Magkakasunod kaming nakapila para makakuha ng pagkain. Hinayaan ko lang si Eula na magpatiuna kasunod ni JD na pinag-aaralan ang paligid. Nakasunod ako sa kanya at nasa likuran ko sina Michael at Gio.
"JD, what will you eat? We have a lot of food here you can choose from!" excited na pagtatanong ni Eula sa binata. Napakasarap sanang isubsob ni Eula sa mga ulam sa sobrang arte niyang magsalita. Kung katabi ko lang siya, baka ginawa ko na ang nasa isipan ko.
"What's this?" turo ni JD sa menudo.
"Oh, that's adobo."
Napahagalpak ako ng tawa kay Eula. Maging sina Michael at Gio ay natawa rin. Nakipag-high five pa sa akin si Michael. Napatingin tuloy silang lahat sa amin.
"Anong problema mo, Gene?" naiinis na tanong ni Eula sa akin habang nagtataka namang nakatingin sa akin si JD.
"Wala! Gusto ko lang tumawa sa tawag mo sa menudo." Humalakhak na naman ako nang makita kong namutla si Eula sa pagkapahiya.
"Ahh, menudo. Yes, menudo nga pala iyan. Um, gusto mo ba 'yan, JD?" baling nito sa binata na nakatingin pa rin sa akin. Bumaling si JD sa kanya.
"Yes, thank you." Nilagyan naman kaagad ng server ang lunch plate ng binata. Itinuro din nito ang baked chicken. Pagkatapos ay naglagay din ito ng potato salad. Akmang babayaran ni Eula ang pagkain niya nang nasa cashier na sila ngunit inuhan ko ito sa pamamagitan ng pag-aabot ng atm card ko.
"Para sa aming dalawa," agad kong sabi bago pa sila makapagtanong.
"Hey, I have my own money," mahinang pagrereklamo ni JD ngunit nagkunwari akong walang narinig. Nang makapagbayad na rin si Eula ay humawak siya sa braso ni JD na parang hihilain niya ito sa isang mesa na alam kong hindi kami kakasyang lahat. Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko rin ang kabilang braso niya at hinila siya sa mas malaki at mas mahabang mesa. Hindi ko pinakinggan ang pagrereklamo ni JD na manibitawan niya ang hawak niya. Saka ko lang siya binitawan nang nakarating na kami sa mesa kung saan kasya kaming apat. Sumingit lang si Eula na nanghila ng isang monoblock chair para sa kanya. Walang rin naman palang magagawa si Eula kundi ang sumunod sa amin, eh.
"Dito tayo. Makakasama tayong pumunta rito kaya makakasama din tayong kakain. Baka nakakalimutan mong bilin ni Kuya na dapat magkasama tayo maghapon," seryoso kong sabi kay JD nang makaupo na ako. Walang nagawa si JD kundi ang umupo na rin.
Bumaling ako kay Eula.
"Okay lang ba sa'yo na puro boys ang kasabay mong kumain?" Nasa tono ng boses ko na ayaw ko siyang makisabay sa akin ngunit manhid ang babaeng kausap ko.
"Nandito naman si JD," ingos niya sa akin at pagkatapos at umupo itonsa tabi ng binata.
"Lalaki din si JD."
"Ang ibig kong sabihin..."
"Ayokong marinig ang ano pang sasabihin mo. Kain na," baling ko ulit kay JD na nakatingin sa napahiyang dalaga sa tabi niya.
"You're being rude again," mahinang bulong ni JD sa akin.
"Sa kanya. Hindi naman sa'yo," bulong ko pabalik. Nang tumingin ako sa mga kaibigan kong nakaupo sa tapat namin ay nagtatanong ang mga matang nakatingin sila sa akin. Alam kasi nila na hindi naman talaga ako pumapatol sa mga babaeng nakakainis para sa akin. Well, ngayong araw lang talaga ako nagsimulang maging ganito sa isang babae lalo na kung sobra nitong arte.
"Um, JD, are you joining some clubs?" pagtatanong ni Eula habang kumakain na kami. Sa puntong iyon ay naging interesado akong makinig sa isasagot ng katabi ko.
"I'll probably join the Music club. I play guitar and drums," sagot ni JD pagkatapos malunok ang pagkain nito.
"Really? I belong to that club!"
"May instruments ka na sa bahay. There's no need for you to join that club," pagsingit ko sa usapan nila.
"Oo nga. Marami ka pang kaagaw sa mga instruments doon," segunda sa akin ni Michael.
"Oh, is that so?" pagtatanong ni JD.
Nakita ko ang pagsimangot ni Eula pagkatapos ay tila nahihiyang sumagot sa binata.
"Um, pwede namang magpa-schedule kung kailan mo gustong gumamit ng mga instruments. Kumpleto kami roon. Taposay makaka-jamming ka pa kung gusto mo. I'm quite sure na hindi marunong tumugtog ng anumang musical instrument si Gene. Hindi ba at boring tumugtog kung mag-isa ka lang?" painosenteng saad ni Eula saka tumingin na tila naghahamon sa akin.
Tama naman siya. Hindi musical instrument ang nakahiligan kong tugtugin at kalikutin. Pero pwede naman akong matuto kung gugustuhin ko. Pero ang tanong, bakit ko naman gustong matuto? Para saan?
"Sige, I'll check." Ako naman ang sumimangot sa naging kasagutan ni JD dito.
"Actually, magpapa-audition kami ng drummer kasi naaksidente last week yung drummer ng band namin. Mamayang hapon iyon. Pwede kitang ipalista. Close ko yung isa sa mga club officers namin," pagyayabang ni Eula.
Kumunot ang noo ko at magsasalita sana ako ngunit naunahan ako ni JD.
"Sure."
"Ah, JD. Di ba sabi mo naglalaro ka rin ng football? Baka gusto mo ring sumali sa amin," pag-iimbita ni Michael sa kanya.
"Open din ang swimming club namin. Sali ka rin," singit ni Gio.
"Sige. I'll check them, too." Ngumiti si JD sa mga kaibigan ko na lalong nagpakunot-noo sa akin.
Sasali siya sa mga club? Ako nga, isang club lang ang sinalihan tapos siya tatatlo pa?
"Hindi mo kayang pagsasabay-sabayin ang mga activities kung tatanggapin mo ang imbitasyon ng bawat club," pangongontra ko. Hindi ko pinansin ang pagtingin ng tatlo sa akin.
"I'm actually planning to join the Dance club too," baling ni JD sa akin. Halos hindi na ako makakain ngayon dahil sa sinabi niyang iyon.
Kung mag-aaudition siya sa mga clubs na iyon, mas lalong darami ang makakakilala sa kanya. Mas sisikat siya. Nakakainis.
"I suggest you choose just one club," may halong pamimilit kong sagot. Nakakapikon na nagkibit-balikat lang siya sa akin.
"It's okay. Those are just auditions. I just want to try if I can pass."
Napailing ako. Mukhang pursigido talaga siyang magpasikat. Baka gusto lang niyang maraming makakita at maguwapuhan sa kanya.
Tsk. Iba rin naman ang style nito para magpapansin.
Tsaka, football? Dancing? Swimming? Imposible namang magaling siya sa lahat ng iyon. Ano siya kung ganon? Gifted child?
"Fine, bahala ka," nasusuya kong bulong.
"Saan pala yung audition ng Music club? Makapanuod nga," pagtatanong ni Michael kay Eula.
"Ah, sa gym. Nood kayo para may makasama akong pumalakpak para kay JD mamaya. Sasabihan ko rin iyong mga kaklase natin na sumama para marami tayong taga-cheer ni JD," excited na sabi ni Eula.
Tumingin ako sa kanya gamit ang matatakim kong mga mata. Sayang at parang iniiwasan niyang masalubong ang mga mata ko. Nakatutok lang kay JD ang namumungay niyang mga mata. Sarap niyang sakalin, di ba?
Isama mo na rin ang uto-u***g si JD. Yabang niya, ha. Baka hanggang salita lang siyang marunong siyang mag-drums, maglaro ng football, lumangoy, at sumayaw tapos hindi naman pala. Tatawanan ko talaga siya nang malakas kapag pumalpak siya.
"Nuod tayo, Gene?" tanong ni Michael sa akin.
Tumingin muna ako kay JD na nakikinig sa ibinubulong ni Eula bago ko sinagot si Michael.
"Sure."