NHEAN’s POV “N-nhean, t-tulungan mo ko~” Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang pagkaba nang dibdib ko habang palinga-linga sa kung saan . Nakatayo ako sa gitna nang napakadilim na lugar. Wala akong makita na kahit katiting naliwanag and that creeps me out. “Nhean~ tulungan mo ko. Nhean~” Nagpalinga-linga pa ako upang hanapin kong san nangagaling ang boses na iyon na pamilyar sa pandinig ko. “W-willa?” Kahit na wala akong makita,alam ko kung kanino yung boses na yun. “Tulungan mo ko. Ayokong mamatay. Tulungan mo ko~” Puno nang takot. Sakit at pagdaing ang boses nya. Sinubukan kong igalaw at ihakbang ang mga paa ko pero di ko magawa. Para bang naka glue na ang mga binti ko sa sahig na to. “Bakit ayaw mo kong tulungan ? Nhean~ tulungan mo ko. ” “Willa asan ka? Ma

