~Prince's PoV.~
Naka-uwe na ako sa bahay at Hindi ko na hinintay na sundiin pa ako ni kuya Paul sa School dahil alam Kong busy sya...
Sakto namang nasa bahay nadin si ate Princess nakahilata sa sofa at kumakain ng popcorn habang nanonood ng T.V
Napansin naman nya ako nang pumasok na ako sa loob...
"Musta school lil bro?" Bungad na tanong nya sakin
"Nakakaoagod as usual." Sagot ko sa kanya nang nakasibangot ang muka
"Seat here, lil bro... Bat ganyan ang muka mo, lalo ka tuloy pumapangit" pagbibiro nya sakin
Naupo naman ako katabi nya.. At ilang sandali ay nakita naming nanjan nadin si Kuya Paul...
He looks so tired.
"Bat Hindi moko hinintay bunso?" Bungad na tanong naman nya sakin habang hinuhubad ang kanyang sapatos
"Ang alam ko kase busy ka, kaya Hindi na kita hinintay" sagot ko naman sa kanya
"Eh bat ganyan ang itsura mo?" Takang taking nya nang makita nyang naka-sibangot ako
"Oo Nga, lalo kA tuloy pumapangit" Biro naman ulit ni ate
Hindi ko naman masabayan ang Biro nya dahil napagod ako sa unang araw ng school at dumagdag pa yung bwiset na Darker than black nayun.
"Kung panget ang bunso natin, edi panget kadin... Madami kayang nang-sasabing mag-kamuka kayu 'haha'" pag-iinis naman ni kuya Kay ate
At binato naman ni ate si kuya ng unang hawak nya dahil sa inis.
"Biro lang, ito naman!" Sambit ni kuya at naupo katabi ko
"So, bakit nga ganyan ang muka mo bunso?" Baling namang tanong sakin ni kuya
"Nakakapagod ang unang araw kuya eh, tapos tumagdag pa yung grupo ng Darker Than Black nayun.. Bushet" may pagka-inis na sambit ko
"D-darket than black? Bakit? Anong ginawa nila sayu?" Gulat na tanong ni ate
"Sinaktan kaba nila?" Dagdag pa ni kuya na may halong pag-aalala ang boses
"Ang OA nyu.. Kahit na mas malaki ang Matawan nila at mas madami sila, Hindi ako mag-papaapi noh. Tsk" sagot ko naman sa kanila
"Ano ba kasing nangyare?" Tanong ni kuya
At sinabi ko naman sa kanila ang buong nang-yare kanina sa cafeteria.
"Sa susunod, wag mo nang gawin yun, Hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin!" May pag-aalalang wika ni kuya
"Layuan mo ang grupo nayun Prince, ako na ang nag-sasabi sayu" pagbibigay nang babala ni ate
"Pero kuya, ate.. Kilala nyu ako, pag-may nakita akong Hindi tama.. Gagawa ako nang paraan para pigilan yun... At isa pa wala naman silang karapatang mang-api dahil lang bakla yung tao..." Pag-papaliwanag ko sa kanila
"Prince.. We're just worried about you, okay? Iwasan mo ang grupo nayun.. Hanggat maaari, okay?" Sambit sakin ni ate
Sumibangot naman ako.
"Promise mo samin.. Iiwasan mo na sila, at Hindi kana gagawa nang kahit anong maaari mong ika-pahamak" dagdag pa ni kuya
Tumango naman ako bilang sagot.
"Pero bakit ba galit sila sa mga bakla?" Biglang sumagi sa isip ko kaya naitanong ko
"Hindi ko din alam" sagot ni ate
"Ako.. Ang alam ko lang.... May mga tao talagang Hindi pa kayang tanggapin ang ganon.. Kase akala nila weird yun, narinig mo na ba to? 'May mga taong sarado ang utak sa mga bagay na Hindi pa nila kayang tanggapin at sarado ang tenga sa mga bagay na ayaw nilang marinig at sarado ang mata sa mga bagay na ayaw nilang makita... In short Hindi pa sila handang tanggapin ang ganong sitwasyon" pag-papaliwanag naman ni kuya
Nag-bigay naman ng kabuluhan ang sinabi ni kuya...
Pero kahit ano pang dahilan nila.. Hindi nila dapat ginagawa nyu.. Wala silang karapatang manapak ng iba dahil lang sa kasarian nila... Tsk.
Matapos naming mag-usap ay umakyat na ako sa taas para pumasok sa aking kwarto at mag-pahinga... Maya Maya ay nakaramdam na ako nang antok at diko namalayang unti-unti na akong nakatulog....
.
.
.
❤︎❤︎❤︎
"Princeeee, wake up lil bro, wake up! Wake up! Rise and shine! Say hello to the captain sun" napakalakas na boses ni ate habang ako ay ginigising
I groaned and cover my ears... Damnnn.. Girls and their annoying loud voice.
I felt my self drifting back to sleep..
"Prince! Bangon na aba!" Madiing sabi ni ate
Ignore her prince.. Jeezz, ano bang meron at ginugulo nya ang tulog ko..
"Lil bro gising na.. Baka ma-late kana sa school" napakasarap pakinggan na gising ni kuya
Dahil don bigla naman akong natauhan.
Damnnn... Oo nga pla, napasarap tulog ko, sh*t.
Mabilis akong bumangon at tumungin sa orasan tapos Kay ate na naka-pamewang at nakataas ang kilay..
"Plano mo bang humilata Jan buong araw?" Inis na medyu pagalit na sambit nya sakin
Napaka s*****a talaga.. Wala na ngang good morning, nanenermon pa... Mahinang sambit ko
Pero mukang umabot iyon sa kanyang tenga kaya hinampas nya ako sa aking braso.
"s*****a pla ah... Makakatikim ka talaga sa s*****a Kong ate pag di kapa bumangon Jan" bulyaw nya at hinampas pa ako ulit
"Array naman..." Reklamo ko
Napaka s*****a talaga.... Kay-agaaga...
Jeez.. But better keep that in your self, prince.. Or else you'll get hit again.
"Lubayan mo na nga ang bunso natin, di kana naawa kaka hampas mo.. Pagayakin Mona at male-late na kami.." Sigaw ni kuya na nasa baba mukang nag-hahanda ng almusal
"Kaya umaabuso.. Kinakampihan mo, magsama kayung mag-kuya, tsk." Inis na wika ni ate
Buti pa si kuya.. Kung wala sya baka lalong mamula braso ko kakahampas ni ate....
"Maligo kana muna, magbihis at bumaba para mag-almusal... Sasabay ako sa inyu ngayun" sabi ni ate at pumunta sa cabinet ko at kumuha nang damit para ihanda na.
At tumayo naman ako para mag-shower.....
.
.
.
❤︎❤︎❤︎
Natapos na kaming kumain at nakasakay kami ngayun sa kotse ni kuya Paul papunta sa school...
Si kuya Paul ang nagmamaneho at kami naman ni ate ay nakaupo sa back-seat.
"Teka... Ate bat pla, sumabay ka samin ngayun?" Nag-tatakang tanong ko Kay ate
"Bakit? Parang ayaw mo ah!" Sambit naman nya at tinaasan pa ako nang kilay
Nag-tatanong lang naman.. Jeezz.. Napaka s*****a talaga...
"Nag-tatanong lang ate.. Just curious!" Sagot ko sa kanya
"Oo nga naman... Ikaw talaga oh!" Suhol pa ni kuya
"Hiniram kase ni Kate yung kotse ko kaya nakisabay ako" sagot nya
Maya Maya ay nakarating na kami sa school...