Napasigaw sina Ate at Mommy nang kuwelyuhan ako ni Kuya Mark at malakas na itinulak pasandal sa kotse na sasakyan na sana namin pabalik sa bahay. Halos mabitawan ko ang ilang shipping bags na naglalaman ng mga binili ni Tita Janine para kay JD. Uuwi kami dahil nagpaalam kaming kumuha kami ng ilang damit para sa pagsama sa mag-asawa ng ilang araw. "What the f**k was that, Gene?! Wala sa plano natin na magpapaalam ka kay Mommy na liligawan mo si JD!" paniningil niya sa akin. "Mark! Calm down!" Humawak si Ate Cassie sa mga braso niya pero hindi nagpatinag si Kuya Mark. "Do you know what you've done?! Were you really thinking straight?!" "That fucker was challenging me!" pagrarason ko. "Anong challenge?! He wasn't even talking s**t about JD!" "How can he sa harap natin, Kuya? Weren

