Chapter 3

1487 Words
"So, kamusta iyong kapatid ng bayaw mo?" nananabik na tanong ni Michael na inilipat pa ang desk sa tabi desk ko. Ganon din ang ginawa ni Gio. Nang bumuntonghininga ako ay nagsipagtaasan ang mga kilay nila. "I can smell danger," pagpaparinig ni Gio nang wala silang nahintay na sagot mula sa akin. "Tama ba si Gio, Gene? Is your brother-in-law's brother a threat?" "Oo," simple kong sagot. "Damn!" "Will you elaborate, Gene? Paano siya naging threat sa atin?" Si Gio naman ang nangulit. "Well, he's very appealing. Kung nagagandahang lalaki ka sa bayaw ko, triple ang gandang lalaki ng kapatid niya. He could easily pass as a model. Ayon pa sa mga nasabi niya kahapon, he's also good at playing instruments. He plays soccer and basketball, and he's a dancer, too," paglalahad ko sa dalawa. "Taena, baka nagyayabang lang iyon, dude," saad ni Michael na waring hindi makapaniwalang may ganong klaseng nilalang silang makikilala. "Bukas, papasok na siya. Malalaman natin kung nagyayabang lang siya o totoo ba talaga iyong mga sinabi niya," sagot ko naman kahit na sa loob-loob ko, 98 percent na sigurado akong may talent nga ang JD na iyon. "Baka naman itsura at talent lang ang meron iyon, baka naman wala iyong utak." Napatingin ako kay Michael. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasaktan ako sa pangmamaliit na ginawa niya kay JD. But I do not have to show what I feel to my friends, right? Baka iba pa ang sabihin nila. "Gaya ng sinabi ko, malalaman natin bukas," walang damdaming komento ko sa sinabi niya. "Nakakaasar naman. Bakit naman bukas pa siya papasok?" "Magpapahinga raw muna tapos ipapamili siya nina Kuya ng gamit niya since dito na sa Pilipinas siya titira." "Baka naman bibilhan pa siya ng drum set ng Kuya mo." Naiinis na tinitigan ko si Michael. "Oh, eh ano naman kung bilhan siya? May pera naman sila, ah? Malaking pera ang namana ni Kuya Mark sa daddy nila at sabi niya ay kalahati lang daw iyon sa pera ng kapatid niya since doon bumawi ang Tatay nila dahil hindi ito lumaki na kasama niya. That also means na kahit hindi maglabas ng piso si Kuya, makakabili si JD ng kahit anong gusto niya," napipikon kong saad. "Dude, relax. Hindi ako nakikipag-away. Sorry kung nakaka-offend iyong sinabi ko," pagso-sorry agad ni Michael dahil alam kong nakikita niya ang galit sa mga mata ko. "Nakakapikon ka talaga," prangka kong sagot sa sinabi niya. "Hindi porke nakatira si Kuya Mark sa bahay at makikitira ang kapatid niya ay aasa na sila sa pera ni Ate o sa pera ng pamilya namin. For your information, gusto ngang bumukod ni Kuya dahil nahihiya siya na doon din titira iyong kapatid niya. We just actually begged him to stay dahil ayaw naming mahiwalay sa amin ang pamilya nila. We can accommodate them all, including his brother, at our house. Kahit kayo pa kung gusto ninyo." Hindi ko na talaga mapigilan pa ang asar ko sa kaibigan ko. "Oo na. Nag-sorry na nga, eh." Napailing na lang si Gio sa amin. "Since wala pa siyang kakilala rito, tayo muna ang makakasama niya hanggang sa masanay na siya rito. At hinihiling ko na sana ay tratuhin ninyo siya nang maayos. Ayokong may masabi si Kuya Mark sa atin lalo na sa akin," matigas ang boses kong utos. Subukan lang na magreklamo ni Michael at ibabagsak ko ang desk ko sa ulo niya. "Maaasahan mo ako," sagot agad ni Gio. "Syempre, ako rin. Promise, kahit ma-in love pa sa kanya ang mga crush ko, ayos lang sa akin," segunda naman ni Michael. Bago ko pa sila masagot ay pumasok na ang instructor namin kaya natahimik na kami. Sa loob ng maghapon ay naging abala na kami lalo na ako sa mga school affairs ko. Nag-practice kami ng basketball team. Nag-announce din si Coach na bukas ang basketball try outs na baka salihan ni JD. Kung naglalaro talaga siya, then pasasalihin ko siya sa try outs. Makaka-shoot naman siguro siya kahit papano dahil matangkad naman siya. Hindi ko lang alam kung marunong siyang mag-guard dahil sa totoo lang, parang malamya siyang kumilos. It's also my way of showing him na hindi napunta sa kanya ang lahat ng galing sa mundo. Ako ang pinakamagaling sa team kaya ako ang napiling team captain at ipapakita ko iyon sa kanya bukas. Nag-chat nga ako kay Kuya Mark tungkol doon para masabihan niya ang kapatid niya. Kung hindi naman ito papasa ay pwede niyang subukan sa soccer team ng university. Kaibigan ko ang team captain nila at sasabihan ko na lang na ipasok sa team niya ang kapatid ni Kuya. Nang umuwi ako kinagabihan ay may naabutan akong delivery truck na nagbababa ng isang drum set at ilang electric guitars. Napailing ako. Nagkatotoo ang sinabi ni Michael na bibilhan nga ni Kuya Mark ng drum set ang kapatid. Alam kong pera iyon ni Kuya, dahil sa pagkakaalam ko, gagawan pa lang ng paraan para ma-access ni JD ang bank accounts niya dito sa Pilipinas pati na rin ang mga assets niya. "Hi, My," bati ko kay Mommy na pinapanuod ang pagbababa ng mga musical instruments. "Gene, bibilhan namin ng daddy mo si JD ng musical instruments bilang welcome gift niya!" masayang sinabi ni Mommy na nagpabingi sa akin. "Kayo ni Dad ang bumili?!" "Yes! Hindi ko nga sinabi sa Kuya at ate mo dahil isu-surprise namin sila mamaya. Besides, alam kong hindi papayag si Mark kapag sinabi kong kami ang gagastos." Mommy's right. Hindi talaga papayag si Kuya na gagastusan ng mga magulang ng asawa niya ang kapatid niya. "So how much did you spend on those, My?" tanong ko kay Mommy nang makabawi ako sa gulat ko. Alam kong mahal ang mga iyon dahil mataas na brand ang nakatatak sa box ng mga instruments. "Mura lang. We got 15 percent discounts on each item dahil kakilala ng Dad mo ang may-ari ng store." "Magkano nga, My?" pangungulit ko. "Umm, nasa 300 plus, anak." WTF! "Three hundred thousand?!" "Yes! Kung bibili rin lang tayo, di iyong branded na at tatagal. Gagawin din palang Music Room ni JD iyong isang kuwarto sa tabi ng kuwarto niya. Hindi kasi kakasya sa kuwarto niya ang lahat ng iyan kaya ipapa-renovate namin iyong katabing kuwarto niya. Palalagyan ko rin ng adjacent door para anytime na gusto niyang tumugtog ay pwede. Don't worry, ipapa-sound proof din namin pati iyong kuwarto niya para hindi tayo maiistorbo kung sakaling tutugtog siya." Gustong manlaki ng ulo ko sa mga pinagsasasabi ni Mommy. I cannot blame her or my dad though. Probably, they wanted to impress JD at ipakita rito na gagawin ng pamilya namin ang lahat para hindi na siya umalis sa amin. We know that when he decides to transfer residency, sasama at sasama sa kanya si Kuya Mark. At kung sasama si Kuya, sasama rin si Ate sa asawa. Hindi rin pwedeng maiwan sa amin si Macy habang nakatira sila sa ibang bahay. Pero sa mga nangyayari, hindi ko maiwasang makadama ng inis. My family is already treating him like a prince. Hindi pa man niya hinihingi ay ibinibigay na sa kanya. "My, I suggest na sabihan mo agad si Kuya bago ka gumawa ng desisyon para sa kapatid niya. I'm sure, hindi iyon papayag na..." Pinutol ni Mommy ang sasabihin ko. "First of all, I told you those were gifts! Hindi pwedeng tanggihan ang mga regalo na kusa naman naming ibinibigay." "Pwede, My, kung nagkakahalaga iyon ng 300 thousand," putol ko rin sa sinasabi niya kaya tinapunan niya ako ng matalim na tingin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko indicating my surrender and my promise not to contradict her anymore. "Second, bahay pa rin namin ito ng daddy ninyo. Desisyon namin kung ano ang ipapabago rito. Pwede nga naming ipa-renovate ang lahat ng sulok nito kung gugustuhin namin!" My mother was pissed that's why I didn't dare interrupt her anymore. "Third, hindi si Mark ang magdedesisyon kung kanino at saan namin ilalagay ang pera namin. Hindi rin ang ate mo at lalong hindi ikaw. Magpasalamat nga kayo at hindi kotse ang binili namin para sa kanya dahil hindi namin alam kung marunong siyang magmaneho. Gene, hindi pa kami ulyanin at alam namin ang ginagawa namin. Ngayon, kung ayaw mong ipukpok ko sa ulo mo iyong isang drum, tawagin mo na si JD para makipakita ko na sa kanya itong mga musical instruments niya," matigas na utos nito kaya napakamot na lang ako ng ulo at agad na sinunod ng gusto niya. Habang naglalakad paakyat sa hagdan, I kept on wondering kung tatanggapin ba ni JD ang mga ibibigay ng parents ko sa kanya. Sigurado akong hindi dahil kahit sino pa ang tanungin, mali ang maglabas ng 300 hundred thousand nang basta-basta para lang sa musical instruments. Mare-refund naman siguro nila ang pera nila kung aayaw si JD sa mga binili nila para sa kanya. Damn it, dinaig pa niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD