Chapter 5

1429 Words
Today is the day. Papasok na si JD sa university at kay Ate siya nakisabay. Tingin ko ay mas okay iyon dahil mayroon pa ring invisible na pader na nakapagitan sa aming dalawa dahil sa nangyari kagabi. Tingin ko, nagkaroon na siya ng bad impression sa akin dahil sa suhestiyon ko na huwag na niyang tanggapin iyong mga musical instruments na binili para sa kanya ng mga magulang ko. Baka iniisip niya na binibilang ko ang mga nagagawa namin para sa kanya. O kaya ay masama ang loob ko na sa bahay namin siya nanunuluyan ngayon at hindi talaga siya welcome. Kunsabagay, kung ako ang nasa mga paa niya ay ganon din siguro ang magiging tingin ko sa akin. Well, na-guilty naman ako sa ginawa ko kaya quits na kami. "Gene, ngayon ba ang dating nung kapatid ng bayaw mo?" tanong sa akin ni Gio. Naririto kami ngayon sa isa sa mga classrooms namin at naghihintay ng professor. "Oo, pumasok na," walang gana kong sagot sa tanong niya. "Ganon ba? Sa wakas, makikita ko na siya." "Masyado ka namang excited," pagsingit ni Michael sa usapan namin. "Bakit? Ikaw ba hindi excited?" nang-aasar ang tono na tanong ni Gio sa kanya. "Excited," natatawang sagot naman ni Michael kaya napailing na lang ako sa kanila. Napatingin ako sa may pintuan nang mapansin ko na halos lahat ng mga kaklase namin ay bumaling doon. Nahigit ko ang hininga ko nang makitang nakatayo roon si JD. He's standing very confidently with that striking look. Lahat halos ng nasa kuwarto namin ay nakatitig sa kanya. Napalunok ako. He's very... attractive. Simpleng blue polo na bukas at may panloob na white shirt na binagayan niya ng medyo baggy pants at white rubber shoes ang suot niya pero parang modelo siya sa pagkakatayo niya. "OMG, sino 'yan?!" "Gosh, parang artista!" "No, model 'yan! Sure ako!" Ilan iyan sa malalakas na bulong na narinig ko. "Gene, f**k. Sino kaya yan, pare?" bulong sa akin ni Michael ngunit hindi ko siya pinansin. Nakatitig lang ako Kay JD na nakatitig din sa akin. Lumakas ang bulungan nang maglakad siya papunta sa akin. Halos nakalimutan ko nang huminga habang papalapit siya nang papalapit sa kinauupuan ko. "What...?" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang lampasan niya ako. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Nagpunta siya sa isang bakanteng upuan sa may likuran ng classroom. Nakita kong may mga lumapit sa kanyang mga classmates kong babae at nagpakilala sa kanya na ikinadikit ng mga kilay ko. "Pare? Gene?" tawag sa akin ni Gio. "Ano?!" naiinis kong tanong ngunit nananatili kay JD ang tingin ko. "Kilala mo?" Bago ko pa siya sumagot ay pumasok na si Mr. Nerona, ang prof namin sa aming unang subject. "Good morning, everyone." Natigilan pa ito nang makitang nag-uunahang bumalik sa upuan nila ang mga kaklase kong babae. Nang mapatingin siya kay JD ay napatango ito at napangiti na ikinadikit muli ng mga kilay ko. Bakit nito kailangang ngumiti na tila nakakita rin siya ng artista? "You seem trying to get to know your new classmate, girls. Come here, Mr. Yamamoto and introduce yourself for the sake of your classmates," may halong pagbibiro nitong saad. Right there and then ay na-realize ko na Kilala na ni Mr. Nerona si JD. Maaaring ipinakilala na ito ni Ate sa mga magiging teachers nito. Muli akong napalingon kay JD na tumayo at naglakad papunta sa harapan at tumigil sa tabi ni Mr. Nerona. Actually, hindi lang sko Ang nakasunod ang mga mata sa bawat galaw niya. Halos kaming lahat na nga sa classroom Nang hindi ito nagsalita agad ay nilingon ito ng propesor. "You're Japanese, right?" "American, Sir." Ngumiti si JD sa kanya at nagkaingay ang mga kababaihan sa kuwarto. Inikutan ko sila ng mga mata. Para kasing sinasabi ng mga tili nila na ipinanganak lang si JD para tilian nila. "Oh, sorry. So you're a transferee from what university?" "University of California, Sir. Finished the first sem there," maikling sagot nito na halos nakayuko at iniiwasan ang mapatingin sa aming nakatitig sa kanya. "Hmm. And what's your name again?" "JD, Sir. Jian Denver Cruz Yamamoto." Saka pa lang ito nagtaas ng tingin at pinadaanan kaming lahat ng tingin. Nang nagkasalubong ang mga mata namin pakiramdam ko ay nanghihingi siya ng tulong sa akin. "Siya si JD?!" sabay na impit na sigaw nina Gio at Michael sa akin. Nag-init ang buong mukha ko nang mapatingin ang lahat sa aming tatlo maging ang propesor at si JD. Nagtatanong ang mga matang nakatingin silang dalawa partikular na sa akin bago nagliwanag ang mukha ng propresor. "Oh, oo nga pala, Mr. Meneses. Nabanggit ni Ma'am Cassandra na sa inyo nakatira ngayon si Mr. Yamamoto," saad sa akin ng guro. "Umm, yes, Sir. We decided na doon na muna siya since he's mine.. I mean, he's my... my brother-in-law's brother at hindi pa niya kabisado dito sa Pilipinas," pagpapaliwanag ko. Tang-inang He's mine 'yan. "Your family is really an ideal one, Mr. Meneses. Good...Good. Um, JD, you may now go back..." "Sir, wait lang. Pwede ba kaming magtanong sa bagong kaklase namin?" pagtatanong ni Eula. Tumayo pa ito at kinikilig na kumaway kay JD. Nagdikit na naman ang mga kilay ko. Bakit kailangan pa niyang magtanong? "Ayan na naman si KSP," bulong sa akin ni Michael. Well, Hindi Naman talaga kulang sa pansin si Eula. In fact, she's one of the prettiest girl in our room. Iyon nga lang gaya ng sabi ni Michael, masyado itong nangunguha ng atensiyon. "Okay, fine. It looks like your classmates are interested in getting to know you more, Mr. Yamamoto. Would you be willing to answer some questions about yourself?" Bago pa makasagot si JD ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Very high school naman..." Sinamaan ako ng tingin ni Eula samantalang nagdikit ang mga kilay ng propesor sa akin. Nag-iwas naman ng tingin si JD at ngumiti. But I saw that it was a bitter smile. "I'm interested with him so kukunin ko ang opportunity na ito na magtanong," pagtatanggol ni Eula sa sarili. "We're just wasting our time in getting to know him, Sir. Hindi naman niya.." Natikom ko ang bibig ko nang tumingin sa akin si JD. Hindi na lang pagtatanong at pait ang nakikita ko sa mukha lalo na sa mga mata niya ngayon. I saw pain. Napatayo ako ngunit bago ko pa maipaliwanag ang gusto kong sabihin, humarap na si JD kay Mr. Nerona. "I think he's right, Sir. There's nothing interesting about me. I'm sorry, Miss," baling niya kay Eula, "let's just talk some other time so that I won't waste your time." Nang sabihin niya iyon ay alam kong patama niya iyon sa akin dahil sa akin siya nakatingin. "If you'll excuse me, Sir," baling niya sa propesor bago apologetic na tumingin kay Eula. Nginitian naman ito ng kaklase namin. Eula looked at me with hatred in her eyes while JD didn't even spare me a glance when he went back to his seat. Walang nagawa na napabalik na lang ako ng upo. Wala na ring nagawa ang propesor kundi ang magsimula sa pagtuturo upang maalis ang tensiyon na pumuno sa kuwarto kanina lang. "Gene..." "Don't talk." Nanahimik si Michael na alam kong balak akong kausapin pagsabihan. Lihim akong napamura at saka malakas na napabuntonghininga. Fúck. He has just seen my evil side again. Alam kong lalo akong napasama sa mga mata ni JD sa nangyari kanina. Ayoko lang naman kasing masyadong magpakilala si JD sa lahat. I don't know why nakaramdam ako ng sobrang inis na masyadong interesado ang mga kaklase ko sa kanya. Ganito lang siguro talaga ang pakiramdam ng ma-insecure. Ngayon ko lang naranasan, eh. Naiinis o baka naiinggit lang ako na masyadong nasesentro ang atensiyon ng lahat sa kanila na nakalimutan nilang hindi lang si JD ang lalaki sa classroom. Kaya ayoko kay Eula, eh. Hindi ko talaga pinatulan ang pagpapapansin niya sa akin noon. May pagka-flirt siya na parang mauubusan ng guwapong lalaki. I can see right through here na gusto niyang biktimahin si JD. Syempre, I have to protect him from women like her. Ganon lang naman iyon at wala nang iba. Pero iyon nga. Hindi naman ako nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag kanina. Siguradong iniisip ni JD na siya ang tinutukoy Kong 'waste of time' na hindi naman. And what the hell am I feeling inside my chest? Bakit parang kinakabahan ako na galit siya sa akin dahil nasaktan ko na naman ang damdamin niya? I think I should explain myself later para hindi na lumala pa itong pagkakagalit sa pagitan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD