligid at sa atensiyong ibinibigay nila sa kanya. "You'll also be attending our university. Ipapaasikaso ko agad ang papel mo mamaya para burkas, kung kaya mo na, ay papasok ka na." "Anak, baka may jetlag pa ang bayaw mo," pananaway ni Dad. "Kaya nga, honey," segunda naman ni Kuya Mark. "Sorry, guys. Excited lang akong makita ang magiging reaksiyon ng mga estudyante kapag nakita na nila si JD. I'm sure aakalain nilang model ito o artista." Lihim akong napangiti. Magkadugo talaga kami ni Ate. We have the same brain waves. Iyon din kasi ang iniisip ko kanina. "So be ready, JD. Baka bigla na lang may mag-abot ng papel sa'yo at hingiin ang autograph mo," Natawa sila sa sinabi ni Ate except again for me and him. "Don't worry, makakasama mo si Gene sa school. You can be friends with him at sa pagpasok mo, either sa akin ka sasabay o sa kanya. Is that okay, Gene?" baling sa akin ni Ate. Nang lingunin ko si JD ay nakatingin dito ito sa akin na waring hinihintay ang sagot ko. "Absolutely, Ate. Pwede kang sumabay sa akin," ngiti ko sa kanya. Ngunit gaya kanina, isang simpleng tango at ngiti lang ang isinagot nito. "By the way, do you happen to have talents or skills, JD? Maverick Gene here is a girl player..." Naninitang tinignan ko si Ate. Ako pa talaga ang napag-tripan niya. Natawa nama siya sa ginawa ko. "I meant... basketball player. He's actually the team captain of the basketball team." Tumingin si JD kay Ate at simpleng ngumiti. "I play soccer and basketball, too, Ate." "Hindi ba at tumutugtog ka rin?" Si Kuya naman ang sunod na nagtanong. Tumango si JD sa nakatatandang kapatid. "Drums and guitar," simpleng saad nito na para bang hindi talento ang pinag-uusapan nila at simpleng bagay lang. Nabura ang ngiti ko. Mukhang hindi lang itsura ang maipagmamalaki nito. "And you dance, too, right?" Again, JD simply said, "Yes." Nawala na nang tuluyan ang ngiti ko lalo na ang magkislapan ang mga mata ng nasa harapan ko. Mukhang nanganganib na talaga ang korona ko sa eskwelahan dahil sa JD na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD