Pumarada ang kotse ko sa harapan ng LaTrube University kung saan ko susunduin ang date ko. Nagpadala ako ng mensahe sa kanya at sinabing hinihintay ko na siya. Agad naman siyang sumagot na palabas na siya ng gate ng school nila. Ilang sandali pa nga ay nakita ko na siya, palingon-lingon kung saan niya ako posibleng makita. She's pretty and sexy at alam kong hindi ko pagsisisihan ang pagtanggap sa imbitasyon niya. Kinuha ko muna ang bouquet ng roses na binili ko sa nadaanan kong flower shop bago ako lumabas sa kotse. Maraming estudyante ang napatingin sa akin at sinusundan nila ako ng tingin habang papalapit ako kay Jenna. Ganito naman labi ang eksena kapag sinusundo ko ang mga babaeng ka-date ko kaya sanay na ako. Pero kung kasama ko siguro si JD ngayon, baka ni isang sulyap hindi nila

