CHAPTER 2
ALINA TESORO
I should wake up early to prepare food that we will bring to my in-laws. But Landon kept me awake until dawn. So that’s why I got up in bed late.
Napapailing akong umalis sa kama ng makita ko si Landon na mukhang tulog na tulog pa rin. Alas otso na ng umaga kaya wala na akong magagawa ngayon kung hindi ang magluto ng almusal para sa lahat. Papalabas na ako ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Nang akmang kukunin ko ito ay bigla namang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ang pinto at si Eden ang nandoon kasama si Levi na mukhang kakagising lang din.
Lumabas ako at sinara ang pinto sa likod ko. “Good morning, Love!” bati ko sa kanya sabay lahat ng dalawang kamay ko.
Mabilis itong yumakap sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko. Sa edad niya ay sobrang lambing nito na minsan ay napapaisip na ako kung nabibigyan ko ba siya ng sapat na atensyon. Minsan kasi ay nakakatakot kapag hindi pala salita ang bata, hindi mo alam kung anong iniisip nila o nararamdaman nila.
Sabay na kaming tatlong bumaba at mukhang nakaluto na si Eden ng almusal namin. Maya-maya pa ay bumaba na rin si Lana bitbit ang teddy bear niya.
Natapos na yata silang kumain ay hindi pa rin bumababa si Landon kaya hinabilin ko nalang muna ang dalawang bata kay Eden bago muling umakyat. Pag-akyat ko ay naiwan ko palang bukas ang pinto sa kwarto namin. Nang silipin ko ito ay wala na si Landon doon.
“Baby…” tawag ko kay Landon pero ingay ng tubig mula sa shower lang ang naririnig ko. “Landon… nakaligo--”
Natigil ako ng marinig ko ang boses niya mula sa terasa ng kwarto namin. “I’m at home. I’ll call you when I can,” dinig kong sabi niya.
“Love? Sinong kausap mo?” tanong ko ng makalapit sa kanya.
“Ah, i-its one of the clients. Nagpafollow up sa proposal niya,” he said before putting his phone away.
Tumango na lang ako at inaya niya na ako para kumain. Mamaya na lang daw siya magliligo pagtapos namin mag-almusal. “May sasabihin daw si Lana, Daddy,” saad ko bago nilingon ang dalaga ko na sunod-sunod na umiling.
“What’s the matter? May problema bang hindi ko alam? Did something happen at school?” sunod-sunod ding tanong ng ama niya na ikinangiti ko.
Pagdating sa mga anak niya ay sobrang over protective nito. Kaya hindi na ako magtataka kapag nagdalaga na si Lana ay sobrang close pa rin ito sa Tatay niya.
“Can we stay on Grandma for a week?” nakayuko niyang pahayag na halos takot tingnan ang magiging reaksyon ng ama.
Tiningnan ako ni Landon at sinagot ko lang siya ng kibit balikat. Nagpaalam na ito sa akin at ayos lang naman lalo na at mukhang Lola naman nila ang humiling noon. Tinawag niya ito para lumapit sa kanya at pinaupo sa kandungan niya.
“Princess, ayos lang naman sa akin if you stay on your Lola. I don’t mind, really. So, please don’t be shy to share your thoughts with me. I am your Dad, okay?”
Hindi perpekto ang asawa ko. Pero pagdating sa pamilya lalo na sa mga anak niya ay talagang sobrang nagi excert siya ng effort para iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.
Sana lang hindi ito pansamantala lang gaya ng katahimikan naming dalawa. Dahil hindi ko namamalayan na ang pagmamahal naming dalawa ay nilulunod na pala kami sa sarili naming mga kumunoy. At hindi na namin alam kung paano umahon ng mag-isa.
Ang problema, lihim at kasinungalingan ay nasa isang sulok lang at laging naghihintay na mapansin mo sila.
Mga problemang hindi mo alam kung kailan at kung paano darating sa buhay mo. Pero dapat ay lagi tayong handa sa pagkakataon na makaharap natin sila. Dahil ang unang bibigay at susuko ang siyang talo.
“I thought you were the one cooking our lunch?” Mom said as she entered the kitchen.
“Sorry, po. Nalate kasi kami ng gising ni Landon kaya hindi na ako nakapagluto. Magluluto--”
“No need. Amanda is coming. She already volunteers to bring us lunch,” she said before leaving.
Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Ilang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ako dumilat at inayos ang dala kong pagkain. Maya-maya ay pumasok si Yaya Meding para tulungan ako sa paghahanda ng pagkain.
“Ako na dito, Iha. Samahan mo ang mag-aama mo sa pool,” utos niya na sinagot ko lang ng matipid na ngiti. “Inaway ka na naman ni Soledad?”
“Kasalanan ko naman, Ya. Nagprisenta kasi ako na magluluto para sa tanghalian, kaso tinanghali kami ng gising kaya hindi ako nakaluto,” pagtatanggol ko kay Mommy. “Dadating naman daw po si Amanda at ito na lang ang magluluto ng tanghalian.”
“Amanda? Pupunta dito ang babaeng ‘yon? Wala na talagang kahihiyan! Hayaan mo at sasabihan ko ‘yang si Soledad at si Leon,” isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay Yaya Meding.
Nilabas ko ang meryenda na nabili namin ni Landon kanina para may kainin sila habang nasa swimming pool. Habang naglalakad papunta sa pool area ay halos matalisod ako ng makita kung sino ang kalaro ng dalawang anak ko.
It was Amanda.
She was playing with my kids, wearing her skimpy two-piece with my husband beside her.
Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong tray mabuti na lang at hawak na din pala ito ni Lander. “Stop daydreaming,” he murmured as he got the tray in my hand.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil wala na akong masabi sa kanya. “Sorry,” saad ko nalang pero hindi na ako nito pinansin at nilagpasan lang.
I shake myself a bit to get back on my senses. I feel like I’ve fallen into a deep hole and can’t find my way back.
Ngumiti akong ng tawagin at lapitan ko ang mag-aama ko. “How petty!” dinig kong bulong ni Lander.
Magtatanong sana ako kung ako ang sinabihan niya pero naglakad na ito paalis. Nagkibit balikat na lang akong binalikan ang mag-aama ko. “Mommy!” sigaw ni Levi ng makita ako.
Tumakbo ito palapit sa akin kasunod si Lana at ang Daddy nito. “How was the swim?” I ask my kids.
“It was fun. Magbihis ka na rin Mommy. So, you could join us,” Lana chirped.
“I will, baby.”
Habang pinapakain ang dalawang anak ko ay hinanap ng mata ko si Landon. Natagpuan ko ito sa gilid ng pool na abala sa telepono niya at mukhang may kausap. Sa kabilang gilid naman ay nakita kong nag-uumpisa ng maglakad si Amanda palapit kay Landon na mukhang nakabuo na ng plano kung ano ang gagawin niya pagkalapit sa asawa ko.
She hugs Landon from behind. I don’t know, and I can’t hear what they are talking about. All I knew was deep inside me, I was curious, and I was envious of her confidence.
I smiled bitterly and turned my attention to my kids, who were eating beside me.
Bakit hinahayaan ko? Hindi ko sila hinahayaan. May mga bagay lang na masyadong mababaw na dahilan para pag-awayan namin o pagtalunan. At the end, kaming dalawa lang ang magkakaproblema at baka mas lalo pang lumaki ang issue na nag-ugat lang sa mababaw na rason.
“Kids, may dalang meryenda ang Tita Amanda niyo. It would be best if you tried this. It was so good,” Mom called the kids.
Nang marinig ang salitang masarap ay mabilis na tumayo ang dalawang anak ko at nilapitan ang Lola nila. Nakita at natikman ko ang dala niya kanina na Strawberry ice cream sandwich at talaga namang masarap. Niligpit ko ang mga platong may tira pang carbonara at nilagay na ito sa kusina.
Pagkatapos kong manggaling sa kusina ay nagpunta ako saglit sa garden at saglit na naupo sa isang bench na nakita ko. Ayoko munang makigulo sa kanila dahil baka mas lalo lang akong mapahiya kapag nagsalitang muli ang Mommy ni Landon.
“What are you doing here, Yna?” Landon’s Dad said when he saw me.
Ngumiti ako sa kanya. “Nagpapahangin lang po, Dad. Kumain na po ba kayo? May dala pong merienda si Amanda nasa pool,” imporma ko sa kanya.
“Oo tapos na. Nabusog nga ako sa dala mong carbonara.” Saglit akong natigilan sa sinabi niya. May kung anong hinaplos sa dibdib ko ang mga salitang binitawan niya. “You are letting your husband get near with Amanda.”
Gulat ko siyang nilingon dahil ang mga salitang sinabi niya ay hindi isang tanong kung hindi isang pahayag. Mga salitang may kung anong kurot para sa akin.
Minsan masakit talagang marinig ang katotohanan ano?
A reality that would always slap you right on your face.
Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Dad bago ito naunang magpaalam dahil may meeting daw ito saglit sa office niya. Nagpaiwan lang ako dahil ayoko pang bumalik sa loob.
Nakapikit akong sumandal sa puno na nasa likod ko nasa ganoon akong ayos ng maramdaman ko ang mga kamay na pumulupot sa akin. “Why are you here? Does my wife have a problem?” pabulong niyang tanong ng yakapin ako.
Ramdam ko ang malamig at basa niyang katawan ng dumantay ito sa akin. “Gusto ko lang magpahangin. Nasaan ang mga anak mo?” tanong ko ng dumilat ako at makitang nakasunod na din pala sa kanya ang dalawang bata.
Nagkunwari akong nakapikit dahil alam ko na ang gusto nilang gawin. Siguradong gugulatin ako ng dalawa paglapit nila. At hindi nga ako nagkamali na hindi ko rin naman binigo sa pagsigaw ko na hindi mo aakalaing hindi naman na talaga ako nagulat.
“You are so funny, Mom!” Levi said, holding his tummy while laughing.
Hindi man maganda ang pakitungo sa akin ng biyenan ko ay ayos lang sa akin basta ayos ang pamilya ko. Alam ko balang araw ay matatanggap niya din ako bilang asawa ng anak niya. Hindi man agad ay ayos lang sa akin basta kaming mag-asawa ay nagkakasundo.
Nang mapagod ang dalawang bata ay sabay-sabay na kaming bumalik sa pool. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita kung paano ang tumawa at makipagkwentohan si Mommy kay Amanda. Sabagay matagal na silang magkakilala kaya hindi nakakapagtaka na mas malapit siya dito at mas gusto niya talaga ito para maging asawa ng anak niya.
“Hey, para kang nalugi. Huwag mo ng pansinin si Mommy,” pag-papalubag niya ng loob ko.
Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya ng yakapin ako ng isang kamay niya at patakan ng halik sa sentido. Sana nga ay mangyari pa ang araw na ‘yon.
“Amanda… Dear try this paella, and I cooked this for you. Taste it,” dinig kong tawag ni Mommy kay Amanda.
Mapait na lang akong napangiti at nagkibit balikat bago hinubad ang suot kong dress at sumunod sa mga anak ko.
May mga tao talagang kahit anong gawin natin o ipakita natin sa kanila ay mananatili tayong masama at hindi kaaya-aya sa paningin nila. At tanggap ko na para kay Mommy ay ako ang taong ‘yon.
Pagkatapos ng ilang oras na pagsuswimming at paglalaro kasama ang mga bata ay nauna na akong umahon at magbanlaw. May biglaan kasi akong kailangang imeet na kliyente at ngayon lang ito available kaya hindi ko magawang tanggihan.
“Ngayon na nga lang ang araw na pwede ka para sa pamilya mo ay isisingit mo pa talaga ang trabaho mo? Is that how you responsible you are?” umpisa na naman ni Mommy ng magpaalam ako.
“Mom, she’ll only be gone for an hour. Hindi naman mawawala si Alina ng isang buong araw,” pagtatanggol agad ni Landon sa akin na ikinasimangot agad ng Nanay niya.
“Kaya lumalaki ang ulo niyang asawa mo kasi lagi mong kinakampihan. Ang babae ang dapat na nag-aalaga sa pamilya niya lalo na sa mga anak niya. Family day ngayon. She was supposed to be spending it with you three. Tsk!”
“It’s okay, Tita Sol. I can attend to the kids while you are gone, Yna.”
Presinta ni Amanda, wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti na lang sa kanya at nagpaalam kay Landon at sa mga bata. Hinatid pa ako ni Landon sa parking dahil kotse niya ang gagamitin ko.
“Mag-iingat ka! Call me if you need anything.”
“I will,” pasakay na ako sa kotse ng bigla niya akong pigilan at itulak pasara ang pinto. “B-bakit?”
“Nothing. I just wonder what would my baby’s lips taste if I kissed her,” he whispered before claiming my lips.
Wala na akong nagawa ng ipinid niya ako sa pintuan ng kotse at angkinin ang labi ko na para bang matagal niya na itong hindi nahahalikan. Habang nakasandal sa pintuan ng kotse ay pinikit ko na lang ang mata ko at ilang segundong dinama ang mga halik niyang kalaunan ay nagiging mapaghanap.
“L-Landon, I still have a meeting. I don’t want to get late,” pigil ko sa kanya ng saglit niyang pakawalan ang labi ko.
Ilang segundo pa bago niya tuluyang tigilan ang paghalik sa akin at isara ang pintuan ng kotse. Napapailing na lang akong nagdrive palabas ng bahay nila Landon at habang papalabas ako ay hindi ko maiwasang mapatitig sa lalaking nakasandal sa isang kotse na nakaparada sa gilid habang nakapikit ito at abalang hinihithit ang sigarilyong hawak niya.
Lander… After a year of living with them, I still can’t figure out his attitude.
“Papunta na ako, Via. Wag kang tawag ng tawag,” naiinis kong sigaw sa kanya ng bigla na naman ako nitong tinawagan.
Ang totoo ay si Via ang kakatagpuin ko ngayon at hindi isang customer. Gusto ko lang talagang makaalis at lumanghap ng hangin malayo sa pamilya ni Landon na parang kaunti na lang ay sasakalin na ako hanggang sa hindi na ako makahinga.
Nang magpaalam ako kay Via ay saglit akong natigilan ng makita ang mukha kong nagkalat ang lipstick siguro ay dahil sa halik kanina ni Landon. Traffic pa kaya kinuha ko ang bag kong nasa kabilang upuan pero dahil sa katangahan ko ay natapon pa ang laman nito.
“s**t!” usal ko ng mahulog pa ang kailangan ko sa ilalim ng upuan.
Tinanggal ko muna ang seatbelt ko bago yumuko at sinilip ang ilalim ng upuan. At ang unang nakuha ko ay hindi ang lipstick ko kung hindi ay stockings. Nilagay ko ito sa ibabaw ng upuan bago muling sinubukan ko ulit na kapain ang lipstick ko at ngayon ay nakuha ko na nga ang lipstick ko pero hindi lang ito iisa. Dalawang lipstick ang nakuha ko kaso magka-iba itong brand at hindi ito sa akin.
I don’t know who owned these things and how they got here in my husband’s car. All I know is I need alcohol now, and I had to forget whatever was on my mind.
I’m not sure if staying and settling down with my husband is enough or if I’ll be able to sleep comfortably while I am living with a liar.