"You!" Napalingon ako sa malakas na sigaw na iyon. Awtomatikong tumaas ang kamay ko para pigilan ang kamay ni Zhoujin na akmang sasampal sa akin. Nasangga ko ito na lalo niyang ikinagalit. Umakto siyang susugurin ako ngunit pumailanlang ang boses ni JD. "Zhoujin!" Sabay kaming napalingon ng babae sa kanya. Pati ang mga kaibigan kong nasa likuran ko ay lumingon din. Seryosong nakatingin si JD kay Zhoujin at tila nagmamartsa itong lumapit sa babaeng bigla tila naging maamong tupa. "What are you doing?" tanong nito nang nasa harapan na siya nito. "He asked his sister to kick me out! And how could you tell them what happened to us? You know that happened because we love each other!" nagdradrama nitong sabi na may paiyak-iyak pa. Hay, girls. Ilang beses ko na bang napanuod ang ganit

