bc

Switched Groom (CLIMAX Series 2) [R-18]

book_age18+
2.2K
FOLLOW
10.0K
READ
sex
arranged marriage
arrogant
drama
sweet
bxg
city
enimies to lovers
secrets
brothers
like
intro-logo
Blurb

Stephanie Hidalgo is a sweet type of girl. At the age of 25, she already planned everything about what will happen in her life and that includes her arranged marriage to her childhood friend Lexus. Sa pagbalik niya sa Pilipinas upang personal na asikasuhin ang kasal nila ay wala siyang kaalam-alam na hindi si Lexus ang kasama niya sa bahay kundi ang kakambal nito na si Scot.

What will happened if Stephanie finds out na hindi pala si Lexus ang kasama niya all the time kundi ang kakambal nito na si Scot na sobrang kainiisan niya?

Made-develop kaya ang feelings ni Scot para sa fiance ng kakambal niya lalo na at may nangyari sa kanila that one night?

chap-preview
Free preview
01
Bakas ang sigla sa mga mata at mukha ni Stephanie ng umagang 'yon. Kahit na malamig ang panahon sa Australia ng mga oras na 'yon ay mas pinili ng dalaga na gumising na. Usually ay late siyang nagigising pero dahil inuunahan siya ng excitement kaya naman hyper na hyper siya. "Good morning Mom, Dad!" Masayang wika ko nang makita ko sila sa may dining area. Dad is now sipping on his hot black coffee while Mom is still preparing the toasted bread. Umupo naman ako sa pwesto ko which is sa may kabilang dulo ng lamesa malayo kay Dad pero malapit naman kay Mom dito sa counter. Binatuhan nila ako pareho nang nagtatakang tingin pero sa huli ay mukhang na-gets na rin nila. Nakataas pa ang kilay ni Dad habang napapangiti naman si Mom at napapailing pa. "Hayys. Konting pakipot naman diyan oh. Kahit konti lang." Biglang sulpot naman ng boses ng Kuya ko na si Spencer. Nakapang bahay siya pero halata na agad sa get up niya na galing siya sa page-exercise sa may gym nitong bahay. Hindi ko naman maiwasan na mapa-rolled eyes dahil sa sinabi niya. Ang aga-aga ay nang aasar na naman siya. "Tsk. Shut up Kuya. " Inis na wika ko. "Shut up Kuya, " he mocked my words reason why I felt more annoyed to him. Umupo naman siya sa may tabi ni Dad kaya malayo siya sa akin. "Totoo naman ang sinasabi ko eh. Magpakipot ka naman kahit konti, hindi 'yang halatang-halata na agad sa kilos mo na talagang atat ka." Saad niya pa habang hindi niya ako binabatuhan nang tingin dahil abala siya sa pagkuha ng bacon and scrambled egg. "Hayaan mo na Spencer, baka atat lang talaga siya na bumalik sa Pilipinas, " wika ni Mom. Yehey. My super Mom always to the rescue-- "Sus. Ma naman, halata naman na si Lexus ang atat niyang balikan sa Pilipinas eh. " Pang o-okray na naman na wika ni Kuya. "Malamang. Fiance niya 'yon kaya siya atat na makita si Lexus. Kung ako kasi sayo Spencer, maghanap ka na rin nang mapapangasawa mo para hindi ka laging naiinggit sa kapatid mo, " wika naman ni Dad habang patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng newspaper na hawak niya. Napangiti na naman ako ng lihim. Buti na lang lagi akong kinakampihan nina Mom and Dad. "No thanks Dad, mas gusto ko pa na marami akong pera kesa ang magkaroon ako ng asawa, " sagot ni Kuya at kumain na siya nung bacon niya. Always bitter talaga si Kuya kapag ganitong mga usapan. Mukhang hindi pa siya nakaka-move on sa pang iiwan sa kaniya nu'ng chaka niyang girlfriend dati. Maya-maya pa ay sakto naman na tapos na si Mom sa pag toast nung bread kaya inilagay na niya sa lamesa 'yon tsaka siya umupo sa tabi ko. "Nakapag impake ka na ba?" Nakangiting tanong ni Mom sa akin pero mabilis naman akong umiling bilang sagot ko. "Baka po mamaya na lang kapag tapos na akong kumain," wika ko at kumuha na ako nung toasted bread. "Let me help you later honey," wika ni Mom sa akin at hinaplos niya pa ang balikat ko. Napangiti na lang ako tsaka ipinag patuloy ko na ang pagkain ko. "Susunod na lang kami ng Mom at Kuya mo sa Pilipinas. 'Yon naman ang gusto mo eh." Biglang wika naman ni Dad kaya binatuhan ko siya nang tingin. "Gusto ko kasi Dad na ako ang mag-handle ng lahat. Tsaka kaya ko na ang sarili ko. Ayoko naman na mag-leave kayo sa trabaho para samahan ako do'n kung matagal pa naman ang kasal ko. Sure rin naman ako na hindi ako pababayaan ni Lexus." Sagot ko kay Dad. "Sus. Baka gusto mo lang talaga na masolo si Lexus," wika na naman ni Kuya kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Sobrang ang okray talaga ng bwisit na Kuya ko na 'to. Lagi na lang ehh. Sure naman ako na nang aasar lang siya dahil mami-miss niya ako pag umalis na ako dito sa Australia. "Ohh wait, Steph, kasal muna bago alam mo na." Biglang wika naman ni Mom kaya napatingin naman ako sa kaniya ng hindi makapaniwala. "Mom. Wag ka ngang magpaniwala diyan sa sinasabi ni Kuya. Bitter lang 'yan eh. Tsaka sure naman ako na nandoon sina Tita and Tito, idagdag pa na nandoon 'yung epal niyang kakambal kaya hindi mangyayari 'yon." sagot ko at napa-rolled eyes na lang ako tsaka muling ipinagpatuloy ang pagkain ko. By the way, I'm Stephanie Hidalgo, I'm now 25 years old. Single ako pero hindi na rin magtatagal 'yon dahil malapit na ang kasal ko. Yes. Ikakasal na ako sa kababata ko na si Lexus Aisen Flynn. Well, arranged marriage lang ang mangyayaring kasal sa pagitan namin pero it doesn't matter at all to me dahil matagal na kaming magkakilala. Mabait siya, maalaga at close kami. Kung hindi niya ako gusto, sigurado naman ako na matutunan niya rin akong mahalin kapag nagkasama na kami. Sobrang close friends kasi ang magulang ko at ang magulang niya. Meron silang kasunduan na ipapakasal nila ang mga anak nila kapag naging babae at lalaki ang mga ito. And 'yon na! Babae ako at lalaki siya, the problem is-- kambal kasi ang naging anak ni Tita Aileen at Tito Den. Si Lexus nga at 'yung kakambal niya na si Scot. Identical twins sila, same gender at halos magkamukha talaga sila. Sa ugali lang ang nagkaiba. No'ng lumalaki kami ng magkakasama, hindi na talaga kami close ni Scot. Siya kasi yung tipo ng tao na mahirap pakisamahan. Yung tipo na ako na nga 'yung lumalapit sa kaniya para makipaglaro pero pinagtatabuyan niya lang ako. Tapos ang sungit sungit niya pa sa akin at parang sinasabi ng ekspresyon ng mukha niya kapag nakikita niya ako sa bahay nila ay 'nandito na naman siya'-- gano'n siya always. Kaya naman mas close talaga kami ni Lexus. Ibang-iba kasi ang ugali ni Lexus sa kakambal niya. Gaya nang sinabi ko, mabait siya, maalalahanin at maalaga. Naalala ko pa 'yung time na niligtas niya ako noon mula sa pagkalunod-- 'yon din ang rason kung bakit may crush ako sa kaniya hanggang ngayon. He is my knight in shining armor. Nu'ng nakita ata ng mga parents namin na mas okay ang relasyon namin ni Lexus, as in sobrang click kami at close kami... kaya si Lexus ang napili nila na ipakasal sa akin. Masaya naman ako do'n sa choice na napili nila kesa naman si Scot ang mapangasawa ko di ba? THAT IS A BIG NO! Hindi naman kasi inilihim ng mga magulang namin ang tungkol sa kasunduan nila nung mga bata pa lang kami. Kapag daw may mga kaya na kami o may narating na kami sa buhay ay doon pa lang daw kami pwedeng ikasal. Akala ko noon ay tatanggi si Lexus. Sobrang kinabahan talaga ako no'n, pero buti na lang wala akong narinig sa kaniya na pag tanggi. Kahit nu'ng nag-base na kami ng parents ko dito sa Australia ay hindi pa rin kami nawalan ng koneksyon sa isa't isa. Minsan nagkakausap kami sa text o sa tawag. Kahit alam kong busy siya dahil siya 'yung nagpapatakbo ng kompanya ng parents niya ay naglalaan pa rin siya ng oras para kamustahin ako. Hindi ko pa rin alam kung may nararamdaman din ba si Lexus para sa akin tulad nang nararamdaman ko para sa kaniya pero hindi na 'yon mahalaga. Basta maayos ang pakikitungo niya sa akin ay sisiguraduhin kong magwo-work ang relasyon namin kapag kinasal na kami. At bukas... flight ko na pabalik ng Pilipinas. Sobrang excited na akong makita siya at makasama. Halos tatlong taon na rin kasi no'ng huli ko siyang nakita. Miss na miss ko na siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook