Lunch break na at hinihintay ko lang na makaalis Ang mga kaklase ko bago ko puntahan si JD. Balak kong mag-sorry sa kanya at anyayahan siyang sumabay sa aking kumain.
"Tara na, Gene," aya sa akin ni Gio. Pareho na silang nakatayo ni Michael at naghihintay sa akin.
"Sandali lang. Iimbitahin ko si JD para sumama sa atin. Siguradong kahit ipinasyal na siya kanina ni Ate dito sa university, hindi niya matatandaan ang papunta sa cafeteria natin."
"Aba, tignan mo nga naman. Kanina inis ka sa kanya pero ngayon, sasamahan mo na siya papunta sa cafeteria at sasabayan mo pa siyang kumain."
"Obligasyon ko iyon bilang bayaw ng Kuya niya. Kung hindi n'yo gustong maghintay, mauna na kayo," utos ko sa kanila.
"Hindi, sige. Imbitahin mo na siya. Willing to wait kami, pare," saad ni Gio.
Tumayo na ako at gaya ng inaasahan ko ay nakaaligid na naman si Eula.
"Ililibre kita," narinig ko pang Sabi niya.
"Hindi mo siya kailangang ilibre. May sarili siyang pera at afford niya ang mga pagkain sa cafeteria."
Pinagtaasan ako ng kilay ni Eula. Hindi ko siya pinansin at bumaling na kay JD.
"Let's go. Bilin nina Kuya na samahan kita habang hindi mo pa kabisado ang grounds ng university. Baka mawala ka pa kung hindi kita sasamahan." Kahit gusto kong ngumiti sa kanya ay hindi ko magawa dahil may langaw sa paligid. Ang ibig kong sabihin ay nasa paligid si Eula.
"No need. I can go there by myself. Don't feel obligated."
"Anong 'no need'? Kapag nawala ka at Hindi nakakain o nakabalik para sa afternoon classes natin, sino sa tingin mo ang sisisihin nina Ate at Kuya?" naiinis kong tanong. Subukan lang niyang sabihin na kay Eula siya sasama at itatapon ko si Eula sa bintana.
"I know where to go. Besides, pwede naman akong magtanong sa ibang mga estudyante."
Lalo akong nakadama ng pagkaasar dahil may balak pa pala siyang kumausap ng ibang mga estudyante.
"Ganyan ba talaga katigas ang ulo mo at hindi ka marunong sumunod sa utos?" pagalit kong tanong.
Parehong natigilan sina JD at Eula sa ginawa kong panenermon.
"Hoy, Gene..."
Tumayo si JD bago pa matapos ni Eula ang balak niyang sabihin.
"Ganyan ka rin ba talaga na mahirap umintindi sa sinasabi ng iba?" JD asked.
"Tagalog naman so why can't you understand or is it really hard for you to take a hint?" dagdag pa niya na lalong ikinaasar ko.
"Bakit ba ang arte mo?"
Panga ni Eula ang nalaglag sa sinabi kong iyon samantalang napangiti naman nang mapait si JD sa akin.
"It's not being maarte, Maverick Gene Meneses. I just simply don't want to be with you." Pagkatapos sabihin iyon ay nilampasan na niya ako. Nagmamadali naman siyang hinabol ni Eula. Samantalang ako ay ninanamnam pa rin ang pagkakainsultong nararamdaman ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"Ano raw, dude? Ayaw niyang makasama ka?" Napatingin ako kina Michael at Gio na nasa gilid ko na pala.
Imbes na sagutin ang tanong ni Michael ay nagmamadali akong umalis para habulin sina JD at Eula. Tumakbo na nga ako para habulin sila. Humabol naman sa akin ang mga kaibigan ko.
Mabuti na lang at naabutan ko pang pasara ang pintuan ng elevator. Napigilan iyon ng kamay ko bago pa iyon tuluyang magsara. Padabog akong pumasok sa loob kasunod ang mga kaibigan ko.
"Ano iyong sinabi mo kanina? Ayaw mo akong makasama? Huh, choosy ka pa ngayon. Ako na nga ang nag-iimbita sa'yo, mas pinipili mo pang sumama dyan sa kakikilala mo pa lang. At ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ayaw mong sumama sa akin. Wala namang dahilan para..."
"You hate me so why would I be with you?" baling sa akin ni JD Mila sa pakikipagtitigan niya sa pinto ng elevator.
"Ano? Anong pinagsasabi mong I hate you? Hindi kita..."
"The way you looked at me, the way you speak about me, and the way you talk to me says it all. Unlike you, I know when to take a hint. Hindi matigas ang ulo ko. I follow every rule that was given to me to the last letter. I just don't want to force myself to be with someone who hates everything about me."
"I don't..." mahina kong umpisa sa sasabihin ko ngunit aminado akong sa mga ikinilos at mga nasabi ko kanina, iisipin talaga niyang galit ako sa kanya. Bumuntonghininga ako.
Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay pinigilan ko sa braso si JD bago pa siya makakilos.
"Pwede bang iwan nyo muna kami? Kakausapin ko lang siya," mababa at may halong pakiusap Kong hiling sa mga kasama namin lalo na kay Eula. Nang makita niyang Hindi naman ako nakikipag-away kundi nakikiusal talaga ay tahimik siyang lumabas kasama ang mga kaibigan ko. Nang sumara ang pintuan ng elevator ay pinindot ko ang lock button bago ko hinarap si JD.
"Look, JD. I'm really sorry kung iniisip mong galit ako sa'yo. Hindi iyon totoo. Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa mga kaklase natin at iyon ang totoo. I'm sorry kung nadadamay ka. I'm sorry kung naging rude ako sa'yo sa ilang pagkakataon kanina. I didn't mean it. At kahit na inutusan talaga ako ng mga kapatid natin, I don't feel obligated na samahan ka. I want it too. Hindi ako natatakot na mapagalitan kapag hindi kita nasamahan. Natatakot ako na..."
Tumingin siya sa akin nang hindi ko maituloy agad ang sinasabi ko.
Huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita.
"Natatakot akong baka... Baka may manloko sa'yo. Na imbes na sa cafeteria ka dalhin ay sa ibang lugar na dito sa university. Besides, people are paying too much attention to you. You see, you draw a lot of attention, JD. You can easily hook a lot of them. I don't like it. For sure, Kuya Mark won't line it either. Natatakot lang ako para sa safety mo. It's better for you to be seen with me since hindi ko naman mapipigilan ang lahat na tignan ka. At least ako, alam nilang pag-aari ng pamilya namin ang university at kapatid ko ang presidente nito. You'll be safer if they always see you with me," pagtatanggol ko sa mga ikinikilos ko.
Siya naman ang napabuntonghininga at pagkatapos ay tumango.
"Fine," mahina niyang sagot.
"I'm sorry again. Moody lang talaga ako. Kung nadadamay ka, ngayon pa lang magso-sorry na ako. Just trust me. Ako lang ang pagkatiwalaan mo kaya sana okay na tayo."
Tumingin siya sa akin bago sinabing,
"Just don't be too rude. I can't take it."
Bago ko pa matanong ang ibig niyang sabihin ay pinindot na niya ang lock button at ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto. Nagkasalubong ng mga mata ko ang nagtatanong na mga mata nina Gio, Michael, at ang nakakainis na si Eula.
"Tara na," sabi ko sa kanila bago nagpatiunang naglakad. Hindi ko na pinansin ang pagtabi ni Eula Kay JD at baka may masabi na naman akong masama.
Gaya ng inaasahan ko halos maputol ang leeg ng mga naroroon dahil sa panunuod sa amin o mas tamang sabihing kay JD. Siya ang bagong mukha kaya nasa kanya talaga ang tingin ng karamihan. Ganitong atensiyon ang nakukuha ko noon ngunit ngayon, mukhang nakalimutan na nila ako. Nakadama ako ng inis at insekyuridad ngunit ano pa ba ang magagawa ko kung unofficially, nalipat na kay JD ang korona.