CHAPTER 4

2329 Words
CHAPTER 4 ALINA TESORO DESPITE our financial situation, I grew up with nothing but the love of my family. And I'm not bothered by it because I understand that you have to work hard for everything you want in life. So I worked hard while studying in order to graduate. Even if you are a degree holder, it is difficult to find a job if you do not have good credentials and influential connections. “Yna!” and she is my connection. “Can you make bilis na? I am already late,” maarte na reklamo ni Via habang nakadungaw sa Toyota Supra niyang sasakyan. Nang binili niya ang kotse na ito ng nakaraang buwan ay kasama ako at sobrang against ako dahil ang mahal bukod pa doon ay marami pa din naman siyang sasakyan. Ang kotse ko nga na ginagamit ko ay niregalo niya lang sa akin. Ang gusto niya pang ibigay sa akin ay ang bago niyang bili pero hindi na ako pumayag dahil kahit gamit na ‘yun ay mahal pa rin ang presyo nito at hindi naman niya talaga nilaspag. Ibababa niya lang ako sa building namin dahil malapit lang naman ang opisina ni Via sa trabaho ko. Maaga kasing umalis si Landon dahil may meeting ito sa isang bagong project na nakuha nila. Ibig sabihin din noon ay mas magiging abala siya kaya baka hindi ko na naman siya madalas makita. “I will make daan you later, okay. Sabay tayong maglunch. Ayokong kasabay ang mga tauhan ni Daddy na walang ginawa kung hindi ang laitin ako.” “Sige na umalis ka na. Salamat sa paghatid,” kaway ko sa kanya bago nagmamadaling pumasok sa building namin. Kaya ayaw niyang magtrabaho sa company nila dahil lagi daw siyang nilalait o nakakarinig ng hindi magandang mga salita. Ganun talaga lalo na kung wala namang nakikita ang mga taong ‘yun kung hindi ang mga mali niyang ginagawa. Gaya ni Mom na hindi na ako naging tama sa paningin niya. Nakakatawa na may mga ganitong nakapaligid sa atin na para bang hawak nila ang pinakamataas na posisyon para manghamak at manliit ng ibang tao. Siguro nga hindi nila ako kapantay pero kahit papano ay mas mabuti pa rin akong tao kumpara sa kanila. Isang bagay na buong buhay ko na yatang ipagmamalaki sa lahat. Iyon lang din kasi ang meron ako kaya, iyon lang din ang panghahawakan ko palagi. Gaya ng pagmamahal sa akin ng asawa ko na siyang rason kung bakit umaasa pa akong magkaka-ayos kami ng Nanay niya. Pagdating sa opisina ko ay inabala ko ang sarili ko at inubos ang oras sa mga trabahong dapat kong gawin. Wala akong natanggap na tawag mula sa asawa ko pero nagpadala naman siya ng pagkain ko para sa lunch at ilang notes. Madalas kasi kapag hindi siya busy ay tatawagan niya ako o dadaan dito sa opisina ko kaya marami ding babae ang nag-aabang sa kanya. “Alina, start na ng meeting.” Tumango lang ako bago kinuha ang Ipad ko at naglakad papunta sa meeting room. Habang abala ako sa pakikinig ng meeting ay biglang nag pop up ang message mula kay Via. HIndi ko pa ito nabubuksan ay may kasunod na naman siyang message. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa ilang messages pa ang natatanggap ko bago ito nagring. Mabuti na lang at nakasilent ito pero nadidisturbo din naman ako ng vibrate nito kaya wala akong magawa kung hindi ang magpaalam at sagutin ang tawag ng makulit kong kaibigan. “What? Nagtatrabaho ako Via. Baka lang hindi mo alam ‘yun,” sagot ko ng makalabas ako ng hallway. “Ooh-my-god, Alina! I saw your husband here.” Wala sa sariling napaikot na lang ang mata ko sa hangin dahil sa narinig. Minsan gusto ko na talagang sabunotan ang pagkaconcern nito eh. Lahat na lang ng bagay ay binibigyan niya ng malisya kaya pati ako ay nadadamay sa kapulyotan ng utak niya. “Via, matakot ka kung hindi mo na dapat makita ang asawa ko pero nakikita mo pa rin siya.” “Tsk! That’s not what I mean. I saw him with that girl Amanda. That’s his ex ‘di ba?” Bigla akong napatayo ng tuwid sa sinabi niya. Hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Via sa akin. I want to ask her what they are doing, but I am afraid to know things I shouldn't have in the first place. May ideya? Oo naman. Hindi ako tanga para hindi malaman na gusto pa rin siya ni Amanda at alam kong gagawin nito ang lahat para muling makuha ang asawa ko. At ilang taon niya ng ginagawa ‘yun kaya may tiwala ako kay Landon. Hindi ako nito magagawang lokohin o ipagpalit sa kahit sino pang babae. Hindi niya magagawa ‘yun ‘di ba? Hindi niya ako ipagpapalit sa iba ‘di ba? Ilang minuto ko pang kinumbinsi ang sarili ko na hindi niya magagawang magloko pa dahil alam kong ginagawa ko ang lahat bilang mabuting asawa. I am doing everything I knew to make our marriage work. Alam kung wala naman kaming problemang dalawa kahit nandyan si Amanda kaya kahit kailan ay hindi ako na bahala sa relasyon na meron kami pero sa tuwing may ipapamukha sa akin si Mommy ay hindi ko maiwasang magdalawang isip. “Alina! Ano umiiyak ka na ba? Bakit hindi ka na sumasagot? My God! Sinasabi ko na talaga wala akong tiwala diyan sa asawa mo eh! Dapat talaga--” “Via… Viaaa! Ayos lang ako. Mahina lang ang signal kaya hindi kita marinig. Masyado ka talagang eksaherada. Hayaan mo na ang asawa ko hindi siya gaya ng iniisip mo. Sige na may meeting pa ako.” Mabilis na akong nagpaalam kay Via bago binaba ang tawag niya. Pagbalik ko sa meeting ay saglit lang akong nanatili doon bago nauna ng lumabas dahil may ilang client pa akong kailangang imeet. Buong hapon ay abala ako pero pagdating ng alas tres ay inayos ko na ang mga gamit ko dahil kailangan ko ng umuwi at susunduin ko pa ang mga anak ko sa school. Kapag nalate na naman silang umuwi ay siguradong may geyra na naman sa bahay namin. Baka nasa gate pa lang ako ay naririnig ko na ang bunganga ni Mommy na walang tigil kakadakdak. “Mom!” Nakangiti akong kumaway kay Alana na kalalabas lang ng building at kasunod ang Kuya niya na may bitbit ng bag nilang dalawa. Kahit masungit si Levi ay sobrang maalaga at maalalahanin pa rin nito sa kapatid niya. “How’s your day?” tanong ko ng makapasok ako sa kotse at maupo sa driver’s seat. Hindi ko sila laging kasama kaya hangga’t maaari ay gusto kong malaman kung kumusta ang araw nila. Hindi man lahat kinukwento nila, but at least I am having a glimpse on their day without me. Kung sa paningin ni Mommy ay hindi ako mabuting ina at least sa mata ng mga anak ko ay hindi ganun. “Nothing interesting ,” tamad na sagot ng binata ko. Kahit kailan talaga ay wala ng topic ang kumukuha ng atensyon niya bukod sa mga librong binabasa niya. “Me, I have a suitor, Mom.” Masayang singit ni Alana na sobrang proud pa siya. Sabagay who wouldn’t be proud if there's someone like you? “He said he like me and when we I reach eighteen. He is making ligaw on me,” she proudly said making her brother scowled at her. “And you think Dad would allow you? Ang bata-bata mo pa ligaw na ang nasa isip mo. you can’t even spell Philippines correctly. Tsk!” Pagsusungit ni Levi sa kapatid dahilan para muntik ng umiyak si Lana. “Baby, you are too young for that one, but tell that boy to finish his studies and be a good man, maybe we will think about it.” Sa sinagot ko ay napangiti si Lana at ikinasimangot naman ni Levi. Inaya ko na lang sila na kumain sa labas kaya nawala na ang mga issue nila sa isa’t isa. Minsan ang sarap din talagang maging bata dahil ang problemang binibigay sayo ng Diyos ay inaayon lang din sa edad mo. Alam kong hindi lahat pero maswerte ang mga bata na ang gumugulo lang sa isip nila ay ang hindi sila gusto ng crush nila or hindi makuha ang mga bagay na gusto nila. When I was their age I was already thinking how are we going to eat today? Where can I get something to feed my siblings because my parents haven't come home yet. And where will we live when we are evicted from where we live? Because until now my Mother has not been able to pay the rent for several months. Hindi rin talaga patas ang Diyos ano? Kaya ngayong nabibigay ko ang pangangailangan nila ay hindi ako papayag na babalik pa ako sa buhay na halos wala akong malapitan kapag kailangan ko ng tulong. Kaya sobrang iniingatan ko ang buhay at trabaho na meron ako ngayon. Ayokong maranasan ng mga anak ko ang buhay na naranasan ko noon. “Where have you been?” salubong sa akin ni Landon ng makababa ako ng kotse. “Kanina pa kayo hinahanap ni Mommy. Nag-aalala na siya sa mga bata dahil anong oras na ay hindi pa sila nakakauwi,” aniya sa galit na tono. “Kumain lang kami sa labas. Bawal na ba ‘yun?” patanong na sagot ko sa kanya na mas ikinasalubong ng kilay niya. “It’s not that, Alina. But Mom is also worried about the kids.” “Worried? For heaven’s sake Landon mga anak ko ang kasama ko. Nanay nila ako at hindi ako ibang tao kaya bakit kailangan ko pang ipaalam sa Nanay mo ang lahat ng kilos o desisyon ko sa sarili kong mga anak?” Ayokong masabihan na walang modo o hindi marunong makisama kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para pakisamahan ang pamilya ni Landon. Kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga sila maintindihan lalo na ang Nanay niya na hindi ko alam kung saan hinuhugot ang galit niya sa akin. Pero bago pa siya makasagot sa akin ay mabilis ng nakalapit sa akin si Mommy at mabilis na hinila ang buhok ko. “Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala sa mga apo ko? Wala ka man lang telepono para ipaalam sa akin na malilate kayo ng uwi? Bastos ka talaga at walang modo!” Paulit-ulit niyang sigaw habang hinihila ang buhok ko. Hindi ko alam kung naiiyak ako dahil sa sakit ng sabunot niya o sa sakit ng mga salitang binibitawan niya ngayon. Hindi naman ito ang unang beses na narinig ko ang mga salitang ‘yun o ang inaway niya ako. Pero ngayon ay hindi ko mapigil ang mga luhang pumapatak sa mata ko at ang pagsakit ng bagay na nasa loob ng dibdib ko. Bawat salita na kahit anong gawin ko hindi mawala sa isip ko at talagang tumatatak sa puso ko. “Mom, stop hurting my wife!” dinig kong sigaw ni Landon habang hinihila palayo sa akin ang Mommy niya. “Kinakampihan mo ang asawa mong ‘yan? Alam mo ba kung ilang oras akong naghintay na makauwi sila? Ayaw mo siyang masaktan? Kaya ayos lang sayo na masaktan ang sarili mong ina?” sigaw ni Mommy ng ilayo ako ni Landon sa kanya. Mapait akong napangiti habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko at naglalakad palayo sa kanila. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila o kung nagkaayos na silang mag-ina. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo sa kanila at saglit na huminga sa lahat ng ito dahil parang nasasakal na ako sa taling nakagapos sa akin ngayon. Baka kapag hindi ako huminga ay pilitin kong makaalpas at tuluyang putulin ang taling nakadugtong sa aming dalawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay nasa kwarto na ako at nakahiga sa kama namin. Nakapagpalit na rin ako ng damit na hindi ko man lang namalayan siguro dahil sa sobrang pagod ko. Mabuti na lang talaga at nandito si Eden para umagapay sa bawat araw ko lalo na sa pag-aasikaso ng mga anak ko. Nilingon ko ang space na nasa tabi ko. Hindi gusot ang parte na iyon hudyat na hindi pa nahihiga sa tabi ko si Landon. Sinuot ko ang robe ko na nakasabit sa gilid ng kama bago naglakad palabas ng kwarto para hanapin ang asawa ko. Tahimik na ang buong bahay at tulog na rin ang dalawang anak ko dahil alas onse na ng gabi. At dapat ngayon ay nagpapahinga na si Landon dahil maaga pa itong umaalis kinaumagahan. Ngunit naikot ko na ang buong bahay ay hindi ko ito makita na siyang ipinagtataka ko dahil anong oras na. Dahil hindi ako mapakali ay pumunta ako sa parking para silipin ang kotse niya at nandoon naman ang sasakyan niya kaya nagtataka ako na wala siya sa bahay kung nandito naman ang sasakyan niya. Paakyat na ako ng makarinig ako ng boses sa pool side kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit doon. At habang naglalakad ay napahawak ako sa dibdib ko dahil unti-unti akong binabalot ng kaba kaya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. “I told you something happened. What do you want me to do? Left my wife and Mom, who's killing each other?” Natigil ako sa kanto ng pinto dahil sa sinabing ‘yun ni Landon. Nang silipin ko siya ay mag-isa lang siya at hawak ang cellphone na nasa tenga niya. “I need to go up now. Yna might wake up and look for me,” he said before hanging up. Pagkasabi niya noon ay dali-dali akong napahakbang palayo doon at naglakad pabalik sa silid namin. Habang naglalakad ay maraming tanong ang nabubuo sa isip ko. Maraming bagay ang biglang gumulo sa utak ko dahil sa mga salitang dapat ay hindi ko na pinakinggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD