~Prince's PoV.~
Ini-scan ko isa isa ang mga muka nila, Lima silang lalaking istudyanteng nandon at nakaagaw nang atensyon ko nang nakita ako ang isang lalaking makaupo sa isang mesa at nakahalikipkip. Para syang hari sa itsura nyang iyon pero Hindi ko maitatangging may itsura sya... Moreno, may pag-katangos ang I long, his color golden yellow hair, suit him.. Mga mata nyang kulay green at singkit, matangkad.. Matipuno at malaki ang katawan.. Napatingin naman ako sa tinititigan nya at nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang isang istudyanteng nakayuko at nakasalampak sa sahig...
Mukang pinag-titripan sya nila... Puro mantsa at umiiyak na ang kaawa awang istudyanteng binubully nila...
Nakaramdam ako ng awa..
Kaya kahit abvious na ay nagawa ko paring tanongin sila Mark...
"Anong ginagawa nila?"
"Ganyan sila.. Akala mo kung sinong hari kung umasta" nakasibangot na sabi ni mark na masama ang tingin sa mga iyon
"Pero wala naman tayung magagawa... Walang may gustong maki-alam dahil isa ang grupo nila sa pinaka-kinatatakutang g**g dito sa school" sambit naman ni Tiffany
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili --- pero, I failed miserably dahil Hindi ko na nakayanang pigilan ang bibig ko..
"Hari? Mga hari? 'Haha' Hindi bagay sa kanila ang katawagang iyun, mas bagay sa kanila.. MGA BASURA! basura ang bunganga, basura ang ugali at basura ang buong pagkata--umhhp"
"Ano ka ba naman!" Bulong ni Tiffany sakin nang takpan nya ang bibig ko. Pero huli na ang lahat, nakatingin na silang lahat sakin at pati ang grupo ng mga nang bubully..
At masamang masama ang tingin sakin yung lalaking naka-upo sa lamesa...
Dahan dahan syang tumayo at inalis ang pag-kakahalukipkip nya. Halos marinig ko ang pag-lunok at lakas ng kabog ng dibdib ng mga tao dahil sa kakakabinging katahimikan na bumalot sa buong cafeteria ng mga oras nayon.
Kusang humawi ang daan habang nag-lalakad papalapit sa akin ang lalaking iyong at napakasama ng tingin. Pero Hindi naman ako natakot Bagkus ay tinapatan ko nang mas masasamang tingin ang mga tingin na ibinabato nya sakin.
"What did you say?" Madiin at malakas na pagkakabigkas nya, nanggigigil ang mga kamay na parang gusto nang manuntok ng wala sa oras.
Tinanggal ko ang kamay ni Tiffany sa bibig ko at tiningala ang napaka-tanggad na lalaking hanggang ngayun ay masama parin ang tingin.
" Bakit, to too naman ah!" Sagot ko. Nang sabihin ko yun ay maraming nagulat. May napasipol pa sa likod ng lalaking nasa harap ko... And I think isa sa mga nang bubully.
"I am the king here." Malakas at madiin nyang sabi at mas lalong sinamaan ang tingin.
Sarkastiko akong napatawa.
"Talaga? Ang Alam ko, ang isang hari.. Tumutulong sa mga nasasakukap nya, tumutulong sa mga nangangailangan, sya ang nag-tatanggol sa mga naaapi, Hindi yung sya pa mismo ang nang-aapi at nananakit sa mga taong wala namang laban sa kanya...
Natulala naman sya sa gulat at pati ang lahat ng tao sa cafeteria ay Hindi nakapag-salita at halatang gulat na gulat.
" Hindi nyu yun ikinagwapo at mas lalong Hindi nyu yun ikinaani ng respeto." Dagdag kopa
Sige, kung sa tingin nyu ay kamangha-mangha yun para sa inyu. Pero sa mga taong NASA paligid nyu at nakikita ang pinag-gagawa nyu, Hindi yun cool.. Mas ikinababa nyu yan. Ang laki mong tao at ka-lalaki mong tao, binubully nyu yung taong walang laban sa inyu?"
Tumigil naman ako sandali para huminga ng malalim.... At narinig Kong nag-salita sya...
"He's gay.. A fagg*t.. Katulad kadin ba nya kaya pinag-tatanggol mo sya, FAGG*T" Madiin ang pagkasabi nya sa huling word at mas lalong nanlisik ang mga mata
Pero tinawanan ko lang sya.. Sarkastikong tawa.
"Sino ba kayu para manghusga? Sino ba kayu para manakit, mangdiskrimina at mangbully dahil isa syang bakla? Walang binigyan ang Diyos para manakit, mangdiskrimina, mamahiya, at mang-abuso ng kapwa dahil lang sa kasarian nila. Sa madaling salita, wala kayung karapatang mang-apak ng iba dahil lang naiiba ang s****l preference nila sa inyu...
Hinabol ko ang hininga ko at nagsalita ulit..
" at wag nyung ipapasok dito ang dahilang dalawang kasarian lang ang ginawa ng Diyos at isang kasalanan ang pagiging homosexual. Walang nakalagay sa bible na dapat kang manakit ng kapwa dahil lang sa homosexual sila! Baka nakakalimutan nyung ang l**t, pride at sloth ay kabilang sa deadly sins?! Walang Mali sa pagiging bakla. Kahit kailan Hindi naging kasalanan ang pagiging bakla. Dapat nga maging open minded pa tayu at irespeto sila kase kahit na alam nilang maraming mapang-husgang tao, nagawa parin nilang mag-pakatotoo. Wala sa kanila ang problema. NASA inyu. Di hamak naman na mas maituturing na kasalanan ang p*******t ng inosente kesa sa pagiging bakla." Mahabang Libya ko, nakita kong nagulat sya sa nga sinabi ko maging ang mga nasa paligid namin.
Agad naman akong lumapit sa sinasabi nilang bakla na binubully nila. Nilagpasan ko lang sya dahil wala syang maging response dahil sa matinding gulat sa nga sinabi ko.
Tinulungan ko namang tumayo yung bakla at sinamaan ng tingin yung mga kasamahan nyang nang bubully.
"Okay kalang? Let's go. Masyado nang umaalingasaw ang kabahuan ng mga feeling hari dito" sabi ko at naglakad na kami paalis..
"Eat sh*t you bunch of prejudiced as*hole" sambit ko bago pa man kami tuluyang makaalis.
Kitang kita ko naman ang inis sa muka nila at nakita ko naman ang mga nakangising istudyanteng nanonood samin...
❤︎❤︎❤︎
Naka-pasok naman na kami sa classroom namin at ramdam ko ang mga matang naka titig sakin pag-pasok palang namin sa room..
"Ang cool nya kanina noh? Biruin mo yun.. Hindi man lang nakapag-salita si Jay-em kanina"
"Oo nga.. Ngayun ko lang nakita yung siga na yun na natameme"
"Anlakas ng loob nya noh.. Pero sigurado akong gagawa nang paraan si jay-em para maka-bawi sa kanya"
"Oo nga.. Nakakatakot pa naman yun pag galit na galit"
"Pero ang cute ni Prince no... Kaso baka madungisan ng kamao ni jay-em ang makinis nyang muka"
Dinig Kong mga bulungan nila habang naka-titig sakin..
So jay-em pla ang pangalan ng mokong nayun... Pangalan palang halatang siga na, tsk. Sambit ko sa aking isip.. Natigilan naman ako nang marinig ko ang Bose's ni Tiffany.
"Wag mo nang pansinin ang mga bulungan nila... Ganyan talaga sila, pero kahit cool yung ginawa mo kanina.. Hindi mo parin dapat ginawa nyu... Hindi mo alam ang pwedeng gawin nila sayu" may pag-alalang wika ni Tiffany
"Don't worry, Hindi naman ako papayag na gawan nila ako ng Hindi maganda... Kahit maliit man ang katawan ko kumpara sa kanila, kaya ko naman silang pabaksakin gamit ang talas ng bibig ko" pabirong sagot ko para ma wala ang pag-alala nya
At balak pa sana nyang mag-salita ay biglang dumating na ang aming guro kaya bumalik na sya sa kanyang upuan at nakinig sa itinuturo ni Ma'am Bello...