"JD?" tawag ko sa kanya. Halos tatlong minuto na ang nagdaraan ngunit hindi pa rin siya sumasagot o nagsasalita man lang. Lumingon siya sa akin at seryosong tumitig sa mga mata ko. "Why are you interested to know?" Nagkibit-balikat ako sa tanong niyang iyon. "I just want to know para naman may alam ako tungkol sa'yo bukod sa pangalan mo." Hinaluan ko ng pagbibiro ang tono ng boses ko. Nag-iwas siya ng tingin bago bumuntonghininga. "What did Kuya tell you?" tanong niya ulit. Nagpakunot-noo na ako. Bakit parang mas marami pa siyang tanong kesa sa akin? "Wala siyang masyadong sinabing detalye kaya nga nagtatanong ako sa'yo ngayon," mahinahon kong sabi kahit na gusto ko nang mapikon sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat para masagot ang curiosity sa isipan ko kung bakit ganon na l

