bc

Living with a Liar

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.8K
READ
revenge
second chance
goodgirl
drama
bxg
city
office/work place
cheating
weak to strong
seductive
like
intro-logo
Blurb

Namumuhay ng tahimik at masaya. Ganoon ang buhay na meron ang mag-asawang Alina at Landon Tesoro. Buhay na hindi mo kakakitaan ng kahit anong problema o hindi pagkakaunawaan.

Pero ang maganda at maayos na larawn ng isang ahemplong pamilya ay babasagin ng mga kasinungalingang tinatago nila.

Ang buhay na meron pala siya ay isang balatkayo lamang.

Paano kung ang lahat pala ng alam mo ay kasinungalingan?

Paano kung ang taong kasama at katabi mo gabi-gabi ay hindi mo pala talaga kilala?

chap-preview
Free preview
LIVING WITH A LIAR
Living with a Liar  ALINA LUNA TESORO  MAINGAY na sigawan ang naririnig ko mula sa mga taong nasa paligid ang naririnig ko. Nang lumabas ako ng opisina ko ay hindi na ako nagulat ng makita ko ang asawa kong napapaligiran ng mga dating kakilala at nakangiting nakamasid sa akin. Napapailing na lang akong naglakad palapit sa kanya.  “Did i disturb you?” bulong niya ng humalik sa pisngi ko.  “What do you think?” I snorted  Malakas lang itong humalakhak bago pinulupot ang kamay sa bewang ko. Sabay na kaming pumasok sa opisina ko dahil siguradong puputaktihin na naman siya ng mga tauhan ko. Pagkasarang-pagkasara ng pintuan ko ay mabilis niya akong sinandal sa pader at inangkin ang mga labi ko.  “Ang swerte ni Ina kay Landon. Ano?”  “Pareho naman sila. Ang perfect kaya nila pati na ang mga anak nila.”  “Sobra pang inspiring ng relasyon nila.”  Ilang lang iyon sa mga naririnig kong salita habang dinadama ang mapangahas na mga kamay ng asawa ko. At hinahayaan siyang maglakbay sa mga parte ng katawan kong nakahantad.  Kahit kailan talaga ang lalaking ito ay hindi man lang marunong kontrolin ang sarili niya. Kababalik niya lang mula sa ilang araw na out of town dahil sa trabaho at mukhang hindi pa ito nakakauwi ng bahay ay dito na ito dumiretso.  “I miss you, baby!” he whispered while giving me small kisses on my neck.  “Hey! Hey!” awat ko sa kanya, dahil wala kung saan ito mapunta at pati ako ay mawala na ng control. “Not here. I still have meetings to do,” imporma ko sa kanya. “Too bad!” bagsak ang balikat niyang bulong bago naglakad papunta sa couch at binagsak ang sarili doon. “I guess, I’ll be going home with blue balls then?” dagdag niya pa.  Napapailing akong lumapit sa kanya at inayos ang tie niyang lumuwag at ang magulo niyang buhok. “May bahay tayo. Antayin mo akong umuwi habang nagpapahinga ka. Babawi ako pag-uwi ko,” saad ko bago siya patakan ng halik sa labi.  Wala siyang nagawa kung hindi ang magpaalam na sa akin at lumabas na. Ilang araw siyang wala kaya siguradong miss na sya ng mga bata. Tutal abala pa naman ako maghapon sa dami ng mga meeting ko pang gagawin.  Kababalik ko lang galing sa isang meeting ko ng makita ko ang isang paper bag sa ibabaw ng mesa ko. Ito siguro ang sinasabi ni Chari kanina na pinaorder ni Landon na pagkain para sa akin.  “Hello, Via! Why are you calling?” bungad kong tanong sa best friend ko ng sagutin ko ang tawag niya.  “My, God! How many times do I need to call you?” maarte niyang balik tanong.  “Alam mong kailangan kong magtrabaho. Hindi naman ako mayaman na gaya mo na kahit humilata maghapon ay kikita pa rin,” reklamo ko sa pagiging demanding nito.  “Oi namemersonal ka na ah! I am not just making hilata ah! I am working it's just an easy task," pangangatwiran niya pa.  Ayoko ng makipagtalo dahil alam kung hindi ako mananalo sa kakulitan ng kaibigan kong ito. Ilang minuto din kaming magkausap, mabuti na lang at tinawag ako ni Chari kaya nagkaroon ako ng rason para babaan ito.  Tumawag lang dahil naiinip sya!  Sana all ang pagkabore na lang sa buhay ang problema.  "Miss Alina, nasa conference room na po sila," imporma ni Chari ng katokin ako.  "Palabas na ako. Thank you!"  Kinuha ko lang ang Ipad ko bago nagmamadaling maglakad palabas ng opisina ko.  Ganito ang laging ginagawa ko. Kaya pagkatapos ng buong araw ko ay pagod na pagod na ako. Idagdag pang pag-uwi ko ay meron pa akong dalawang bubwit na aasikasuhin. Dagdag pa ang asawa kong laging pabebe na kailangan lagi mong istemahin sa mga kailangan nya.  Sa sobrang dami kong ginagawa ay hindi ko na namalayan ang oras. Pagod kong binagsak ang katawan ko sa coach pagpasok ng opisina ko. Parang gusto ko na lang ang humilata at hindi na kumilos pa.   Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Landon. Pero nakakailang tawag na ako ay hindi ako sinasagot ng asawa ko. Nang tumawag ako sa bahay ay si Lana ang sumagot ng tawag ko. “Dad is not here, Mom. All he said was that he is going out and meeting someone. Why do you need something, Mom?” kuryoso niyang tanong sa akin.  “Nothing, baby. I’ll be home in a bit.”  Ilang minuto pa akong nagpahinga bago nag-ayos para umuwi na. Dumungaw pa si Chari para mag-aya na uuwi na kami. Kinuha ko lang ang bag ko at ipad bago sumunod kay Chari.  Ang gusto ko na lang ngayon ay magpahinga kaso ang asawa ko ay hindi ko makontak. Kakauwi niya lang pero mukhang trabaho na naman ang pinagkakaabalahan nito. Wala akong choice nito kung hindi ang magtaxi na naman dahil ayoko ng magdrive pa pauwi.  Bawat hakbang ko papasok ng bahay ay halos hilahin ko na ang mga paa ko. Nang daanan ko ang garahe ay wala pa doon ang kotse ni Landon. Si Eden ang yaya ng mga bata na lang ang gising pagdating ko.  “Mam Yna, kakain pa po ba kayo para ihanda ko na ang mesa?” tanong nya ng salubungin ako.  “Hindi Eden. Kung tulog na ang mga bata ay magpahinga ka na din. Kung tapos ka na sa mga gawain mo,” bilin ko sa kanya bago ako umakyat sa kwarto.  Pag-akyat ko ay dumiretso ako sa loob ng banyo at binuksan ang tub dahil gusto kong ibabad ang katawan ko. Sinilip ko lang ang mga batang ngayon ay mahimbing ng natutulog sa silid nila bago ako muling bumalik sa kwarto ko at isa-isang hinubad ang mga suot ko.  Nang mahubad ko ang mga damit ko ay tumayo ako sa harap ng malaking salamin sa walk in closet namin. Mula ng ikasal ako at manganak ay marami ng nagbago sa katawan ko. Pagbabago na namalayan ko nalang sa paglipas ng panahon. Mga braso at tiyan na lumaylay na at mga balat na nastretch ng husto kaya ngayon ay baka na ang mga guhit na parang tigre sa balat ko.  Proud ako sa kung ano ang kinahinatnan ng buhay ko ngayon. Marami mang hirap bago ko ito narating ay masaya ako. Siguro ganoon talaga kapag alam mong pinaghirapan mo ang lahat.  Napapikit ako ng ilublob ko ang katawan ko sa tub. Pakiramdam ko ay lumabas sa katawan ko ang mga bad vibes na nasagap ko buong maghapon. Sa bahay lang yata ako nakakaramdam ng kapayapaan pero lately ay ako na mismo ang naninibago sa sarili naming bahay.  Ilang oras pa akong naghintay kay Landon hanggang sa makatulog ako. Pero hanggang sa magising ako ay wala pa ring Landon akong nagisnan sa tabi ko. Kumuha lang ako ng robe bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko ang dalawang anak ko na nag-uumpisa ng kumain ng almusal.  “Good morning, Mommy!” bati ng dalawang anak ko.  “Good morning, Love!” bati ko din sa kanila bago patakan sila ng halik sa noo.  Mukhang maagang nagluto si Eden at nauna pa itong nagising sa akin. Ngunit nagulat na lang ako ng biglang pumasok sa kusina si Eden galing sa sala at mukhang kakagising lang din. Magtatanong pa sana ako kung sino ang nagluto, ngunit hindi ko na nagawa pa iyon dahil lumabas mula sa isang kanto ang Mommy ni Landon.  “It's eight o'clock in the morning and you just woke up? What time do you want to feed my grandchildren?” she scowled as she saw me.  Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago gumuhit ang isang ngiti sa labi ko. “Mom, sorry. Late na po kasi ako nakatulog kagabi. Ako na po diyan.”  Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha ang sandok at platong hawak niya. Kapag hindi ko ginawa ‘yun ay marami pa akong maririnig na mga salita sa kanya. At ang ending ay ako na naman ang sasama ang loob dahil sa mga sasabihin niya pa.  “Sinabi na sa ‘yong huwag ka ng magtrabaho at alagaan mo na lang ang mga anak mo. Pero matigas ang ulo mo at talagang pinilit mo ang gusto mo. Anong akala mo sa anak ko hindi ka kayang buhayin? You are belittling our family, you witch!”  Humigpit ang kapit ko sa sandok na hawak dahil sa mga narinig mula sa kanya. Hanggang ngayon… hanggang ngayon isa pa rin akong dumi sa paningin niya. Isang babaeng umagaw sa anak niya at umaasa sa kayaman nila.  It’s already been eight years since I got married to his son. But she still can’t accept me as her daughter-in-law. I will always be the woman who took away her favorite son.  “Mom, napag-usapan na po namin ito ni Landon. Pumayag naman na ang asawa ko at magreresign din po ako kapag nakatapos na ang bunso kong kapatid. Ayoko pong iasa sa kanya ang pamilya ko gaya ng sabi niyo,” paliwanag ko sa mahinahong boses at pilit pinapakalma ang sarili.  Ayokong maging masama siya o ako sa paningin ng mga anak ko. Kahit kaming mag-asawa ay never na nagtalo sa harap nila. Kaya kahit anong salita ay lulunukin ko para lang sa kanila.  “Mom, are you two fighting?” Lana asks.  “Hindi baby. May pinag-uusapan lang kami ni Grandma. Bumalik ka na sa tabi ni Levi at tapusin ang pagkain,” utos ko sa kanya ng halikan ang pisngi niya.  Ramdam ko ang mabigat at masasamang tingin sa akin ni Mommy. Pero wala akong intensyong patulan siya kaya tinapos ko na lang ang niluluto niya. “Tsk! Stop playing like a good mother to my grandchildren,” she uttered before turning her back on me and followed Lana on the table.  Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang baka bigla na lang kumawala sa mga mata ko. Mga luhang baka hindi ko na mapigilan pa dahil sa sobrang lalim ng sugat na iniwan ng mga salitang binitawan niya.  Pagtapos ko magluto ay mukhang tapos na rin sila. Si Eden naman ay walang tigil sa kakasunod sa akin at panay hingi ng paumanhin dahil tinanghali daw siya ng gising.  “Eden, ilang beses ko bang sasabihin na ayos nga lang. Ganoon na talaga si Mommy. Alam mo na hindi lang ito ang unang beses kaya huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi niya.”  “Sorry talaga, Ate Yna.” Sabay na kaming nag-almusal ni Eden at muli akong bumalik sa kwarto ko. Nang silipin ko ang mga anak ko ay nasa pool sila at naglalaro kasama ang Lola nila. Naligo lang ako at mabilis na nagbihis para maghanda ng meryenda nila. Nagpahandan na ako kanina kay Eden ng gagamitin ko sa macaroni bago ako umakyat.  “Ay, letchugas!” gulat kong sigaw ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.  Isang malakas na tawa ang narinig ko mula kay Landon ng muntik ko ng mabitawan ang hawak kong pitsel. “Sorry, baby. Naexcite lang ako to be home again. Sorry kung nalate ako sa pag-uwi naharang lang ako sa party na pinuntahan ko,” paglalambing na naman niya sa akin.  Napapailing na lang akong napangiti sa lalaking ito. “Ganyan ka naman kaya hindi na ako nagtataka. Choosing your wife over your friends. Did you see your Mom?” tanong ko habang nakapulupot pa rin ang kamay niya sa katawan ko.    “Yeah. I saw her with the kids. Something happened? Did she scold you again? Just ignore Mom, you know her whims already.”  Iyon naman ang ginagawa ko. Pero minsan ang hirap lang iwasan lalo na alam kong hindi lang pride ko ang nasasaring ng mga salitang binibitawan niya. Kung hindi pati ang buong pagkatao ko na.  “It’s okay. Sanay na ako sa Nanay mo. Kumain ka na ba? Maligo ka na at maghahanda ako ng almusal mo,”  utos ko sa kanya bago tinapos ang niluluto ko.  Nagulat pa ako ng bilang niya akong iikot paharap sa kanya at halikan ako. Pagkalapat pa lang ng mga labi niya sa labi ko ay awtomatiko na ang naging tugon ng labi ko sa kanya. May sarili itong isip na gumalaw at sinasabayan ang bawat galaw nito.  “I love you!” bulong niya sa gitna ng paghalik niya.  “I love you too!” tugon ko pero hindi ko alam kung narinig niya pa ito dahil nakaalis na ito sa tabi ko.  Eksaktong natapos akong magluto ay tapos na rin itong maligo. Habang umiikot ako sa kusina ay para din itong batang sunod ng sunod sa akin. Ilang beses ko na itong sinaway pero ngingiti lang ito sabay hahalikan ako sa labi. Wala na akong magawa dahil kusa ng natutunaw ang inis ko at nakakalimutan ko na ang kinakagalit ko sa kanya.  “Kanina pa nagugutom ang mga anak niyo pero halos hindi ka pa rin kayo maghiwalay. Is that how you take care of my grandchildren?”  Mabilis akong napahiwalay kay Landon at tinuon ang pansin sa pagkaing nasa harap ko. “Mom, my wife is not neglecting my children. So, please be careful on what you are saying. Baka may makarinig sa inyo at isiping totoo ang sinasabi niyo,” dining kong sita ni Landon sa Nanay niya.  Lumayo na ako dahil baka isipin na naman niya nagpapakampi ako sa anak niya. Lumabas na ako at hinatid sa mga anak ko ang pagkaing ginawa ko para sa kanila. Maya-maya ay kasunod ko na si Mommy na nakasimangot na siguro dahil sa naging pagtatalo nilang mag-ina.  “Ano masaya ka na napahiya na ako? Sabagay ito naman talaga ang gusto mong mangyari ang maging masama ako sa anak ko. Kahit kailan ay hindi kita magugustuhan para sa anak ko. Hamaslupa!” padaskol itong umalis na sa sobrang galit ay pati sa mga apo niya ay hindi na nagpaalam.  Mapait na lang akong napangiti sa sinabi niya. Mga salitang kinasanayan ko na lang yata dahil sa dalas kong marinig ito mula sa kanya. Tanggap ko na naman mula noon pa na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan.   Whatever you do well to a person who is angry or dislikes you, you will never be right in her eyes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook