CHAPTER TWO

2108 Words
NHEAN’S P.O.V Nanlulumo akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Sandamakmak kasi na Sermon ng Daddy ko ang inabot ko dahil sa pagtakas ko. At mas dumoble pa na halos marinig na nang kapitbahay namin ang galit nyang boses dahil sa lakas nito. *sigh* Umupo ako sa harap ng Study table ko na nakaharap sa Glass window ko kaya kita ko ang ulap. Makulimlim na at mukhang maggagabi na din. Tapos sa kasagsagan ng pagtitig ko sa ulap bigla kong naalala ang Ngiti niya. Kelan ko kaya sya makikita ulit? Tsaka ,sang school ba sya? Haist! *creeeeaccckkkkk* Tunog yun ng pinto na dahan-dahang bumukas.Agad akong napalingon sa gawi nito to see my Nanny entering my room. “Manang!” i called her with a pouty lips. Ngumiti sya ng kaunti at lumapit sa akin. “okey ka na?” tanong nya at hinaplos ang buhok ko. “Uhuh! ” i nod. “Hay naku Anak ko!Kitang-kita naman sa mga mata mong malungkot ka.Alam mo Nhe, nag-aalala lang ang Daddy mo sayo. Tignan mo,muntik ka nang mapahamak. Tumakas ka pa.... ” “pero kasi Manang, hindi ko maintindihan si Dad. Why do he keep on hiding me inside this house and keeping me away from people?. Napaka Anti social ko. I never experienced having lots of friends...Nung elementary ako ,Home schooled at ngayon High school na ako at Nasa 6th year na Home schooled parin. Kelan ba ako makakagala sa Mall na kasama ang circle of friends ko?” sumbat ko na halata sa boses ko ang pagtatampo.Nasasakal kasi ako kay Dad. Inaamin ko. Nalungkot si Manang sa narinig ko. “Nhe, may mali din naman ang Daddy mo pero... Ito ang tandaan mo. Lahat ng to ay para rin naman sa yo. Ayaw nya kasing— aist.Wala.Basta mahal ka nya okey?” “Manang?Anong ayaw nya kasi?Tell me?” “wala Hija.Sige matulog ka na...” sabi niya at hinalikan ako sa ulo ko. Nakalabas na si Manang nang kwarto ko at malalim parin ang iniisip ko. 20 years nang nagtatrabaho si Manang dito sa amin ayon kay Daddy .Kaya sure akong may alam sya kung bakit namatay ang Mommy ko. And i want to find it out!Ayaw ko namang laging Walang Alam. Napatingin nalang ulit ako sa bintana ng eksakto namang may nakita akong isang ilaw na parang nakaturo sa langit. Alam niyo yung katulad ng kay Batman?Yung parang flashlight na ginagalaw o yung ginagamit nila para hindi umulan? Basta ganon...kaso iba ang kulay nito. Red Light . Binuksan ko ang bintana para makita ito ng maayos . At dahil sa kuryosidad ko it push me to climb the window at lumabas don. Bumaba ako sa ikalawang palapag na bubong , at muntik pa akong madulas mabuti at nakahawak ako. Naglakad ako sa pinakadulo ng bobong avoiding making any loud noise.And when i reach the edge of the Roof na syang may Sanga naman ng kahoy na ang Puno talaga nun ay nasa labas na nang Bakod nang bahay namin. Mala ninja akong umakyat sa sanga at nagpaka spider Man na bumaba sa puno.I dont know where did i learn all of that.Basta lang akong natoto because of my eagerness. Nang makababa na ako napatingin ako sa Gate namin na medyo malayo dito sa kinatatayuan ko. “I’m Sorry Dad!Ngayon lang to. Babalik din ako agad....” sabi ko at tinahak na ang Daan papalapit sa ilaw na yun. Andito ako sa harap ng isang Malaking puno. At andito nga iyong ilaw na yun. Kaya binasa ko ang nakasulat na nasa gitna nang bilog ng Ilaw. S.A What does that mean? Ano bang meron?Ano bang palatandaan yan?Ngayon ko lang kasi yan nakita. Dahan-dahan ng nawawala ang ilaw at para bang may nagfoform na smile sa gitna nito imbes na S.A kundi yung smile na. Weird.Ano ba kasi to? “Miss ?” Agad akong napalingon sa likod ko nang gulat na gulat at nanlaki ang mata as i saw an Old Man . His with his Black suit ,red neck tie , White curly white hair with eye glasses. Para syang si Einstein . His too thin na para bang hindi kumakain. Mukha naman syang mayaman ah. “ah L-lo? Bakit?” tanong ko. Ngumiti sya sabay abot ng isang Bondpaper na hindi ko makita ang sulat kasi madilim na. “Ano po yan?” “Alas otso na nang gabi.Ito ang huling araw nang Enrollment . ” mahinahon nyang sabi. “Po?Anong Enrollment?” ang gulo naman ni Lolo. Tumingala sya kaya napatingala na din ako.At nakita kong malapit nang mawala ng tuluyan ang ilaw. “Ito ang Enrollment Form.Ang Ilaw na yan ay sumisimbolo na Last Trip na ito ng Bus na yun papuntang Shimmara Academy.....”sabi niya sabay turo sa di kalayuan at may natanaw nga ako.Madilim sa part na yun pero makikita mong may nag-aakyatan. “Po?S-school po?” bigla akong naExcite. Tumango sya at ngumiti. “Bilisan mong pirmahan ang Form na yan at para makasakay ka na sa Bus papunta sa S.A. ” sabi niya.Napatingin ako sa Enrollment Form daw na hawak ko na. “Pano po?E ang dilim...” Naglabas sya ng FlashLight at iniliwan ang Form ko. NakakaAmaze naman si Lolo.IMREADY kasi sya.HAHA. Binigyan nya ako ng ballpen at agad ko naman yung pinirmahan .Sinulat ko rin ang pangalan ko. Name: Nhean Shin Valdemore. Kinuha na nya ang Enrollment Form.Pero nagulat ako ng hilain nya ang kamay ko at naglabas sya ng kutsilyo.Nanlaki agad ang mata ko sa takot at babawiin sana ang kamay ko ng hiwaan na nya ito at ang dugo ko ay pumatak sa tapat mismo ng Pirma ko. “Maari ka nang Sumakay!” sambit niya.Napatitig ako sa kanya. “p-po?Hindi pa po ako nakakapagpaalam sa Daddy ko.Tsaka wala pa po akong dalang gamit.Babalik nalang po ako!” “Wala nang oras.Bilisan mo. Magsasara na ang Gate ng Academy sa pagpatak ng Ala una ng umaga bukas.Wala nang makakapasok. ” “Pero po kasi—”bigla nalang akong hinila ni Lolo papunta sa harap ng pintoan ng bus. “Ako na ang bahala.Bilisan mo.” Agad akong napaakyat sa bus ng marinig ko ang boses nya na parang kelangan ko na talagang magmadali.Nakakabigla naman to.Wala akong maintindihan. Tsaka kinakabahan ako.Saan ba kami pupunta? Sa School na Yun?San ba yun? Nag start na ang engine ng Bus at sumara na ang Pinto.Napatingin ako kay Lolo na nagpaiwan sa daan. “Teka Lang—”natigilan ako ng mapansin ang Ngisi ni Lolo.Nakakatakot yun at para bang pinapahiwatig nyang kailangan kong matakot. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa mga sakay ng Bus. At kadalasan sa kanila para ring walang ideya pero may iba Relax lang. Naglakad ako papunta sa bandang hulihan ng Bus .Umupo ako sa bakanteng upuan na walang katabi. Pumwesto ako sa Bintana. “Ugh.Guyss.Tama ba to?”rinig kong sabi ng babae sa Likod ko. “Ang Alin?” “Ito. Sabi ko kasi sa Mom ko Mag oovernight ako sa bahay niyo Deyland pero di ko sinabing maabotan ako ng ilang araw” “Don’t worry Babe.Itatry lang naman natin yung School na sinasabi ni Lolo. Maganda daw kasi yun.Tsaka sinabi ko naman kay Lolo na kung uuwi na tayo magpapahatid nalang tayo sa bus na to. ” “talaga?” “Yun naman pala Bes e. Sige Calm down na.Basta matutulog na muna ako at baka makakita ako ng Hotties sa school na yun” Pwede naman palang magpahatid.Gumaan narin ang pakiramdam ko.Baka kasi hanapin ako ni Dad. Napatingin ako sa labas ng Bus at nagtaka ako. Unti-unti nang nawawalan nang bahay sa nadadaanan namin. “Miss pwedeng dito nalang ako?” Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko.Kulot ang buhok nya , may pagka Pale sya . Tumango lang ako bilang tugon kaya umupo na sya agad. “Napaka bully kasi ng mga kasama ko don sa upuan.At kadalasan lalaki kaya lumipat na ako.Okey lang ba talaga?” daldal nya pa.Ngumiti lang ako sa kanya. “Ako nga pala si Veynon. Veynon Mendoza. But you can call me Ve for short. ” sabi niya at nakangiting inilahad ang kamay sa akin.Ayaw ko namang maging Rude kaya inabot ko. “I’m Nhean Shin Valdemore. ” Napatitig sya sa akin. “ Valdemore?Ka ano-ano ba kayo ni Atty. Valdemore?” “Actually,His my Father.” “oh Really? Ikaw pala ang unica Hija nya.You know i like Atty. Valdemore.Naipagtatanggol nya ang nasa panig ng katotohanan. ” “hehe.Thanks.” sabi ko at nginitian sya. “ Narinig mo rin ba yung Kaso tungkol kay Shimmara Shean Cruz? ” Napatingin ako sa kanya.That Girl.Narinig ko ang tungkol nyan maybe 6 years ago? Narinig ko sa usapan nila Dad na ni-r**e at pinatay daw.I actually don't know what really happened. Pero umiling ako kay Veynon.Baka kasi humaba pa ang usapan. “You didn‘t heard about it?Ang alam ko kasi, Your dad handled her case. But—sad to say,until now hindi parin napapatunayan sa corte ang totoong may sala ng pagkamatay nya. ” Tinignan ko sya. “Binitawan na ni Dad ang kaso na yun.” “Talaga?so you've heard about it too. So totoo pala.Why?Your dad seems to be a very Good and Smart Attorney ive ever known. ” Napaisip ako.Pero wala akong maisip na dahilan nya. “I don’t know!”pero binalingan ko sya. “How did you know about that Girl?” “Hehe.Well-known ang babaeng yun sa buong village namin dahil sa ganda at talinong taglay nya.Shes every guys dream girl.Palagi din syang laman ng news paper.Her dad kasi is a Well Known Business Man in the Philippines and in Korea. And i heard , may pinagmamay-arian dawng School ang family nya.Ang ano ba yun...hmmmm....” napatitig lang ako sa kanya habang nag-iisip sya.Di kasi halata sa mukha nya na madaldal pala syang tao. “AHA! CRUZY HIGH !” bigla nyang sigaw kaya napatingin ang lahat sa kanya. “Ano ba Ve!Kahit kelan wala kang Preno!”kantyaw ng isang Lalaki sa kanya.Nagtawanan naman ang mga kasama nito.Kaya naman pala binubully. Umirap lang sya sa mga to. “ever heard of that school Nhean?” “I never heard about that before. sa totoo kasi,Home schooled ako. From Elem. To High school.” Nanlaki ang mata nya. “REALLY?——AWW!” *EEEEEEEEEEEEEKKKKKKKKKKKKKK* Kaming lahat ay naubob ang mukha sa harapan dahil sa malakas at biglaang pagpreno ng bus. “what happen?” “Oh my gosh!” “are we there?” Halo-halong sabi ng mga tao sa loob ng Bus. Nakahinto na ang Bus kaya parang feeling ko andito na nga kami.I look at my wrist watch and its already 11:30pm. Hindi ko namalayan ang oras. *Attention Kids.Attention!This is Miss Sweet. Just remain to your seat until i call out your names one by one....* Rinig naming boses ng isang babae from anywhere. Maybe may speakers dito. Nagtawag na sya ng pangalan at isa-isa naman yung lumabas sa bus. May iba kinakabahan.May iba naman natatakot at iba naeexcite. Ako lahat nasa akin. First kong pumasok sa isang School. *Deyland White....* Tumayo ang lalaki na nasa likod ko. Nag-usap pa sila ng Girlfriend nya yata . Sila yung nag-uusap sa likod ko kanina. Bumaba na rin sya. *Veynon Mendoza...* Tsaka pagtayo ni Ve. “hihintayin kita sa labas Nhean..”sambit niya.And i Nod. * Shaena Manalo* Sabay tayo ng Isa pang babae na kasama nung deyland *Taylor Canono...* Sabay tayo nung Girlfriend ni Deyland.Ako nalang ang mag-isa.Kaya agad na akong napatayo kasi ako na ang tatawagin pero nadismaya ako. *Jexter Red Zamora...* Napalinga ako sa paligid. Hanggang sa may tumayo sa may unahan. Nakaheadseat sya. May black peircing sa right ear at Black na black ang buhok nya. *And Nhean Shin Valdemore...* Tumayo na ako at lumabas ng bus. Nilapitan agad ako ni Veynon. *20 students are going to enter the Gate to Hell. Welcome to Shimmara Academy. * And with that the bus left us all in front of a huge and tall gate .Its color black. May vines na kulay bronze ang nakadesinyo dito. Napatitig ako sa kabuuan nito.Is this a school? Kinakalawang na ang gate at lumang-luma na.Napakatahimik pa ng lugar at napakacreepy ng ambiance.Its like were in a horror movie. Naalala ko tuloy ang Movie ni Janella Salvador na The Haunted Mansion. Para nga kaming papasok sa isang Haunted School. Tama ba tong pinasok namin? *Engggggggggkkkkkkkkkkkkkkk* Nahapwak ako kay Veynon ng marinig ko ang creepy na tunog ng pagbukas ng gate . At halatang luma na ito. Walang imik na pumasok kaming lahat don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD