Chapter 6

1316 Words
Halos hilain ko ang oras para matapos na ang kasunod na subject ni Mr. Nerona dahil may 30 minutes break kami bago pumasok ang aming susunod na professor. Gusto ko kasing makausap si JD at magpaliwanag sa kanya kung ano ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina. Halos hindi na nga ako nakikinig sa lecture ni Prof. Nuval. Tingin lang ako nang tingin sa wristwatch ko at pinapapalit ng numero sa relo ko. Nang sa wakas ay natapos na ang klase ay kaagad akong tumayo at nagmamartsang nagtungo sa kinauupuan ni JD para lang matigilan sa nakita ko. Damn. He's sleeping. Nagdikit ang mga kilay ko kaya niyuko ko siya at tinitigan ang mukha niya. He's definitely sleeping , damn it. At base sa itsura niya, he's been sleeping for a long time. Bakit hindi siya pinansin o ginising ni Prof. Nuval? Umikot ang mga mata ko nang mapagtanto kong marahil ay binilinan ni Ate ang mga propesor namin na hayaan lang muna si JD kung sakaling makatutulog ito sa klase. Siguro nga ay hindi pa ito nakakapag-adjust sa time difference kaya hindi ito nakatulog noon nakaraang gabi. "Gene, bakit ka pumunta sa kanya?" Nasulyapan ko si Michael na naglalakad papunta sa akin. Nang lingunin ko ang mga kaklase ko ay nakatingin din ang karamihan sa akin. Most of them have weird looks in their faces na para bang inaasahan na nilang may gagawin akong hindi maganda kay JD. Napailing ako. Ilang mga salita lang against kay JD na galing sa akin, parang ansama-sama ko na sa mga mata nila. "Gene." Napalingon ako kay Christian, isa sa mga matatalino sa klase. Nakapamulsa siya ngunit ramdam kong kapag ginalaw ko si JD ay lilipad papunta sa akin ang mga kamay niya. "What?" masungit kong tanong sa kanya. "Huwag mo siyang gisingin. Hayaan mo lang siyang matulog." Napalatak ako. Don't tell me na pati siya ay binilinan ng ate ko na bantayan si JD? "Bakit kapag iba ang natutulog sa klase ay ginigising ninyo? Bakit siya hindi pwedeng gisingin? Dahil ba transferee siya? Nautusan ka rin ba ng ate ko?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Tipid siyang ngumiti bago bumaling kay JD. Pagkatapos ay muli niya akong tinignan. "Anong sabi mo? Inutusan ako ng Ate mo? Bakit? Close ba kami?" Ibinalik niya sa akin ang tonong ginamit ko. Sa inis ko ay lumapit ako sa kanya na nanghahamon. Hindi naman siya umatras at hinarap din ako. "Hey, Gene! Ano yan?!" Kaagad akong hinila ni Michael palayo ngunit hindi ako nagpahila. "Sagutin mo ang tanong ko ng tamang sagot at hindi ng isang tanong din. At ano ba ang pakialam mo kung gigisingin ko siya? Bodyguard ka na ba niya ngayon?" "Hindi. Pero kung pag-iinitan mo siya ulit, pwede rin naman." "Ano? Pag-iinitan? Kelan ko siya pinag-initan?" "Kanina ka pa kay Prof. Nerona, Gene. Kanina pa namin napapansin na iba ang trato mo sa kanya. Isn't it weird na ganyan mo siya tratuhin kahit na sa bahay n'yo siya nakatira at bayaw siya ng Ate mo?" Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "Tratuhin? Bakit? Anong pagtrato ang pinagsasasabi mo, Christian Castillo? At kelan ka pa nagsimulang pansinin kung paano ko tratuhin ang isang tao?!" bulyaw ko sa kanya. "Gene!" Natararantang pag-awat sa akin ng dalawang kaibigan ko. May iba pang lumapit sa amin na karamihan ay tumabi kay Christian na tila private army niya ang mga ito. "Kabago-bago pa lang niya rito, pinahiya mo na kanina!" Nanunumbat sa sabat ni Eula. Pinanlakihan ko siya Ng mga mata. "Huwag kang sumagot, Eula. Hindi ikaw ang kinakausap ko." Namewang siya sa harapan ko. "Sasagot ako sa ayaw at sa gusto mo kung may gagawin kang masama kay JD? Bakit ba mainit ang ulo mo sa kanya? Ahh, nai-insecure ka siguro kasi malayong mas guwapo siya sa'yo!" "Manahimik ka, Eula! Pumapatol ako sa babae, baka akala mo!" "Subukan mo para may kalagyan ka, Meneses." Natigilan kaming lahat nang marinig ang mga salitang iyon. "Sinong nagsabi non? Sino?!" bulyaw ko sa kanilang lahat na kaagad naman nilang ikinatahimik. Matalim ko silang tinignan isa-isa ngunit walang umamin sa kanila. "Ayaw n'yong umamin? Isa..." pagbibilang at paghahamon ko sa kanilang lahat. Atat na atat akong malaman kung sinong nagsabi niyon para mapadugo ko ang bibig nito. "Dalawa!" Wala pa ring umaamin sa mga kaklase ko kaya lalong nagwala ang dugo ko. May kalalagyan pala ako, ha? "Tat--!" "Why are you counting?" Natigilan ako sa boses na iyon at napalingon kay JD. Gising na siya at nagtatakang nakatingin sa akin. Puno ng katanungan ang mga mata niya bago niya nilingon ang mga kaklase naming tila nakapaligid sa kinauupuan niya. Nang walang nagsasalita sa kanila ay muli niyang ibinaling ang mga mata niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinignan si Christian. "Sa susunod na pipigilan mo ako sa mga gusto kong gawin, magkakasapakan tayo kahit pa sa loob ng classroom na ito." Muli kong nilingon si JD bago ako naglakad pabalik sa upuan ko kasunod ang mga kaibigan ko. Eksakto namang pumasok na ang susunod naming propesor kaya nagsipagbalikan na rin sa upuan nila ang mga kaklase ko. "Gene, ang weird mo kanina," bulong sa akin ni Gio nang makatiyempo siya. "Kaya nga, eh. Balak mo ba talagang gisingin si JD kanina, dude?" saad naman ni Michael. Hindi ko sila sinagot. Ang balak ko lang naman kanina ay humingi ng pasensya sa kanya kung namis-interpret niya yung sinabi ko. Malay ko ba namang nakatulog siya? Besides, gigising ko talaga sana siya at palilipatin na lang sa clinic para mas maging kumportable siya sa pagtulog. Eh, kaso, nakialam sa akin iyong Christian na iyon na akala mo naman kung sino mag-astang bodyguard kay JD. Tapos kinampihan pa siya ng karamihan sa mga kaklase namin. "Bawal ba ang gisingin siya? Hindi nyo na nakikitang hindi siya kumportable na natutulog habang nakaupo?" "At dahil doon ay gigisingin mo na siya?" Si Gio naman ang nagtanong. "Oo, para palipatin sa clinic para makahiga siya nang maayos." Natigilan ang dalawa at nagkatinginan. "Ahh, akala namin gigisingin mo siya at pagagalitan." Si Gio ang unang nakabawi sa gulat. "Oo! Ano ba sa tingin ninyo? Kakaladkarin ko siya at itatapon sa labas ng classroom?" "Ahh, hindi naman." Natatawang napakamot sa ulo niya si Michael. "Pero parang iyon ang iniisip ng iba kay nakialam sila para pigilan ka." "Mas weird pa sila kay Gene kung tutuusin. Sandali pa lang nilang nakakasama si JD pero handa na silang makipagpatayan para rito. Pati si Christian na dati ay tahimik lang sa upuan niya kahit nililindol na tayo, ngayon siya pa ang kusang lumapit para pigilan ka sa gagawin mo kay JD." "Sinabi mo pa. Konti lang yung pagpapakilala niya kanina pero parang nahipnotismo na niya ang mga kaklase natin," pagpansin naman ni Gio. "Maybe he was born that way," pakantang sagot ni Michael sa kanya. "And that only means one thing. Na untouchable na si JD dito sa classroom natin." Napatitig ako kay Gio dahil sa punto niya. "He's really untouchable. Siguradong nakausap ni Ate iyong si Christian at sinabi ang sitwasyon ni JD kaya ganon niya tratuhin ito. "Pero sabi niya..." "One could easily lie, Mike. Anyway, Hindi nyo ba napansin kung sino iyong nanakot sa akin na kapag may ginawa akong masama kay JD ay may kalalagyan ako?" "Pare, Hindi eh." "Likewise," sagot naman ni Gio. "Investigate. Kapag nalaman ko kung sino siya, masasapak ko talaga ang gagong iyon " "Gene, relax ka lang. Baka nanloloko lang iyon." "Nanloloko? Wrong timing siyang manloko. I'll make sure to ruin his face once I get to know who threatened me." Bago pa makapagtanong ulit ang dalawa ay may tumawag na sa pangalan. "Mr. Meneses, will you come here in front and show me your solution?" Tinignan ko muna ang problem sa board bago ako tumayo. Oras na para ipakita sa lahat lalo na kay JD na may utak din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD