"We're here." Bumaling ako kay JD na hanggang ngayon ay nakapikit pa. Mula nang umalis kami sa university hanggang sa biyahe ay ngayon ko lang siya kinausap dahil pagpasok na pagpasok niya sa sasakyan ay sumandal agad siya pagkatapos isuot ang jacket na kinuha niya sa bag niya at saka pumikit. "JD?" tawag ko sa kanya sabay mahinang yugyog sa balikat niya. Tila kasi nakatulog na naman siya. Naalimpungatan siyang nagmulat ng mga mata. "Are we home already?" namamaos na tanong niya. Lihim akong napangiti. Kapag kagigising pala niya ay dumarami ang mga salitang sinasabi niya. "Yes. C'mon, I'm sure naghihintay na sila Mommy dahil almost dinner time na." Tumango siya sa akin at kinalas na ang seatbelt niya. Lumabas na rin ako sa sasakyan at sadyang hinintay siya para sabay na kaming pumas

