~Prince's PoV.~
Ako si Prince Dustine Reyes, First year College, Engineering Student... Nag-aaral sa isa sa pinaka-sikat at kilalang school... Sa University of Golden Dawn Academy UoGDA....
Masasabi kong May maipag-mamalaki akong itsura... Maputi, Hindi matangkad pero Hindi din naman pandak, tama lang ang height ko sa edad ko... Hindi din naman ganon kalaki ang katawan ko pero may 6 packs abs ako at may singkit at magandang mata, tamang tangos ng ilong at syempre GWAPO (capslock pa yarn) at Gwapo ulit... Bakit ba ganyan ko gusto i-describe sarili ko eh :D
---
❤︎❤︎❤︎
[ Prince. ]
"Prince gising na...ma le-late kana sa school mo" sigaw sa akin ni ate Princess dahilan upang magising ako sa pag-kakahimbing ng aking tulog
Ito ang unang araw ng school namin sa University of Golden Dawn Academy...Hindi dapat ako ma-late...kaya bumangon agad ako at gumayak para pumasok....
Matapos Kong maligo at mag-bihis ay agad akong bumaba at nakita ko si ate Princess na nag-hahain na ng almusal...
"Good morning lil bro.. Tara mag-almusal na tayu at baka malate na tayu sa first day of school" pag-bati nya sa akin nang makita nya akong bumaba
"Good morning ate.." Bati ko naman sya kanya
Sya si ate Princess... Syempre Reyes din ang apelido nya... Maganda sya.. Isa sya sa pinaka-magandang babae at kinababaliwan ng mga lalaki sa school... Maputi at maraming nag-sasabing mag-kamuka kami, para daw kaming pinag-biyak na buko... Try nyung pag-suutin ako ng wig at pag-lapitin kaming dalawa at makikita nyu na muka kaming kambal... 2 taon lang ang agwat nya sa akin.. Pero di hamak na mas malaki naman ako ng konti sa kanya....
"Good morning Kuya Paul" bati ko naman Kay kuya na naka-upo na at handa nang kumain....
"Morning bunso" bati naman nya sakin at binigyan ako ng napaka-tamis na ngiti... Kaya nginitian ko din sya pabalik...
Sya naman si kuya Paul (Paul Tolentino)... Nag-tataka kayu kung bakit mag-kaiba ang last name ni kuya? Kase yun na ang gamit nya since kinuha sya ni dad at ihiniwalay samin ni ate at mom.. (Explain ko mamaya kung bakit)... Sya ang panganay saming tatlo... 1 taon ang tanda nya Kay ate Princess at 3 taon naman sakin... Napaka-tangkad nya, nag-mana kasi sya Kay Dad, moreno.. May pag-katangos ang Ilong, may pag-kakulay brown ang mata at malaki ang katawan...3x a weak kase syang nag-gy-gym... Wala sa itsura nya pero napaka sweet nyang kuya.. Overprotective pa, unlike Kay ate napaka-sadista...
(Okay explain ko na kung bakit iba ang last name ni kuya Paul..).. Nung ipinanganak kasi ako madalas mag-away sila mom and dad at yun ang dahilan kung bakit sila nag-hiwalay... And kinuha nya si kuya Paul kaya Tolentino parin ang last name nya... Kaya naman Reyes ang last name namin ni ate Princess kase si mom ang nag-palaki samin (sana gets nyu na :D) kaya naman nandito na ulit si kuya ay dahil namatay na si dad kaya yun kinuha na ni mom si kuya after ng libing....
At agad naman akong naupo At kumain na kami ng niluto ni ateng fried rice (pinaganda pa pede namang sinangag) at ang paborito naming Chicken Hotdog... (Yung hotdog na kulay brown)
.
.
.
❤︎❤︎❤︎
Pag-kahatid sakin ni kuya sa school ay agad ko nang tinungo ang classroom ko .... Pag-karating ko ay humanap na agad ako ng bakanteng upuan at naupo.... Marami akong nakitang napaka-gandang mga kaklase ko... God, alin po ba sa kanila ang mapapangasawa ko... Pwede po ba silang lahat? ....
Maya Maya ay dumating na ang aming guro.... And napaka-ganda nya.. Nag-pakilala naman sya sa aming lahat...
"I'm Evangeline Claire Belo.. Tawagin nyu nalang akong Teacher Claire or Ma'am Belo.. Ako ang Teacher nyu.... Nice to meet you all" pag-papakilala nya sa kanyang sarili at isinulat pa sa blackboard ang kanyang pangalan (bakit nga ba tinawag na blackboard yun? Eh kulay green naman )
Matapos nyang mag-pakilala ay isa isa naman kaming nang-pakilala sa harap...
(Introducing....)
"Okay next" sambit ni Ma'am Belo nang mapatapos mag-pakilala ang nauna saakin... And yes ako na...
I'm so nervous, tough.
At tumayo na ako at nag-lakad papunta sa harap.. Habang nag-lalakad ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga babae Kong classmate...
"Sino sya?"
"Muka bang kilala ko? Malalaman naman natin, mag-papakilala na sya, engot"
"Teka, may napansin ako.. Mukang mag-kamuka sila ni Ate Princess Reyes, yung napaka-ganda at sikat dito sa school natin.. Ano nga ulit Course nya?"
"BSIT... Oo nga mag-kamuka nga sila"
"Baka mag-kapatid"
"Hala, pero ang cute nya.."
"Ang his Blue eyes... Is so damn cute too"
"Ang puti at ang kinis ng muka. Alagang-alaga, naliligo ata sa gatas yan eh"
"Oum nga... Mas makinis pa sya sayu besh"
"Mukang bakla sya dahil sa kinis ng kanyang balat"
"He's still cute"
Rinig Kong bulungan nila...
At nakarating na ako sa harap at nag-umpisa nang mag-pakilala...
"I-im Prince Dustine Reyes... Uhmm- I'm 18 y-years old... Sana maging mag-kaibigan tayung lahat.. Nice to m-meet you" medyo nanginginig ang aking mga labi dahil sa nervous...
"Okay.. Take your seat, next" pag-papabalik sa akin ni ma'am sa upuan ko at tinawag naman ang sumunod sa akin....
Habang nag-lalakad pabalik ay ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin...
Ganto ba talaga ako ka-cute para titigan nila, na parang hinuhubadan na nila ako, geezzz...
Umagaw naman ang intensyon ko sa isang lalaking tumayo at lumakad papunta sa harapan... Ang tindi ng aura nya.. Napakatangkad at may malaki ding katawan... Parang tatalsik ka ng malayo pag-nabangga ka...
Nang makarating na ako sa aking upuan ay agad na akong naupo...
Narinig ko naman na tinawag ako ng isang babae sa tabi ko... Kaya napatingin ako sa kanya...
"I'm Tiffany Buenaventura.. Pwedeng makipag-kaibigan?" Tanong nya sakin nang makitang naka-tingin na ako sa kanya
Ang ganda nya.. Ang puti, ang haba at blonde ang buhok....
"Uhmm.. I'm Prince Dustine Reyes.. Prince in short, yeah sure" sagot ko naman sa kanya...sino ba naman ang Hindi gustong maki-pagkaibigan sa magandang babaeng kagaya nya...
At natapos nang i-introduce ng lahat ang kanilang mga pangalan... Hindi ko nga lang natandan 'hehe' first day palang naman, kaya okay lang... At nag-umpisa nang mag-turo si Ma'am Belo....
.
.
.
❤︎❤︎❤︎
Habang nag-tuturo si ma'am ay biglang tumunog ang bell.. So that's mean, recess na.. Kaya agad na nag-sitayuan ang lahat at lumabas nang room upang pumunta sa cafeteria at bumili ng kanilang pag-kain...
Hinintay ko munang maka-labas na ang lahat dahil ayokong maipit sa mga kaklase Kong parang mga batang nag-uunahan.. Geezz..
Nakita ko naman ang lalaki kanina na napaka-tindi ng aura at ang tangkad na nakatayo sa harap ko...
"U-uhmm.. Y-yes?" Nanginginig na sambit ko sa kanya dahil sa kaba
"Oh! 'Hehe' Hindi ako nangangain ng tao.. Gusto ko lang makipag-kaibigan, ako nga pla si Mark Santos..." Nakangiting sambit nya at bigla naman nawala ang kaba ko..
"Uhm.. Sure, ako naman si Prin-" naputol na pag-papakilala ko nang biglang tawagin ako ni Tiffany..
"Prince, Tara na.. Sabay tayung pumunta ng cafeteria" sambit nya sakin at napansin naman nyang nasa harap ko si Mark kaya napatigil sya...
"Then.. Let's go together" rinig Kong sambit ni mark at tumango nalang ako bilang sagot.....
.
.
.
❤︎❤︎❤︎
Masaya at nag-kukwentuhan kami habang kumakain....
"So, kapatid ka nga ni Princess Reyes?" Manghang tanong ni Tiffany sakin
"Oum.. Ganun ba talaga ka sikat si ate dito?" Sagot ko naman sa kanya
"Yes.. Princess Reyes is the most popular girl in this academy" sambit naman ni Mark
Bat paba ako nagulat... Kakasabi ko nga lang pla kanina na isa sya sa pinakamaganda at sikat na babae dito sa school... Geezz...
Ilang sandali ay may narinig kaming ingay mula sa kabilang side ng cafeteria...
"Anong nangyayare don?" Nag-tatakang tanong ko
"Malamang, ang Darker than Black nanaman yan" sagot naman ni Mark
"Sino paba ang mga walang awang gagawa nyan? Edi ang mga feeling hari nanaman" sambit naman ni Tiffany
"D-darker than Black?" Nag-tatakang tanong ko
"Hay.. Mukang wala ka talagang alam, sila yung grupo na laging nag-hahanap ng gulo.. Kung saan sila nandon ay may g**o for sure, kung umasta sila ay akala mo hari" pag-papaliwanag ni Mark na naiinis ang tono
"Tra.. Tignan natin" aya naman ni Tiffany
At agad namang tumayo si Mark at nauna na...sumunod naman kami ni Tiffany sa kanya....
.
.
May binubully sila? Bakit ayaw man lang tulungan ng mga nandito yung lalaking binubully ng mga walang awang to? Pinapanood lang talaga nila? Geezz...