Chapter 7

1474 Words
Ang akala yata ng Christian Castillo na iyon ay siya lang ang matalino sa subject namin kaya akala niya ay may karapatan na siyang pakialaman ang kahit na sino dito sa classroom. At ang napili pa talaga niyang pakialaman ay ako, ha? Gago ba siya? Ah, gago talaga siya. Pagkatapos kong sagutan ang equation sa whiteboard ay satisfied akong napangiti. Medyo kumplikado ang binigay na math problem ng propesor pero alam kong tama naman ang ginawa ko. Humarap ako sa mga kaklase ko na nakatingin sa ginawa kong solution. Nagmamalaking ngumisi ako sa kanila. Nang mapasulyap ako kay JD ay nakapalumbaba siya at nakapikit ang mga mata. Napailing ako. Siguradong tulog na naman siya. Tumingin ako sa propesor na nakatingin sa white board at nang maramdaman niyang naghihintay ako ng komento niya ay tumingin siya sa akin. "Well, tama naman ang ginawa mo pero may mali sa computation mo, Mr. Meneses." Bumagsak ang panga ko sa sahig bago ako muling tumingin sa white board. Gumala ang mga mata ko at hinanap ang sinasabi niyang mali ngunit wala akong nakita. "Who would like to help Mr. Meneses, class?" Napalingon ako sa guro bago lumipat ang mga mata ko sa mga kaklase. Some were smirking, while others were not looking in our direction. Natatakot sigurado na sila ang mapipili para tulungan ako. "Oh, how about the one over there?" Sinundan ko ang itinuturo ng propesor at nakitang si JD iyon. "Sir, ako na lang ang tutulong sa kanya." Napatingin kaming lahat kay Christian Castillo. Hindi ko napigilan ang mapasimangot. Alam ko naman na nagbo-volunteer siya para lalo akong mapahiya. Siya ang talaga ang babaeng bersyon ni Eula. Paepal. "Sir, I can help him, too." Umikot ang mga mata ko dahil sa pa-cute na boses na iyon ni Eula. "Ikaw na lang, Mr. Castillo." Napangisi ako dahil napahiya si Eula. Ramdam kong inis din ang propesor sa pagpapa-cute niya samantalang di naman siya cute. Nang tumayo si Castillo ay bumalik na rin ako sa upuan ko. Pinanuod ko ang ginawa niyang pag-solve sa equation. Pareho lang kami ng ginawa ngunit may iba lang siyang sagot. Pinag-aralan ng propesor ang ginawa niya at nang humarap ito kay Castillo ay umiling ito. "Hah!" malakas kong saad. Ang yabang pa niyang sinabi kanina na tutulungan niya ako tapos mali rin pala ang sagot niya. Pareho lang pala kaming bobo sa Math eh. Sinubukan din ni Eula ngunit maging ito ay mali rin ang sagot. Binelatan ko siya nang nagkasalubong ang mga tingin namin. She raised her middle finger at me. "Mr. Yamamoto!" Napaigtad ang lahat nang bumulyaw ang propesor. Nagmamadaling niyugyog ng katabi niya si JD dahilan para magmulat ito nang nga mata. Nang ituro ng kaklase namin si Prof. Nerona ay tumayo si JD. "Sir?" "How's your dream? Was it good?" sarkastikong tanong ng propesor sa kanya. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayoko siyang natutulog dito sa classroom ay dahil hindi lahat ng propesor ay maiintindihan ang sitwasyon niya. "I'm sorry. Do you need anything, Sir?" Sa kabila ng pagkapahiya ay magalang pa rin ang kapatid ni Kuya Mark. "Come here and solve this. If you can, I'll let you sleep in my class for the whole semester," paghahamon ng propesor sa kanya. "Whoo!" sigawan ng kaklase ko. Kinakabahang tumingin ako kay JD. Kung kaming nagta-top sa Math exams ay namali, paano na kaya siya? Ni hindi niya napakinggan ang lecture kanina ng propesor dahil tulog na tulog siya. "Can you do it? I've heard you aced Math at your previous university." Napatingin ako sa guro. Stalker ba ito? Bakit pati grades ni JD sa math ay alam nito? Baka naman nanghuhula lang ang propesor at hinahamon lang niya si JD? Muli akong tumingin sa kanya. Nakita kong titig na titig siya whiteboard. Pagkatapos ay napunta ang mga mata niya sa mga solutions na naroroon. "You can't, can you? How will you learn things from my subject if all you're doing was sleeping, Mr. Yamamoto?" Nagsimula nang manermon ang propesor kaya muli akong tumingin kay JD. Nang tumingin siya sa akin dahil naramdaman niya yata ang mga mata ko ay palihim akong umiling sa kanya. Gusto kong sabihin na huwag na niyang ipahiya ang sarili niya lalo at umiinit na ang ulo ng propesor dahil hindi pa rin gumagalaw si JD para magpunta sa harapan. "Tsk! Nevermind, Mr. Yamamoto. Just sit back and relax. I hope you won't fall asleep again while I'm explaining how to solve this equation and..." "Sir, do you keep your promises?" Nagulat kaming lahat sa tanong na iyon ni JD ngunit nang maintindihan ko ang mensahe sa likod niyon ay lihim akong napangiti. JD just implicitly admitted that he can solve the equation correctly. "Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Mr. Yamamoto," iritado nang utos ng propesor. "I said, will you let me sleep during your classes when I can't stop my eyes from falling asleep... Sir?" magalang pa rin na sagot ni JD. "If you can give me the correct solution and answer, kahit hindi ka na umattend sa klase ko kanggang sa examination day. Is that enough?" nanunuya na naman ang boses ng propesor. "I can give it a try, Sir." "Go ahead, Mr. Yamamoto. You're quite talkative, huh?" Naglakad si JD papunta sa harapan at inabot ang whiteboard marker. Nakapasok pa sa bulsa ng pantalon niya ang isang kamay niya habang nagsusulat ang kaliwa niya. It's a coincidence siguro na sa lahat ng solutions na nakasulat sa board, yung akin pa talaga ang napili niyang ayusin. Napatitig ako sa kanya. He's very relaxed while solving na tila hindi makabasag-bungo ang equation na sino-solve niya. "Done." Napangisi ako nang marinig ko ang salitang iyon mula kay JD. Nang sulyapan ko ang propesor ay abala ito sa pag-aanalisa ng ginawa nito. "This is ... correct." Naghiyawan ang mga kaklase ko, maging ako, nang marinig iyon. "Thank you, Sir." Ipinatong ni JD ang marker sa mesa. Ngunit bago ito akmang maglalakad na pabalik sa kinauupuan nito ay muling nagsalita ang guro. "I'll give you 97 this sem if you can solve this." Nagsulat ang guro sa white board at saka niya binura ang lahat ng nakasulat doon pwera sa solution niya kanina. Nagdikit ang mga kilay ko nang makita kong mas mahirap kesa kanina ang ibinigay niya. Ni hindi pa nga niya ito naile-lecture sa amin. He then smugly looked at JD whose eyes were looking at the problem. "It's okay to admit you can't, Mr. Yamamoto," may halong panunuya pa nitong saad. Tumingin si JD sa kanya. "This is under Linear Algebra." Nakita ko ang gulat sa mukha ng guro sa sinabi ni JD sa kanya. Maging ako ay nagulat. Kung hindi ako nagkakamali, sa ikalawang taon pa ng kurso namin dapat kunin ang subject na iyon. "Uh, yes. Well, can you solve it?" Parang umasim yata ang ngiti ng propesor. "Well, Sir... if I can identify it, then definitely I can solve it." Ilang sandali pa ay halos wala nang kumurap sa amin lahat habang nagsusulat si JD sa whiteboard. Napalunok na lang sa kinatatayuan niya si Prof. Gapuz habang nakatingin sa ginawang solution ni JD. Hindi ko naman maiwasang makadama ng pagmamalaki at paghanga sa kanya kahit na may suntok pa rin ng insekyuridad na sumisingit sa dalawang damdaming iyon. Pinatunayan lang niya na sa aming lahat na naroroon ngayon na matalino siya. Hindi lang pala basta matalino kundi matalinong-matalino. "Very good, Mr. Yamamoto." Humahanga na ngayon ang tingin na ibinabato ng guro kay JD. "You may now go back to your seat. At gaya ng sinabi ko kanina, hindi na kita papansin kung matutulog ka sa klase ko." Napangiti si JD dahil sa himig-pagbibirong saad ni Prof. "For that, I apologize, Sir. I have insomnia so..." Napatitig ako sa kanya sa sinabi niyang iyon. May insomnia pala siya. "I understand , Mr. Yamamoto. I'd also inform the other about your condition so huwag ka nang mag-alala, okay? Sige na. Bumalik ka na roon at magpahinga. Matulog ka kung kailangan mo pang bumawi ng tulog. Manghiram ka na lang ng notes ng mga kaklase mo kung sakaling kailanganin mo. But I don't think kailangan mo pa." Muling napangiti si JD dahilan para mangisay na naman sa kilig ang mga kaklase naming babae. Inikutan ko sila ng mga mata. "Thank you, sir." Nang dumaan si JD sa harapan ko na may bahagyang ngiti, imbes na sagutin iyon ay sinimangutan ko siya. Naaasar ako sa pangiti-ngiti niya kanina. Nabura ang tipid niyang ngiti at kaagad na nag-iwas ng tingin. Bumilis pa nga ang ginawa niyang paglalakad pabalik sa upuan niya. Nang makalampas siya sa akin ay saka naman ako nakadama ng kurot ng konsensya. Dahil na naman sa akin kaya nawala ang ngiti niya. Bakit ba ganito ako sa kanya? Pati tuloy ako ay naiinis na sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD