Nayayamot na kumatok ako ng tatlong beses sa kuwartong ibinigay ng parents ko sa JD na iyon. Nang wala pa ring sumasagot pagkaraan ng ilang minuto ay kumatok ulit ako. Tatlong beses ulit at sa pagkakataong ito ay mas malalakas na kesa sa mga nauna. Pero lumipas na naman ang isang minuto pero wala pa ring nagbubukas ng pintuan.
Lalo akong nainis. Akmang kakatok ulit ako ng mas malakas pa nang walang anu-ano'y bumukas na ang pinto. At lahat ng pinaplano kong panunumbat sa kanya ay nalunok kong lahat nang makita ko siya.
Nakasuot siya ng itim na oversized sleeveless shirt at jogging pants ngunit ang talagang nakakuha sa atensiyon ko ay ang basa pa niyang buhok. Katatapos lang niyang maligo at halatang nagmadali siyang buksan ang pintuan dahil wala siyang suot na tsinelas man lang. Ni hindi pa niya nasusuklay ang buhok niya.
Nang mapansin kong nagtatagal na ang ginagawa kong pag-aaral sa itsura niya ay sumimangot na ako. I don't usually frown lalo na sa mga bagong kakilala but this JD is getting on my nerves.
"Antagal mong magbukas ng pinto," may halong panunumbat kong sabi kahit alam ko naman ang dahilan. Wala lang. Gusto ko lang marinig na mag-sorry siya sa akin.
"I was taking a bath," malamig niyang sabi. "Do you need anything?"
At talagang hindi siya nag-sorry. At base sa facial expression niya, para pa niyang sinasabi na nakakaabala ako sa kanya.
"Mom's calling for you," malamig ko ring sabi. Akala ba niya siya lang ang marunong gumamit ng ganong bored na boses at marunong mag-Ingles? 97 yata ako sa mga English subjects ko. Damn, that sounded so childish.
"May I ask why?"
Ayan, naging polite na ang boses niya nang malaman niyang si Mommy ang mang-aabala sa kanya. Dapat ganon siyang makipag-usap sa akin since nasa pamamahay ko siya. Hindi iyong parang bored pa siyang makipag-usap sa akin.
"They're going to give you something."
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya na para niyang sinasabing, "Oh, no. Not again."
Nang makita niyang tila pinag-aaralan ko siya ay nag-iwas siya ng mga mata sa akin ngunit nanatili ang mga mata ko sa kanya. Napatitig ako sa mga labi niya nang kagatin niya ang lower lip niya na tila pinipigilan niya ang sarili sa anumang balak niyang sabihin.
"You can say no to them, you know," payo ko sa kanya. Nababasa ko kasi na kahit hindi niya narinig iyong sinabi ko ay balak niyang tanggihan ang ibibigay nina Mommy sa kanya.
"Especially if they're super expensive."
Napatingin siya sa akin sa sinabi ko at saka siya tumango.
"Let's go," aya ko sa kanya. Tumango siya at bumalik sa loob upang magsuot ng slippers at magsuklay at saka kami magkasunod na bumaba. Talagang hinintay ko siya at baka malagot ako kay Mommy kapag bumalik ako na hindi siya kasama.
"JD, come here!" masiglang sinalubong siya ni Mommy. Humawak pa ito sa braso niya at halos hilain na siya para Makita ang mga ireregalo nila sa kanya. Napapailing na lang ako sa ikinikilos ng nanay ko.
"Look, look, hijo! Tignan mo! We bought you some instruments!" masayang-masaya si Mommy habang proud na ipinapakita ang drum set at mga electric guitars. Nang tignan ko si JD ay nakita kong gulat na gulat siya. At kahit na anong tago ang gawin niya, nakita ko ang excitement na dumaan sa kanyang mga mata. Ngunit nawala iyon nang mapatingin siya sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay ako ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Gusto kong tanggihan niya ang mga regalo ng parents ko ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nakonsensiya. Dahil ba nakikita kong gusto niya ang mga iyon ngunit mapipilitan siyang tanggihan dahil sa sinabi ko kanina?
"I'm sorry, Auntie, but I cannot accept them." Napalunok ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"Ha? Nako, bakit naman? Ayaw mo ba sa brand nila? Gusto mong papalitan ko?"
"They're... super expensive."
Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay sinasakal ako ng boses niya. Ginamit niya ang mga salitang ginamit ko kanina. Nagi-guilty talaga ako, putangina.
"How did you know..."
"They're expensive because of the quality. Hindi sila basta-basta masisira kahit gamitin mo araw-araw," pagsingit ko sa pag-uusap nila. I just hope na dahil sa sinabi kong iyon ay maipaparating ko sa kanya na pwede na niyang tanggapin ang regalo ng parents ko sa kanya. That I've already changed my mind. Hindi na ako galit sa mamahaling regalo sa kanya nina Mommy.
"I'm really sorry, Auntie. I can't accept these super expensive gifts. But thank you so much for thinking of me. Accepting me here is already too much. Please don't buy anything expensive for me anymore," nasa boses niya ang pagpapasalamat at pagpapakumbaba na lalong kumurot sa konsensya ko.
"Oh, JD. Hijo, anak na ang turing ko sa'yo kaya, huwag mong iisipin ang mga presyo ng mga binibili namin para sa'yo, okay? Isa pa, hindi ako iyong tipo na magsasauli pa ng mga nabili ko na. Ipapalagay ko pa rin ang mga ito sa kuwartong nasa tabi ng kuwarto mo kasi gagawin na iyong music room. Don't worry, gagawin iyong sound proof para kung gusto mong tumugtog at gamitin iyong mga binili namin, hindi ka na matatakot na baka maistorbo mo kami."
"But..." Alam kong balak pa niyang tumanggi pero hindi na siya pinatapos magsalita ni Mommy.
"Sa iyo pa rin ang mga ito. Actually, ipinapaalam ko lang. Balak ko pa nga iyang dagdagan next week, eh. Sino ba ang lintek na nagsabi sa'yong mahal ang mga ito?"
Tumingin sa akin si Mommy kaya napaubo ako.
"Ma, nagmumura ka na naman."
Napatingin kaming lahat kay Dad na naglalakad papalapit sa amin.
"Darling, hindi porke nakapag-asawa ako ng bilyonaryo ay makakalimutan ko na kung paano magmura. Isa pa, tayo-tayo lang naman ang nandito. Wala naman ang mga sosyal nating friends."
Maykaya naman ang pamilya nina Mommy noon. Negosyante rin ang mga magulang niya at namumuhay naman sila ng marangya ngunit kinalakhan na nila ang mga ganoong pakikipag-usap dahil siguro sa mga nakakasalamuha nila sa mga public schools na pinasukan nilang magkakapatid at sa mga tinirahan nilang lugar. She spouted those words while we were growing up at aminado akong namana ko ang ilan sa mga iyon. My sister is more like my dad. My dad's family belonged to the upper class of the triangle kaya mas pino siyang magsalita na nakuha naman ni Ate.
"Masanay ka na sa akin, JD, ha? Wala akong filter kung magsalita minsan at parte na ng mga dialogue ko ang pagmumura. Kapag hindi ako nakakapagmura sa isang araw, pakiramdam ko ay magkakasakit ako," baling ni Mommy kay JD.
Natawa si JD sa pagpapakenkoy ni Mommy ngunit kagyat niyang natakpan ang bibig nang mapatingin kaming lahat sa kanya.
"Wow, hijo. Ang guwapo mo namang tumawa. Huwag ka ngang mahiyang ipakita iyang tawa mo sa amin. Pamilya na tayo, okay? Tumawa ka lang kasi mas lalo kang gumagwapo. Hindi tulad ng iba dyan na kapag tumatawa, imbes na pumopogi, nagiging mukhang halimaw pa," dagdag pa ni Mommy sabay tingin sa akin.
"Mom!" pagrereklamo ko sabay kamot ng ulo. Nang mapatingin ako kay JD ay amused siyang nakatingin sa akin. Nang makitang nakatingin na ako sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin ngunit naroon pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi na nagpainit sa mga pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan.
Bakit parang....
Nevermind.
"Oh, paano? Wala nang tanggi-tanggi pa kahit may kontrabida, ha? Bibilhin ko ang anumang gusto ko para sa'yo. Tara na at mag-dinner na tayo."
Humawak na ulit si Mommy sa braso ni JD at hinila na ito papasok sa bahay. Nang magdaan sila sa harap ko ay nagbabantang tumingin sa akin si Mommy. Alam kong alam na niya na sinabi ko kay JD na mamahalin ang binili nila para sa kanya. Napapailing na lang akong sumunod sa kanila. Sa huli, ako pa ang nagkaroon ng kasalanan.