CHAPTER THREE

2348 Words
The Author’s POV Walang emosyon na nakatayo habang nakapamulsa ang lalaking ito sa tapat ng Glass wall nang kanyang Opisina . Mula sa kanyang kinatatayuan kung san ang Top floor ng building ay tanaw nya ang dalawang pong estudyanteng kakapasok lamang sa Gate ng Academy. Nakikita nya ang pagwawala ng mga ito . “New Student’s !” Isang boses babae ang lumapit sa kanya at tumabi upang tignan din sila. “Let them out!” Walang emosyon na sagot nya sa kausap. Tumawa ang babae at tinapik sya sa balikat. “I can't let them out ,Alive!Chairman...” sabi nito na halatang nasisiyahan sa nakikita sa baba. Nilingon sya ng lalaki . “I’m the Chairman. And im telling you to set them free!” Nakangiting nakipag titigan ang babae sa lalaki . “But I’m the Owner.” Tumalikod na ang babae at naglakad na palapit sa palabas ng Kwarto . Nhean’s POV “What the Heck!Anong nangyayari?” Naibulalas ko dahil mula sa likod namin ay bigla silang nasigawan at nagwala.Hinawakan ko sa kamay si Ve at tumingin kami sa likod at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga di ko makilalang mga lalaki na may takip sa mukha ang sumugod sa kanila at binogbog . Agad kong hinila si Ve papunta sa matagong part ng lugar na ito Hindi pa nga kami nakakalayo sa gate bigla nalang may sumugod sa amin. I can' almost hear screams because of pain.At ang iba nagmamakaawa but they are just have no mercy. Napahinto kami ni Ve sa pagtakbo ng bigla may dalawang lalaki ang humarang sa amin.Humarap na rin kami pakilod pero meron din sa likod namin. Sh*t. “Anong kailangan niyo?” Matapang kong tanong kahit na sa totoo lang,kinakabahan na talaga ako. Hindi sila nagsalita at hinawakan ang magkabilang balikat namin at sinapak kami ng mga lalaki. Sa lakas ng pagkakasapak nya sa akin tumilapon ako sa sahig . Naramdaman ko rin ang pag-agos ng dugo sa labi. Kasabay ang luha dahil sa sakit. Hinihigit nya ako patayo pero nagpupumiglas ako But wala akong magagawa.Ano ba ang lakas ko kumapara sa kanya?Lalaki sya “N-no..Please~” Napatingin ako kay Ve at nakahilata sya sa sahig habang pinagtatadyakan ng mga lalaking to. “HINDDDIII!STOP IT!CAN'T YOU SEE?BOGBOG NA SYA!” Sigaw ko at naaawa ako sa hitsura ni Ve ngayon.Pero wala akong magawa. Bigla namang hinila ako ng lalaki palapit sa kanya at nagulat ako ng naglabas sya ng kutsilyo. “A-anong gagawin mo?” Mahigpit ang pagkakahawak nya sa Braso ko kaya di ako makakalayo. “Die!” He whispers kaya kinabahan ako.So they really are going to kill all of us?Ano bang tong lugar na to? Do we just enter our self in a trap? Did we made a wrong decision? “w-wag please—” Sasaksakin na sana nya ako pero bigla namang may nagsalita sa likod. “I never knew you were that gay!” Napahinto sya at napatingin kami sa likod nya.Just to see a guy standing there with his hands on his pockets and smirking at this cruel guy infront of me. Hindi nagsalita ang lalaki at susugurin sana sya pero bago pa nya masaksak ang kutsilyo don sa lalaki na sa tingin ko ay yun lalaki na nagngangalang Jered—?Red? Ay basta yun. Hinigit nya ang kamay nito na may kutsilyo at walang kahirap -hirap na nakuha nya ang kutsilyo. Sabay suntok nito nang malakas na syang nagpatulog sa lalaki. Napatulala ako habang nakatingin sa kanya at walang ka emo-emosyong nakatingin din sya sa kalaban. Maya-maya bigla kong na-alala si Veynon.Nilingon ko at nakahiga parin sya don at sa tingin ko ay walang malay. “Ve.Ve. wake up!” Sobrang nag-aalala ako para sa kanya.I just met her awhile ago pero magaan na loob ko sa kanya. Napatingin ako sa iba at nagulat ako na kukunti nalang kaming nakatayo. The whole place was covered with bloods and dead body nang mga kasama namin. Patay narin ang ibang mga goons na umatake sa amin kanina maski itong bumogbog kay Ve. Binilang ko ang mga sa tingin ko ay buhay pa. Pito ksama na ako . Tinignan ko si Ve at hinawakan ang pulso nito.Thanks goodness!Buhay pa sya. So bale walo kaming natitira.Ugh.Out of tweenty kami lang Walo? “Ve. Gising.Ve.”naiiyak na talaga ako.I cant believe nangyayari to.Alam niyo yung bangongot na nangyari sa akin sa Mall ay naulit muli.At mas worst pa to. Marami ang patay dito. “Twelve are confirmed dead.” Biglang nagsalita yung deyland.Inaalalayan nya yung girlfriend nya na bogbog din pero may malay pa. Napatingin naman ako don sa kabila at inaalalayan ng isang lalaki ang isang babae. At yung Kasama nila Deyland na sa tingin ko sy si Shaena? Wala syang galos sa tingin ko. Marunong basyang makipag laban? Napatingin naman ako sa biglang umupo sa harap ko which is sa tabi ni Ve. Tinignan niya ako saglit. “Let’s find some place to hide. Before another gangs will come.” sabi niya but i know its for all of us. Binuhat nya si Ve at nauna nang maglakad papasok sa Academy talaga.Ugh.Pagkatapos ng nangyari papasok pa kami dyan? But well,hindi rin naman kami makakalabas. It's already 1:00am ng madesisyonan naming huminto sa isang Park. Medyo maliwanag dahil sa mga lamp post. Inilagay nung lalaki si Ve sa isang bench at pinahiga. Tumabi naman ako kay Ve. Yung iba naman ay umayos narin ng pwesto para makapag pahinga. “A-ano ba tong pinasok na tin?” A girl cried.Niyakap sya ng kasama nyang lalaki at pinatahan. “Sana hindi nalang ako sumakay sa bus na yun. ” Bigla namang salita nung Taylor ba yun.Basta yung Gf nung Deyland. “Lahat naman tayo nagsisisi.Look,weve just made a damn wrong decision.It a big mistake on riding that fvckin bus. Pero pasalamat nalang tayo at buhay parin tayo.” sabi nung Deyland. “pero naiisip niyo ba?Sa pagpasok palang natin marami na ang namatay.Pano pa kaya kung magtagal tayo sa school na to?” Sabi nung Shaena. “uhhhhh....” We heard moan kaya napatingin kami Kay Ve .Agad akong napahawak sa kanya. “Ve.Are you okay?” i ask while cupping her face. “a~a-aray!” she cried. “Don't worry. Im here.” sabi ko at tinignan sila. “Nasasaktan sya sa mga Bogbog nya.Anong gagawin ko?” Lumapit yung Shaena sa kanya at chineck sya. “Sa totoo lang wala tayong magagawa para mabawasan ang sakit nya.We dont have enough things. Patulugin mo nalang muna sya..” sabi niya at hinaplos ang pisngi nito. Hinaplos-haplos ko nalang ang noo ni Ve.Parang ramdam ko ang sakit habang nakikita ang mga bogbog at pasa nya. “By the way guys,I’m Willa Cruz.” sabi niya ng nakangiti sa amin. “And this Is Terrence Anderson.My Bestfriend. ”pakilala nya sa kasama. “I'm Taylor Canono. And This is my Boyfriend Deyland White!”pakilala naman nung nasa kabila. “I'm Shaena Manalo. ”sabi nang katabi ko. Napatingin naman sila sa akin. “Uh.I'm Nhean Shin Valdemore. And this is Veynon Mendoza. ” pagpapakilala ko. Napatingin naman kami sa lalaking nakaupo at nakasandal sa poste. Napatingin sya sa amin naparang walang alam. Pero ang cute nya . “Well,How about you ?” tanong ni Shaena sa kanya. Umiwas na sya ng Tingin at pumikit. “Red.” he simply said. “Zamora.” “Nhean.Wake up!” Naalimpungatan ako ng biglang may umalog sa akin.Napamulat ako ng mata pero madilim pa naman. Nasa tingin ko ay Dawn na rin. Napatingin ako kay Shaena. “Wake up.We need to hide before the students arrive. ” sabi nya. Agad narin akong tumayo.Si Ve naman salamat at gising na kaso nga lang, hinang-hina parin kaya binubuhat parin sya ni Red. Naunang naglakad sina Willa at Terrence. Tahimik kaming naglalakad papasok sa isang corridor na tahimik. Sa tingin ko kasi ang school na to ay isa ring Boarding school. Naliligaw pa nga kami . Nang biglang may isang babaeng nasa 20's ang lumapit sa amin. She's smiling innocently.But i don't know.Inosente nga ba ang babaeng to? “Kayo ba ang Bagong Pasok?” Sa boses palang nya inosente na. Walang sinoman ang nagtangkang sumagot sa amin. After what happen,hindi ko alam kong magtitiwala pa ba kami. Lumapit sya sa akin.okey.Hindi ko alam ang irereact ko.Pano kung may biglang hawak na kutsilyo na to?At saksakin ako? “Miss? ” “H-huh? O-oo. Kami yung bago.” kinakabahan kong sagot. Tumango sya. “But not only the eight of us. The other twelve was killed. ” hindi ko alam kung pano ko yun nasabi sa kabila ng kaba na nararamdaman ko. Tumingin sya sa akin pero wala na ang ngiti. “I understand kung bakit kayo parang natrauma. In this school, normal na ang may namamatay. Sa lugar na to, para sa mga taong andito ang pagpatay ay parang paglalaro. Killing is Legal in this School. ” “What?” naibulalas ni Willa. Ngumiti sya ng kunti. “C'mon students. Sumama na kayo sa kin.I'll bring you to your rooms. ” Nagsimula na syang maglakad pero wala sa amin ang sumunod.Lumingon ulit sya at ngumiti. “Come on.Wag kayong matakot.Trust me.Gaya nyo.Biktima din ako ng paaralang ito. ” Nagkatinginan kami at tumango naman si Deyland kaya sumunod narin kami. Dinala nya kami sa fourth floor. Habang naglalakad nakakasalubong na kami ng mga estudyante na sa tingin ko ay papasok na rin sa School. Lahat sila napapatingin sa amin na parang may sinasabi sa amin sa pamamagitan ng mga tingin nila. May iba, parang natutuwa may iba na parang nag-aalala at iba parang walang pakialam. Sa mga estudyante palang nakakakilabot na. “Andito na tayo!” Huminto kami sa tapat ng isang pinto na may nakasulat na Room 166 sa itaas. “Dito ang kwarto ng mga babae. At sa kabila ay ang mga lalaki!” sabi pa niya. Binigyan nya kami ng encouraging smile. “At yang kasama niyong walang malay.Mas makakabuti kong dalhin niyo nalang sya sa Clinic para matignan ng mga nurse. ”sabi niya pa. Napatingin naman ako sa kanya. Ayaw ko sanang magsalita kaso nacocurios talaga ako. “Mapagkakatiwalaan ba ang mga nurse dito?” “Huwag kang mag-alala.Ang nurse na nakaaassign sa Clinic 4 na malapit lang dito ay si Nurse Joy.Kasama ko sya nang pumasok kami dito 2 years ago. ” Tumango nalang ako.Para naman kasing nagsasabi ng totoo to kaya maniniwala na ako. Binigyan na nya sila ng Susi sa kwarto namin at sa kabila para sa mga boys pero kami ni Red ay sinamahan muna si Ve sa clinic. Limang minuto lang naman ang nilakad namin para makarating ng clinic. Nakaupo lang ako sa kabilang dulo ng upuan habang hinihintay na magising si Ve.Si Red naman ay sa kabila rin. “Kailangan nyo muna syang pagpahingahin ,”sabi nung Nurse Joy habang may ginagawang kung ano-ano sa mga sugat ni Ve. “Nurse Joy.Okey lang naman sya diba? Wala namang masamang nangyari.” nag-aalala kong tanong. “wag kang mag-alala Hija.Bogbog at pasa lang naman ang natamo nya.Bukas e okey na sya pero kailangan nya paring magpahinga. ” Hindi na ulit ako umimik .Nakakaawa talaga ang hitsura ni Ve ngayon.Haist!Maya-maya e pinalabas narin kami ni Nurse Joy at mas mabuti daw kung sa kwarto nanamin magpapahinga si Ve. Natapos ang buong araw namin na andito lang sa loob ng kwarto. Natutulog parin si Ve.Ang mga lalaki naman ay andito din sa kwarto namin pero lalabas lang sila kapag nakatulog na kami. “Bukas na bukas maghahanap tayo ng Paraan na makalabas dito.” sabi ni Deyland at hawak-hawak ang kamay ni Taylor. “Dapat Lang.Hindi tayo pwedeng magtagal dito. Kasi hindi natin alam ang mangyayari sa loob ng Academyng ito.” dagdag ni Terrence . “ Walang daan palabas sa paaralang to.” Napatingin kaming lahat kay Red.Nakatayo sya sa gilid ng Bintana habang nakatanaw sa labas . “Pano mo nalaman?” naitanong ko. Lumingon sya sa amin pero sa akin sya nakatingin. Gusto kong umiwas ng tingin dahil naiilang ako sa tingin na ipinupukol nya sa akin. Pero wala akong choice. Kailangan ko yung salubungin. “ Hindi niyo ba nakita ang matataas na gusaling nakaharang sa buong paaralan? ”mahinahon nyang sabi. Napaisip ako.Hindi ko yun napansin kasi wala naman ako sa tamang pag-iisip kanina.Ang alam koy kinakabahan talaga ako at di mapakali. “so wala na ba tayong gagawin ? Hahayaan nalang ba nating makulong tayo dito habang buhay?” tanong ni Terrence. *TOK.TOK* Napahinto kaming lahat at nanigas sa mga pwesto namin ng dahil sa katok na yun. Nagkatinginan kami at nagdadalawang isip kung bubuksan ba o hindi. *TOK.TOK* Agad na akong tumayo. “Nhean. Baka kung sino yan mapahamak ka pa!” rinig kong sabi ni Terrence. “Pero pano kung hindi pala yan masama?Mag-iingat ako.Wag kang mag-alala.”mahinahon kong sabi.Naglakad na ako paplapit sa pinto at bubuksan na sana ito pero naunahan ako ng kamay ni Red na humawak sa doorknob. I was surprise at what he did. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang sya sa pinto. “stay behind me. ” Natulala ako ng ilang segundo pero sinunod ko parin sya. Nasa likod nya ako ng buksan nya ang pinto.At napahinto kami ng tumambad sa harap namin ang isang babaeng nakabusiness attire. With matching high heels ,red na red na lipstick at naka eyeglass. Hindi sya nakakatakot tignan pero dahil sa apat na naglalakihang bodyguard sa likod nya matatakot ka talagang banggain siya. “Good evening student's.I’m Miss Sweet.I'm here to personaly give you this. Since your the last students who had entered our school” Sabay abot nya ng isang papel. Inabot naman yun ni Red. “That would be your schedule.Tomorrow you can attend your classes. Welcome to Shimmara Academy.Have a Sweet sleep ,darlings....” sabi nya at tumalikod na sila. Hinabul ko sila ng tingin hanggang sa isinara na ni Red ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD