JD is a liar. Iyan ang mababasa sa mga mata ko habang pinapanuod ko siyang sumayaw sa ibabaw ng entablado. Sabi niya, hindi siya marunong. Iyon pala, marunong na marunong siya. He almost knows every type of dance they told him and his partner to do. Halos siya na nga ang nagdadala sa partner niya. Mapa-solo dancing o may kapareha, alam ng lahat na siya ang pinakamagaling sumayaw sa mga nag-audition. Nakasimangot tuloy ako nang lumapit na siya sa akin. Pero kahit ganon, iniabot ko pa rin sa kanya ang towel para mapunasan niya ang basang mukha niya. Nang maupo siya sa tabi ko, kusa ko na ring pinunasan ang basang likod niya. "Why are you frowning?" natatawang tanong niya sa akin nang sa wakas ay humarap siya sa akin. "Talaga? Nagtatanong ka pa?" naghahalo ang inis at asar na tanong k

