bc

4 Guns and a Rose

book_age18+
497
FOLLOW
2.2K
READ
spy/agent
opposites attract
badboy
goodgirl
comedy
bxg
humorous
mystery
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

This is the not-so-typical 'against all odds' story of a rose named Aria Marquez and the four capos.

***

Aria Marquez, a 21-year-old second-year college student, thrives a typical life with no luxuries, no abundance, just she and her mother making little ways to survive. Aria has a boyfriend, Artheo Dela Vega. Opposite to her situation, Artheo seemed to have a well-off life and can actually buy everything Aria wants. But Aria doesn't want to go off that way for she wants their relationship to be built not just by any materiality.

One day, the typical life that Aria has been indulging will turn upside down as a big revelation on Artheo's character will unfold. He's a mafia boss of the Epsilon Mafia Clan. Along with this identity is the danger that may come forth to them especially to Aria. He's a weak spot of Artheo and that he is afraid his foes might point a fist at her. Left with no choice, Artheo devised the best possible way to protect her girlfriend — to disconnect his life to her, and send his four generals disguised as commoner students missioned to vanguard Aria.

Reese Natividad, the mind of the protection team, Althur Mendoza, assigned for logical decisions of the team, Ezra Ortega, the prime assassin, and Greco Morales, the leader.

As they go along with their action-packed mafia tale, Aria would find herself shot from the ammunition of the four generals. She would learn to fathom the beauty hidden on their dark facades.

Find out how she would dodge the bullets if she's caught off guard between the tie from her boyfriend and the charm of the four capos.

chap-preview
Free preview
My Boyfriend is a Mafia Boss
ARIA Nakahawak ang aking magkabilang kamay sa lagusan ng aking bibig sa pagkabigla mula sa mga salitang binitiwan ng aking kasintahan. Mga ilang segundo na akong nakadilat at walang kakurap-kurap na para bang tuluyang naestatwa dahil sa nalaman. "No, no, no, hahaha, you can't be! I don't believe you," I muttered as I leaned back from my seat. "Aria, you have to." "Sus, binibiro mo lang ako. Ano 'to, prank nanaman? Artheo hindi mo ako maloloko." "What do you want me to do for you to believe?" "Nothing. Wala kang dapat gawin dahil alam kong isa nanaman 'to sa mga kalokohan mo." He didn't respond. Mahigpit lang ang kanyang pagkakahawak sa manibela at wari'y pagod na kakakumbinsi saakin. He then sighed. The smile etched on my face, slowly faded. Ewan, pero parang unti-unti kong naramdaman yung sinseridad niya mula sa pungay ng kanyang mga mata. Hindi ko gustong maniwala, pero sa tingin ko'y totoo talaga ang sinasabi niya. Posible kaya talagang… "Aria, I am a mafia boss." *** Weeks later, I haven't seen my boyfriend in a while after that rubbish revelation. No text, no calls, no emails, as in walang paramdam. Parang bula na bigla nalang naglaho. Sa katunayan hindi ko alam kung dapat ko na bang i-declare na broken hearted ba ako, because what he did to me was worse than an actual break up. Iwanan ba naman ako sa ere, tsk. I deserve to be clarified, the truth, perhaps. Artheo owed it to me. "UGHHH!" I growled as I remembered that man. "Hoy! Kumalma ka nga." A girl with curly hair, tanned skin, at bilugan ang mukha, who's beside me, tapped my shoulder and put her index finger in between her lips. My train of thought then halted. "Sh*t." I whispered in surprise. Ngayon ko lang na-realize na nandito pa pala kami sa library, everyone was looking at us, I mean at me certainly. "Sorry, sorry," I mumbled with my head crouching and giving awkward smiles. Buti nalang talaga may pagkabingi yung librarian dito kung hindi baka sa labas na kami nito pinulot. "Pwede Aria, kontrolin mo yang sarili mo," saway ni Tori na ngayon ay busy kakalagay ng eyeliner. Ginawa pang parlor ang library ng bruha. "Sorry na nga. Kainis kasi," gigil kong sabi habang isinasara ang mga librong nasa harap ko. "Let me guess, si Artheo nanaman?" I remained silent. "Alam mo, kalimutan mo na yun. Hindi na yun babalik. Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na iwasan ang mokong na yun? Pero anong ginawa mo? Paulit-ulit at paulit-ulit ka pa ring bumabalik. Hindi ka natoto-" "HUSHHHHH." Nahinto agad si Tori sa paninermon saakin dahil sa sabay-sabay kaming pinagtinginan ng mga estudyante. Hindi na kami nag-antay na ipagtabuyan pa kami nila at nagboluntaryo nang lumabas. "Aalis na nga po, opo," saad ni Tori habang nagmamadaling isilid ang mga make-up kit niya sa bag. Nanatili akong tahimik pagkalabas namin. I even slouched walking because I'm not really in the mood. "Umaasa ka pa rin talaga na magpaparamdam sayo yun after he ditched you?" Tanong ni Tori while we're on our way to our next course. Wala akong maisagot. Wala naman akong ideya kung babalik pa ba talaga yung mokong na yun. "You told me na hindi kayo nag-away. Then bakit ka niya iiwanan ng ganun-ganun lang." I thought of it for a second. I was about to tell Tori on the 'mafia' thing that Artheo told me, but I stopped when I realized she might just laugh. Sino ba kasing maniniwala sa ganun? Pero, this actually triggered my curiosity. His sudden loss and the revelation just all make sense. Kilala ko si Arth. Hindi yun mang-iiwan ng ganun-ganun lang. Kaya nga mahirap tanggapin dahil hindi naman siya ganong tao. Pano kung totoo talaga yung sinabi niya? Pano kung mafia boss talaga siya? "Ey, ano na? Tulaley ka nanaman." "Ah, wala. Sige, from now on kakalimutan ko na talaga yun-" "He doesn't deserve my attention," Tori continued what I was just about to say as if memorized the line, "He's not a big loss to me blah blah blah. Naku Aria, wag ako. Nakasampung beses mo nang binitawan yang linyang yan. Memorized ko na nga actually." I bit my lip. Hindi naman kasi basta-basta ko na lang makakalimutan si Artheo. Kahit papano, mahal na mahal ko ang mokong na yun. And anyway, I guess this isn't really the real breakup, or so I thought. "You know what Aria, just a friendly advice, kung mahal ka ng lalaking yun, dapat nag-message manlang siya. Ano pa't magkasintahan kayo kung hindi siya nagsasabi ng mga ganap niya sa buhay. And the fact na it's almost three weeks na wala siyang paramdam, do you really think mahal ka nun? I mean, yeah, I've been supportive sa relasyon niyo dahil alam kong masaya ka sa kanya. But this, jusko hindi gawain ng matinong boyfriend yan, red flag siya girl." I am caught off guard again. Actually, tama lahat ng mga sinabi ni Tori. Dapat nagparamdam manlang siya, malay ko kung patay o ano nang nangyari dun. Ugh! Kainis! "P-pero, pano kung may inasikaso lang siya? Pano kung may pinuntahan-" "Aria naman, sush. Ilan sa tingin mo ang totoo diyan sa mga 'pano' mo?" She emphasized the word 'pano'. "Tingnan mo nga muna yang sarili mo, lugmok at parating lutang. Hindi ka na nga nakakasagot pag tinatawag ka ni Prof. Castro. Umayos ka nga. Tsaka tingnan mo yang mukha mo, para ka nang manang." "Toriiii, pa'no ba kasi 'toooo." "Hay nako, Aria madali lang yan." Ang dali-dali lang para sa babaeng 'to, palibhasa bato ang puso. Kahit nga yung first boyfriend niya nung first year kami, dalawang araw lang mula nung nag-break sila e nakahanap siya agad ng iba. Ang tindi! "Pano, pano?" I asked enthusiastically. "Maghanap ka ng panibago, ganun. Kung ako sayo afam nalang jojowain ko. Hindi ka lang makakaahon sa kahirapan, makakarating ka rin sa tugatog ng kalangitan—" "Tara na nga. Baka ma-late pa tayo sa klase natin," putol ko dito, baka kung ano pang kalaswaan ang magsilabasan sa bibig nito. *** Pagkatapos ng mga klase namin, nagpaalam na ako kay Tori. Malapit lang naman yung bahay namin sa school ko kaya nilalakad ko nalang para tipid sa barya. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng eskinita, napansin kong may isang van ang huminto sa kabilang daan malapit saakin. May lumabas na isang lalake dito at tumawid papunta sa daan ko. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kukunin ko na sana yung headset ko sa bag ko para mag soundtrip nang bigla kong napansin na nasa likod ko pa rin yung lalakeng bumaba sa van kanina. Sa bagal ng paglalakad ko, he's supposed to be ahead of me by now, but he's obviously following my steps. Hindi ko na itinuloy ang pagdukot saaking headset kundi ay naglakad ng mas mabilis. Lumingon ako ng bahagya habang patuloy na naglalakad, dagli akong nakaramdam ng kaba nang malaman kong sinusundan talaga ako ng lalake. Jusko. Sinong ba 'tong taong 'to!? Lakad takbo ang aking ginawa sa pagkakataong ito para mas mapalayo ako sa lalake. Pero wala ring pagbabago sa distansya namin dahil binibilisan niya rin ang galaw niya. Walang ano-ano'y, bigla akong may naisip na ideya. Kala mo ha. Lumiko ako sa isang iskinita at lumiko pa sa isa. Pumasok ako sa isang bakanteng espayo na may nakaharang na mga plywood at doon nagtago. May pakinabang din pala 'tong pagiging street wise ko. Sumilip ako sa munting butas at pinagmasdan kung nakasunod ba yung lalake. Napabuntong hininga ako ng makita siyang lumilingon-lingon at wari'y hinahanap kung saang daan ako nagpunta. Who the hell is this man?! I don't remember myself having trouble with anyone. Hindi naman ako nagdra-drugs, hindi naman din siguro 'to tungkol sa mga tukhang-tukhang. Then when the man realized that I was no where to be found, umalis na rin siya. This time nakahinga na ako ng mas maluwag. Tumayo ako at mabilis na nagtatakbo pauwi ng bahay. Pagkapasok ko, lumantad saakin ang isang babaeng nasa 40's ang edad, nakasalamin, at busy kaka-games sa kanyang cellphone. She immediately put her phone at the table nang makita akong hinihingal at pawis na pawis. She approached me and warily observed my entirety. "Anong nangyari, Aria? Ba't parang kagagaling mo lang sa triathlon? May humahabol ba sa 'yo?" She nagged in a soft-spoken voice. "Ah, eh, wala po ma. Hehe, may aso lang po kasi dun sa kanto. Muntik pa akong maabutan," palusot ko. "Sige pagkatapos mong magbihis, kumain ka na. Wag kang magpapalipas ng gutom." "Opo opo," tugon ko habang bahagyang nakayuko. Lumaki ako ng si mama Susan lang ang kasama. I was five when my dad died. Gayunpaman, hindi ko naramdaman yung kakulangan ng tatay dahil sobra-sobra naman yung pagmamahal na ibinibigay saakin ni mama. Para ngang walang kulang saakin. Pinunan niya ng pagmamahal yung mga bagay na wala ako. She acted as both my mother and my father, and that made me complete. "Sige ma, bihis na po ako." Dumiritso na ako sa kwarto ko sa taas. Two-storey 'tong bahay namin at medyo may kalumaan na rin. Hindi naman siya gaanong maliit, hindi rin malaki, sakto lang para sa aming dalawa ni mama. I was about to jerk the doorknob when I noticed that it wasn't locked and a little ajar. Strange. Hindi ko kasi 'to iniiwang hindi nakasara kasi nakakapasok yung mga lamok. Alam ni mama 'yan kaya alam kong hindi niya iiwang nakabukas 'to. Anyway, I shrugged off the bothersome and pumasok nalang ng kwarto. Soon as I got in and turned back after locking the door, I got frozen by what I saw. Apat na lalakeng naka-mask at suit ang nakatayo sa gilid ng kama ko at animo'y hinihintay ang pagdating ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.6K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.6K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.6K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.9K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.7K
bc

In Bed With Kuya Red

read
59.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook