Nakita ko ang pinaghalong kuryosidad at galit sa mga mata ni Gio habang nakatingin siya sa mga mata ko. "Gio, sa pagsabi mo sa akin ng totoo, maililigtas ko si JD mula kay Athan. I told you, I'm not here to judge. You're my friend. I don't care if you are gay or what. I just want the truth," sincere kong sabi sa kanya. Dumaan ang ilang minuto bago ko narinig ang malakas niyang buntonghininga. "Fine. I'll tell you everything." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niyang iyon. Umupo si Gio pabalik sa monobloc chair at pagkatapos ay muling tumingin sa akin. "You're right, Gene. I used to be Athan's lover in high school." Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. I can't imagine him and Athan being together. They're both as straight as a pole. Though Athan used to tell me na nasubakan

