THIRD PERSON'S POV Lahat sila ay busy dahil sa nalalapit na kaarawan ni Caliber. Ipinilit ni Caliber na umuwi sila sa Pilipinas pero hindi iyon pinayagan ni Axel dahil alam nitong pupuntahan nito si Helliana pero nangako ito na kapag natapos ang kaarawan niya ay babalik sila sa Pilipinas. May kasunduan sila ni Clark na kapag katapos ng kaarawan ni Caliber ay aalis sila ni Helliana at magpapakalayo. Kilala niya si Clark, kapag si Clark mismo ang gumawa ay alam niyang hindi ito magagawang hanapin ni Caliber kahit anong mangyari. "Hey, Cal. I think she likes you." Tinukso ni Kean si Caliber sa babaeng kanina pang nakatitig kay Caliber na naka upo lang at pinapanood ang mga taong sobrang busy para sa kanyang kaarawan. "Look, she's blushing." malakas na sabi ni Kean at narinig iyon ng dalag

