CALIBER'S POV Nakatingin lang ako sa bintana at pinag mamasdan ang bilog na buwan habang sila ay nag kakasiyahan sa may labas. Wala akong planong lumabas doon, sa totoo lang ay alam ko rin namang may handaan. Hindi naman iyon ang gusto ko ngayon, hindi sila ang gusto kong makasama kundi si Helliana. Agad akong napalingon ng mag bukas ang pintuan ng kwarto ko. Inilapag ko sa maliit na lamesa ang iniinom kong wine at pinag masdan mabuti ang babaeng namumulang nakatingin sa akin. "Get out." malamig kong utos sa kanya. Kitang kita ko sa mata niya ang takot ng pag-masdan ako nito. Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya kaya nag-lakad ako papalapit sa kanya dahilan para mapaatras ito. "I said get out." mariin ko ng utos sa kanya. "B-bathroom." uutal utal nitong sabi sa akin. Hinawakan

