THIRD PERSON'S POV Hindi nakapag salita si Caliber at tulala lang hanggang sa makaalis si Clark. Malakas na bumukas ang pintuan at iniluwa non sina Axel at K. Napatingin siya sa Dad niya, napaawang ang labi ni Axel ng makita ang walang buhay muling mata ng anak. Mabilis siyang lumapit at niyakap ang anak niya. "She's gone. She leave me." Niyakap niyang mahigpit ang anak. "It's okay, gagawa tayo ng paraan." Bumitaw si Caliber. Naglakad ito papalayo sa kanila at malakas na isinarado ang pintuan. Nagkatinginan sina Axel at K. *** Lumipas ang mga araw at hindi pa rin nag sasalita masyado si Caliber at nanatiling nakakulong sa kanyang kwarto. Kung lalabas ito at makikita nila at lilingon lang sila at hindi papansinin. Pinapunta nila ngayon sina Kean at James para lumabas si Cal

